"Oo. Matindi raw ang magiging kahihinatnan nito. Narinig ko na ang kotseng hiniram ni James ay pagmamay-ari ng isang prominenteng tao. Kapag bumalik siya sa siyudad, sina James, ang driver, at ang senior ni James ay makakasuhan sa military court." "Ano?" Natakot si Thea. Hindi niya napigilan na hawakan nang mas mahigpit ang kamay ni James. Tinignan ni Yuna si Luke at ngumisi nang palihim. 'Dadalhin sa korte ang Black Dragon? 'Sinong may tapang na gawin yun?'Gumawa ng malaking ingay ang pagdating nina James at Thea. Ang mga Callahan ay ang katatawanan ng Cansington. Gumawa si Lex ng pekeng imbitasyon para dumalo sa succession ceremony ng Blithe King habang nanghiram naman ng kotse si James para magpanggap na maimpluwensya. "James, wag mong idadamay si Thea sa krimeng nagawa mo. Makipag-divorce ka sa kanya. Hindi ka talaga nararapat para sa kanya," kinutya ni Luke si James. May naisip siyang plano. Ang pakikipagrelasyon niya kay Yuna ay di makakaapekto sa paggawa n
Ilang mga babae ang naluha at nagdasal na sana sila na lang si Yuna. Ngumiti si Yuna. Tinignan niya si Luke na nakaluhod sa isang tuhod nang may isang kamay sa dibdib niya. Inasar niya siya nang may mapaglarong ekspresyon, "Sinong nagbigay sa'yo ng kumpiyansa, Luke? Sa aling aspeto mo inisip na nararapat ka para sa'kin?" "Sa kakayahan? Ang alam ko, may pera mga ang mga Bertrand, pero isa ka lang spoiled na rich kid na nagmana ng kayamanan. Kahit na sa koneksyon na mayroon ang mga Bertrand, hindi ka pa gumagawa ng pangalan para sa sarili mo."Sa negosyo ng pamilya mo? Wala man lang sa kalingkingan ng assets ng mga Lawson ang assets ng mga Bertrand. "Kung ganun, sino ang nagbigay sa'yo ng tapang? "Sino ang nagbigay sa'yo ng kumpiyansa?" Umalingawngaw ang boses ni Yuna. Natulala si Luke sa sagot niya. 'Hindi dapat ganito ang mangyayari. 'Hindi ba inimbitahan mo ang buong klase ko pati ako sa birthday banquet dahil gusto mo ako? 'Hinintay mo pa ako sa pintuan. 'B-Ba
Nagtapat si Luke ng nararamdaman niya kay Yuna pero tinanggihan siya nito, binalewala lang.Bukod dun, sinabi pa nga nito na gusto niya si James.Isang surpresa para sa lahat ang sinabi niya. Ang lahat ay nakatingin kay James. Sa isang high-class an event, nakasuot lang siya ng pangkaraniwang damit at wala sa lugar. Ang lahat ng mga babae na dumalo sa birthday banquet ay nakasuot ng magarbong mga bestida. Samantala, ang lahat naman ng mga lalaki ay nakasuot ng makulay na mga pormal na damit at kurbata.Ngunit si James…Nakasuot lang siya ng simpleng itim na T-shirt at abala sa paglalaro ng kanyang laro na Plants vs. Zombies.Bigla, maraming zombie ang pumasok sa kanyang hardin at nilamon ang kanyang pea weapon.“Argh…“Natalo ako!” Biglang sigaw ni James dahil sa dismaya.Ang lahat ay nakatingin sa kanya, at ang kanyang sigaw ang gumulat sa lahat ng mga tao.Nang naramdaman niya ang mga tingin ng mga tao, tumingala si James at nagulat nung nakita niya ang daang daang t
Bukod sa hindi nagseselos si Thea, masaya din siya. Ang babaeng ito ay ang executive chairman ng Longevity Pharmaceuticals, si Yuna. Kahit na palusot lang si James para matanggihan nito si Luke, isa pa din itong karangalan para kay James.Isa pa, asawa niya si James, kaya masaya siya.Samantala, sinamahan ni Yuna sa dance floor si James. Nagsimulang tumugtog ang musika. Inunat ni Yuna ang balingkinitan niyang mga braso. Ang isa ay nakapatong sa balikat ni James, at ang isa naman ay nakayakap sa bewang nito. Ang buong katawan niya ay halos nakasandal na kay James. Sa kabilang banda naman, naninigas ang buong katawan ni James. Medyo kinakabahan siya sa mga sandaling ito.Maganda si Yuna, at ang nakakamangha ang itsura ng kanyang mukha. May makinis siyang balat at mabango siya. Mabilis na tumibok ang kanyang puso ng sinandal nito ang buong katawan nito sa kanya.Kahit sa harapan ng isang libong kalaban, hindi pa siya kinabahan ng ganito. Ngayon, sa harapan ng isang babae
