SevenRamdam ko ang takot na nabuo sa buong katawan ko lalo na nang haplusin ng lalaki na tila pinuno ng dalawa ang buhok ko. Kanina pa ako nagdadasal. Humihingi ng milagro na sana ay may dumating upang sagipin ako mula sa mga lalaking ito. Nakailang tawag na ako sa mga santo at santa kaya lang mukhang hindi nila ako naririnig. "Ipasok na 'yan sa loob!" sigaw ng lalaki saka ito tumawa na para bang may gagawin siya sa akin na hindi maganda. "Mukhang magsasaya tayo ngayon!" Mas lalo akong natakot nang hinila ako ng dalawa at pilit pinapapasok sa isang mukhang abandunadong lugar. Gustuhin ko mang sumigaw upang humingi sana ng tulong kaya lang tila nalunok ko ang dila ko dahil sa takot at panlalambot na nararamdaman ko. Bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Zeikko..." bulong ko habang patuloy ang pagbagsak ng luha ko. Kung kailan pinaka-kailangan ko siya ay wala naman ito. Sabi niya poprotektahan niya ako pero nasaan siya ngayon? Alam ko na wala ako sa sitwasyon para sa s
Eight"P'wede bang tantanan mo ang kakatitig sa'kin?" iritableng saad ko saka marahas na idinampi ang hawak kong bulak sa pisngi niya na agad niya naman kinadaing. "Hindi ako santa para titigan mo ng ganyan, at utang na loob... baka maubusan ako ng pasensya sa'yo!" nangigigil na dagdag na kulanhg na lang sapakin ko rin siya para magising-gising ang budhi niya. Nakakairita kasi. Simula nang mag-umpisa akong linisan ang sugat niya ay panay ang salita, titig at ngiti niya. Para siyang malandi na hindi mapakali, at malandi na akala mo makukuha niya ako. Hindi ko alam kung bakit ko ba kasi naisip na linisin ang sugat niya kahit na alam ko namang kayang-kaya naman niya itong gawin. Kaya lang ayoko kasing magkaroon ng utang na loob sa kanya, mamaya singilan niya pa ako ng iba "Damn woman! That stings," pagrereklamo niya habang hawak-hawak pa nito ang pisngi na parang nalugi. Napailing na lang ako dahil sa kaartehan niya. Muli kong pinagpatuloy ang paggamot sa mga sugat na natamo siya. Mad
NineMinsan talaga may mga bangungot na akala mo wala na at hindi na muling babalik pa, kaya lang may mga pagkakataon talaga na sobrang hirap pa rin itong iwasan, takasan at kalimutan. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ako magiging ganito, akala ko kasi okay na ako — ngunit nang makita ko ang article tungkol sa pagbabalik niya tila ba bumalik sa akin lahat at ayaw iyon tanggapin ng sistema ko. Ginawa ko naman lahat para kalimutan siya o kalimutan ang mga masasayang ala-ala naming dalawa. Iniwasan ko nga ang mga bagay na makapagpapaalala sa akin sa kanya. Lahat iniwasan ko masabi ko lang sa sarili ko na okay na ako, kaya lang ginawa ko lang palang tanga ang sarili ko, dahil heto na naman ako hindi mawari ang gagawin. Natatakot ako na baka bumalik lang ulit sa akin ang lahat. Ayoko na ulit maranasanan ang mga naranasan ko kasi sa totoo lang sobrang naging mahirap sa akin lahat. "Kanina ka pa bumubuntong hininga, may problema ka ba? Care to share?"Hindi ko binalingan si Zeikko na
