Share

Kabanata 2585

Author: Crazy Carriage
"Sana nga."

Hinihiling din ni James na makuha niya ang supreme sword-fighting techniques at ang makapangyarihang Curse Magic mula sa Primordial Age.

"Samahan ba kita sa Crepe Myrtle Sword Pavilion?" Tumingin si Xianna kay James at tinanong ang opinyon niya.

"Ayos lang ako. Ikaw ang Kamahalang Empress. Paano ko magagawang sayangin ang oras mo?" Tumanggi kaagad si James.

Umirap si Xianna at nagsabing, Walang Empress sa Crepe Myrtle Sword Pavilion. Dito, ako si Xianna. At saka pamilyar ako sa Crepe Myrtle Sword Pavilion at baka matulungan kitang makuha ang swordsmanship inheritance."

Natukso si James sa mga salita niya.

"Kung ganun, salamat sa tulong mo."

"Tara na." Naglakad si Xianna sa harapan niya.

Sumunod si James sa kanya, at sinimulan ng dalawa ang paghahanap nila sa 1008 bundok sa Crepe Myrtle Sword Pavilion.

Habang nangyayari iyon, pinatay ng Crepe Myrtle Sword Master ang mountain formation at hinayaang makapasok sa Crepe Myrtle Sword Pavilion ang mga malalakas n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2586

    Binantayan ng Crepe Myrtle Sword Pavilion at Sangria ang mga sikretong ito nang napakaraming tao. Pinasa ito sa bawat isang henerasyon. Sa wakas ay ibinunyag na ng Crepe Myrtle Sword Master ang sikreto sa mundo. Dahil lumitaw na ang itinakda, hindi kailangang itago ang mga lihim na ito. Pagkatapos marinig ang paliwanag niya, nagtanong ang Blademaster of Mount Grinch, "Sino ang itinakda na sinasabi mo?" Umiling ang Crepe Myrtle Sword Master at nagsabing, "Hindi ako sigurado." Nagtanong ang Blademaster of Mount Grinch, "Kung ganun, paano mo nalamang dumating na ang itinakda?" Nagpaliwanag ang Sword Master, "Dahil dumating na ang oras." "Hindi ako naniniwala sa sinabi mong itinakda. Pero, naniniwala akong nasa Crepe Myrtle Sword Pavilion ang supreme swordsmanship inheritance. Pwede mo ba kaming hayaang hanapin ito?"Binanggit ng isa sa malalakas na tao ang pagdududa niya at nagsuhestiyon. Sumang-ayon ang iba pa sa suhestiyon niya. Inaaying ng mga nagpunta sa Crepe My

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2587

    Kayang tipunin sa langit ng Blademaster of Mount Grinch ang Sword Energies sa loob ng bundok. Hula niya rin ay nakatago ang inheritance sa loob ng Sword Energy. Kung kaya't maingat nga itong pinag-aralan, pero wala siyang napansing espesyal. Pangkaraniwang Sword Energy lang ito na iniwan ng mga sword cultivator ng Crepe Myrtle Sword Pavilion noon. Hindi naglaho ang Sword Energy dahil isang napakalaking formation ang nakapalibot sa Crepe Myrtle Sword Pavilion at pinipigilang maglaho ang Sword Energy. Kung kaya't lumubog ang Sword Energy na ito sa kabundukan. Walang kinalaman ang Sword Energy sa supreme sword-fighting techniques. Napakaraming tao ang naghanap para sa swordsmanship inheritance, pero wala sa kanila ang nagtagumpay. Nanatili ang makapangyarihang ito sa Crepe Myrtle Sword Pavilion nang maraming araw at patuloy na naghanap, pero lahat sila ay nabigong mahanap ito. Dahil naroon pa rin ang Sumpa ng Sangria, hindi nagtangkang nagtagal ang mga tao doon at umalis pagka

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2588

    Naghanap sa Walganus sa Crepe Myrtle Sword Pavilion pero hindi niya mahanap ang swordsmanship inheritance. Napaisip siya nang malalim. Ang totoo, hindi siya mula sa mundong ito. Pinadala siya sa mundong ito ng guro niya. Bago siya umalis, sinabi sa kanya ng guro niya na may makakapangyarihang kayamanang nakatago sa Planet Galileo. Ang mga kayamanang iyon ay walang iba kundi ng Curse Magic at ang swordsmanship inheritance. Gayunpaman, hindi siya ang itinakda. Sinabi sa kanya na lumitaw na ang itinakda pero inutusan niya siyang agawin ang mga kayamanang pagmamay-ari ng itinakdang iyon. Gayunpaman, hindi siya binigyan ng malinaw na panuto ng guro niya. Kung kaya't hindi alam ni Walganus kung paano kukunin ang mga kayamanan. Naghanap siya nang ilang araw pero hindi niya mahanap ang mga kayamanan. Sa ibang salita, hindi siya itinadhanang mahanap ang sword-fighting techniques. Ang pagkakataon niya lang na makuha ito ay ang hintaying lumitaw ang itinakda. Gayunpaman, hindi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2589

