Pagkatapos mabili lahat ng paninda namin ni Dave ay umuwi na kami ng bahay kasama si Tyra, tuwang-tuwa si mama ng maubus lahat ng paninda. Akala ko nga ay nagbibiro lang iyon si Dave, mahilig pa naman magbiro ang taong yon.
"Boyfriend mo ba yun, Joy?" Tanong ni Tyra dahilan para mabulunan ako sa iniinom kong softdrinks.
Nang maayos na ang aking pakiramdam ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Siraulo, hindi ko yun boyfriend." Sabi ko, tumaas ang kilay niya senyales na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Oo nga, sa gwapo non. Papatol yun sa akin?"
"Malay mo naman gusto ka niya--"
"Ewan ko sa'yo, lahat nalang ng bagay ginagawan mo ng issue." Reklamo ko, humahalkhak siya.
Lumipas ang ilang araw ay marami na ring pinapagawa ang guro namin, dahilan ng mas nagiging malapit sa akin si Sirius. Ang lahat ng assignements at activities niya sa akin niya pinapagawa. Wala namang kaso sa akin iyon dahil nilalapag na agad niya ang perang pangbayad kasama ang mga nakalistang ipapagawa niya kaya hindi ako makatanggi.
Ngayon, nandirito nanaman siya sa labas ng room at hinahanap ako para ibigay ang ipapagawa niya na nakalista na at ang pera niyang pangbayad.
"Pumunta ka na lang ulit rito sa tapat ng room para kunin 'to." Sabi ko habang tinitignan ang listahan ng ipapagawa niya.
"Hindi siya free delivery sa room? Walang voucher?" Pagbibiro niya.
"Baliw."
Umalis na siya matapos nun at ako naman ay bumalik sa upuan, walang guro ngayon dahil may meeting. Naging abala lang ako sa mga assignements ko nu'ng naunang subjects.
Nang matapos ko gawin ang assignments ko ay iyong kay Sirius naman, ramdam ko ang pagtingin sa akin ni Dave. Hindi ko pinansin ang tingin iyon.
Kilala ko na rin ang lalaking amerikanong nagtanong sa akin, ang pangalan niya ay Syrien. Nagpapaturo siya sa akin magtagalog dahil hindi niya kami maintinidhan kung anong pinag-uusapan namin. Pero ngayon ay hindi siya sa nagpaturo dahil abala ako.
"Turuan mo na lang kaya magtagalog si Syrien, imbis na tumitig ka d'yan." Sabi ko kay Dave at tumingin sa kaniya. Ngumuso siya, halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko.
"Bakit ko tuturuan 'yan, hindi ko naman yan kaibigan--"
"Ang sama ng ugali mo." Sabi ko at nanlaki ang mata niya. Hindi ko inaasahan ang pagsabi ko ng gano'n. Wala namang ginagawa sa kaniyang masama si Syrien pero hindi maganda ang trato niya.
"Sinakop kasi ng mga amerikano yung bansa na'tin di'ba? Masakit yun!"
"Kasaysayan na 'yun, Dave. H'wag ka ngang feeling makabayan. Sabihin mo, may personal kang dahilan kaya hindi mo siya maturuan." Hindi siya nakaimik sa sinabi ko.
Sa nagdaang araw ay medyo nakikipag-usap na rin ako sa kaniya. Ngunit ang pagkausap ko sa kaniya ay may halong pagtataray, hindi ko naman maiwasan magduda sa kaniya dahil napapalibutan ako ng mga taong nangkukutya sa akin sa nagdaang taon.
Nang dumating ang oras ng recess ay nanatiling tahimik si Dave, bigla tuloy akong nakaramdam ng guilty sa mga nasabi ko sa kaniya. Habang pababa kaming tatlo canteen ay kinakausap ako ni Syrien, tungkol sa lugar rito sa Pangasinan. Minsan naman nagtatanong siya kung saang maganda pang lugar sa pilipinas na maganda.
"Saan magandang maghiking?" Tanong niya pa, napaisip ako dahil hindi ako mahilig sa ganoon kaya hindi ko rin inaalam. Ang mga inaalam ko lang iyong mga magagandang beach kaysa sa magagandang akyatan na bundok.
