Twenty-six"I already approved your work from home, Krystal."Napamaang ako dahil sa sinabi ni Chief. Work from home?"Order sa taas," pagkakwa'y saad ni Chief na tila ba nakita niya sa aking mukha na hindi ko na gustuhan ang sinabi niya.Paniguradong dahil na naman ito kay Zeikko. Siya lang naman ay may kakayahang gumawa ng ganito eh. Tipong lahat ay kaya niyang tumbasan makuha lang ang gusto niya."Pero kahit na work from home ka ng ilang araw, huwag mo pa ring kakalimutan ang duty mo. Sige p'wede ka ng umalis."I massage my temples out of frustration. I took a deep breath before I turn my back at her. Mukhang wala na rin naman na talaga akong magagawa dahil nga order nga raw sa taas."Sanaol!" saad ni Seca nang makita niya ako. Maging ang ibang kasamahan ko ay napapasanaol na lang din talaga.Marahas akong napabuntong hininga."See you soonest," pabirong pagpapaalam ko sa mga katrabaho ko. Tumawa naman sila.Dinala ko lang ang mga kakailanganin kong manuscripts maging ang mga draft
Twenty-sevenHindi ko alam kung ano ang takbo ng isip niya kung bakit naisipan niyang matulog dito sa unit ko, dahil kumpara sa bahay niya ay di hamak na magiging komportable siya roon kesa rito. "What are you eating? Is this your lunch? Krystal, this is not good for your health." At mukhang mag-aaway na naman ata kaming dalawa."Ang tawag dito ay cup noodles. Tsk," pagtataray ko saka ko siya inirapan."Okay. Whatever you say," saad nito sa tinig na nakakaloko. Ngumisi pa nga ito na akala mo naman kinagwapo niya ang ginawa niya. "Gusto mo ba? O baka naman hindi ka kumakain ng ganito?" Pinagtaasan ko siya ng kilay."Kumakain naman ako, basta ba subuan mo ako." Ngumisi ito ng nakakaloko na akala mo naman kinagwapo niya ito. "Huwag ka na lang kumain," pagtataray ko. Gagawin niya pa akong tagasubo. Ano siya gold?Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa halip na bwisitin ko pa lalo ang sarili ko sa kanya ay tinuon ko na lang ang atensyon ko sa cup noodles na nasa center table habang gin
Twenty-eightZEIKKOI couldn't stop staring at her. Kahit hindi niya ako kinakausap makita o makasama ko palang siya ay sapat na. Walang duda, sobrang mahal ko talaga ang babaeng nasa harapan ko ngayon.Sobrang haba ng panahon ang aking pinalampas para lang mabigyan siya ng sapat na oras para sa kanyang sarili. I did everything I can not to approach her ever since something happened between us. Inilayo ko ang aking sarili sa kanya dahil kung hindi ko iyon magagawa ay baka maging makasarili ako ng tuluyan para sa kanya.Krystal is not someone that I could easily take over. Dahil sa nakaraan nila ng kapatid ko, hindi magiging madali para sa akin na paamuhin siya. Lahat ay ginawa ko na para sa kanya, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya maangkin. Bed her? No! That's the most stupid thing that I will do... I can bed her if she want to, buy forcing her? No! I love her more than the lust I feel.Sa ngayon, ang tanging magagawa ko lang para sa kanya ay mahalin siya kahit na alam kong sa
