Bago siya kumilos, inimbestigahan na ni Bryson ang background ng mga Hill. Ang mga Hill ay may maraming estudyante na nasa sari-saring larangan, at ang pinakamaimpluwensiya sa kanila ay ang City Police Department Chief. Marami rin silang kamag-anak sa militar, pulisya, at pamahalaan. Gayunpaman, wala sa kanila ang may mataas na ranggo sa mga larangang ito. Samantala, ang boss niya ay nasa posisyon na may mataas na awtoridad at ang pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa North Cansington. Sa courtyard ng villa ng mga Hill. Nakarating na ang karamihan sa mga punong miyembro ng pamilya. Nakaupo sa harapan sina Yitzchak at ang old lady ng pamilya. Hindi pa nagsisimula ang handaan. Ayon sa tradisyon ng mga Hill, magsisimula lang ang banquet pagkatapos ibigay ng nakababatang henerasyon ang mga regalo nila. Humakbang si Cyrus at kinuha ang regalong inihanda niya nang maaga. "Lola, alam ko pinapansin mo ang kalusugan mo kamakailan. Bumiyahe pa talaga ako sa Cansington at bu
Walang balak si James na magpaliwanag ng kahit na ano. Wala siyang kailangang ipaliwanag. Nang nakita nilang hindi nagpapaliwanag si James, mas nakumbinsi ang mga Hill na peke ang King of Ginseng. Pinalibutan ng mga Hill si Thea at ibinato ang lahat ng klase ng masasamang salita sa kanya. Napahiya si Gladys. Pwede naman silang magregalo ng kahit na ano. Bakit kailangan nilang magbigay ng peke? Mula sa pananaw niya, tiyak na bumili ng pekeng produkto si Thea nang dahil kay James. Tumayo siya at nanermon, "Anong problema mo, James? Bakit mo pinabili si Thea ng pekeng produkto?" Inihampas ni Gladys ang braso niya kay James. Kusang umilag si James at nagpaliwanag, "Ma, kalokohan yan. Kahit na hindi naniniwala ang iba kay Thea, paano mo nagawang pagdudahan siya?" "Ma, tama na." Hinila ni Thea si Gladys papalayo. Humakbang si Cyrus paharap. "Lola, mga tito't tita. Malamang hindi to peke." Kagabi, nakita niya ang head ng mga Xenos na lumuhod kay Thea. Paanong magbibi
Lumingon ang lahat papunta sa pinagmulan ng boses. Isang matangkad na babaeng nakasuot ng puting dress ang naglakad papalapit. "Sino siya?" Nabigla ang lahat. Sino ang babaeng ito? Tumayo si Jedidiah, ang head ng mga Hill, at binati siya. "Dalaga, sino ka?" tanong niya. Ang babaeng dumating ay si Christine. Tinignan niya ang King of Ginseng na nasa lapag, lumapit, at pinulot ito. "Ako si Christine, ang apo ni Jay Fallon mula sa Cansington at ako rin ang taong may hawak sa Herbal Biotech. Ito nga ang King of Ginseng na nagmula sa Herbal Biotech. Ako ang nagbigay nito kay Ms. Thea. Sinasabi niyo bang peke ang King of Ginseng na'to na nagkakahalaga ng isandaan at limampung milyong dolyar?"Tumingin siya sa kanila. Dose-dosenang tao ang naroon sa eksena. Gayunpaman, napakatahimik dito. Bakit biglang lumitaw ang taong may hawak sa Herbal Biotech sa villa ng mga Hill? Bahagya ring nagulat si James na makita si Christine na dumating nang napakabilis pagkatapos niyan
Ang taong dumating ay si Bjorn. Hindi siya pinansin ni James at nakipaglaban para sa thousand-year-old King of Ginseng sa auction. Mahalaga ang thousand-year-old King of Ginseng para sa medical conference sa Cansington. Kailangan niya ang thousand-year-old King of Ginseng na ito para talunin si Jay at makuha ang titulo ng henyong doktor. Lumapit siya sa isang prominenteng pamilya sa North Cansington, ang mga Yoder. Ang katayuan ng mga Yoder sa North Cansington ay pangalawa lang sa mga Xenos at maituturing na isang malaking pamilya. Noon ay nakuha ni Bjorn ang titulo ng henyong doktor at ang tagapagligtas ng head ng mga Yoder. Isang araw ang nakakaraan, binanggit niya ang tungkol sa insidente ng King of Ginseng na nangyari. Kaagad na nagpahayag ng suporta ang mga Yoder para makuha ni Bjorn ang King of Ginseng. Si Cooper, ang panganay na anak ng head ng mga Yoder, ay personal na sinamahan si Bjorn papunta sa villa ng mga Hill. Kasama nila ang isang gangster boss na nahana