"Hindi ko alam. Hindi ako mahilig roon, kaya hindi ko rin inaalam."
Tumango siya sa sinabi ko.
Nang makabili kaming tatlo ng pagkain ay sinilo ko si Dave dahilan para mapalingon siya sa akin. Hindi naging masungit ang pagtrato saakin ni Dave kahit hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kaniya.
"Bakit?" Taka niyang tanong sa akin.
"Wala naman, nagtataka ako bakit hindi ka nagtatanong sa akin ngayon. Nagtatampo ka ba?" Tanong ko. Ngumisi siya dahilan ng pag-irap ko.
"Bakit? Susuyuuin mo ba ako?"
Ngumiwi ako. Humalakhak siya sa reaksyon ko.
"Umayos ka nga ng sagot. Nagtatanong ako ng maayos eh." Reklamo ko.
"Bakit naman ako magtatampo? Wala ka namang ginawa sa akin."
Hindi na ako umimik, baka kung ano pang kabaliwan ang sasabihin niya. Nakinig na lang ako sa tinuturo ng guro sa susunod na mga oras habang hinihintay ang oras ng uwian.
"Hatid na kita?" Tanong ni Dave sa akin. Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Bakit mo naman ako ihahatid sa bahay namin?"
"Kasi babae ka at lalaki ako." Simpleng sagot niya.
Hindi ko maintindihan ang rason niyang iyon, wala naman sa akin naghahatid pauwi. Nasanay ako sa ganoon, kaya nagtataka ako kung bakit nagpr-presenta siyang ihatid ako sa bahay namin.
"Ano naman kung lalaki ka at babae ako? May binabalak ka?"
Tumawa siya habang umiiling. "Tamang hinala ka talaga, Joy! I have knife here kung ayaw mong magpasundo. Medyo delikado sa daan at baka mapano ka."
Binigay niya sa akin ang keychain na parihaba ang hugis at gawa sa metal. Hindi ko yun tinanggap, dahil nagtataka ako ron sa binibigay niya. Nang binuksan niya iyong metal ay namangha ako ng makitang kutsilyo iyon na maliit.
Sinarado niya na iyon at kinuha ang kamay ko upang tanggapin iyon. Sabay lang kaming tatlong lumabas nila Syrien sa gate ng school, nagpaalam lang kami at nagkaniya-kaniya na ng direksyon sa pag-uwi.
Napatingin ako sa bigay ni Dave na keychain na nasa aking kamay. Hindi manlang ako nagpasalamat sa kaniya sa pagbigay nito.
Siguro, dapat iwasan ko na ang sarili ko isipin na baka may masamang gawin sa akin ang ibang tao. Baka hindi ko alam, yung kilos at sinasabi ko at mga hinala, nakakasakit na pala ako ng damdamin ng ibang tao.
I never imagined myself, sorrounded by being a lot people o maybe approached by some people. Kasi alam ko sa sarili na hindi ako kapansin-pansin na tao, o dapat ba akong pansinin? Napailing ako sa naisip ko.
My mind automatically would think that when someone approached would make fun of me. Lumaki akong ganuon ang konsepto ng nasa utak ko, ngayong tumatanda na ako ay nahihirapan akong tanggalin ang nakasanayan.
Rinig ko ang hampas ng mga alon sa dagat sa hindi kalayuan, habang palapit ako ng pagdating sa bahay ay mas lalong naririnig ko ang lakas ng tunog ng alon. Gusto kong maligo sa dagat, dahil matagal na rin ng maligo ako.
Pagkarating sa bahay ay abala si mama sa pagluluto, si Jun ay nakatulugan ang assignements niya. Nagmano muna ako kay mma bago ako nagbihis ng damit sa kwarto.
"Ma! Maliligo ako sa dagat!" Paalam ko.
"Kapag ikaw nilagnat! Hindi ka makakapasok sa skwela mo!" Pangaral niya sa akin, binalewala ko ang pangaral niya at nagtuloy-tuloy ang punta ko sa dagat.
Medyo dumidilim na ang paligid dahil dapit-hapon na, pinagpatuloy ko pa rin ang paglangoy at pagdama ng mga alon sa dagat. May mga naliligo rin katulad ko, ngunit hindi naman nila ako pinapansin.
