Walang mahanap si Henry tungkol sa mga underworld forces na kasangkot sa operasyon. Gayunpaman, may mga pangalan na nakalista sa dokumento. Hindi na sila pumasok sa tirahan ng mga Caden. Sa halip, itinago nila ang kanilang mga sarili sa labas bilang isang pickup upang maiwasan ang mga bagay na mapursunada.Kabilang sa kanila si Black Wind Xander.Hindi inaasahan ni James na si Xander, na dati niyang pinatay, ay isa sa mga pangunahing salarin sa likod ng pagkawasak ng mga Caden sampung taon na ang nakararaan.Siya ay malalim sa nag-isip.Lumabas sa impormasyon na may iba pa bukod sa mga kilala.Nasaan ang Moonlit Flowers sa Cliffside's Edge? Sino ang mastermind?Nanatiling tahimik si James. Ang batong gusali ay tahimik.Pagkaraan ng ilang oras, kinuha ni James ang isang lighter at sinunog ang impormasyon sa kanyang mga kamay.Itinuon ang tingin kay Jake at sa kanyang mga tauhan na nakaluhod pa rin sa sahig, sumirit siya na bakas sa kanyang mukha ang kawalan ng pakialam. "Tumayo
Umalis sina James at ang mga kasama niya pagkatapos makuha ang impormasyon na gusto nila. Sa loob ng kotse. Pinagana ni Henry ang makina at nagmaneho pabalik sa siyudad. Sumandal si James sa upuan sa harapan nang may nag-iisip na ekspresyon. Mahirap mahulaan kung ano ang nasa isip niya. “Henry…”Sa ilang sandali, pinutol ng boses ni James ang katahimikan. "Ano yun? Nakikinig ako." "Imbestigahan mo sina Dawson at Nine Fingers. Alamin mo kung sino sila at kumuha ka ng impormasyon tungkol sa mga pinagmulan nila. Ihatid mo ko sa ospital. Gusto ko ulit makita si Rowena." Tumango si Henry. "Sige." "Ha!" Bumuntong-hininga si James. Hindi niya malalaman na mas marami pa palang taong sangkot sa nangyari sa mga Caden sampung taon ang nakakaraan kung hindi niya binisita si Jake. Sa sandaling ito, pinagsisihan niyang pinatay niya si Trent. Si Trent ang pangunahing piraso ng puzzle. Baka makakuha pa siya ng mas maraming impormasyon tungkol sa tunay na mastermind kung buhay
Hindi alam ni Henry kung saan natutunan ni James ang kakayahan niya sa panggagamot. Gayunpaman, nakakuha rin siya ng kaalaman sa medisina mula kay James. Samantala, pumasok si James sa ospital at pumunta sa kwarto ni Rowena. Hiniwa ni James ang mukha ni Rowena at pinutol ang kamay niya. Kahit na naikabit na ang kamay niya, hindi pa rin siya pwedeng makalabas ng ospital. Naging masklap ang buhay niya simula nang nalaman niya ang pagkatao ng lalaking nakamaskara. Dahan-dahang lumipas ang mga araw, at ang bawat isang araw ay puno ng kaba at takot. Malapit nang bumigay ang isip niya. Tap! Tap! Tap!Narinig ang tunog ng leather na sapatos sa pasilyo ng ospital sa gitna ng gabi. Dumating si James si kwarto ni Rowena, binuksan ang pinto, at pumasok sa loob. "Sino! Sino…" Malapit na ang hangganan ni Rowena at ilang araw na siyang ginagambala ng napakaraming bangungot. Narinig niya ang tunog at naramdaman niyang may pumasok sa kwarto niya. Nagmamadali niyang niyakap ang kum