TenNang makabalik ako sa syudad ay mas naging busy ako dahil kailangan ko na ring ifinalize ang mga nagawa ko bago ko ito ibigay kay chief. Pagkatapos ng nangyari sa isla ay wala na akong narinig mula kay Zeikko, kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano, kilala ko siya kung tahimik siya, maaaring may binabalak na naman ito, at doon ako lubos natatakot. I hope he will stop pestering me now. "Krystal, instead makapagbakasyon ka rin sana, trauma naman ang nangyari sa'yo," ani Kim na ang tinutukoy ay ang nangyari sa akin sa isla. "Buti na lang talaga walang nangyaring masama sa'yo," dagdag niya. Wala naman sana akong balak na sabihin ang tungkol sa nangyari sa akin kaya lang naisip ko na kailangan din nila itong malaman para aware rin sila, baka kasi maisipin nilang magbakasyon soon, tutal nasabi ko na ang maaring panganib na mag badya sa kanila. "Sino naman itong prince charming mong nagtanggol sa'yo? Buti na lang dumating siya. Naku! Kung nando'n lang din kami ay baka naupuk
ElevenHindi ko alam kung nakailang mura na ako pagkatapos kong mabasa ang written statement ni Zeikko. Hindi ko rin alam kung ilang beses ko na siyang napatay sa isipan ko. Gusto ko siyang sugurin pero alam ko naman na kung gagawin ko iyon baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Sobrang kapal talaga ng mukha niya! Ang lakas ng loob niyang ipagkalandakan ang nararamdaman niya ng hindi man lang niya ako muna kinusulta. Alam kong wala akong karapatan sa kung anong nararamdaman niya sa akin kaya lang hindi ko lang maatim na inilabas niya ito. "May gusto pala sa'yo si Mr. Zeikko?""Sinasabi ko na nga ba. Kaya iba tingin niya sa'yo.""Kaya pala gano'n na lang siya kapursige na tayo ang kunin niya."Samu't saring katanungan ang mga naririnig ko kaya lang wala akong lakas ng loob na sagutin sila. Oo, p'wede ko namang sabihin na 'wala akong pakealam sa nararamdaman niya', kaya lang hindi ko kayang ipirmi ang utak ko at ang mga salitang gustong lumabas sa bibig ko. God knows how I'm trying to
TwelveNapaungol ako dahil sa sakit ng ulo ko nang magising ako. Sapo ko ang aking noo habang hirap na hirap na bumangon. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang pilit iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong umiinom dahil... wait... tila nagising ang buong sisteme ko nang biglang narealize ko ang lahat ng pangyayari. Mabilis kong iminulat ang aking mga mata..."Shoot!" singhal ko nang mapagtantong wala ako sa bahay o sa kwarto ko. Chineck ko ang suot ko, nakahinga ako ng malalim nang makitang ang suot ko kahapon pa rin ang suot ko. Pero kahit gano'n hindi ko pa ring maiwasang kabahan. Paulit-ulit akong nagmumura habang pinoproseso ang lahat sa aking isipan.Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Tandang-tanda ko ang mga nangyari kagabi, at alam ko na nasa kuta na naman ako ng demonyo. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko dahil sa katangahang nagawa ko. "Kahit kailan talaga, Krystal," pagmamaktol ko habang pilit kinakalma
Thirteen.Akala ko paglipas ng ilang araw huhupa rin ang tungkol sa amin ni Zeikko, kaya lang sa tuwing may balita tungkol sa mga Teng lagi na lang nadadawit ang pangalan ko. Pinipilit nila akong mag release ng statement kaya lang kapag gagawin ko iyon baka mas lalo lang mabuksan ang tungkol sa amin ni Kiel, at iyon ang pinaka iniiwas-iwasan ko. Marahas akong napabuntong hininga saka ko isinandal ang likod ko sa aking kinauupuan. Napapailing na lang talaga ako sa tuwing mababasa ko ang pangalan sa mga articles na lumalabas. They really love to gossip as they keep releasing articles as if they know the whole story. My breakup with Kiel is something unimaginable. Kailangan kong lumuhod at magmakaawa para lang balikan niya ako pero sa huli wala rin akong nagawa para maipaglaban siya. "Nakailang buntong hininga ka na, mamaya tumanda ka bigla," puna ni Seca sa akin na bahagya pang tumawa. Bumusangot ako. "Ang hirap palang maging sikat, lagi kang pinag-uusapan," pagbibiro ko kaya naman
