Bago pa makapagsalita sina Bjorn at ang iba pa, lumapit si Gladys kay James habang pinapagalitan siya. "Basura ka! Anong ginawa mo? Paano mo nagalit ang mga malalaking personalidad na'to?" Habang nagsalita siya, tinaas niya ang kamay niya at inihampas ito kay James. Kusang iniwasan ni James ang kamay niya. Lumapit si Thea, hinila si Gladys sa tabi, at nagpaliwanag, "Ma, hindi to kasalanan ni James. Gusto ni Bjorn ang King of Ginseng pero sa'kin ito binigay ni Christine. Hindi ko inasahan na mainitin pala ang ulo ni Bjorn." "Haha!" Natawa si Bjorn pagkatapos itong marinig. "Ano naman ngayon kung mainitin ang ulo ko? Kakalimutan ko ang insidenteng ito pagkatapos kong baliin ang binti ng batang to, ibigay mo sa'kin ang King of Ginseng, at sumama ka sa'kin nang tatlong buwan. Kung hindi…" Tumingin siya sa paligid. "Kung hindi, katapusan na para sa mga Hill," walang pakialam niyang sabi. "Nandito ako para iparating na suportado namin ang kahit na anong gawin ni Bjorn. Ang mg
Lumipat ang atensyon ng lahat sa boses na iyon, at isa na namang grupo ng tao ang lumapit mula sa malayo. Ang lider ay isang medyo may edad na lalaking nakasuot ng suit at mukhang isang napakamatagumpay na tao. Ang taong ito ay si Bryson. Sa likod niya ay isang lalaking may mahabang buhok na nakasuot ng itim na singlet at may tato ng dragon sa katawan niya. Ang lalaking ito ay si Dylan Nell. Sumunod sa likuran niya ang dalawampu pang tauhan niya. Ang mga lalaking ito may buhat na mga stretcher. Maraming tao ang nakahiga sa mga stretcher na iyon. Puno sila ng pasa at umiiyak sa sakit. "Sino ang mga taong ito?" Nagtaka ang mga Hill. Maingat na lumapit si Jedidiah nang nakita niyang seryoso ang ekspresyon ng mga taong ito. "Sino kayo?" "Nasaan si James?" Hindi pinansin ni Dylan si Jedidiah at hinanap si James. Tumingin ang lahat kay James. Nagtaka rin si Thea. 'Ano na naman to?' Para bang pamilyar sa kanya si Dylan, pero hindi niya maalala kung saan niya siya
Walang pakialam si James at para bang hindi siya natatakot sa mga hindi inaasahang bisita. Tinitigan nang masama nina Bjorn at Bryson si James. Sumigaw si Bjorn, "Bata, lumuhod ka na at hayaan mong baliin ko ang mga binti mo. Sasama sa'kin ang asawa mo at matatapos na ang lahat ng to." Tinuro ni Bryson ang mga tauhan niyang nakahiga sa stretcher na pilay ang mga binti at nagsabing, "Paano ko to basta-basta pababayaan? Binugbog mo ang mga tao ko at kailangan mo kong bayaran ng dalawang bilyong dolyar para ayusin ang bagay na'to. Dahil walang pera ang mga Callahan, ang mga Hill ang magbabayad para rito. Kung hindi ka magbabayad, hmph… wag mo kong sisihin sa mangyayari."Nanahimik ang mga Hill. Si James ang pakay nilang lahat kaya nanatili silang tahimik. Hindi hahayaan ni Jedidiah ang ganitong pagpapahirap. "Ang kapal ng mukha niyo!" Tumayo siya at sumigaw, "Ito ang Hills' villa! Ang lakas ng loob niyong gumawa ng gulo sa bahay namin!" "Pa, wag kang masyadong magsalita.