Alas-onse ng gabi. Buong maghapong magkasama sina Thea at Yuna. Sinubukan ni Thea ang lahat para magtanong tungkol sa pagkatao ng lalaking nakamaskara ng multo. Gayunpaman, iniwasan ni Yuna ang tanong. Hindi mapalagay si Thea buong araw. Nang lumalim ang gabi. Naalala niya ang nakaraan habang nakahiga sa kama. Sampung taon ang nakakaraan, nagpunta siya sa isang outing kasama ng mga kaklase niya at naglalaro sila malapit sa ilog. Bigla na lang, nakita niya ang isang villa na tinutupok ng apoy sa malayo. Kaagad silang pumunta roon at narinig niya ang mga paghingi ng tulong mula sa loob ng villa. Pagkatapos niyang magdalawang-isip, sumugod si Thea sa apoy at nagligtas ng isang tao. Gayunpaman, tumalon sa ilog ang taong iniligtas niya pagkatapos itong mailabas sa villa. Isa pang eksena sa nakaraan ang lumitaw sa utak niya. Sa top floor ng Cansington Hotel. Dinaganan siya ni Trent sa auction table at hiniwa ang mukha niya nang paulit-ulit gamit ng kutsilyo. Naala
Muntik dumugo ang ilong ni James pagkatapos siyang makita mula sa harapan. Ang dress ay may V-neckline na pinapakita ang pagitan ng dibdib niya. Sa maputi niyang leeg ay isang bagong kristal na kwintas na nasa ibabaw ng dibdib niya. Nakakahalina siya, at naakit siya sa kanya. Nakatali ang mahaba at itim niyang buhok. Sa sandaling iyon, mukhang isang magandang puting swan si Thea. "Ang ganda mo. Bagay ang alahas na suot mo sa dress mo." Hindi napigilan ni James na purihin siya. "Talaga?" Nagliwanag sa saya ang mukha ni Thea. "Syempre. Ang asawa ko ang pinakamagandang babae sa mundo. Tiyak na ikaw ang magiging sentro ng atensyon kapag pumunta ka sa birthday party ni Yuna suot ang dress na'to." Malaki ang ngiti ni Thea. Pagkatapos, kinuha niya ang lipstick na binili niya nitong nakaraang araw at dahan-dahan itong nilagay sa labi niya. 'Diyos ko! 'Mas lalo siyang gumanda at nakakaakit pag naka-lipstick.'Malakas ang impresyon ng mapupulang labi ni Thea. Kahit si
Maganda si Thea at mas nakakaakit siya kumpara sa mga artista sa telebisyon. Tiyak na kwalipikado siyang ikasal sa isang mayamang pamilya. Paano siya mananatiling kasal sa isang kagaya ni James na palaging nasa bahay? Narinig ni Gladys na lahat ng dadalo sa birthday party ni Yuna ay mga prominenteng tao. Karamihan sa kanila ay mga boss ng kumpanya. Sa ganda ni Thea ngayon, sigurado siya na makukuha niya ang atensyon ng mga napakayamang lalaki. Hinila ni Gladys si Thea sa tabi at bumulong, "Thea, ang mga taong pupunta sa Cansington Hotel ngayong araw ay mayayaman. Narinig ko na ang may-ari ng Gourmand, si Mr. Grayson, ay dadalo rin. Ito na ang pagkakataon mo. Siguraduhin mong makakuha ng pagkakataon para makuha mo siya." "Ma… anong sinasabi mo? May asawa na ko. Paano ko magagawa ang ganung bagay?" "Siya?" Tinignan ni Gladys si James na nakatayo sa tabi nila. "James, wala kang ibang pupuntahan ngayong araw kaya manatili ka lang sa bahay," sabi niya nang pautos. Para sa
Marami ang lumingon kina James at Thea na dumating sakay ng motor. "Hindi ba si Thea yan?" "Oo, si Thea mula sa mga Callahan. Pinalayas siya ni Lex mula sa pamilya." "Bakit nandito si Thea sa birthday banquet ni Yuna?" "Narinig ko na inimbitahan ni Yuna ang buong klase ni Thea." "Usap-usapan na ang pinakadahilan kung bakit niya inimbitahan ang buong klase ay para dumalo si Luke Bertrand." "Ang tinutukoy mo ba ay ang anak ng chairman ng Abundant Pharmaceuticals? Ang anak ni Charles, si Luke?" "Oo, matagal nang nililigawan ni Luke si Yuna." "Oh, ganun pala? Pero bakit nandito rin si James?" Nagsimulang magtsismisan ang lahat sa pagdating nina James at Thea. Bigla na lang, isang Lamborghini ang lumitaw at huminto eksakto sa parking space. Isang gwapong lalaking nakasuot ng puting suit ang bumaba mula sa kotse. "Pinag-uusapan pa lang natin siya, nandito na si Luke." Sa pintuan ng hotel. Hinihintay pa rin ni Yuna na lumitaw si James. Nang nakita niya siyang dum