    Tumingin si Walganus kay James at kalmadong nagsabi, "Sa pagkakaunawa ko, si James Caden ang pinakamagaling na hango ngayon sa Earth .sinasabing nakakuha siya ng maraming kayamanan, kabilang na dito ang Infinity Steles at ang Five Elements of Genesis." Hindi pa nakapunta si Walganus sa Earth at hindi pa rin niya nakikita si James noon. Gayunpaman, maraming narinig si Walganus tungkol kay James at hinulaan niyang si James ang taong nasa harapan niya. Si James ay isang taong may matinding swerte at maski ang Heavenly Path ay pinapaburan siya. Sa lahat ng mga tao, ang taong itinakda at malamang na napakaswerte. Gayunpaman, hindi masyadong sigurado si Walganus. Tinitignan niya lang ang mga posibilidad. Alam din ni James na sinusubukan siya ni Walganus. "Paano kang nakakasigurong nanggaling ako sa labas ng mundong ito?" tanong ni James. Tumingin si Walganus kay James at dahan-dahang. A sabi, "Isa rin akong swordsman. Nararamdaman ko ang malakas na Sword Energy sa loob ng ka

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2590

    Naantig si James sa mga salita ni Wagnalus. Pagkatapos ng pag-uusap nila, para bang naging mas malapit ang dalawa. Hindi nagtagal doon si Walganus. Pagkatapos bumuo ng magandang relasyon kay James, umalis siya. Nagpatuloy na umupo si James nang naka-lotus position sa lapag. Marami na siyang naranasan noon kaya hindi niya masyadong pinagkatiwalaan ang mga salita ni Walganus. Pagkatapos dumating sa Crepe Myrtle Sword Pavilion, palihim na inoobserbahan ni James si Walganus. Pakiramdam niya ay hindi niya siya mahulaan. Bulong ni James, "Ano bang binabalak niyang gawin? Sinabi niya kina Xianna at sa Sword Master na siya ang itinakda, pero ngayon sinasabi niya may dalawang itinakdang tao. Hindi kaya may dalawa talagang itinakda para sa mga kayamanang ito? Hindi kaya ang swordsmanship inheritance at ang Curse Magic ay inihanda talaga para sa dalawang magkaibang tao?" Kaagad niyang tinanong si Nova sa Celestial Abode. "Nova, sa tingin mo ba totoo ang sinabi ni Walganus?" Nag

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2591

    Pagkabalik ni Walganus sa kanyang tirahan, naglabasan ang mga ugat sa kanyang mukha, at naging nakakatakot at mabangis ang kanyang ekspresyon.Ramdam niya ang lakas ni James. Hindi mahalaga ang rank ni James, at hindi siya isang banta sa kanya. Sa Planet Galileo, madali niyang maaagaw ang providence at ang mga kayamanan ni James.Walang kamalay-malay si James na unti-unting nagsisimula ang isang balak laban sa kanya. Wala siyang tiwala kay Walganus, sa paniniwalang may masama siyang intensyon. Gayunpaman, wala siyang ideya kung ano ang kanyang binabalak.Sa sumunod na ilang araw, nanatili si James sa likod ng main peak ng Crepe Myrtle Sword Pavilion.Lumipas ang ilang araw.Sa isang kisap-mata, dalawampu't siyam na araw na si James sa Sangria.Sa sandaling iyon, naliwanagan ng mga bituin ang gabi. Nakaupo si James sa isang upuan sa courtyard habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan at ang mga bituin sa itaas habang bumubulong, “Ngayon ang ikadalawampu’t siyam na araw, at bu