Twenty-nineKRYSTALNanatili ang tingin ko sa mga kamay ko dahil tila ba may kakaiba talaga rito. Hindi ko lang ma-pinpoint pero pakiramdam ko ko may nahawakan talaga akong kakaiba eh. May naalala akong panaginip... pero bakit pakiramdam ko totoo iyon? At saka... imposible naman ata iyon. Shoota! Hindi kaya may sanib na ako? Napailing na lang ako."Baby, kanina ka pa tingin nang tingin sa mga kamay mo."Nahimigan ko ang tila natutuwang tinig ni Zeikko. Agad namang tumalim ang tingin ko sa kanya pero tumawa lang ito ng mahina. Naiinis na nga ang tao mas iniinis pa niya ako. Wala na talaga siyang ambag sa buhay ko."Ako na lang ang tingnan mo, gwapo na masarap pa." Mas lalong tumalim ang mga mata ko sa kanya dahil sa sinabi niya. "Tantanan mo ako. May hawak akong tinidor, itutusok ko ito sa mga mata mo kung hindi mo ako titigilan," pagbabanta ko.Muli itong tumawa kaya napairap na lang ako. Nai-stress na nga ako sa kakaisip kung ano yung pakiramdam na nahawakan ng kamay ko eh. Para kas
Thirty. KRYSTAL Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa aking isipan para makipagkasundo kay Zeikko kahit alam ko naman na madedehado talaga ako pagdating sa kanya. Basta ang tanging nasa isipan ko lang ngayon ay para makumpirma ko kung ano ang pakiramdam na nararamdaman ko sa kanya. I want to have an answer to the question that keeps bothering me... I want confirmation... I want to know if my feelings for him are real and not only a matter of fleeting feelings. I bit the inside of my cheek. A month... okay only for a month. "Baby, ibig sabihin ba nito nag d-date na tayo?" tanong niya na siyang ikinakunot ng noo ko. "Ibig sabihin ba nito p'wede na kitang ipagmalaki? P'wede ko na rin bang palitan ang status ko sa social media account ko ng in a relationship?" Marahas akong napabuntong hininga. Hindi ko talaga kinakaya ang mga sinasabi niya. Kahit kailan talaga ang lalaking ito, basta pagdating sa ikaka-benefits niya ay todo effort siya, nakalimutan ko na kalahating g*go at kalahating
Thirty-oneKRYSTAL"Nababaliw ka na ba?" may diing tanong ni Zel nang maipaliwanag ko sa kanya ang lahat. Alam ko namang ganito ang magiging reaksyon niya. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa ko? Kahit ata sabihin ko ito sa mga magulang ko ay baka ganito rin ang magiging reaksyon nila.Nasa loob pa rin ng kwarto si Zeikko, at panigurado ako na kating-kati na ito na lumabas. "Eh anong magagawa ko? Hindi ko na rin naman magbabago iyon eh," aburidong saad ko."At ikaw pa talaga ang may ganang mag-inarte ngayon? Krystal, para mo na ring itinapon ang sarili mo sa kanya dahil sa ginawa mo." Nanatiling aburido ang tono nito, at hindi na rin maipinta ang mukha niya.Huminga ako ng malalim. Detalyado kong ipinaliwanag sa kanya ang lahat at akala ko medyo aayon siya sa akin, kaya lang... nagkamali ako. "Mali ba 'yung ginawa ko? All I want is to answer the thoughts in my head, at saka one month lang naman, after that finish na, end." Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin, at mukha
Thirty-twoKRYSTALTatlong araw na ang nakakalipas simula nang makaalis sa unit ko si Zeikko, at tatlong araw na rin akong naaaburido dahil panay ang padala nito ng mga pagkain sa office. At ngayon, panibagong pagkain na naman ang ipinadala nito. May ice cream, chocolate, milk tea... lahat sweets."Sanaol may jowa!" pabirong saad ni Seca saka ito dumampot ng chocolate sa mesa.Nandito kaming lahat ngayon sa kitchen, break namin. Marahas akong napabuntong hininga, nag kanya-kanya sa pagkuha ng makakakain nila ang mga katrabaho ko."Suwerte mo talaga. Isang Zeikko na hot, gwapo, mayaman, mabait, at mesherep ang jowa mo!" ani Kim na bahagya pa akong itinulak na akala mo kinikilig ito.I bit the inside of my cheek out of frustration. Kalat na ang tungkol sa relasyon namin ni Zeikko dahil nga ang g*go, literal na pinalitan talaga ang status niya sa social media account nito, at hindi pa siya nakuntento dahil ang picture na sapilitan niyang nagawa kasama ako ay ginawa niya pang profile pict