"Oo. Matindi raw ang magiging kahihinatnan nito. Narinig ko na ang kotseng hiniram ni James ay pagmamay-ari ng isang prominenteng tao. Kapag bumalik siya sa siyudad, sina James, ang driver, at ang senior ni James ay makakasuhan sa military court." "Ano?" Natakot si Thea. Hindi niya napigilan na hawakan nang mas mahigpit ang kamay ni James. Tinignan ni Yuna si Luke at ngumisi nang palihim. 'Dadalhin sa korte ang Black Dragon? 'Sinong may tapang na gawin yun?'Gumawa ng malaking ingay ang pagdating nina James at Thea. Ang mga Callahan ay ang katatawanan ng Cansington. Gumawa si Lex ng pekeng imbitasyon para dumalo sa succession ceremony ng Blithe King habang nanghiram naman ng kotse si James para magpanggap na maimpluwensya. "James, wag mong idadamay si Thea sa krimeng nagawa mo. Makipag-divorce ka sa kanya. Hindi ka talaga nararapat para sa kanya," kinutya ni Luke si James. May naisip siyang plano. Ang pakikipagrelasyon niya kay Yuna ay di makakaapekto sa paggawa n
Pagkaalis ng Omnipotent Lord, tinitigan ni James ang Mount Ancestre. Dahil ang Mount Ancestre ay walang anumang Formation Restrictions, malinaw na nakikita ni James ang lahat.Sa pagbabalik sa Mount Ancestre, agad na inilikas ng Omnipotent Lord ang lahat ng mga disipulo at ipinatawag ang lahat ng nasasakupan sa isang nakatagong basement. Dahil may Formation Restriction doon, hindi pa nakakapasok si James' Divine Sense sa basement. Sa oras na tumagos siya sa lugar, nakaalis na ang Omnipotent Lord at ang kanyang mga alagad.Nagsalubong ang kilay ni James. Alam niya na ang Omnipotent Lord ay hindi madaling makikipagkompromiso. Gayunpaman, wala siyang ideya kung ano ang kanilang pinag uusapan.Matapos ilikas ng Omnipotent Lord ang lahat mula sa Mount Ancestre, tanging ang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race ang nanatili sa Formation sa likod ng bundok.Ang Omnipotent Lord ay nagpakita kay James sa Bundok Thea.“Inilikas ko na lahat, James. Maaari ka ng magsimula,” Sabi ng Omnipot
Isang kakila kilabot na kapangyarihan ang lumabas mula sa loob ng kanyang katawan at sumugod patungo sa Omnipotent Lord na parang tsunami. Hindi makayanan ang ganoong kalaki at biglaang alon ng kapangyarihan, ang Omnipotent Lord ay walang kamalay malay na napaatras.Swoosh!Ang Malevolent Sword ay lumitaw sa kamay ni James at itinaas niya ang espada."Aaminin ko malakas ka. Gayunpaman, ang pagpatay sayo ay madali lamang para sa akin. Pumunta ako dito hindi para makipagkumpetensya para sa posisyon ng Lord ng Universe. Wala akong interes sa kapangyarihan at awtoridad. Gusto ko lang masiguro ang kapayapaan at katatagan ng mundong ito.”Itinutok niya ang kanyang espada sa Omnipotent Lord at ang napakalaking kapangyarihan ay lumitaw mula sa loob ng espada. Masyadong nakakatakot ang kapangyarihan ng espada kasama ni James. Maging ang Omnipotent Lord, na malapit ng maabot ang Acme Rank, ay nakaramdam ng lamig sa kanyang spine. Sa isang laban hanggang kamatayan, hindi siya magkakaroon ng p