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2592

    Ang gabing iyon ang pinakamahirap na gabing naranasan ni James. Noong gabing iyon, marami sa Crepe Myrtle Sword Pavilion, na kinabibilangan ng Crepe Myrtle Sword Master, Xianna Sadie, at Walganus Jaxon, ay matamang nagmamasid sa bawat kilos niya.Sa nakalipas na ilang araw, naging pamilyar si Walganus kay James. Dahil dito, alam niyang isang buwan nang nasa loob ng hangganan ng Sangria si James.Isang lalaking nakaitim na roba ang nakatayo sa isang puno sa di kalayuan at pinagmamasdan si James, na nakaupo sa isang lotus position sa looban."Ngayong gabi ang huling gabi. Kung makakaligtas siya dito, tiyak na siya ang nakatadhana."Ang taong ito ay si Walganus.Inaasahan niya na si James ang nakatadhana. Sa ganoong paraan, matutulungan niya si James na makuha ang probidensya bago kunin ang mga ito para sa kanyang sarili. Dahil hindi gaanong mahalaga ang ranggo ni James, hindi siya maglalagay ng banta sa kanya. At saka, hindi siya natatakot sa Sumpa ni Sangria. Iyon ay dahil binigyan n

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2593

    Habang gumagalaw ang kanyang isipan, bumukas ang lahat ng kanyang mga pores. Ang Sword Energy ay nabuo mula sa loob ng kanyang dugo, mga buto, at mga kalamnan at nagtipon upang bumuo ng isang puting Sword Energy sa labas ng kanyang katawan, na bumabalot sa kanya na parang puting kidlat.Si James ay katulad ng isang espadang nakatago sa kaluban bago niya ginamit ang Sword Energy. Ngayon, isa na siyang espadang nakalabas sa kaluban. Ang malakas at dominanteng Sword Energy ay lumabas sa kanyang katawan.Tinitigan ng Crepe Myrtle Sword Master ang Yogacara Sword Energy ni James. Bilang isang Sword Cultivator, nararamdaman niya ang napakalaking kapangyarihan at potensyal ng Sword Energy. Sa sandaling nilinang sa tuktok nito, maaari nitong sirain ang anumang bagay sa landas nito.Nainggit si Walganus kay James. Huminga siya ng malalim, bumulong siya sa ilalim ng kanyang hininga, "Tulad ng inaasahan sa Sword Energy na naiwan ng Ancestral Sword Master, nagtataglay ito ng gayong dominanteng ka

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4042

    Nanatili si James sa loob ng cottage at nakausap ng mas matagal si Karglain. Pagkatapos ng kanilang pag uusap, mas nalaman ni James ang tungkol sa matandang lalaki.Si Karglain ay isang tao na nakaligtas sa Primordial Realm Era. Noon, nasa Sage Rank lang siya at napakahina.Bagama't ang Ten Great Races ay hindi ganap na nilipol ang mga tao sa Greater Realms noong Primordial Realm Era, ang sangkatauhan ay nasa pinakamababang punto nito. Bilang resulta, ang iba pang mga pangunahing lahi ay walang awa na nanghuli ng mga tao.Ang mga taong nakaligtas ay nagsama sama at lihim na itinatag ang Heaven-Eradicating Sect. Ang mga miyembro ng Heaven-Eradicating Sect ay nakakalat sa bawat pangunahing teritoryo sa Greater Realms.Ang nayong ito ay isa sa mga base ng Heaven-Eradicating Sect sa Soul Realm at si Karglain ang pinuno ng nayon.Mataimtim na sinabi ni Karglain," "Si Bruce Jensen ang pinakamalakas na tao sa aming nayon. Ang kanyang mga magulang ay nagsilbi sa isang pamilya ng Soul Race

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4041

    "Nakarating ako sa pormasyon ni Soren Plamen nang dumating ako sa Greater Realms. Hindi ko alam kung sino ang umalis sa daanan. Hindi rin ako sigurado kung nagkataon lang o binalak ng mga ninuno. Gayunpaman, nakilala ko si Soren."Natuwa ang lahat sa silid matapos marinig ang tungkol kay Soren Plamen.Lumakad ng ilang hakbang ang matandang lalaki at nagtanong, “Talaga?”"Wala akong sinasabi kundi ang totoo."Tumango si James, saka kinuha ang susi na nakuha niya sa Cloud Race.“Hiniling sa akin ni Soren na hanapin ang mga susi na binabantayan ng Ten Great Races. Hanggat sa makuha ko ang lahat ng sampung susi, pwede ko siyang palayain mula sa formation."Ng dumating ako sa formation sa likod ng Cloud Race, ang Cloud Race ay inatake ng Bug Race. Nag disguise ako bilang Great Elder ng Doom Race, Youri Dalibor at nakuha ko ang tiwala ng Cloud Race. Tinaboy ko ang Bug Race at nakuha ko ang susi ng Cloud Race."Ipinaliwanag ni James kung ano ang nangyari ng magpakita siya sa Greater Re