Thirty-threeKRYSTALAng pinakamahirap gawin lalo na kung naranasan mo ng masaktan dahil sa pagmamahal na binibigay mo sa iba ay ang magmahal ulit at sumagal. Sobrang hirap lalo na kung ang pagmamahal na ibinibigay mo ay sobra, at hindi ka na nagtira pa ng iba para sa sarili mo.Masarap magmahal, nguni sobrang sakit masakta at maloko ng taong itinuring mong buhay.Sa tuwing naaalala ko kung paano ako nagmakaawa kay Kiel noon na huwag niya akong iwan at ako na lang ang piliin niya... hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Hindi ko akalain na dadanasin ko ang sakit na iyon sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sa kanya.Sobra-sobra ang sakit na naramdaman ko dahil lang nagmahal ako ng akala mo ay tamang tao para sa akin."Baby, yuhoo! I'm here!"I was back in reality when Zeikko caught my attention. Iwinawagayway nito ang kanyang kamay sa harapan ko pagkakwa'y umupo ito sa tabi ko."Anong iniisip mo? Iniisip mo na naman ba ako?" He smiled at me. I rolled my eyes."Assuming," pagtatara
Sixty-two.KRYSTALKatatapos lang naming kumain ni Zeikko, at ngayon ay naglilibot kami sa labas kung saan sobrang daming tao ang nagsasaya. May mga naliligo sa pool, at nag-iinuman. Hawak ni Zeikko ang kamay ko na tila ba ayaw niya akong bitawan."ZEIKKO!"Nabaling pareho ang tingin namin sa lalaking tumawag sa pangalan niya. Oh! Andy Yu, isa sa pinakamagaling na racer ng bansa. Kilala rin siya sa pagiging womanizer nito at chick magnet, dahil sa tuwing may matipuhan siyang babae ay hindi ito titigil hanggang sa hindi niya ito makukuha. He never commit in love that's why he was called a jerk of those girls that he bed for fun. "Dude, long time no see ah! Siya yung chicks na pinagmamayabang mo?"Nakangiti niya akong binalingan ng tingin."Mukhang kilala niya na ako kaya hindi na ako magpapakilala pa," mahangin na saad niya saka pa ito kumindat sa akin."Tsk. Masyado ka pa rin talagang mayabang Yu," nakangising saad ni Zeikko na mas lalo pa akong inilapit sa kaniya."Dude kalma, hind
Sxity-one.ZEIKKOHaving her beside me is the best feeling that ever happened into my life. Being with her makes me so happy and I can't wish of anything now. Mawala na sa akin ang lahat huwag lang siya dahil siya ang nag-iisang buhay ko na matagal ko ng pinapangarap na maging akin."Zeikko, sigurado ka ba talagang hindi ka busy?"Hawak ko ang isang kamay niya habang ang isa kong kamay ay hawak ko sa pagmamaneho. We will going to the bachelor place again. I asked her to take a leave so we could spend more time together. I also canceled all my schedules for a week."Love, I can always make time for you. Huwag kang masyadong kabado, kiligin ka na lang at mas mahalin ako." Hinalikan ko ang likod ng kaniyang kamay saka ko siya saglit na binalingan ng tingin."Nagtatanong lang naman ako. Ayoko namang maging hadlang ako sa trabaho mo 'no. Baka mamaya may masabi na naman ang pamilya mo."Marahas akong napabuntong hininga dahil sa sinabi niya."Love, don't mind them. Ako nga wala akong pakeal
