AMIRA"AMIRA ANAK, saan ka ba galing? Ang sabi nila Mona lumbas ka daw at may bibilhin ka." Salubong sa akin ni inay pagpasok ko ng mansion at makita nya ako. "Ah opo nay, may binili lang po ako sa labas." Sabi ko na medyo kinakabahan. Mahigpit na hinawakan ko ang plastic na may lamang bote ng pomelo juice at mineral water na may bawas na. Mabuti na lang ay ininom ko kaagad ang after pills kanina at tinapon ang balat. Kumunot ang noo ni inay. "Ano bang binili mo?" Tiningnan nya ang hawak kong plastic. "Ay sus, bakit bumili ka pa nyan sa labas eh meron naman nyan sa ref."Kumagat labi ako. "Eh, w-wala pong pomelo na flavor sa ref nay." Sabi ko na lang. Napakamot na lang si inay sa ulo. "Sige na, silipin mo na lang ang señor sa kwarto nya baka gising na. Ang itay mo dumaan kanina at hinahanap ka."Pagkabanggit nya kay itay ay kumalabog ang dibdib ko sa kaba. "Sa kusina lang ako anak para mag asikaso ng lulutuin sa pananghalian." Paalam ni inay at tumalikod na. Bumuntong hininga ako
HACIENDA ALEJOS.. THIRD POV "HUY BERNA! Kanina pa kita hinahanap nandyan ka lang pala. Ano bang ginagawa mo dyan? Para kang namboboso dyan?" Kalabit ni Mona sa kaibigan at kapwa kasambahay. "Shh wag kang maingay, baka makita nila tayo." Saway ni Berna kay Mona. Kumunot naman ang noo ng huli. "Sinong nila? At saka sino ba yang binobosohan mo?" Nakisilip na rin si Mona sa sinisilip ng kaibigan. Nakita nya si señorito Yñigo at Amira na nag uusap sa may garden. "Si señorito at Amira lang pala eh." "Alam mo madalas ko silang magusap sa mga tagong lugar." Sabi ni Berna. "O eh ano naman? Anong big deal dun?""Wala naman, nakukyuryus lang ako. Kasi para talagang may something dyan sa dalawa. Nararamdaman ko talaga. Tingnan mo yung tingin ni señorito, titig na titig sya kay Amira at ngiting ngiti pa."Napataas ang kilay ni Mona. "Eh baka naman masaya lang si señorito.""Hindi lang yun alam mo bang madalas nyang uwian ng pasalubong si Amira kapag nagpupunta sya sa kabilang bayan. Noong is
AMIRAHALOS MABINGI na ako sa lakas ng kalabog ng puso ko habang nakaupo ako sa elaganteng sofa sa sala. Hindi ko matingnan ang mga magulang kong matiim na nakatingin sa akin. Si inay ay katabi ko na may hawak na baso ng tubig habang hinahagod ni manang Flor ang likod nya. Iiling iling na tinitingnan nya ako. Si itay naman ay nakatayo at matalim ang mga matang nakatingin sa akin. Habang ang señor ay hawak ang tungkod na nakaupo din sa pang isahang sofa. Ang mga kasambahay naman ay napansin kong pasilip silip mula sa kusina. Kinagat ko ang labi ko at yumuko habang kinukurot kurot ang mga daliri. "Lo, Mang Carlitos, Manang Esme.." Nag angat ako ng tingin. Pababa ng hagdan si señorito Yñigo at bihis na sya. Nagsalubong ang aming tingin. Naging mapungay ang kanyang mga mata. Para namang may insektong kumikiliti sa tiyan ko dahil sa tingin nya na iyon. Pero agad din akong nagbawi ng tingin at muling yumuko.Narinig ko naman ang marahas na paghinga ni itay at hinarap si señorito. Napasin
YÑIGO"IHO." Nilingon ko si lolo na papalapit sa akin habang akay ng kanyang tungkod. Tinapik nya ako sa braso ng makalapit na sa akin. "Bakit gising pa kayo lo?" Tanong ko. Sinilip ko ang oras sa wrist watch ko. Mag a-alas diez na ng gabi. Dapat ay tulog na sya ng ganitong oras. "Hindi pa ako inaantok. Ikaw bakit hindi ka pa natutulog? Nasaan na ang asawa mo?" Balik tanong din nya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko pagkabanggit nya sa asawa ko. Ang sarap sa tenga at pakiramdam. Nilagok ko muna ang alak sa baso at ngumiti. "Nasa kwarto lo, inaayos ang mga gamit nya." Iniwan ko muna si Amira sa kwarto ko na magiging kwarto na naming dalawa. Baka kasi hindi sya matapos sa ginagawa kapag nanatili ako sa kwarto. Dahil siguradong hindi ako makakapagtimpi at ihihiga ko sya sa kama at aangkin ng paulit ulit. "Sa totoo lang binigla mo ko iho." Muli kong nilingon si lolo. Iiling iling na tumingin sya sa akin. Nag alala naman ako dahil baka disappointed sya sa akin. "Wala kaming kaal