Sa loob lamang ng ilang sandali, ang lahat ng mga may trabaho na miyembro ng Hill family ay nasuspende sa trabaho.Nataranta ang mga miyembro ng Hill family. Sinigawan nila at sinabihan ang mga Callahan ng masasakit na mga salita. Seryoso din ang ekspresyon ni Thea. Paano ang daming nangyari sa isang birthday party?Hindi siya huminto sa pag-iisip ng solusyon.Ang ideya ng pagtawag sa misteryosong Mr. Cad ay lumitaw sa isipan niya, pero hindi niya alam ang contact number nito. “Kaladkarin niyo ang batang yan sa akin,” sabi ni Bjorn. Mabilis na umatras ang mga miyembro ng mga Hill sa takot. Nagtago din sila Benjamin at david sa malayo. Hinila naman ni Gladys si thea palayo. Isang dosenang lalaki na nakasuot ng itim ang lumapit at pinalibutan si James. Tinignan ni James ang mga bisita na lumitaw sa villa ng mga Hill at kalmadong sinabi, “Hindi pa huli ang lahat para umalis kayo ngayon. Kung hindi, hindi na kayo makakaalis pa kahit na gusto niyo mamaya. Hindi niyo ba al
Subalit, kahit na lumuhod at yumuko pa si Cooper, nanatiling walang habag si Chase. Tinignan niya si Kannon. “General, ang lalaking ito ay nagpapatakbo ng isang security company. Sinabi niya na may higit sa tatlumpung libo siyang empleyado sa kanyang kumpanya, at ang lahat ng mga ito ay palaging hinaharass ang Hill family hanggang sa hindi umaalis ng bahay ang mga ito,” sabi ni James. “Oh?”Dumilim ang ekspresyon ni Chase, at saka sinabi, “Hindi ko inaasahan na may security company na katulad nito sa North Cansington. Ang lakas naman ng loob niyo na gawin kung ano ang gusto niyo? Mukhang ang kumpanya na ito ay marumi. Kailangan kong tignan ito.”Nang marinig niya ito, namutla ang mukha ni Kannon, at bumigay ang kanyang mga binti. Kaagad siyang bumagsak at lumuhod sa lupa.“General, wala akong kinalaman dito…”Inutusan ni Chase ang tauhan na nasa tabi niya, “Tawagan mo ang mga kinauukulan at arestuhin ang lahat ng mga taong gumagawa ng gulo dito sa villa ng mga Hill.”“Masusu
Hindi kaagad umalis si Chase.Sa halip, nagtagal pa siya sa villa ng mga Hill ng mga ilang sandali at nakipagkwentuhan kay Jedidiah tungkol sa mga araw-araw na bagay. Samantala, ang mga batang miyembro ng Hill family ay pinalibutan si Thea at patuloy na nagpakita ng kanilang pasasalamat dito. Makalipas ang isang oras, daan-daang sasakyan ng militar ang dumating sa labas ng villa ng Hill family. Ilang armadong sundalo ang pumasok sa bakuran. Lumapit ang leading officer, tumayo ng tuwid, at sumaludo. “General Nolan.”Malakas at malinaw ang kanyang boses. Kinaway ni Chase ang kanyang kamay at tinuro ang daan-daang tao na nakaluhod sa lapag. “Dakpin sila, imbestigahan sila, at parusahan sila ng matindi para sa mga kasalanan nila,” utos niya.“Masusunod.“Dalhin ang mga yan.”Ang mga armadong sundalo ay lumapit at dinakip ang lahat ng mga nakaluhod sa lupa. Pagkatapos na dakpin ang lahat ng mga nandoon, inutusan ni Chase ang mga tauhan niya na ibigay ang premium cigaret
“Mahal, mukhang ang misteryosong Mr. Caden ay talagang may makapangyarihang pinagmulan. Nagawa niyang utusan ang five-star commander, ang Blithe King. Tanging limang tao lang sa mundo ang kaya siyang pilitin—ang apat sa iba pang Five Commanders at ang tao mula sa Royal Dynasty sa may Capital.”‘W-Wala din akong ideya.” Naguluhan si Thea.Napangiti na lang si James. Mukhang nahulaan ni Thea ang pagkatao ng misteryosong Mr. Caden matapos siyang maraming nasabi.“Bakit nandito ka pa, Thea. Umupo ka kasama namin…” Isang matanda na mula sa Hill family ang lumapit at hinila si thea sa may lamesa para umupo sa may bakuran.Napalibutan siya ng maraming miyembro ng Hill family.Tinanong nila ang kaugnayan ni Thea kay General Nolan. Sa mga sandaling ito, nasiyahan si Glays sa pinaka maganda at nakakahangang sandali sa buhay ng mga Hill nitong mga nakalipas na dekada.Sumama din si David sa mga batang miyembro ng Hill family at ipinagmayabang ang tungkol sa misteryosong Mr. Caden.Nagl
Ang birthday banquet ay naging personal na palabas ni Thea. Kahit ang matandang maybahay ay patuloy na pinupuri si Thea.“Ano?!” Habang masayang kumakain ang mag-anak, sinagot ni Clinton ang kanyang phone, kaagad na tumayo, at sinabi.Ang kanyang sigaw ay tumawag sa atensyon ng lahat.Hindi natutuwang tanong ng matandang babae, “Anong sinisigaw mo dyan?”“Dahil sa nakatanggap ako ng tawag, Lola. Na-promote ako at ililipat na sa military region.”“Ano?”“Na-promote ka?”Nagulat ang lahat.Bakit siya na-promote na lang bigla?Matapos ang sandaling pagkabigla, anng lahat ay nilingon at tumingin kay Thea. “Huwag niyo kong tignan. Wala akong kinalaman dito,” pati si Thea ay naguguluhan at kaagad na nagpaliwanag.“Clinton, ano na ang bago mong posisyson ngayon na na-promote ka na sa military region?”“Oo, nga, Clinton! Huwag mo na kaming bitinin! Dalian mo na at sabihin mo na sa amin ang posisyon mo.”“Hindi ko din pa alam. Tinawagan lang nila ako para ipaalam sa akin na ma