Hindi naging mali sa paalala si mama, kinagabihan ay nagkaroon ako ng sipon dahilan para hindi magkaroon ng magandang pakiramdam. Walang sawa si mama na pangaralin ako, ang pangaral niya ay hindi ko pinakinggan. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.
Kinabukasan, dulot ng hindi magandang pakiramdam ay hindi ako nakapasok. Kumain lang ako at uminom ng gamot katulad ng pinagbilin ni mama na ngayon ay nasa palengke upang magtinda, si papa nanduon sa karagatan, nanghuhuli ulit ng isa katulad ng nakagawian.
Nagising ako ng may narinig akong katok, pagbangon ko palang sa kama ay bigla na agad kumirot ang ulo ko sa sakit. Ilang sandali muna akong umupo sa kama upang pakiramdaman ang sarili't. Nang humupa ang sakit ay dumeretso ako sa pintuan ng bahay.
Nagulat ako ng nanduon si Dave sa labas. Halata sa mukha niya ang pag-alala. Kumunot ang noo ko dahil nagtatakang nandirito siya sa bahay.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko, hindi siya agad nakasagot at tumingin sa kung saan.
Tumikhim siya. "Hindi ka pumasok."
"May sakit ako." Sagot ko, tumango siya. "Kukunin mo ba ang kutsilyo--"
"Hindi... hindi iyon ang pinunta ko rito."
Nanliit ang mata ko.
"Mauuna na ako."
Mabilis siyang umalis kaya hindi na ako nagtanong. Pinagpatuloy ko ang pagpapahinga para gumaling, binalewala ko na lang ang pag-iisip kung ano bang rason ni Dave kung bakit siya pumunta rito.
Hours turned o days. Days turned to months. Abala ang lahat ng kaklase ko sa kani-kanilang requirements para ipasa sa application sa bawat univerisity sa manila kung saan sila mag-entrance exam. Habang abala naman ako sa kakagawa ng assignments ni Sirius.
"Hindi ka mag-aaral sa manila, Joy?" Tanong sa akin ni Dave, umiling ako.
"Mahal mag-aral doon, baka sa college na lang."
Hindi siya umimik sa sinabi ko. Totoo naman na mahal talaga mag-aral sa manila, wala kaming sapat na pera para mag-aral roon, bukod pa sa rason kung bakit hindi mag-aaral muna sa manila ay medyo delikado rin. Talamak ang kidnapping at nakawan ng mga gamit, ayon sa mga nasasagap kong balita.
"Dito ka pa rin sa Pangasinan... mag-aaral?"
Tumango ako.
Mabuti na lang at may senior highschool ng pinatayong building ang school, para hindi na rin ako palipat-lipat pa ng school dahil baka magkagulo ang transcript of records ko pagkagraduate.
"Ikaw saan ka? Sa ibang bansa?"
Umiling siya. "Hindi muna, may crush ako rito eh. Liligawan ko."
Nakangisi at napailing ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang binaliwala niya ang pag-aaral sa manila para lang roon sa gusto niya. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko pang mag-aral sa manila kaysa sa crush ko na hindi ko alam kung gugustuhin ba rin ako pabalik. Hindi ako sasayangin ang oportunidad na makapag-aral sa magandang paaralan.
"Paano pagbinasted ka?" Tanong ko dahilan para matigilan siya.
"Liligawan ko ulit hanggang pumayag siya. Sabi nga, try and try until you suceed!"
"Paano pag-ayaw ka talaga niya?--"
"Ang choosy niya naman, nakakainis ah!" Natawa siya sinabi niya kaya natawa rin ako.
Si Syrien ay abala sa pagbabasa ng english-tagalog dictionary. Sa mga nagdaang araw ay 'yon na ang pinakaabalahan niya.
"Ako rin, i have crush." Sabat ni Syrien sa usapan.
"Sino?" Tanong ni Dave.
"The short hair girl that i saw last time?" Inosenteng tanong ni Syrien, ngumingiti pa siya habang sinasabi iyon.
"Sino nagtanong?" Pambabara ni Dave dahilan para mapanguso si Syrien sa pikon.
"H'wag mo ngang laging inaasar si Sy." Pangaral ko sa kay Dave, pabiro siyang umirap.
"Sy?" Takang tanong niya.