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4040

    Mayroong higit sa sampung tao sa cottage. Lahat sila ay nakadamit tulad ng mga magsasaka, ngunit sa sandaling ito, lahat sila ay nagpakita ng kanilang mga sandata at naglalabas ng malalakas na aura.Kahit na ang pinakamahinang tao ay umabot sa Fifth-Power Macrocosm Ancestral God Rank.Tumingin sa maputlang Dahlia, ngumiti si James at sinabing, “Kung hindi kita sinunod, paano ko mahahanap ang lugar na ito?”“Atake!” Agad namang naglabas ng utos ang matanda.Pagkasabi na pagkasabi nung lalaki, lahat ng tao sa cottage ay sinugod si James."Sandali..." Agad na sigaw ni James. Parang kulog ang sigaw niya. Nagulat ang lahat sa cottage. Ang mga tao sa labas ng cottage ay hindi rin nangahas na kumilos nang walang ingat. Masyadong malakas ang aura ni James, na ikinasindak nila.Pinaandar ni James ang kanyang kapangyarihan at inilabas ang kanyang aura. Ang kanyang aura ay bumulaga sa lahat sa cottage at sa buong village.Tinitigan ni James ang matandang lalaki.Nakasuot ang matandang lal

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4039

    Sabi ng babae, "Hindi ko sinabing lalaki ako."Nakamaskara siya bago ito at nagsalita sa panlalaking boses. Ngayon, nagsalita siya sa kanyang orihinal na boses at mukhang kaaya aya.“Anong pangalan mo?” Tanong ni James.“Dahlia.” Direktang sinabi ng babae kay James ang pangalan niya."Kung wala na, pwede na ba akong umalis?" Tumingin siya kay James at sinilip.“Sige.” Bahagyang iwinagayway ni James ang kanyang kamay.Walang pag aalinlangan, tumalikod si Dahlia at umalis. Gayunpaman, sa sandaling lumingon siya, pinitik ni James ang kanyang daliri at isang hindi nakikitang sigil ang lumipad sa kanya, lihim na dumapo sa kanyang likod.Hindi ito naramdaman ni Dahlia.Pagkaalis ni James, mabilis siyang umalis sa lugar. Natatakot siyang sumunod sa kanya si James kaya nag iingat siya. Nanatili siyang alerto sa kanyang paligid at patuloy na lumihis. Lumihis siya ng ilang araw at sa wakas, nakarating siya sa isang lugar na walang Empyrean Spiritual Energy.May isang maliit na nayon kun

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4038

    Kumilos si James at iniligtas ang taong ito mula sa Human Race.Hindi niya alam ang pagkakakilanlan ng taong iyon, ngunit dahil nasa isang lugar na malayo sa tahanan at nakikipagkita sa isang tao mula sa Human Race na may problema, paano niya hindi matutulungan ang tao?Mabilis na umalis si James. Matapos niyang makalayo sa lugar at matiyak na walang buhay na tao ang humahabol sa kanila, huminto siya.Sa isang bakanteng lugar sa isang bulubundukin, ibinaba ni James ang taong nakaitim na damit. Ang tao ay nagdusa ng mga pinsala, ngunit hindi sila malala.Mapagmatyag, tumingin siya kay James habang ang isang namamaos na boses ay tumunog mula sa ilalim ng maskara. “Sino ka? Bakit mo ako niligtas?”Ang Doom Race ay isa sa pinakamakapangyarihang karera sa Greater Realms. Ang Chaos Power of the Doom Race ay kakaiba at halos lahat ng powerhouse ay alam iyon. Dahil ginamit ni James ang Chaos Power, alam din ng taong nakaitim na damit na siya ay mula sa Doom Race.Nataranta siya. Bakit si