“A-anong nangyayari dito?”“Inimbitahan ba ni Yuna si Lex?”“Imposible yun. Pinahiya ni Lex ang sarili niya sa labas ng military region at ipinatapon pa siya palabas ng heneral. Malamang napahiya siya ng husto, pero bakit siya inimbitahan ni Yuna?”“Hindi kaya pumunta siya dito ng walang imbitasyon?”…Pinag-usapan ng mga tao ang paglitaw ni Lex.Ang lahat ay napaatras, dahil sa ayaw nila na magkaroon ng anumang kinalaman kay Lex.Kampante si Tommy at sinabi ng may pagmamalaki, “Lolo, tignan mo sila. Dahil sa kilalang kilala ka na sa Cansington ay nagsisiatrasan na ang mga tao para magbigay-galang sayo.”Nang marinig niya ang pambobola ni Tommy, nasa alapaap si Lex at nagpakita ng hindi maitagong pagmamalaki sa kanyang mukha. Nakita niya si Yuna at nilapitan ito gamit ang kantang tungkod. Ng may ngiti sa kanyang mukha, sinabi niya, “Ms. Lawson, ikinararangal ko na personal niyo akong inimbitahan sa iyong kaarawan.”Napasimangot si Yuna. Bahagya siyang tumango at nagpakita
Subalit, kapag lalo lang nila itong tinatanggi, lalo lang lumalala ang mga tsismis na kumakalat sa labas.Napansin ni Lex ang mga nakatingin sa kanila at nakaramdam ng hiya dahil pati siya ay naisip na nakipagsiping si Thea kay Alex.Kahit na si Thea ang dahilan kung bakit nakipagkasundo ang Celestial Group na makipagtulungan sa mga Callahan, mas inalala ni Lex ang kanyang pangalan.“Ikaw—wala ka talagang hiya!” Dumilim ang mukha ni Lex.“Lolo, h-hindi iyon ang totoo!”“Kung ganun, ipaliwanag mo sakin kung saan mo nakuha ang pera para bilhin ang damit mo kung hindi ito dahil sa natulog ka kasama si Alex?” Tumayo si Tommy at sinigaw.“A-Ako…” Pakiramdam ni Thea na minali siya at malapit na siyang umiyak.Kailanman ay hindi siya natulog sa iisang kama kasama si Alex. Subalit, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Ang pera ay galing kay James, pero hindi niya alam kung saan niya ito kinuha, at kapag sinabi niya sa kanila ito, baka magkaroon ng masamang kahihina
Ang lahat ng nasa handaan ay napalingon sa may entrance.Tatlong tao ang naglakad papasok sa bulwagan. Ang isa ay si Alex, ang chairman ng Celestial Group.Ang isa naman ay si Bryan, ang may-ari ng Gourmand. At ang huling matandang lalaki naman ay si Jay, ang presidente ng Doctor’s Association na may hawak ng titulo na henyong doktor ng Cansington.Ang tatlong to ay nakarango sa pinakamataas sa social pyramid ng Cansington.Si Alex ang pundasyon ng mga Yates sa kapitolyo. Madali lang para sa kanya na gawing mga pulubi ang Great Four sa isang salita lang.Si Bryan ay isang mapagkumbaba na tao pero may malakas na impluwensya.Sa kabilang banda naman, si Jay ay isa sa mga prominenteng tao.Ang Cnasington ay ang kapitolyo ng medisina, at siya ang henyong doktor.Sa mundong ito, kapag mas mayaman ka, mas takot kang mamatay.Ang pinagsamang impluwensya ng mga tao na nandito ngayon ay hindi kayang tapatan ang lebel ni Jay. Ang tatlo ay lumapit at ang naging sentro ng atensyon.