"Si Syrien, h'wag mong inaasar. Wala naman siyang ginagawang masama... sayo."
"First name basis..." bulong niya.
Nagtaka ako ron sa sinabi niya ngunit hindi ako nagtanong, hindi ko alam kung ano bang pinupunto niya sa pagtawag ko sa pangalan ni Syrien.
"Bukas mangangabayo kami nila Alex, sama ka?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Wala akong kabayo."
"Kami meroon, pahihiramin kita."
"Ayaw ko rin." Ngumuso siya sa hindi pagpayag ko.
Bumulong siya ngunit hindi ko iyon narinig. Binaliwala ko na lamang iyon.
Kinabukasan pumunta ako sa subdivision nila Sirius, para ibigay ang mga pinagawa niya sa aking assignments at activities. Isang taon ko ring ginagawa ang assignments niya at tinuro niya ang direksyon kung saan ang bahay niya ngunit mas pinili ko nalang manatili ako sa labas ng subdivision.
Nagsabi lang ako sa kaniya sa text na nasa labas ng subdivision ako, hindi naman ako naghintay ng matagal dahil dumatig siya agad, nakasakay siya sa golf cart. Natawa siya ng makita ko.
"Nag-almusal ka na?" Tanong niya, tumango ako.
"Hatid na kita?"
Umiling ako. "Hindi na pupunta rin ako ng palengke, may inutos si mama eh."
Tumango siya sa akin, binigay ko na sa kaniya ang pinagawa niya sa akin. Magbibigay pa siya ng pera ngunit tumanggi na ako dahil sobra na ang binigay niya no'ng nakaraan.
"Salamat Joy! Kung wala ka, bagsak na ako sa subjects ko!" Masayang sabi niya, umiling ako habang nakaukit ang ngisi sa aking labi.
"Tamad ka na lang!" Tumawa siya sa puna ko. "Umuwi ka na, maghihintay pa ako ng tricycle.
"Hihintayin kitang makasakay bago ako umuwi."
Katulad ng sabi niya, hinintay niya ako makasakay ng tricycle bago umalis.
"Ingat!" Aniya.
"Ikaw rin!"
Nang makasakay ako sa loob ng tricycle ay may tao pala sa loob non, lalabas na sana ako ngunit nakita ko ang mukha nang makita ko ang mukha ni Dave na nandon.
Sumakay na lang ako, naging tahimik ang byahe dahil hindi kami nag-imikang dalawa. Hindi ko rin naman alam ang dapat pag-usapan namin.
Nang nasa palengke na ay bumaba na ako sa sasakyan, bumaba rin si Dave. Ibibigay ko na sana ang bayad ngunit humarang si Dave sa driver.
"Dalawa po iyan, yung isa akin. Yung akin kaniya." Sabi niya sa Driver.
"May pambayad ako." Sabi ko.
"Alam ko yun, Joy." Sabi niya, umalis na ang driver pagkatanggap ng pera. "Magkaibigan ta'yo hindi ba?"
"Ano naman koneksyon sa magkaibigan at sa pagbayad ko sa pagsakay ko sa Tricycle?"
"Hindi ko alam, gusto ko lang magbayad."
"May gagawin ka ngayon?" Tumango ako sa tanong niya, tutulungan ko naman si mama katulad ng nakagawian ko kapag walang klase. "Ikaw?" Tanong ko. Nanlaki ang mata niya, kalaunan ay ngumisi siya. "Masyado ka ng interesado sa buhay ko." Sabi niya at humalakhak. "Ikaw rin... masyado kang interesado sa buhay ko." Tinaas ko ang isang kilay ko, inaasar siya. Natigilan siya sa sinabi ko at napakagat ang labi. Napatingin ako ron, kalaunan ay iniwas rin ang tingin dun. "Gagala lang ako sa palengke, hindi na ako sumama sa pangangabayo nila Alexa, tinatamad ako."
