Share

Chapter 19

Author: Code01417
last update Last Updated: 2021-11-23 04:57:23

Bumalik sila sa room nang wala pa si Mr. Banerra, nilibot nila ang tingin sa klase. Nag-init kaagad ang ulo ni Ruth nang hindi niya makita si Daniel at ang dalawa pa. Nagkatinginan silang tatlo, mukhang wala silang magagawa.

Ilang sandali pa ay pumasok narin si Mr. banerra sa klase, nagpasita silang maupo na sa kaniya kaniya nilang mga upuan.

"Nag-away ba sila?" Sa kalagitnaan ng klase ay naitanong iyon ni Tina. Hindi alam ni Ruth kung sino ang tinutukoy nito, kaya sinundan niya ito ng tingin.

Si Reese.

Kanina pa nga ito tulala lang mula sa labas ng bintana, wala parin si Gino. Siguro nga ay nag-away silang dalawa.

Natapos ang klase ni Mr. Banerra at nagsilabasan narin ang mga kaklase niya para kumain. Hindi na sana siya kakain pa pero hinatak silang dalawa ni Ja

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • All The Things We Lost   Chapter 20

    Napamulat ng mata si Ruth, unti-unting naging malinaw ang paligid para sa kanya. Tanging nakikita niya lang ay mga puno at halaman. Napaaray siya ng maramdaman ang sakit ng katawan, doon lamang bumalik sa alaala niya ang mga nagyari kanina. Madilim na ang paligid at tanging buwan na lamang ang nagsisilbing liwanag sa daan."Austin," tawag niya nang mapagtantong nakasakay siya sa likod nito. Hindi sumagot ang binata, nagpatuloy lamang ito sa paglalakad, pakiramdam niya ay galit ito."Austin ibaba mo ako, kaya ko," mahinang sabi niya. Tinapik niya ng marahan ang balikat ng binata subalit nanatiling walang sagot si Austin. Nagpatuloy ito sa paglalakad, napaaray ito nang maramadaman ang pagpingot ni Ruth sa tenga niya."A-Aray, oo na eto na." Maingat siya nitong Ibinaba sa malaking tipak ng bato, pinilit ni Ruth na iayos ang kat

    Last Updated : 2021-11-23
  • All The Things We Lost   Chapter 21

    Mula sa Rooftop ay natatanaw ni Ruth ang malawak na probinsyang hindi niya kailanman nakitaan ng kagandahan. Puro pasakit lamang ang dala sa kaniya ng lugar na iyon. Napabuntong-hininga siya saka hinayaang yakapin ng malamig na hangin mula roon. Pinagmasdan nya ang kalmadong kalangitan, para bang sa pagkakataong iyon ay nawala ang lahat ng pisikal na sakit sa katawan niya.Alam niyang kanina pa siya pinagmamasdan lang ni Austin, hindi siya nagsasalita. Hindi niya hiniling sa rito ang katahimikan na iyon, subalit alam nito kung kailan iyon ibibigay. 'I'm sorry' paulit ulit lamang ang mga salitang namumutawi sa bibig ni Reese, nakatayo lamang si Ruth sa harap nito, hindi niya noon nais magsalita kahit napakarami niyang tanong. Hindi niya magawang tignan ang mukha ni Reese habang pinagtatapat sa kanya ang nangyari, walang tig

    Last Updated : 2021-11-23
  • All The Things We Lost   Chapter 22

    Sa kabilang kama ay bahagyang hinawi ng isang naka confine na babae ang kurtina upang silipin ang puwesto ni Ruth. Napakunot ang noo nito, nagsasalita ng mag-isa ang dalagang iyon, sa isip-isip niya."Ruth?"Nadatnan ni Mrs.Perez na bakante ang kama ni Ruth ng umaga ding iyon, ang mga gamit nito ay nasa side table parin. Nakahinga siya ng maluwag, mabuti at hindi naisipan ng dalaga na tumakas."Alas sais palang bumangon na ang babae d'yan, hindi parin bumabalik. Hinahanap na nga siya ng mga nurse."Napabaling si Mrs. Perez sa nagsalita, hindi niya ito kilala subalit katabing kama lamang ito ni Ruth. Siguro ay nasa forty o fifty years old na ito, kaedad niya batay sa tantya ni Mrs.Perez"Ganoon ba," aniya."Sa tingin ko hindi a

    Last Updated : 2021-11-23
  • All The Things We Lost   Chapter 23

    Nadatnan ni Mrs. Perez na bakante na ang kama ni Ruth, naayos na ng mga nurse ang kama. Inaasahan narin iyon ng guro, kaya naman inagahan niya ang pagpunta ng ospital subalit mas maaga pa pala itong nakaalis.Lumapit ang nurse sa kanya, may iniabot itong sketch pad."Naiwan niya po siguro, nasa ilalim kasi ng unan nya. Malamang ay hindi na niya naalala bago siya umalis," palagay nito.Nagpaalam ang nurse bago ito umalis, nagpasalamat naman sa kanya si Mrs.Perez. Nakasulat ang pangalan ni Ruth sa cover noon kaya sigurado ang babae na sa kanya ito. Binuklat niya isa-isa ang mga pahina noon, namangha siya nang makita ang mga larawan ng estraktura na nakaguhit doon.Ang iba ay magagarang sasakyan, mga natural na pangarap ng mga batang kagaya ni Ruth. Paulit-ulit lamang ang mga iyon, nagbabago lamang ang mga disenyo.