Sixty.KRYSTALI haven't felt this feeling before. I couldn't believe that I'm actually head over heals for him now. Yung pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya ay sobrang kakaiba, na hindi ko alam kung makaahon pa ako kung sakaling piliin niya akong iwan mag-isa."I'm sorry, Love."Hinalikan niya ang aking noo."Masyado ka kasing overthinker," pagmamaktol ko saka ko siya binabalingan ng tingin.Ipinatong ko ang aking baba sa kaniyang dibdib."Masyado kang walang tiwala sa akin." Pinanliitan ko siya ng mata saka ko bahagyang pinindot ang kaniyang ilong. "Sa akin ka pa talaga nagduda ah," dagdag ko sa isang mapang-asar na tinig.Hindi naman talaga maiiwasan ang pag-aaway sa isang relasyon, ngunit kung gusto niyo talagang tumagal kailangan niyong makipag communicate sa bawat isa. Kailangan mong ibaba ang iyong pride at piliin ang dapat at tama para masagip ang relasyon na gusto mong tumagal."It's not that I don't trust you, Love. It's just I'm not really confident." Hinaplos niya ang
Fifty-nineKRYSTALInalalayan ko si Zeikko na lumabas ng elevator nang marating namin ang unit floor niya. Nanatili kaming tahimik kahit na alam ko na sobrang dami niyang gustong sabihin ngayon. Nang makapasok kami sa unit niya ay pinaupo ko siya sa sofa."Kukuha lang ako ng ointment."Tinungo ko ang kusina at kinuha ang medicine kit niya. Pagbalik ko ay nakahiga na si Zeikko habang ang isang braso nito ay nakatakip sa kaniyang mga mata. Marahas akong napabuntong hininga."Zeikko," tawag pansin ko sa kaniya dahil nanatili itong nakahiga. "I need to treat your bruises," saad ko.Hindi pa rin ito umiimik kaya naman nag-umpisa na lang ako na gamutin siya. Dahan-dahan lang ang pagpahid ko ng ointment sa kaniyang gilid ng labi."After this aalis na ako," saad ko sa isang kalmadong tinig."You're leaving?"Now I finally get his attention. Tinanggal niya ang braso niyang nakaharang sa kaniyang mga mata. He is staring intently to my eyes as if he is finding an answer through it. Umayos siya n
Fifty-eightKRYSTALDalawang araw na ang nakakalipas simula nang magtalo kami ni Zeikko, hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na text o tawag man lang sa kaniya. Tsk. Huwag niyang sabihin na galit pa rin siya hanggang ngayon, dahil mas galit ako sa kaniya.Ang lakas lang ng loob niyang tratuhin ako ng ganito eh siya na nga itong may mali sa aming dalawa. Ang kapal talaga ng mukha. Hanggang ngayon sa unit pa rin ako ni Zel tumutuloy dahil ayoko pang makita ang pagmumukha niya. Siguro good thing na rin na hindi niya ako kinokontak para kahit papaano ay makapag-isip naman ako."Krystal, totoo ba 'to?" Nakuha ni Seca ang atensyon ko. Bahagya kong ini-slide ang upuan ko para makalapit sa kaniya. Agad na nagtaas ang aking kilay nang makita ko ang mga litrato ni Zeikko kasama na naman ang Tiffany na iyon. "Ewan," aburidong sagot ko saka ako muling bumalik sa akong puwesto. Don't tell me kaya hindi niya ako kinokontak ay dahil abala siya sa lintang iyon? Aba nga naman oh! Go ku
Fifty-sevenKRYSTAL"Ayan ang sinasabi ko sa'yo!"Dinuro ako ni Zel na tila ba sobrang laki ng kasalanan ko. Nagdadrama na nga ang tao pero kung makapagsalita ito sagad pa sa buto. Wala talagang kasuporta-suporta ito."Bakit sa akin ka nagagalit? Hindi naman ako ang may kasalanan ah," pagmamaktol ko saka ako humiga sa sofa. Tinakpan ko ang aking mukha ng throw pillow."Paanong hindi ako magagalit? Eh engot mo nga!"Napamura ako ng malutong nang bigla niyang tinanggal ang unan na nasa mukha ko pagkakwa'y ipinalo niya ito sa akin."Zel naman eh!" pagmamaktol ko na para bang bata. "P'wede bang suportahan mo na lang muna ako ngayon? Kay Zeikko ka magalit, huwag sa akin.""Hoy! Magkakaganiyan ka ba ngayon kung nakinig ka sa akin? Hindi di ba? Magmamahal ka na nga kasi sa totoong meaning pa ng g*go, edi ano ka ngayon? Ngangey!"Hindi talaga nakakatuwa ang bunganga ng babaeng ito eh. Dapat pala dumiretso na lang ako sa bahay hindi sa unit niya. Tsk."Alam mo, sinasabi ko lang naman kung ano