Fourteen.Hindi pa rin naalis sa isip ko ang huling pag-uusap namin ni Zeikko. Kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala lang naman iyon, alam kong nagkaroon ito ng epekto sa akin. Sa sobrang inis ko kay Zeikko, hindi ko madalas makita ang kabutihang ginagawa niya para sa akin, gaya na naman ngayon kung hindi pa sinabi sa akin ni mommy na siya ang naglagay kay dad sa private room at nagbayad ng mga gastusin ay hindi ko pa malalaman. Sobra-sobra na ang tulong na ibinibigay niya sa akin. "Anak, huwag ka ng mag-alala sa akin. Ayos na ako. Narinig mo naman ang sinabi ng Doctor di ba? Pagod lang at stress ito."Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni dad. Isa lang naman ang makakatulong sa amin sa problemang hinaharap namin ngayon eh, si Zeikko. But then here I am still anxious to take the risk. "Dad, I told you not to do anything and just stay at home. Ako na pong bahala sa lahat." Sinubukan kong ngumiti, buti na lamang ay nagawa ko iyon nang hindi naiiyak. Sa tuwing nakikita k
Sixty-two.KRYSTALKatatapos lang naming kumain ni Zeikko, at ngayon ay naglilibot kami sa labas kung saan sobrang daming tao ang nagsasaya. May mga naliligo sa pool, at nag-iinuman. Hawak ni Zeikko ang kamay ko na tila ba ayaw niya akong bitawan."ZEIKKO!"Nabaling pareho ang tingin namin sa lalaking tumawag sa pangalan niya. Oh! Andy Yu, isa sa pinakamagaling na racer ng bansa. Kilala rin siya sa pagiging womanizer nito at chick magnet, dahil sa tuwing may matipuhan siyang babae ay hindi ito titigil hanggang sa hindi niya ito makukuha. He never commit in love that's why he was called a jerk of those girls that he bed for fun. "Dude, long time no see ah! Siya yung chicks na pinagmamayabang mo?"Nakangiti niya akong binalingan ng tingin."Mukhang kilala niya na ako kaya hindi na ako magpapakilala pa," mahangin na saad niya saka pa ito kumindat sa akin."Tsk. Masyado ka pa rin talagang mayabang Yu," nakangising saad ni Zeikko na mas lalo pa akong inilapit sa kaniya."Dude kalma, hind
Sxity-one.ZEIKKOHaving her beside me is the best feeling that ever happened into my life. Being with her makes me so happy and I can't wish of anything now. Mawala na sa akin ang lahat huwag lang siya dahil siya ang nag-iisang buhay ko na matagal ko ng pinapangarap na maging akin."Zeikko, sigurado ka ba talagang hindi ka busy?"Hawak ko ang isang kamay niya habang ang isa kong kamay ay hawak ko sa pagmamaneho. We will going to the bachelor place again. I asked her to take a leave so we could spend more time together. I also canceled all my schedules for a week."Love, I can always make time for you. Huwag kang masyadong kabado, kiligin ka na lang at mas mahalin ako." Hinalikan ko ang likod ng kaniyang kamay saka ko siya saglit na binalingan ng tingin."Nagtatanong lang naman ako. Ayoko namang maging hadlang ako sa trabaho mo 'no. Baka mamaya may masabi na naman ang pamilya mo."Marahas akong napabuntong hininga dahil sa sinabi niya."Love, don't mind them. Ako nga wala akong pakeal