YÑIGONAMUMULA ANG mukha nyang tumingin sa akin habang nakaupo sya sa kandungan ko. "H-Hindi ako marunong." Nahihiyang sabi nya. Sa ilang beses ng may nangyayari sa amin ay lagi ako ang may kontrol sa galaw. Natawa naman ako at kinintalan sya ng halik sa labi. "Don't worry I'll guide you.." Humiga ako habang pinapanood lang sya. Gusto kong sya ang kumontrol sa galaw namin dahil kung ako lang ay baka hindi ko makontrol ang sarili ko dahil sabik na sabik ako sa kanya. Umayos sya ng pwesto sa gitna ko. Hinawakan ko naman ang mga hita nya at hinaplos haplos ito. "Hold my c*ck baby." Utos ko ng makita kong nakatingin lang sya sa pagkalalaki kong nangangalit na at gusto na syang tuklawin. Sumunod naman sya at hinawakan ang pagkalalaki ko. Napaungol ako ng maramdaman ko ang malambot at mainit nyang kamay na sinasakal ang pagkalalaki ko. Halos hindi ito magkasya sa kanyang kamay. Ibang iba talaga kapag sya ang humahawak. Ang sarap! "Stroke it baby please.." Pagsusumamo ko.Namumula an
YÑIGONAGSALUBONG ANG kilay ko at parang nagdilim ang paningin ko ng makita ang ex ni Amira na nasa labas ng gate at pigil pigil ng mga tauhan ko. Anong ginagawa nya dito? Kuyom ang kamaong lumapit ako sa gate. Binati pa ako ng ilang mga tauhan sa gate. "Amira!" Sigaw ng lalaki. Nagpanting naman ang tenga ko sa pagsigaw nya sa pangalan ng asawa ko. Ni ang banggitin ang pangalan ay wala syang karapatan. Madilim ang mukha nya at nagtatagis ang bagang ng makita ako. "Anong kailangan mo sa asawa ko?" "Ilabas mo si Amira, gusto ko syang makausap." Mariing sabi nya. Napakamot ako ng kilay at humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Gusto ko na syang labasin sa gate at bigyan ng isang bigwas. Ang kapal ng mukha makautos. "Ano pang pag uusapan nyo ng asawa ko?"Lalo namang nagdilim ang paningin ang lalaki at nagpupumiglas sa hawak ng dalawang tauhan ko. "Hindi mo sya asawa." Singhal nya. Napangisi naman ako sa sinabi nya. Kumibot ang labi ko at nagpipigil na paulan
AMIRA PALAKAS NG palakas ang kalabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sasabihin ng doctor at piping nagdadasal. Maging si inay ay nanginginig pa ang mga kamay. "Nakuha na namin ang bala sa dibdib nya pero kailangan pa rin syang obserbahan. Ililipat na sya sa ICU." Para naman kaming nabunutan ng malaking tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag. Umiiyak na nagpasalamat si inay sa butihing doctor. Hinawakan naman ako sa balikat ni Yñigo at hinalikan sa ulo. Nilingon ko naman sya at nginitian, nagpasalamat dahil hindi sya umalis sa tabi namin ni inay. "Salamat mahabaging Panginoon. Sana ay magtuloy tuloy na maging mabuti ang lagay ni Carlitos." Mangiyak ngiyak na sabi ni inay. Nang nailipat na si itay sa ICU ay saka lang namin sya pinuntahan. Pinasuot kami ng surgery gown bago pinayagan makapasok. Tulog na tulog si itay at may mga swerong nakakabit sa kanya. Lumapit kami ni inay. Hinaplos ni inay ang noo at buhok ni itay habang maingat ko namang hawak ang kanyang kamay. Halos tatlu
AMIRA ISANG LINGGO na ang nakalipas mula ng mabaril si itay. Naging maayos na rin ang kalagayan nya at nagpapagaling na lang ng sugat. Maayos din ang lahat ng laboratory nya. Bukas ay maaari na rin syang lumabas. Sa mga nagdaang araw ay marami ang nangyari. Dinalaw sya ng mga kapitbahay namin at mga kasamahan nya sa sakahan. Dumalaw din sila Tonio pati ang tatay nya. Nakatulong ang pagdalaw nila sa mabilis na recovery ni itay. Ang malungkot lang ay patay na ang tauhan nila Alvin na bumaril kay itay. Natagpuan daw ito na wala ng buhay sa isang talahiban at may tama daw sa ulo. Pumunta pa nga sa mansion ang mga pulis para kunan kami ng salaysay. Dahil baka may kinalaman daw si Yñigo sa pagkamatay ng tauhan. Pero malinis ang konsensya ng asawa ko. Sa huli ay natukoy din kung sino ang utak sa pamamaril kay itay at sa tauhan na bumaril. Walang iba kundi ang mommy ni Alvin na si ma'am Melissa. Hindi ko akalain na ganun pala kaitim ang budhi nya at nakaya nyang magpapatay ng tao. Pinaghaha