Alam ng Omnipotent Lord na si James ay gumawa ng Superweapon sa Chaos. Nangangahulugan ito na si James ay nagtataglay ng isang nakakatakot na lakas na nagbabanta sa kanyang posisyon. Gabi gabi, umiikot siya sa kanyang kama, hindi makatulog. Gayunpaman, wala pa rin siyang ideya kung ano ang ginagawa ni James. Ng maramdaman ang presensya ni James, agad siyang nagpakita.Sa pagharap sa pagtatanong ng Omnipotent Lord, mahinang ngumiti si James at sinabing, "May kailangan ako ng tulong mo."Itinuon ng Omnipotent Lord ang kanyang tingin kay James. Nawala ang ngiti sa mukha ni James habang bumulong, “Hindi ito ang lugar. Sumunod ka sa akin.”Pagkasabi niyan, tumalikod siya at dumiretso sa Mount Thea, habang ang Omnipotent Lord ay sumunod malapit sa likuran.Sa likod ng Mount Thea, nakaupo si James sa isang bato at pinagmamasdan ang magagandang tanawin ng Ancestral Holy Site. Ang Omnipotent Lord ay tumayo sa tabi at nagsabi, "Tama na paligoy ligoy."Sinabi ni James, "Sa totoo lang, sumali
Para maiwasan ang anumang disgrasya, ipinaliwanag ni James ng detalyado ang kanyang plano. Lahat ng naroroon ay nakinig sa kanya nang mabuti dahil ang labanan ay napakahalaga. Ang kanilang kalaban ay isang makapangyarihang indibidwal na nagexist mula pa noong panahon ng Primordial Realm at nagtataglay ng maraming Supernatural Powers. Kahit na siya ay nasugatan at ang kanyang lakas ay hindi bumalik sa pinakamataas na anyo, siya ay dating isang Acmean. Ang pagiging isang Acmean ay tanda ng lakas at kawalang tatag."Naiintindihan ba iyon?" Napatingin si James sa kanila.“Oo, Sir!” Sabay nilang sabi.Maging si Morangorin ay mas seryoso sa pagkakataong ito. Sa pagkislap ng liwanag sa kanyang katawan, nagtransform siya sa kanyang anyo ng tao.Sinamaan siya ng tingin ni James. Ito ang unang pagkakataon na nakita si Morangorin sa anyo ng tao. Siya ay isang medyo gwapong lalaki. Nakasuot siya ng puting roba na para siyang isang banal na nilalang."Mabuti," Sabi ni James. "Nais kong itago m
Sampu sampung milyong taon na ang lumipas mula noong umalis si James. Sa nakalipas na milyon milyong taon, sina Quiomars Boswell, Morangorin Yombeen, Jabari, Xulia Xaadsan, Yehosheva Bernadette, Yahveh Zvonimir, Jehudi Driscoll at marami pang iba ay naghihintay sa Mount Thea. Inihanda nila ang lahat ng uri ng Banal na Gayuma para sa mga emerhensiya upang maging ang isang sugatang manlalaban na nasa bingit ng kamatayan ay mailigtas sa pinakamaikling panahon na posible. Inayos nila ang kanilang mga kondisyon sa Mount Thea sa maximum bilang paghahanda sa labanan. Kasabay nito, pinagmamasdan nila ang bawat galaw ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race.Swoosh!Biglang may lumitaw na liwanag.Nandito si James. Isang tao lang ang nasa main hall—si Xulia. Nakaupo siya sa pangunahing bulwagan, pinagmamasdan ang stone chamber ng makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race sa pamamagitan ng ilusyon na imahe.Sa sandaling lumitaw si James, kaagad siyang tumayo. "Bumalik ka, James."“Mhm.” B
Nag materialize ang 108 Infinity Steles at nag set up si James ng Time Formation sa Chaos Space at sinimulang irefine ang mga ito.Makapangyarihan ang Infinity Steles at bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng mapangwasak na kapangyarihan.Ngayon, nais ni James na pinuhin sila muli sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang mahiwagang materyal sa bawat isa sa kanila upang madagdagan ang kanilang timbang. Sa ganoong paraan, pagkatapos maghiwa hiwalay ang Infinity Steles at mabuo ang Boundless Pagoda, magiging mas nakakatakot sila.Sa main hall ng Mount Ancestre's Ancestral Holy Site, ang Omnipotent Lord ay nakaupo sa kanyang trono. Sa ibaba niya ay isang anino.Ang anino ay nagsalita sa paos na boses, “Aking lord, matagal ko nang sinusundan si James. Sa takot kong ilantad ang sarili ko, lumayo ako sa kanya. Nakita ko siyang patungo sa kailaliman ng Chaos at nagrefine ng isang makapangyarihang sandata. Ang kaguluhan na nagmula sa Chaos ay nagmula sa Divine Weapon na kanyang nirerefine."S
