Naramdaman ni Thea na may mali kay Thea. "Thea, anong problema? Bakit nakasimangot ka?" nag-aalala niyang tanong. "Ayos lang ako, Ma." "Ayos lang? Kitang-kita sa mukha ko oh." "M-May nangyari sa kumpanya. May utang ang Purity Pharmaceuticals sa Pacific Group na thirty million dollars para sa ilang goods. Nagpunta ako sa Purity Pharmaceuticals ngayong araw at…" namomroblemang paliwanag ni Thea. Kwinento ni Thea ang buong storya sa kanila. "Tsk. Hindi ko inasahan na may malakas na koneksyon ang Purity Pharmaceuticals sa mga tao ng underworld at ng batas. Hindi lang sa hindi ko nabawi ang pera, nagdala pa ako ng problema." "Manghingi ka ng tulong mula kay Mr. Caden. Maimpluwensiya siya kaya madali lang dapat para sa kanya na ayusin ang problemang yan para sa'yo," biglang sabi ni Gladys. "P-Pag-iisipan ko." Nagmadaling kumain si Thea at bumalik sa kwarto niya para magpahinga. Pagod siya at hindi niya muna gustong isipin ang mga problemang ito. Samantala, palihim na pi
Hindi nakakuha ng sagot si Henry simpleng nagmaneho papunta sa headquarters ng Purity Pharmaceuticals. Nang nakarating sila, nakaalis na ang mga empleyado at madilim ang buong building. "James, mag-aalas diyes na at wala nang tao. Bakit di na lang tayo bumalik bukas?" "Anong bukas? Pumunta ka sa pabrika ng Purity Pharmaceuticals." "Sige." Umikot si Henry at nagpunta sa pabrika ng Purity Pharmaceuticals. Nasa labas ng siyudad ang pabrika at medyo may kalayuan. Habang nasa biyahe sila papunta sa pabrika, nakapaghanda na si Jake ng isang libong tao at tatlondaang excavators papunta roon. May isa pang pagkatao si Jake bilang henyong doktor ng Cansington, si Jay Fallon. Imposible para sa kanya na hindi niya alam ang Purity Pharmaceuticals dahil kontrolado niya ang underground intelligence network. Maraming shareholders ang Purity Pharmaceuticals, kabilang dito ang isang senior official sa legal department. Gayunpaman, ang tunay na may-ari ng kumpanya ay ang Infinite Co
Sa utos na iyon, tatlong daang excavators ang sabay-sabay na kumilos.Tatlong daang makina ang nagsimulang tumunog sa isang iglap. Buzz…Nakakabingi ang tunog na parang isang lindol at pati ang lapag ay bahagyang nanginig. Bigla na lang, isang kotse ang mabilis na lumapit at isang medyo may edad na matabang lalaki ang bumaba mula sa sasakyan. Tumayo siya sa harapan ng excavator at sumigaw, "Ang lakas ang loob niyo!!"Ang lalaki ay si Peter Dawson, o mas kilala bilang Dawson. Isa siya sa pinakaprominenteng gangster sa maduming mundo ng Cansington. Kasunod ng paglitaw ni Dawson, tatlong libong taong naka-itim na may hawak na bakal na batuta ang lumitaw. Kaagad bilang pinalibutan ang tatlong daang excavators at isang libong tao. Nang nakita niyang dumating si Dawson kasama ng ilang tao, nagtanong si Henry, "Anong dapat nating gawin ngayon, James?" Kumaway si James at nagsabing, "Wag kang mag-alala. Hintayin muna nating dumating si Walter. Gustong mamatay ng lalaking yun at
Nagulat si Walter. Nagtataka siya kung bakit bigla siyang sinaktan ni Dawson. Nagmakaawa siya habang pinagsisipa at pinagsusuntok siya, "Dawson, sorry, sorry na! Nagkamali ako! Wag mo na kong saktan! Nagmamakaawa ko sa'yo, wag mo na kong saktan!" Pagkatapos bugbugin si Walter, lumuhod si Dawson at nagmakaawa, "James, tratuhin mo akong isang hangal na nagkamali at patawarin mo ko." Nabigla si Walter na makitang lumuhod si Dawson sa lapag. Ang taong nakatayo sa harapan nila ay ang son-in-law ng mga Callahan, ang asawa ni Thea—si James. Bakit lumuhod si Dawson sa kanya? Tumayo si Walter, naguguluhan pa rin siya sa sitwasyon. Gayunpaman, may pinasala ang tuhod niya at bumagsak siya ulit sa lapag sa sandaling makatayo siya. Tinignan ni James si Dawson na nakaluhod sa lapag at walang pakialam na nagsabi, "Pipigilan mo ba ako na pabagsakin ang lugar na'to?" "H-Hindi…" Hindi nagtangka si Dawson na magalit at kaagad siyang nagsabing, "J-James, hindi mo na kailangang kumilo