Bago pa makapagsalita sina Bjorn at ang iba pa, lumapit si Gladys kay James habang pinapagalitan siya. "Basura ka! Anong ginawa mo? Paano mo nagalit ang mga malalaking personalidad na'to?" Habang nagsalita siya, tinaas niya ang kamay niya at inihampas ito kay James. Kusang iniwasan ni James ang kamay niya. Lumapit si Thea, hinila si Gladys sa tabi, at nagpaliwanag, "Ma, hindi to kasalanan ni James. Gusto ni Bjorn ang King of Ginseng pero sa'kin ito binigay ni Christine. Hindi ko inasahan na mainitin pala ang ulo ni Bjorn." "Haha!" Natawa si Bjorn pagkatapos itong marinig. "Ano naman ngayon kung mainitin ang ulo ko? Kakalimutan ko ang insidenteng ito pagkatapos kong baliin ang binti ng batang to, ibigay mo sa'kin ang King of Ginseng, at sumama ka sa'kin nang tatlong buwan. Kung hindi…" Tumingin siya sa paligid. "Kung hindi, katapusan na para sa mga Hill," walang pakialam niyang sabi. "Nandito ako para iparating na suportado namin ang kahit na anong gawin ni Bjorn. Ang mg
Lumipat ang atensyon ng lahat sa boses na iyon, at isa na namang grupo ng tao ang lumapit mula sa malayo. Ang lider ay isang medyo may edad na lalaking nakasuot ng suit at mukhang isang napakamatagumpay na tao. Ang taong ito ay si Bryson. Sa likod niya ay isang lalaking may mahabang buhok na nakasuot ng itim na singlet at may tato ng dragon sa katawan niya. Ang lalaking ito ay si Dylan Nell. Sumunod sa likuran niya ang dalawampu pang tauhan niya. Ang mga lalaking ito may buhat na mga stretcher. Maraming tao ang nakahiga sa mga stretcher na iyon. Puno sila ng pasa at umiiyak sa sakit. "Sino ang mga taong ito?" Nagtaka ang mga Hill. Maingat na lumapit si Jedidiah nang nakita niyang seryoso ang ekspresyon ng mga taong ito. "Sino kayo?" "Nasaan si James?" Hindi pinansin ni Dylan si Jedidiah at hinanap si James. Tumingin ang lahat kay James. Nagtaka rin si Thea. 'Ano na naman to?' Para bang pamilyar sa kanya si Dylan, pero hindi niya maalala kung saan niya siya
Walang pakialam si James at para bang hindi siya natatakot sa mga hindi inaasahang bisita. Tinitigan nang masama nina Bjorn at Bryson si James. Sumigaw si Bjorn, "Bata, lumuhod ka na at hayaan mong baliin ko ang mga binti mo. Sasama sa'kin ang asawa mo at matatapos na ang lahat ng to." Tinuro ni Bryson ang mga tauhan niyang nakahiga sa stretcher na pilay ang mga binti at nagsabing, "Paano ko to basta-basta pababayaan? Binugbog mo ang mga tao ko at kailangan mo kong bayaran ng dalawang bilyong dolyar para ayusin ang bagay na'to. Dahil walang pera ang mga Callahan, ang mga Hill ang magbabayad para rito. Kung hindi ka magbabayad, hmph… wag mo kong sisihin sa mangyayari."Nanahimik ang mga Hill. Si James ang pakay nilang lahat kaya nanatili silang tahimik. Hindi hahayaan ni Jedidiah ang ganitong pagpapahirap. "Ang kapal ng mukha niyo!" Tumayo siya at sumigaw, "Ito ang Hills' villa! Ang lakas ng loob niyong gumawa ng gulo sa bahay namin!" "Pa, wag kang masyadong magsalita.
Sa loob lamang ng ilang sandali, ang lahat ng mga may trabaho na miyembro ng Hill family ay nasuspende sa trabaho.Nataranta ang mga miyembro ng Hill family. Sinigawan nila at sinabihan ang mga Callahan ng masasakit na mga salita. Seryoso din ang ekspresyon ni Thea. Paano ang daming nangyari sa isang birthday party?Hindi siya huminto sa pag-iisip ng solusyon.Ang ideya ng pagtawag sa misteryosong Mr. Cad ay lumitaw sa isipan niya, pero hindi niya alam ang contact number nito. “Kaladkarin niyo ang batang yan sa akin,” sabi ni Bjorn. Mabilis na umatras ang mga miyembro ng mga Hill sa takot. Nagtago din sila Benjamin at david sa malayo. Hinila naman ni Gladys si thea palayo. Isang dosenang lalaki na nakasuot ng itim ang lumapit at pinalibutan si James. Tinignan ni James ang mga bisita na lumitaw sa villa ng mga Hill at kalmadong sinabi, “Hindi pa huli ang lahat para umalis kayo ngayon. Kung hindi, hindi na kayo makakaalis pa kahit na gusto niyo mamaya. Hindi niyo ba al