“Matalik kong kaibigan si Thea! Binabastos niyo ba ako sa pamamagitan ng pagbastos sa kanya sa aking birthday party? May mag surveillance camera dito, at madali ko lang na makikita kung sino sa inyo ang bumastos sa kanya! Ito na ang huling pagkakataon para humingi kayo ng tawad sa kanya!” Nilapitan ni Yuna si Thea at pinanlisikan ang lahat habang pinagbabantaan ang mga ito.Natakot ang mga nagsalita kanina.Thump!Bigla, isang tao mula sa kulumpon ng mga tao ang hindi na kinaya ang pressure ng ilang mga bigatin at kaagad na lumuhod ng nakadikit ang noo nito sa lapag.Ang taong ito ay isang chairman ng isang korporasyon na may ilang daang milyong dolyar na net worth.Isa siyang bigatin sa labas.Subalit, sa mga sandaling ito, nakaluhod siya sa sahig na para isang mababang alipin.Nagulantang si Thea sa eksenang ito.Hinawakan nila James at Yuna ang isa sa mga kamay niya.Tumingin siya sa kanyang kaliwa at kanan.Una ay tinignan niya si Yuna, pagkatapos ay si James.Ang magand
Pagkaalis ng Omnipotent Lord, tinitigan ni James ang Mount Ancestre. Dahil ang Mount Ancestre ay walang anumang Formation Restrictions, malinaw na nakikita ni James ang lahat.Sa pagbabalik sa Mount Ancestre, agad na inilikas ng Omnipotent Lord ang lahat ng mga disipulo at ipinatawag ang lahat ng nasasakupan sa isang nakatagong basement. Dahil may Formation Restriction doon, hindi pa nakakapasok si James' Divine Sense sa basement. Sa oras na tumagos siya sa lugar, nakaalis na ang Omnipotent Lord at ang kanyang mga alagad.Nagsalubong ang kilay ni James. Alam niya na ang Omnipotent Lord ay hindi madaling makikipagkompromiso. Gayunpaman, wala siyang ideya kung ano ang kanilang pinag uusapan.Matapos ilikas ng Omnipotent Lord ang lahat mula sa Mount Ancestre, tanging ang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race ang nanatili sa Formation sa likod ng bundok.Ang Omnipotent Lord ay nagpakita kay James sa Bundok Thea.“Inilikas ko na lahat, James. Maaari ka ng magsimula,” Sabi ng Omnipot
Isang kakila kilabot na kapangyarihan ang lumabas mula sa loob ng kanyang katawan at sumugod patungo sa Omnipotent Lord na parang tsunami. Hindi makayanan ang ganoong kalaki at biglaang alon ng kapangyarihan, ang Omnipotent Lord ay walang kamalay malay na napaatras.Swoosh!Ang Malevolent Sword ay lumitaw sa kamay ni James at itinaas niya ang espada."Aaminin ko malakas ka. Gayunpaman, ang pagpatay sayo ay madali lamang para sa akin. Pumunta ako dito hindi para makipagkumpetensya para sa posisyon ng Lord ng Universe. Wala akong interes sa kapangyarihan at awtoridad. Gusto ko lang masiguro ang kapayapaan at katatagan ng mundong ito.”Itinutok niya ang kanyang espada sa Omnipotent Lord at ang napakalaking kapangyarihan ay lumitaw mula sa loob ng espada. Masyadong nakakatakot ang kapangyarihan ng espada kasama ni James. Maging ang Omnipotent Lord, na malapit ng maabot ang Acme Rank, ay nakaramdam ng lamig sa kanyang spine. Sa isang laban hanggang kamatayan, hindi siya magkakaroon ng p
