Naisip ni Thea na masyadong monotonous ang relasyon nila ni James.Sinimulan niyang asarin si James.Hindi niya alam kung gaano kalakas ang kanyang mga salita.Ang matigas na nakikipaglaban na si James ay napaamo lamang ng isang pangungusap.Napalunok si James. “O-Oo.”Namumula na sabi ni Thea, "U-Umalis na tayo rito."Naalala ni James ang sarili at mabilis na binuhat si Thea palabas ng banyo. Pagkatapos ay inilagay siya nito sa kama.Samantala, agad namang tinakpan ni Thea ang hubad na katawan ng kumot. Namumula ang pisngi, ngumiti siya kay James. “Gabi na ngayon. Dapat na tayong matulog." “Oh.” Humiga si James sa kama.Gumulong si Thea sa kabilang side habang nakatalikod kay James.Kahit na sinindihan niya ang apoy sa loob ni James, pinili niyang huwag patayin ang mga ito.Hindi komportable si James sa buong katawan niya. Gayunpaman, pinili niyang pigilan ang pagnanasa.Lumipas ang gabi nang tahimik.Maagang nagising si James kinaumagahan.Si Thea naman ay tulog pa r
Ilang malalapit na kamag-anak lang ng mga Hill ang nandito kahapon.Ngayon, gayunpaman, ay iba.Nandoon ang lahat.Si Jedidiah at ang kanyang apat na anak na lalaki at dalawang anak na babae, gayundin ang kanyang mga pamangkin, naroroon lahat. Umalingawngaw sa tawanan at saya ang looban ng tirahan ng Hill.Naging paksa ng talakayan sina James at Thea pagdating nila. Lahat ay nagbulung-bulungan tungkol sa kung paano dumating ang oras ni Gladys at kung paano niya tuluyang maiangat ang kanyang ulo.Pumunta si Gladys sa kanila at sinuway si James, “Ano bang iniisip mo, James? Sino ka para lasingin buong gabi ang anak ko?!”Nagmamadaling paliwanag ni Thea, “Mom, hindi niya kasalanan. Uminom ako ng konti kagabi. Kaya napagdesisyunan na kumuha ng room sa isang hotel.”"Aunt Gladys, pinainom ko si Thea kagabi." Lumapit si Cyrus at nakangiting sinabi, “Hindi kinaya ni Thea ang ininom na alak at nalasing lamang siya pagkatapos ng ilang baso ng alak. Hindi niya kasalanan."Saka lang medyo
Sinong mag-aakala na ang Black Dragon na pinag-uusapan nila ay naroon sa eksena? Gayunpaman, hindi nagtangka si Xara ba ibunyag ang pagkatao ni James. Palaging hindi masyadong nagpapapansin si James at hindi niya kailanman binanggit ang pagkatao niya. Hindi nagtagal, unti-unting dumalo sa venue ang pamilya ng mga Hill at naging masigla ang villa. Kasabay nito sa villa ng mga Xenos. Kinakabahang naglakad-lakad si Richard Xenos sa sala. Kagabi, nakatanggap siya ng balita na binabalak ng higher-ups na pahirapan ang Xenos nang makauwi siya. Ang mga Xenos ay ang number one household sa Cansington at marami silang kamag-anak sa militar, pulisya, at pati sa gobyerno. Ang tanong nagpaalam kay Richard ay isang tao sa militar na may mataas na ranggo at isang importanteng miyembro ng mga Xenos. Nalaman niya na ito ay dahil sinubukan ni Washington na mangkanti ng mga customer sa Primary Pharmacy kahapon nang umaga pero may nagalit silang maimpluwensyang tao. Inimbestigahan ni R
Bago siya kumilos, inimbestigahan na ni Bryson ang background ng mga Hill. Ang mga Hill ay may maraming estudyante na nasa sari-saring larangan, at ang pinakamaimpluwensiya sa kanila ay ang City Police Department Chief. Marami rin silang kamag-anak sa militar, pulisya, at pamahalaan. Gayunpaman, wala sa kanila ang may mataas na ranggo sa mga larangang ito. Samantala, ang boss niya ay nasa posisyon na may mataas na awtoridad at ang pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa North Cansington. Sa courtyard ng villa ng mga Hill. Nakarating na ang karamihan sa mga punong miyembro ng pamilya. Nakaupo sa harapan sina Yitzchak at ang old lady ng pamilya. Hindi pa nagsisimula ang handaan. Ayon sa tradisyon ng mga Hill, magsisimula lang ang banquet pagkatapos ibigay ng nakababatang henerasyon ang mga regalo nila. Humakbang si Cyrus at kinuha ang regalong inihanda niya nang maaga. "Lola, alam ko pinapansin mo ang kalusugan mo kamakailan. Bumiyahe pa talaga ako sa Cansington at bu