"Sure ka ba talagang wala kang gustong ipabili?" Tanong niya. Umiling ako, medyo nakakahiya dahil ngayong taon lang naman kami nagkalapit. Siya at si Syrien lang ang madalas konv nakakausap sa school. "Wala eh. Siguro tubig sa ibang bansa na lang." Natawa ako sa kalokohan. Kumunot ang noo niya, nagtataka sa sinasabi ko. "Hindi ba nakakaputi ang mga tubig d'on." "Okay naman na ang balat mo, bagay sa'yo." Ngumuso ako. Hindi sumasang-ayon sa sinabi niya. Hindi ko talaga ang gusto ang kulay ng balat ko dahil nagmumukhang madumi ako kahit naman naglinis ako. "Para akong mukhang madumi." Sabi ko habang tinitignan ang kulay ng balat sa braso. "Parang hindi naman." Komento niya.
Mabuti na lang at pinapasok pa kami ng guwardiya ng school kahit late kami sa pagpasok, siguro ay pinagbigyan kami dahil foundation day lang naman.Pagpasok namin sa school ay nagflag ceremony muna at nagkaroon pa ng kaunting sinabi ang principal ng school. Nagkaroon din ng intermission dance ang grade eight. Pagkatapos non ay hinayaan na kami kung saang booth ang gusto naming puntahan."Hindi ba muna tayo kakain?" Tanong ko, mukha kasi silang excited sumubok ng booth. Lalo na si Syrien."Kakain lang na'tin sa bahay niyo, Joy!" Sabi ni Dave. Umismid ako."I brought biscuits here, is that okay?" Tanong sa akin ni Syrien, umiling ako."May pagkain ako sa bag, pero hindi ko alam k
Ngumiti ako, ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sa kahihiyang naramdaman ko. Hindi malaman kung anong sasabihin ko.Sa kabutihang palad, pinahiram ako ni Tyra ng ilan sa kanyang make up, upang maayos ko ang aking sarili. Madalas ko siyang pinapanood sa aming bahay na naglalagay ng make up sa kaniyang mukha kaya kahit papaano alam ko kung paano ko ito gagawin."Kinakabahan ka ba?" Pang-aasar niya, hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya."It’s my first time." Nahihiya kung sabi. "Ikaw din, ang gwapo mo. Mas mukhang tao ka." Pang-aasar ko din, namula siya.Nakasuot siya ng isang pulang blazer na may puting longsleeve sa ilalim at red necktie, at ipinares sa pulang slacks. Siya lang ang nakasuot ng ibang kulay ng tuxedo kaya maraming tao ang tumitingin sa aming lugar."Wew." He commented. Iniwas ko ang aking mga mata sa kanya, ito ang aking kauna-unahang pagkakataon na isang lalaki na kaibigan ang pinuri ako. Bukod kay Tyra at sa pamilya ko. Pinaparamdam nito sa akin na magkaroon ng k
CHAPTER 8Hindi ko alam kung ano ang sasabihin tungkol sa pag-amin niya ng nararamdaman sa akin, dapat ba ganoon rin ang nararamdaman ko sa kanya? Paano kung hindi? Paano kung hindi talaga ako magkaroon ng nararamdaman para sa kanya?Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may pumupuri sa akin at nagtapat sa nararamdaman nila sa akin. Hindi ako sanay, sa totoo lang. Hindi ko alam kung dapat kong pagdudahan sila o makaramdam ng saya.Bumuntong hininga ako sa kanya at umiwas ng tingin. Hindi pa rin ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko."Hindi ko hiniling na magkagusto ka rin sa akin, hindi mo responsibilidad iyon, Joy. Hindi ako responsibilidad mo, nais ko lang iparating sa iyo ... kung ano ang nararamdaman ko ... para sa iyo." Aniya, naramdaman kong hinawakan niya ulit ang kamay ko, hinayaan ko lang siya na hawakan ang kamay ko."Alam kong bata pa tayo para sa isang katulad nito at alam kong nagdududa