Alam ng Omnipotent Lord na si James ay gumawa ng Superweapon sa Chaos. Nangangahulugan ito na si James ay nagtataglay ng isang nakakatakot na lakas na nagbabanta sa kanyang posisyon. Gabi gabi, umiikot siya sa kanyang kama, hindi makatulog. Gayunpaman, wala pa rin siyang ideya kung ano ang ginagawa ni James. Ng maramdaman ang presensya ni James, agad siyang nagpakita.Sa pagharap sa pagtatanong ng Omnipotent Lord, mahinang ngumiti si James at sinabing, "May kailangan ako ng tulong mo."Itinuon ng Omnipotent Lord ang kanyang tingin kay James. Nawala ang ngiti sa mukha ni James habang bumulong, “Hindi ito ang lugar. Sumunod ka sa akin.”Pagkasabi niyan, tumalikod siya at dumiretso sa Mount Thea, habang ang Omnipotent Lord ay sumunod malapit sa likuran.Sa likod ng Mount Thea, nakaupo si James sa isang bato at pinagmamasdan ang magagandang tanawin ng Ancestral Holy Site. Ang Omnipotent Lord ay tumayo sa tabi at nagsabi, "Tama na paligoy ligoy."Sinabi ni James, "Sa totoo lang, sumali
Para maiwasan ang anumang disgrasya, ipinaliwanag ni James ng detalyado ang kanyang plano. Lahat ng naroroon ay nakinig sa kanya nang mabuti dahil ang labanan ay napakahalaga. Ang kanilang kalaban ay isang makapangyarihang indibidwal na nagexist mula pa noong panahon ng Primordial Realm at nagtataglay ng maraming Supernatural Powers. Kahit na siya ay nasugatan at ang kanyang lakas ay hindi bumalik sa pinakamataas na anyo, siya ay dating isang Acmean. Ang pagiging isang Acmean ay tanda ng lakas at kawalang tatag."Naiintindihan ba iyon?" Napatingin si James sa kanila.“Oo, Sir!” Sabay nilang sabi.Maging si Morangorin ay mas seryoso sa pagkakataong ito. Sa pagkislap ng liwanag sa kanyang katawan, nagtransform siya sa kanyang anyo ng tao.Sinamaan siya ng tingin ni James. Ito ang unang pagkakataon na nakita si Morangorin sa anyo ng tao. Siya ay isang medyo gwapong lalaki. Nakasuot siya ng puting roba na para siyang isang banal na nilalang."Mabuti," Sabi ni James. "Nais kong itago m
Sampu sampung milyong taon na ang lumipas mula noong umalis si James. Sa nakalipas na milyon milyong taon, sina Quiomars Boswell, Morangorin Yombeen, Jabari, Xulia Xaadsan, Yehosheva Bernadette, Yahveh Zvonimir, Jehudi Driscoll at marami pang iba ay naghihintay sa Mount Thea. Inihanda nila ang lahat ng uri ng Banal na Gayuma para sa mga emerhensiya upang maging ang isang sugatang manlalaban na nasa bingit ng kamatayan ay mailigtas sa pinakamaikling panahon na posible. Inayos nila ang kanilang mga kondisyon sa Mount Thea sa maximum bilang paghahanda sa labanan. Kasabay nito, pinagmamasdan nila ang bawat galaw ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race.Swoosh!Biglang may lumitaw na liwanag.Nandito si James. Isang tao lang ang nasa main hall—si Xulia. Nakaupo siya sa pangunahing bulwagan, pinagmamasdan ang stone chamber ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race sa pamamagitan ng ilusyon na imahe.Sa sandaling lumitaw si James, kaagad siyang tumayo. "Bumalik ka, James."“Mhm.” B
Nag materialize ang 108 Infinity Steles at nag set up si James ng Time Formation sa Chaos Space at sinimulang irefine ang mga ito.Makapangyarihan ang Infinity Steles at bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng mapangwasak na kapangyarihan.Ngayon, nais ni James na pinuhin sila muli sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang mahiwagang materyal sa bawat isa sa kanila upang madagdagan ang kanilang timbang. Sa ganoong paraan, pagkatapos maghiwa hiwalay ang Infinity Steles at mabuo ang Boundless Pagoda, magiging mas nakakatakot sila.Sa main hall ng Mount Ancestre's Ancestral Holy Site, ang Omnipotent Lord ay nakaupo sa kanyang trono. Sa ibaba niya ay isang anino.Ang anino ay nagsalita sa paos na boses, “Aking lord, matagal ko nang sinusundan si James. Sa takot kong ilantad ang sarili ko, lumayo ako sa kanya. Nakita ko siyang patungo sa kailaliman ng Chaos at nagrefine ng isang makapangyarihang sandata. Ang kaguluhan na nagmula sa Chaos ay nagmula sa Divine Weapon na kanyang nirerefine."S