Nakahinto ang Pacific Manufacturing Factory. Kinakabahan si Larry. Nakakuha na sila sa wakas ng orders at nagsimulang magtrabaho ulit pero hindi nagtagal ay nagkaroon sila kaagad ng problema. "Ms. Thea, paano mo nagalit si Walter ng Purity Pharmaceuticals? Paano kung manghingi ka ng tawad sa kanya? Tayo ang malulugi kapag nagpatuloy to…" Nainis si Thea. 'Humingi ng tawad? 'Wala akong ginawang mali kaya bakit ako dapat na humingi ng tawad?' naisip ni Thea. "Sige na, bumalik ka muna sa trabaho mo." "Sige." Umalis si Larry. Umupo si Thea sa office chair niya at yumuko sa panlulumo. Wala siyang magawa sa sitwasyong ito. May problema ang kumpanya, pero wala siyang magagawa para baliktarin ang sitwasyon. Nagpasya siyang humingi ng tulong sa misteryosong si Mr. Caden. 'Mang… Manghihingi ako ng tulong sa kanya kahit ngayon lang. 'Hindi ko na siya hahanapin ulit pagkatapos ng isang beses na'to,' inisip ni Thea sa sarili niya. May kumatok sa pinto nang buo na ang
Nakahinga nang maluwag si Walter pagkatapos niyang matanggap ang pera. Papatayin siya ni Dawson sa bugbog pagbalik niya kapag hindi ito tinanggap ni Thea. "Ms. Thea, salamat sa kapatawaran mo. Aalis na ako." Hindi na gusto ni Walter na magtagal doon. Tumingin si Larry kay Walter sa gulat habang binubuhat ito ng mga bodyguard. Nahimasmasan lang siya pagkatapos umalis ni Walter. “M-Ms. Thea…”Kumaway si Thea at nagsabing, "Sige, ayos na ang lahat. Lumabas ka muna. Ilalagay ko ang pera sa account ng kumpanya at gagamitin to bilang expansion funds natin." "Sige." Nagtatakang umalis si Larry. 'Anong nangyayari? 'Nagpadala si Walter ng tao para manggulo kahapon at humingi ng tawad gamit ng three hundred million dollars ngayong araw? 'Kailan pa nawalan ng halaga ang pera para sa kanya?'Umupo si Thea. Inisip niya kung dapat niya bang bisitahin ang Majestic Corporation at pasalamat si Mr. Caden ang personal. Bumalik si Larry sa opisina habang malalim ang iniisip niy
Sa kasamaang palad, hindi pa rin niya nakita ang chairman. Dahil hindi niya siya nakita, hindi na niya gustong manatili sa Majestic Corporation. Kahit na ang Majestic Corporation ay isang malaking korporasyon at may napakataas na ranggo sa Cansington, mas mababa ito kumpara sa Transgenerational Group. May siguradong kinabukasan at pag-unlad ang Transgenerational Group. Hindi siya mananatili sa Majestic Corporation dahil lang sa personal na bagay. Sampung taon na nga ang hinintay niya at wala siyang pakialam kung hahaba pa ito dahil saglit na lang naman bago sila magkita. Nilapitan nila ang isa't-isa sa sandaling nagkita sila. “Ha…”Natawa si Quincy na makita si James na nakasuot ng simpleng damit. Pinagpatong niya ang braso niya sa dibdib niya. "Nagkataon nga naman, James. Nakikita kita kahit saan. Hindi mo ba alam kung saan ka nakatayo ngayon? Anong ginagawa mo rito?" "Hindi ba nag-apply ka sa Majestic Corporation? Bakit ka nandito ngayon?" Sabi ni James nang nakang
Sa may interview room. Isang hindi ganun katanda na lalaki ang nakatanggap ng tawag.“Oo, oo, sige.”Ibinaba niya ang phone at tinignan si Quincy na nakaupo sa kabilang panig niya.Tumayo siya ng nakangiti at sinabi, “Congratulations, Ms. Xyla. Labis na nasiyahan ang chairman sa iyo. Bibigyan ka namin ng tatlong buwan para subukan ang iyong kakayahan bilang vice-president. Paghusayan mo pa at huwag mong bibiguin ang chairman.”“Ano?”Nabigla si Quincy.Inilagay niya sa kanyang resume na nag-aaplay lang siya bilang isang department manager.Bakit bigla na lang siya binigyan ng posisyon bilang vice-president ngayon?Hindi maikukumpara ang vice president ng Transgenerational Group sa Majestic Corporation.Ang kabuuang asset ng Majestic Corporation ay aabot ng higit sa sampung bilyon.Kung ikukumpara ang mga ito, ang assets ng Transgenerational Group ay nasa trilyon. Hindi ito ang kanilang market value pero ang hawak nilang real estates.Kahit na pareho ang posisyon na ito, ma