Agad ko siyang hinila ng makapunta ako sa kaniya, mabuti na lang at hindi malala ang natamo niya dahil baka hindi na siya makapasok kinabukasan. Dumating sa pwesto namin ang guro at pinagsabihan sila Dave, kinabahan ako sa sitwasyon niya dahil baka papuntahin siya sa guidance councilor at hindi siya makagraduate dahil sa insidente. "Ayos ka lang? Bakit ka pa kasi nakikipag-away?" Pangaral ko, hindi siya tumingin s akin at abala lamang siya sa pagpunas ng kaniyang labi. "Masyado kang nagmamatapang! Alam mo naman na ga-graduate na tayo next month, kailangan na'tin ng good moral para magsenior highschool." Naiinis kong sabi sa kaniya, ngunit parang hindi niya manlang iyon isinasaulo. "Ayos ka lang ba? Malakas rin iyong hampas ng bola. Hindi ba naalog ang utak mo ng kaunti? Baka hindi ka na maging magaling sa math niyan!" Pagbibiro niya, hinampas ko siya sa braso dahilan para masaktan siya. "Ewan ko sa'yo." Inis na sambit ko, ngunit kahit man naiinis ay hi
Hindi ko talaga gustong may masasaktan na tao ng dahil sa akin, kaya hangga't maaga pa ay pinapalayo ko na ang sarili ko sa ibang tao. Sa sitwasyon namin ngayon ni Dave, ang hirap niyang palayuin sa tabi ko, dahil kahit anong direksyon ang itinatahak ko, ay ganuon rin ang kaniya. "Paano kapag napagod ka sa akin?" Umiwas ako ng tingin sa kaniya ng itanong iyon. Napalunok ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko sa pagitan naming dalawa. Kapag naiisip ko ng lalayo siya sa akin ay may mabigat na akong nararamdaman, hindi ko alam ang ibig sabihin no'n, at wala akong ideya sa kung ano bang klaseng pakiramdam ang ganuon. "Bakit naman ako mapapagod sa'yo, eh gustong-gusto nga kita..." Malambing niyang sabi, at marahang hinaplos ang hinlalaki niyang daliri sa maliit kong kamay. Pinilit kong maging seryoso ang aking mukha ngunit bigla nalang umukit ang ngisi sa aking labi. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang braso upang hilaan si
Natapos ang naging graduation at recognition ay umuwi na agad kami, hindi na kami nakapag-usap ni Dave. Nagkatinginan lang kami sa buong sermonya. Hindi na rin sumama si Tyra sa akin pagkauwi at mas ginustong pumunta sa bahay nila Sirius, hindi ko alam kung fling ba sila o may relasyon pa sila. Mas minabuti ko ng hindi na magtanong pa. "Hindi mo ba iimbitahan si Dave at ang iba mo pang kaibigan?" Tanong sa akin ni mama, abala ako sa pagtanggal ng mga medalya sa aking leeg, nang matanggal ko na ay iniligay ko lang naman iyon sa coffee table na nasa sala. "Hindi siguro ma, magc-celebrate rin sila eh." Sagot ko. Abala sila sa paghahanda ng mga inihandang mga pagkain. Kaunting pagkain lamang iyon. Sapat na para sa amin at sa kaunting darating na bisita kung meroon man. "Ganuon ba?" Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi. Papunta na sana ako sa lamesa upang kumain ng marinig ko ang ingay sa labas. Hindi na ako nagtaka kung sino ang mga
Agad ko chineck ang profile ng comment niya at nadismaya sa nakita. It wasn't him, it was from a fan of mine, who appreciates my songs. Mabilis ang pagkauwi namin sa Pilipinas, sinalubong ako ng mga fans na tawag ko ay dishwashers dahil sa Joy ang pangalan ko. They gave me a lot of things, such as teddy bears and clothes. Some gave me food and cute things.Madaling araw palang pero ang dami na nag-abang. Hindi nagtagal ang pakikipag-usap ko sa mga fans dahil may aasikasuhin pa akong endorsement mamayang hapon. Hance reminded me to sleep and get ready before the contract signing of my new endorsement. Halos hindi ko na nagawang kamustahin ang kapatid pagkauwi sa sobrang pagod, hindi niya na rin ako makausap dahil abala siguro siya sa kaniyang projects sa kaniyang school. Hindi pa nag-iisang oras ang tulog ko ng may tumawag. Galing iyon kay Syrien, kaya kahit hindi ko maibuka ang isa kong mata dahil sa antok ay sinagot ko pa r