Walang balak si James na magpaliwanag ng kahit na ano. Wala siyang kailangang ipaliwanag. Nang nakita nilang hindi nagpapaliwanag si James, mas nakumbinsi ang mga Hill na peke ang King of Ginseng. Pinalibutan ng mga Hill si Thea at ibinato ang lahat ng klase ng masasamang salita sa kanya. Napahiya si Gladys. Pwede naman silang magregalo ng kahit na ano. Bakit kailangan nilang magbigay ng peke? Mula sa pananaw niya, tiyak na bumili ng pekeng produkto si Thea nang dahil kay James. Tumayo siya at nanermon, "Anong problema mo, James? Bakit mo pinabili si Thea ng pekeng produkto?" Inihampas ni Gladys ang braso niya kay James. Kusang umilag si James at nagpaliwanag, "Ma, kalokohan yan. Kahit na hindi naniniwala ang iba kay Thea, paano mo nagawang pagdudahan siya?" "Ma, tama na." Hinila ni Thea si Gladys papalayo. Humakbang si Cyrus paharap. "Lola, mga tito't tita. Malamang hindi to peke." Kagabi, nakita niya ang head ng mga Xenos na lumuhod kay Thea. Paanong magbibi
Lumingon ang lahat papunta sa pinagmulan ng boses. Isang matangkad na babaeng nakasuot ng puting dress ang naglakad papalapit. "Sino siya?" Nabigla ang lahat. Sino ang babaeng ito? Tumayo si Jedidiah, ang head ng mga Hill, at binati siya. "Dalaga, sino ka?" tanong niya. Ang babaeng dumating ay si Christine. Tinignan niya ang King of Ginseng na nasa lapag, lumapit, at pinulot ito. "Ako si Christine, ang apo ni Jay Fallon mula sa Cansington at ako rin ang taong may hawak sa Herbal Biotech. Ito nga ang King of Ginseng na nagmula sa Herbal Biotech. Ako ang nagbigay nito kay Ms. Thea. Sinasabi niyo bang peke ang King of Ginseng na'to na nagkakahalaga ng isandaan at limampung milyong dolyar?"Tumingin siya sa kanila. Dose-dosenang tao ang naroon sa eksena. Gayunpaman, napakatahimik dito. Bakit biglang lumitaw ang taong may hawak sa Herbal Biotech sa villa ng mga Hill? Bahagya ring nagulat si James na makita si Christine na dumating nang napakabilis pagkatapos niyan
Ang taong dumating ay si Bjorn. Hindi siya pinansin ni James at nakipaglaban para sa thousand-year-old King of Ginseng sa auction. Mahalaga ang thousand-year-old King of Ginseng para sa medical conference sa Cansington. Kailangan niya ang thousand-year-old King of Ginseng na ito para talunin si Jay at makuha ang titulo ng henyong doktor. Lumapit siya sa isang prominenteng pamilya sa North Cansington, ang mga Yoder. Ang katayuan ng mga Yoder sa North Cansington ay pangalawa lang sa mga Xenos at maituturing na isang malaking pamilya. Noon ay nakuha ni Bjorn ang titulo ng henyong doktor at ang tagapagligtas ng head ng mga Yoder. Isang araw ang nakakaraan, binanggit niya ang tungkol sa insidente ng King of Ginseng na nangyari. Kaagad na nagpahayag ng suporta ang mga Yoder para makuha ni Bjorn ang King of Ginseng. Si Cooper, ang panganay na anak ng head ng mga Yoder, ay personal na sinamahan si Bjorn papunta sa villa ng mga Hill. Kasama nila ang isang gangster boss na nahana
Bago pa makapagsalita sina Bjorn at ang iba pa, lumapit si Gladys kay James habang pinapagalitan siya. "Basura ka! Anong ginawa mo? Paano mo nagalit ang mga malalaking personalidad na'to?" Habang nagsalita siya, tinaas niya ang kamay niya at inihampas ito kay James. Kusang iniwasan ni James ang kamay niya. Lumapit si Thea, hinila si Gladys sa tabi, at nagpaliwanag, "Ma, hindi to kasalanan ni James. Gusto ni Bjorn ang King of Ginseng pero sa'kin ito binigay ni Christine. Hindi ko inasahan na mainitin pala ang ulo ni Bjorn." "Haha!" Natawa si Bjorn pagkatapos itong marinig. "Ano naman ngayon kung mainitin ang ulo ko? Kakalimutan ko ang insidenteng ito pagkatapos kong baliin ang binti ng batang to, ibigay mo sa'kin ang King of Ginseng, at sumama ka sa'kin nang tatlong buwan. Kung hindi…" Tumingin siya sa paligid. "Kung hindi, katapusan na para sa mga Hill," walang pakialam niyang sabi. "Nandito ako para iparating na suportado namin ang kahit na anong gawin ni Bjorn. Ang mg