Sixty.KRYSTALI haven't felt this feeling before. I couldn't believe that I'm actually head over heals for him now. Yung pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya ay sobrang kakaiba, na hindi ko alam kung makaahon pa ako kung sakaling piliin niya akong iwan mag-isa."I'm sorry, Love."Hinalikan niya ang aking noo."Masyado ka kasing overthinker," pagmamaktol ko saka ko siya binabalingan ng tingin.Ipinatong ko ang aking baba sa kaniyang dibdib."Masyado kang walang tiwala sa akin." Pinanliitan ko siya ng mata saka ko bahagyang pinindot ang kaniyang ilong. "Sa akin ka pa talaga nagduda ah," dagdag ko sa isang mapang-asar na tinig.Hindi naman talaga maiiwasan ang pag-aaway sa isang relasyon, ngunit kung gusto niyo talagang tumagal kailangan niyong makipag communicate sa bawat isa. Kailangan mong ibaba ang iyong pride at piliin ang dapat at tama para masagip ang relasyon na gusto mong tumagal."It's not that I don't trust you, Love. It's just I'm not really confident." Hinaplos niya ang
Fifty-nineKRYSTALInalalayan ko si Zeikko na lumabas ng elevator nang marating namin ang unit floor niya. Nanatili kaming tahimik kahit na alam ko na sobrang dami niyang gustong sabihin ngayon. Nang makapasok kami sa unit niya ay pinaupo ko siya sa sofa."Kukuha lang ako ng ointment."Tinungo ko ang kusina at kinuha ang medicine kit niya. Pagbalik ko ay nakahiga na si Zeikko habang ang isang braso nito ay nakatakip sa kaniyang mga mata. Marahas akong napabuntong hininga."Zeikko," tawag pansin ko sa kaniya dahil nanatili itong nakahiga. "I need to treat your bruises," saad ko.Hindi pa rin ito umiimik kaya naman nag-umpisa na lang ako na gamutin siya. Dahan-dahan lang ang pagpahid ko ng ointment sa kaniyang gilid ng labi."After this aalis na ako," saad ko sa isang kalmadong tinig."You're leaving?"Now I finally get his attention. Tinanggal niya ang braso niyang nakaharang sa kaniyang mga mata. He is staring intently to my eyes as if he is finding an answer through it. Umayos siya n
Fifty-eightKRYSTALDalawang araw na ang nakakalipas simula nang magtalo kami ni Zeikko, hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na text o tawag man lang sa kaniya. Tsk. Huwag niyang sabihin na galit pa rin siya hanggang ngayon, dahil mas galit ako sa kaniya.Ang lakas lang ng loob niyang tratuhin ako ng ganito eh siya na nga itong may mali sa aming dalawa. Ang kapal talaga ng mukha. Hanggang ngayon sa unit pa rin ako ni Zel tumutuloy dahil ayoko pang makita ang pagmumukha niya. Siguro good thing na rin na hindi niya ako kinokontak para kahit papaano ay makapag-isip naman ako."Krystal, totoo ba 'to?" Nakuha ni Seca ang atensyon ko. Bahagya kong ini-slide ang upuan ko para makalapit sa kaniya. Agad na nagtaas ang aking kilay nang makita ko ang mga litrato ni Zeikko kasama na naman ang Tiffany na iyon. "Ewan," aburidong sagot ko saka ako muling bumalik sa akong puwesto. Don't tell me kaya hindi niya ako kinokontak ay dahil abala siya sa lintang iyon? Aba nga naman oh! Go ku
Fifty-sevenKRYSTAL"Ayan ang sinasabi ko sa'yo!"Dinuro ako ni Zel na tila ba sobrang laki ng kasalanan ko. Nagdadrama na nga ang tao pero kung makapagsalita ito sagad pa sa buto. Wala talagang kasuporta-suporta ito."Bakit sa akin ka nagagalit? Hindi naman ako ang may kasalanan ah," pagmamaktol ko saka ako humiga sa sofa. Tinakpan ko ang aking mukha ng throw pillow."Paanong hindi ako magagalit? Eh engot mo nga!"Napamura ako ng malutong nang bigla niyang tinanggal ang unan na nasa mukha ko pagkakwa'y ipinalo niya ito sa akin."Zel naman eh!" pagmamaktol ko na para bang bata. "P'wede bang suportahan mo na lang muna ako ngayon? Kay Zeikko ka magalit, huwag sa akin.""Hoy! Magkakaganiyan ka ba ngayon kung nakinig ka sa akin? Hindi di ba? Magmamahal ka na nga kasi sa totoong meaning pa ng g*go, edi ano ka ngayon? Ngangey!"Hindi talaga nakakatuwa ang bunganga ng babaeng ito eh. Dapat pala dumiretso na lang ako sa bahay hindi sa unit niya. Tsk."Alam mo, sinasabi ko lang naman kung ano