Fifty-sixKRYSTAL"Krystal, are you okay?" tanong ni Kiel nang muli akong bumalik sa puwesto namin. Nagtaas ng bahagya ang kilay ko dahil hindi ko na makita ang mga gamit ni Chief. "Nasaan si Chief?" "She left hurriedly when someone called her from your company. She said that you can discuss it to me instead." Huminga ako ng malalim. "I actually don't know what to say right now because honestly I'm not the one who is in charge with this project. If you don't mind..." "Why are you two together?" Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang marinig ko ang malamig at malalim na boses ni Zeikko. I almost forgot about him. "Love."Binalingan ko siya ng tingin. "We're online having a small talk, Zeikko. You don't need to worry about anything." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kiel. Nahihibang ba siya? Magsasalita palang sana ako nang kunin ni Zeikko ang kamay ko. "Let's go." Sa tono ng pananalita niya, mukhang hindi ito natutuwa. His eyes are now swearing... wait! Bakit t
Fifty-fiveKRYSTALSiraulo talaga si Zeikko, basta kamanyakan ang usapan ay super active niya, hindi nagpapahuli eh. Hanggang sa text ay nanlalandi pa rin ito.Pinalitan pa nga niya ang name niya sa phone ko eh. Z, Love: Love, gusto ko ng ice-cream.Me: Edi kumain ka.Z, Love: P'wede ka ba?Otomatikong nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang reply niya. I really can't believe this guy! Hindi ko napigilang matawa. Walang duda si Zeikko talaga siya.Z, Love: Love, kinilig ka naman na ata? Landian muna tayo. I'm bored.Impit akong napatili dahil putik! Hindi ko na makeri ang feels na ibinibigay niya. Para na akong batang kinikiliti ngayon. Grabe talaga ang lalaking ito."Uy! Okay ka lang?"Halos maibato ko ang aking phone dahil sa pagkakagulat nang biglang sumulpot si Seca."Oo okay lang," natatawang saad ko.Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa phone ko. Napuno na agad ng message ni Zeikko ang phone ko, pero sa isang long message nabaling ang aking mga mata.Z, Love: Love, I love
Fifty-fourZEIKKO"Sir, diretso ba tayo sa opisina niyo?"Ipinikit ko ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo sa aking kinauupuan. Ramdam ko ang bigat at pagkislot ng aking ulo dahil sa sakit nito."To her office."Saglit kong pinasadahan ang aking relo. Ilang oras na lang ay matatapos na ang shift niya. Wala naman na akong narinig pa mula kay Luis. I closed my eyes once again as I can't really bear the pain I feel anymore. "Sir, okay lang po ba kayo? Gusto niyo po bang dalhin ko muna kayo sa hospital?" "Don't bother. Just drive straight to her office," I said still my eyes closed.Muling natahimik ang loob ng sasakyan. I'd rather wait for her than to waste my time going to the hospital. Mawawala rin ito mamaya, at dahil lang siguro ito sa init. Huminga ako ng malalim. This is f*cking kill me. Nang marating namin ang office ay nagpaalam din agad Luis. I just asked him to drive me, kaya naman sumunod ito, ayoko naman na pigilan siya nang magpaalam siya dahil may pamilya rin s