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4037

    Puno ng pag aalala si James.May natitira pang tatlong buwan, kaya hindi siya nagmamadali. Nagpasya siyang manatili muna sa lungsod. Nakahanap siya ng isang bahay tuluyan sa gitna ng lungsod at nanirahan doon.Sa gabi, nakaupo si James sa kama na naka-cross legs. Nakatuon siya sa pag cucultivate at pag unawa.Sa sandaling ito, naramdaman niya ang hindi pangkaraniwang pagbabago bago ng aura.Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita niya ang isang anino na dumaan sa bintana. Mabilis ang takbo ng anino. Nawala ito sa isang kisapmata.Naglaho rin ang katawan ni James sa lugar ng mabilis niyang hinabol ang anino.Lumabas siya ng Hopeless City at pumasok sa isang hindi pantay na hanay ng bundok. Malawak ang bulubundukin. Matapos ang mahabang panahon na habulin ang anino, narinig niya ang tunog ng matinding labanan.Dose dosenang mga armadong bodyguard ang umaatake sa isang taong nakasuot ng itim na damit.Nakasuot ng itim na roba ang taong iyon at may itim na maskara sa mu

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4036

    Sa sandaling dumating si James sa pasukan ng lungsod, nakita niya ang maraming buhay na nilalang na nagtitipon doon. Nagkaroon sila ng diskusyon.Nalaman din ni James ang sitwasyon.Lumalabas na pinatay ng Heaven-Eradicating Sect ang prodigy ng Soul Race na lumabas para sa cultivation, na ikinagalit ng Soul Race. Kaya, gusto ng Soul Race na habulin ang mga tao ng Heaven-Eradicating Sect na pumatay sa prodigy.Naglakad si James papunta sa entrance ng lungsod. Ilang mga paunawa ang nakadikit sa dingding. May portrait ng isang tao.Ang tao sa portrait ay isang binata. Mukha siyang madumi na may intensyong pumatay.Nalaman ni James na ang tao ay si Bruce Jensen.Si Bruce ay isang buhay na nilalang ng Human Race. Isa siya sa mga pinuno ng Heaven-Eradicating Sect at malakas. Naabot na rin niya ang tuktok ng Ninth-Power Macrocosm Ancestral Rank, isang hakbang lamang ang layo mula sa Acme Rank.Sa hindi mabilang na mga taon, naglakbay siya sa dilim at pinatay ang maraming kababalaghan n

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4035

    Pagkatapos ng ilang panahon na linangin sa pag-iisa, ginawang perpekto ni James ang kanyang kapangyarihan.Sa isang lugar sa Cloud Realm, sa tuktok ng isang bundok, tumayo si James, iniunat ang kanyang likod, at niluwagan ang kanyang mga kalamnan. Nararamdaman niya ang pisikal na kapangyarihan sa kanyang katawan. Makikita sa kanyang mukha ang kaligayahan habang bumubulong siya, “Pagkatapos magbinyag, lumakas ang aking pisikal na kapangyarihan.”“Ngayon, kailangan kong mag-isip ng paraan para makapasok sa Seventh Stage Omniscience Path. Kung maabot ko ang Ikapitong Yugto kasama ang aking Chaos Power, kahit na hindi ako mapapantayan sa Greater Realms, iilan lang ang makakatalo sa akin.""Sa Greater Realms, ilang powerhouses ng Human Race ang naiwan. Ang mga powerhouse na ito ng Human Race ay bumuo ng Heaven-Eradicating Sect. Ang aking lakas lamang ay hindi sapat sa Greater Realms. Kailangan kong mahanap ang taong namamahala sa Heaven-Eradicating Sect at makipag alyansa sa kanila. Sa g

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4034

    Upang maging eksakto, ang Chaos Power ay kapaki-pakinabang, ngunit ang katayuan ng Youri ay.Bilang elder ng Doom Race, si Youri ay may mataas na prestihiyo sa Greater Realms. Kaya, ang Bug Race ay hindi nangahas na saktan siya. Ang pagkakasala sa kanya ay katumbas ng pagkakasala sa Dooms.Kung nagalit ang Dooms, ang Bug Race ay madaling mapapawi. Gayunpaman, nagtagumpay si James sa pag arte bilang Youri dahil sa Chaos Power.Ang kanyang Chaos Power ay hindi mahina. Ito ay makapangyarihan. Kahit na hindi pa niya naabot ang Acme Rank, nalampasan niya ang Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank.Sa sobrang lakas ng Chaos Power at sa kanyang pagkakakilanlan, walang buhay na pinaghihinalaan siya."Layas," Nagdilim ang ekspresyon ni James habang malamig na sinabi niya, "Sa loob ng sampung Epoch, ang Bug Race ay hindi maaaring lumitaw sa teritoryo ng Cloud Race. Pagkatapos ng sampung Epoch, maaari mong gawin ang anumang gusto mo."“Oo.” Ang powerhouse ng Bug Race ay natakot. Sabay saba

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status