Fifty-sixKRYSTAL"Krystal, are you okay?" tanong ni Kiel nang muli akong bumalik sa puwesto namin. Nagtaas ng bahagya ang kilay ko dahil hindi ko na makita ang mga gamit ni Chief. "Nasaan si Chief?" "She left hurriedly when someone called her from your company. She said that you can discuss it to me instead." Huminga ako ng malalim. "I actually don't know what to say right now because honestly I'm not the one who is in charge with this project. If you don't mind..." "Why are you two together?" Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang marinig ko ang malamig at malalim na boses ni Zeikko. I almost forgot about him. "Love."Binalingan ko siya ng tingin. "We're online having a small talk, Zeikko. You don't need to worry about anything." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kiel. Nahihibang ba siya? Magsasalita palang sana ako nang kunin ni Zeikko ang kamay ko. "Let's go." Sa tono ng pananalita niya, mukhang hindi ito natutuwa. His eyes are now swearing... wait! Bakit t
Fifty-fiveKRYSTALSiraulo talaga si Zeikko, basta kamanyakan ang usapan ay super active niya, hindi nagpapahuli eh. Hanggang sa text ay nanlalandi pa rin ito.Pinalitan pa nga niya ang name niya sa phone ko eh. Z, Love: Love, gusto ko ng ice-cream.Me: Edi kumain ka.Z, Love: P'wede ka ba?Otomatikong nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang reply niya. I really can't believe this guy! Hindi ko napigilang matawa. Walang duda si Zeikko talaga siya.Z, Love: Love, kinilig ka naman na ata? Landian muna tayo. I'm bored.Impit akong napatili dahil putik! Hindi ko na makeri ang feels na ibinibigay niya. Para na akong batang kinikiliti ngayon. Grabe talaga ang lalaking ito."Uy! Okay ka lang?"Halos maibato ko ang aking phone dahil sa pagkakagulat nang biglang sumulpot si Seca."Oo okay lang," natatawang saad ko.Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa phone ko. Napuno na agad ng message ni Zeikko ang phone ko, pero sa isang long message nabaling ang aking mga mata.Z, Love: Love, I love
Fifty-fourZEIKKO"Sir, diretso ba tayo sa opisina niyo?"Ipinikit ko ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo sa aking kinauupuan. Ramdam ko ang bigat at pagkislot ng aking ulo dahil sa sakit nito."To her office."Saglit kong pinasadahan ang aking relo. Ilang oras na lang ay matatapos na ang shift niya. Wala naman na akong narinig pa mula kay Luis. I closed my eyes once again as I can't really bear the pain I feel anymore. "Sir, okay lang po ba kayo? Gusto niyo po bang dalhin ko muna kayo sa hospital?" "Don't bother. Just drive straight to her office," I said still my eyes closed.Muling natahimik ang loob ng sasakyan. I'd rather wait for her than to waste my time going to the hospital. Mawawala rin ito mamaya, at dahil lang siguro ito sa init. Huminga ako ng malalim. This is f*cking kill me. Nang marating namin ang office ay nagpaalam din agad Luis. I just asked him to drive me, kaya naman sumunod ito, ayoko naman na pigilan siya nang magpaalam siya dahil may pamilya rin s