Ang Chaotic Treasures ay hindi kapani paniwalang nakakatakot, kaya kahit isang Macrocosm Ancestral God ay hindi sila kayang sirain. Gayunpaman, ang kasalukuyang rank ni James ay higit na nalampasan ang isang Macrocosm Ancestral God. Naabot na niya ang rurok ng Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank at malapit ng maabot ang Acme Rank.Ginamit niya ang kanyang Chaos Power, ginawa itong Chaos Fire at nilusaw ang Chaotic Treasures. Habang natunaw ang Chaotic Treasures, naging likido ang mga ito. Ang likidong ito ay naglalaman ng nakakatakot na kapangyarihan na kahit isang patak nito ay sisira sa Chaos Space.Kinokontrol ni James ang mga kapangyarihang ito at pinigilan silang makatakas. Gayunpaman, ang nakapalibot na Chaos Space ay naging ilusyon at baluktot.'Merge!'Gumalaw ang isip ni James.Nagsimulang magsama ang likido sa isa. Sa buong proseso, tinago ni James ang kapangyarihan ng iba't ibang Path sa likido. Ang bawat kapangyarihan ng Path ay maaaring magsagawa ng Nine-Power Mac
Nakipagsapalaran siya sa malayo sa uniberso at nagtungo nang malalim sa Chaos. Pagkatapos, umupo siya sa isang lotus position sa kawalan.Walang mga direksyon o coordinate sa Chaos.Habang nakaupo si James sa kawalan, pinag isipan niya kung anong uri ng kayamanan ang dapat niyang irefine. Maraming Chaotic Treasures sa Celestial Abode. Ang ilan sa kanila ay nakuha sa Twelfth Universe, habang ang iba ay nakuha sa Ecclesiastical Restricted Zone.Habang gumagalaw ang kanyang isipan, lumitaw ang ilang Chaotic Treasures.Kabilang sa kanila ay ang Demon-Slayer Sword na naka-hover sa kanyang harapan. Ang espada ay itim at ang dulo nito ay bahagyang baluktot. Nagpakita ito ng itim na kislap at naglabas ng mahiwagang kapangyarihan. Ang Demon-Slayer Sword ay nagmula sa Dark World at nakuha ng mga Callahan. Sa huli, ibinigay ni Thea ang espada sa kanya. Kahit na ang espada ay hindi isang top-notch Chaotic Treasure, ito ay napakahalaga kay James.Ayaw niyang ibigay ang espada. Pagkatapos, isan
Inakala ng Omnipotent Lord na nasa ilalim niya si James. Gayunpaman, mula ng sumali si James sa Ancestral Holy Site at naging isang Protector, lalo siyang naging misteryoso. Ang isang kapansin pansing pangyayari ay ng harangin niya ang pag atake ng isang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race pagkatapos ay misteryosong nawala sa loob ng milyon milyong taon. Ang kanyang pag uugali ay naging dahilan upang ang Omnipotent Lord ay maging mas maingat sa kanya.Bumalik siya sa main hall ng Mount Ancestre."Shadow," Tawag niya.“Aking Lord.”Isang anino ang lumitaw ng wala saan at lumuhod sa isang tuhod.“Gusto kong bantayan mong mabuti si James. Isumbong mo sa akin kung may gagawin siyang kakaiba,” Utos niya."Naiintindihan," Sabi ng anino bago nawala nang walang bakas.Ang Shadow ay ang pinagkakatiwalaan ng Omnipotent Lord. Hindi alam ang tunay niyang pangalan at nacultivate niya ang kakaibang Hidden Path. Kahit na ordinaryo ang kanyang lakas, ang kanyang nakatagong kakayahan ay na