Dalawang taon simula ng magkacollege ako ay wala akong ginawa kung hindi mag-aral ng mabuti. Sa dalawang taon na iyon ay napabilang ako sa Dean Lister, hindi na ako nagtaka ro'n. Knowing that i put all of my hardwork and perseverance to finished my school task. Hindi na nakakataka, pero hindi ko rin maiwasang mangamba. In the past 2 years, inabala ko rin ang sarili sa paghahanap ng trabaho. Syrien build a coffee shop near at my university. Kaming dalawa ni AC ang empleyado na nag-aasikaso tuwing umaga, sa gabi ni naman ay si Kuya Renz at si Syrien kung may libreng oras. "Joy! Paturo naman ako sa solution nito. Nakakabobo mag engineering pwede bang maging patatas nalang?" Natawa ako sa sinabi ni Claire, isa sa kaklase ko. Pumayag ako sa gusto niya, mabuti na lang at wala gaanong customer sa coffee shop at hindi ako gaanong napagod, kahit papaano ay nakakapag-isip pa ako ng maayos. Ang kapatid kong si Jun ay kahit papaano ay nakakarecover na sa nangyari sa mag
“Ma!” tawag ko kay mama na kasalukuyang nasa labas ng presinto, napalingon siya sa gawi namin kaya naman napabilis ang paglakad ko papunta sa kaniya. Ang hawak-hawak kong si Jun ay tumahan na. Nang lumapit ako kay mama ay mahigpit niya akong niyakap, sa yakap niyang iyon ay sunod-sunod ng dumaloy ang luhang kanina pang bumabadyang tumulo sa aking pisngi, my heart felt warm as well suffocated. Nanghihina ako sa nangyari, nanghihina ako sa kalagayan ni mama. “Ang papa… Ang papa mo…” paulit-ulit na sambit niya, marahan kong hinagod ang kaniyang likod. “Nakulong siya… pinakulong…” aniya ngunit hindi niya matuloy ang sinasabi dahil sa paghikbi. Narinig kong tumunog ang cellphone ni Dave, napalingon ako sa kaniya. Kunot noo niyang pinapakinggan ang kung sino mang tumawag sa kaniyang cellphone. While Syrien stayed silent while watching us. While watching the tragedy that happened to my family. Pinanunasahan ko ang a
Nanginginig ang kamay kong nilagay ang cellphone sa bag ko, bigla nablanko ang utak ko sa gagawin. Iniisip ko na lang na umuwi at hindi alalahanin ang entrance exam dahil sa sigaw ni mama sa telepono na nakapagpakaba sa akin. Napatingin sa a kin si Dave, napakunot ang noo niya. Alam ko sa mga oras na ito ay namumutla. Hindi ako mapakali at gusto ko ng umuwi sa mga oras na ito. “What happened? Mukha kang kinakabahan…” Nag-alalang sabi sa akin ni Dave, hinawakan niya ang kamay kong nalalamig sa kaba.“Gusto ko ng umuwi.” Iyon lamang ang nasabi ko at tumango siya. Kinausp niya sila Syrien, hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin iyon dahil sa kagustuhang umuwi na kaagad ng Pangasinan. Lumapit sa akin si AC at niyakap ako, pati na rin si Syrien at Tyra. “Saan ba Dave ang sakayan rito papuntang Pangasinan? Yung isang byahe lang sana para hindi nakakapagod pang maghanap ng sasakyan…” “
Buwan ng agosto at magkakaroon ng camping ang grade 12 STEM students, hindi ko alam kung sa amin lang ang mayroon dahil wala akong nabalitaang kasama ang mga HUMSS student. Napagdesisyunan ko ng hindi ako sasama, pero ng ibalita ko iyon kay mama ay pinilit niya akong sumama. Wala akong makakausap doon, maliban kay Syrien. Hindi ko rin naman maeenjoy ang mga nangyayari dahil halos lahat ng kaklase ko ay hindi ako gusto. "Mamaya bibilhan kita ng tent, kaya sumama ka." Pamimilit sa akin ni mama ng humalik ako sa pisngi niya, papasok na ako ng school at kada pagpasok ko sa eskwelahan ay pinapaalala niya anng camping. Ngumuso ako at hindi pinansin ang ibinalita niya. Natanaw ko si Dave na papunta sa bahay, ngunit nakasalubong ko na siya at hindi na tumuloy sa bahay. "Kumain ka na?" Tanong ko, tumango siya sa akkin at inalalayan sa paglalakad. May pagkalubak pa ang daanan sa amin kaya minsan ay natatapilok ako."Sandwich lang, papunta rito.