Ang Chaotic Treasures ay hindi kapani paniwalang nakakatakot, kaya kahit isang Macrocosm Ancestral God ay hindi sila kayang sirain. Gayunpaman, ang kasalukuyang rank ni James ay higit na nalampasan ang isang Macrocosm Ancestral God. Naabot na niya ang rurok ng Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank at malapit ng maabot ang Acme Rank.Ginamit niya ang kanyang Chaos Power, ginawa itong Chaos Fire at nilusaw ang Chaotic Treasures. Habang natunaw ang Chaotic Treasures, naging likido ang mga ito. Ang likidong ito ay naglalaman ng nakakatakot na kapangyarihan na kahit isang patak nito ay sisira sa Chaos Space.Kinokontrol ni James ang mga kapangyarihang ito at pinigilan silang makatakas. Gayunpaman, ang nakapalibot na Chaos Space ay naging ilusyon at baluktot.'Merge!'Gumalaw ang isip ni James.Nagsimulang magsama ang likido sa isa. Sa buong proseso, tinago ni James ang kapangyarihan ng iba't ibang Path sa likido. Ang bawat kapangyarihan ng Path ay maaaring magsagawa ng Nine-Power Mac
Nakipagsapalaran siya sa malayo sa uniberso at nagtungo nang malalim sa Chaos. Pagkatapos, umupo siya sa isang lotus position sa kawalan.Walang mga direksyon o coordinate sa Chaos.Habang nakaupo si James sa kawalan, pinag isipan niya kung anong uri ng kayamanan ang dapat niyang irefine. Maraming Chaotic Treasures sa Celestial Abode. Ang ilan sa kanila ay nakuha sa Twelfth Universe, habang ang iba ay nakuha sa Ecclesiastical Restricted Zone.Habang gumagalaw ang kanyang isipan, lumitaw ang ilang Chaotic Treasures.Kabilang sa kanila ay ang Demon-Slayer Sword na naka-hover sa kanyang harapan. Ang espada ay itim at ang dulo nito ay bahagyang baluktot. Nagpakita ito ng itim na kislap at naglabas ng mahiwagang kapangyarihan. Ang Demon-Slayer Sword ay nagmula sa Dark World at nakuha ng mga Callahan. Sa huli, ibinigay ni Thea ang espada sa kanya. Kahit na ang espada ay hindi isang top-notch Chaotic Treasure, ito ay napakahalaga kay James.Ayaw niyang ibigay ang espada. Pagkatapos, isan
Inakala ng Omnipotent Lord na nasa ilalim niya si James. Gayunpaman, mula ng sumali si James sa Ancestral Holy Site at naging isang Protector, lalo siyang naging misteryoso. Ang isang kapansin pansing pangyayari ay ng harangin niya ang pag atake ng isang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race pagkatapos ay misteryosong nawala sa loob ng milyon milyong taon. Ang kanyang pag uugali ay naging dahilan upang ang Omnipotent Lord ay maging mas maingat sa kanya.Bumalik siya sa main hall ng Mount Ancestre."Shadow," Tawag niya.“Aking Lord.”Isang anino ang lumitaw ng wala saan at lumuhod sa isang tuhod.“Gusto kong bantayan mong mabuti si James. Isumbong mo sa akin kung may gagawin siyang kakaiba,” Utos niya."Naiintindihan," Sabi ng anino bago nawala nang walang bakas.Ang Shadow ay ang pinagkakatiwalaan ng Omnipotent Lord. Hindi alam ang tunay niyang pangalan at nacultivate niya ang kakaibang Hidden Path. Kahit na ordinaryo ang kanyang lakas, ang kanyang nakatagong kakayahan ay na