Share

Moon Phase 99 “Cerilyo. Long-time no see buddy.”

(Wenziel POV)

Sinindihan ko ang aking sagarilyo.

Madilim ang aking dinadaanang iskinita.

May kaluskus akong naririnig. Hindi gawa ng isang taong lobo o tao…

Sa unang pahithit ko ng sagarilyo, ipinikit ko ang aking mga mata.

Nailabas sa ilong ko ang usok.

Kanina pa silang nakaabang dito.

Marami sila.

Mga kapwa kong bampira na naghihintay ng pagkakataong sugurin ako ng sabay-sabay.

Napatalon na lamang ako ng may paparating na isang blade sa akin. Kung di ko iniwasan, putol ang katawan ko.

Saka ko iminulat ang aking mga mata.

Napangisi ako dahil di ako nagkamali, napakarami nila.

“Wenziel.” tinig ng isang lalaki.

Ito ata ang namumuno sa kanila. Saka ko naaninag sa kanyang kapa ang selyo ng WSO.

Alam na ba nila ang katraydoran kong ginagawa? Kung kaya’t naririto sila para tapusin ako?

Yu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status