I don't know if i am being too dramatic or what. Niyakap ko bigla si Dave na naghihintay sa labas ng pintuan ng bahay namin. Alam kong nagulat siya sa inaakto ko. Niyakap niya rin ako at naramdaman ang pagpatak ng halim niya sa aking ulo. "Are you done?" Tumango ako sa tanong niya, hinaplos niya ng marahan ang aking buhok.Siniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya, he's wearing a hoodie and night gown pants. May dala rin siyang plastic bag. I am really addicted in his smell, parang hindi ako magsasawang amuyin iyon habang buhay. "I contacted your groupmates, ang iba ay sumagot naman sa naging mensahe ko." Tumingala ako sa kaniya. I couldn't clearly see his face, but i know he's mad. "Hindi mo na dapat ginawa yun... that is not your business." Umirap ako, hinaplos niya ang pisngi ko at marahan pinisil yun. "Nagawa ko na eh..." he reasoned, mas humigpit ang yakap ko sa kaniya. "I bought you some banana milk, just incase you are ha
My senior highschool journey began last month. Isang buwan na ako bilang STEM student at aaminin kong nahihirapan ako. Doble ang pagod ko noong junior highschool, mabuti na lang ngayong semester hindi isinama ang basic chemistry. Sa ngayon ay pre-calculus ako pinakanahihirapan na subject, pero kahit papaano ay nairaraos ko naman. Next sem raw ang basic chemistry, mabuti nalang kung ganoon, kasi paniguradong mababaliw ako. Si Dave naman ay palagi na akong hinahatid at sundo. Palagi rin kaming sabay kumain kahit magkaiba na kami ngayon ng section at strand. Kaklase ko si Syrien, samantalang si Dave naman ay kaklase si AC. Si Alex ay nag-ABM, kung hindi ko siya nakasalubong no'ng isang araw ay hindi ko pa malalaman. Wala ring idea si Dave sa kung anong kinuha ng pinsan niya. "Does anyone know who own this paper? Walang pangalan." Sabi ng guro ko sa oral communication, maraming kaklase ko ang tumingin sa papel, ngunit wala namang may alam. "Alam kong mahir
Dumating si Dave kinagabihan, kasama niya pa si Sirius at AC. Hindi na makakapunta si Tyra dahil siguro ay nagbakasyon sila ng pamilya niya sa japan. Taon-taon silang pumupunta roon, kaya walang problema sa akin kung hindi man siya makapunta sa birthday ko. May dala-dala si Dave na cake at paper bag na may nakalagay na cartier. Hinalikan niya ang kamay ni mama at yumukod naman siya sa aking ama bilang pagpapakita ng respeto. Syrien gave me a gallon of ice cream, while AC gave me a basket that full of fruits. Dave opened the box of cake, sinindihan ni mama ang candle ng cake at nagsimula silamg kumanta ng happy birthday. Ofcourse, before i blow the cake, i should have to wish first. Napatingin ako kay Dave na nakangiti sa akin ngayon, tipid akong ngumiti sa kaniya. I closed my eyes. Today, i wish that my family and friends good health and, i wish that my i can reach my dreams with him... with Dave, my friends and my family.
There are things that i've prayed before but it didn't happened, but there also things that i didn't prayed but it happened. Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Dave sa buhay ko, hindi ko nga rin ipinagdasal na sana may ibang taong magkakagusto sa akin. Laging nasa isip ko at ipinagdarasal ko ang mabuting kalusugan ng pamilya ko at si Tyra dahil ito lamang ang kaibigan ko, noon. When Dave came into my life, ang akala ko ay isa siya sa mga taong dadagdag sa paghihirap ko. Araw-araw ko nadaranasan ang sakit dulot ng panlalait ng mga tao, araw-araw ko rin iniiyakan noon. But he came, natigil iyon. Natigil ang sakit na iyon, nawala sa isipan ko ang panlalait ng mga tao, because he always keep me reminded na maganda ako, na may halaga ako, at nararapat rin akong mahalin ng ibang tao. I'm afraid to take risks, natatakot ako na baka sa isang araw, katulad rin siya ng ibang tao. I doubted him at first and i still doubted him in the long run. Ang unfai