    Last Updated : 2021-11-23
  • All The Things We Lost   Chapter 24

    Dala-dala ang can beer sa magkabilang kamay na inakayat ni Warren ang deck ng sinasakyang private boat na pagmamayari ng kompanya ng mga Manchester. Nadatnan niya ang kaibigan na nakatanaw sa halos walang hangganan at banayad na dagat.Tinatangay ng kasalubong na hangin ang buhok nila maging ang mga suot na polo."Liam," Initsa niya ang isang beer na hawak, saka lumapit sa kaibigan."Bakit ba kasi sa Nueva Ecija mo pa naisipang magtayo ng bahay? Puwede namang sa Maynila nalang." Hindi siya tinapunan ng tingin ni Liam, nilagok nito ang beer na hawak. Malamig iyon at tila humagod sa lalamunan."Hindi ko alam," sagot ng binata.Iyon lang naman palagi ang sagot ni Liam sa kanya sa tuwing may gagawin itong nakakapagtaka, nasanay narin siya dito, sa tingin naman ni Warre

    Last Updated : 2021-11-23
  • All The Things We Lost   Chapter 25

    "Vicky, hello," bati ni Tina ng makita ang dalagang si Vicky, suot ng kapareho nilang uniporme. Doon na nag-aaral si Vicky, magkaiba nga lang sila ng section.Nagkasabay sila sa tapat ng gate ng school, tinulungan siya ni Tina sa pamamagitan nang paghawak nito sa kamay ng dalaha upang alalayan sa paglalakad."Hi Ruth," bati ni Vicky.Ang walang ganang si Ruth ay tinapunan lamang siya ng tingin saka nauna nang maglakad papaasok ng eskwelahan."Pasensya ka na," nahihiyang paumanhin ni Tina, napangiti lamang si Vicky."Sanay na ako sa kanya, isa pa. Ramdam ko na ang lalim ng mga buntong-hinga niya, nalulungkot parin siya," ani ng dalaga.Napabuntong-hininga naman si Tina, pinagmasdan nila ang papalayong si Ruth.&

    Last Updated : 2021-11-23
  • All The Things We Lost   Chapter 26

    Napabuntong hinunga si Ruth, pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ng binata."Nasisiraan na ata talaga ako ng ulo," wika niya. Magsasalita sana ito subalit naunahan na siya ng dalaga."Bakit ba... hindi parin kita makalimutan?" tanong ni Ruth sa sarili habang pinagmamasdan ang imahe ng binata.Kumunot ang noo si Austin, para bang nagtatanong lamang siya sa sarili niya. Mabilis na umalis sa lugar na iyon si Ruth, hindi na niya naisabay si Tina sa pag-uwi.Madalas siyang maloko ng isipa, hindi na niya minsan alam kung ano pa ang totoo sa hindi. Pumasok siya ng bahay at hindi inabalang makiusyoso sa pakikipagsagutan ni Ester sa kapitbahay nila. Umakyat siya ng kuwarto at pagbukas pa lamang niya ng pinto ay bumungad sa kanya roon si Austin."Ang sabi ko miss na kita," anito.

    Last Updated : 2021-11-23
  • All The Things We Lost   Chapter 27

    "Happy birthday," bati nina Jake at Tina kay Ruth, kasabay nilang lumabas ang maraming estudyante matapos ang klase, palubog na ang araw ng oras na iyon."Alam mo sabi bukas na yung perya sa kabilang bayan, punta tayo mamaya libre ko. Iyon nalang gift ko sayo," aya ni Jake.Napangiti si Tina, tila na excited ito sa narinig at bumaling sa kanya."May gagawin ba tayo mamaya?" tanong nito sa kanya. Nag-aalangan naman siyang tinignan ni Ruth, mukhang natutuwa talaga ito na makasama si Jake at makapag-enjoy man lang."Silence means yes, pupuntahan ko kayo sa bahay niyo mamaya," ani ni Jake na napapilantik pa ng daliri, matapos ay tumakbo na palapit ng sasakyan.Sinundan siya ng tingin ng dalawa, gusto sanang bawiin iyon ni Ruth. Nag-fefeeling close nanaman kasi si Jake.

    Last Updated : 2021-11-23

Latest chapter

  • All The Things We Lost   Chapter 34

    Pagdating nila sa convenience store ay sumalubong kaagad ang kapalitan ni Ruth."Mauuna na ko Ruth, tapusin mo nalang ang pagsasalansan ng mga cigarettes, kaunti na lang naman," paalam nito sa kanya. Tumango naman ang dalaga bilang tugon, pumasok na siya sa counter saka inumpisahang tapusin ang mga naiwang gawain sa kanya.Nagdilim ang paligid, kalauna'y bumuhos ang ulan. Dahil doon ay nagpuputik ang sahig sa tuwing may papasok na customers. Matrabaho ang pag-mop ng sahig subalit wala naman siyang magagawa.Matapos niyang masuklian ang isang customer ay agad na nakuha ng atensyon niya ang mga pumasok ng store. Ni hindi nila nakuhang magpunas ng sapatos bagamat may basahan sa tapat ng pinto.Sina Levie at Harriet, ihinagis ang mga bag na dala sa upuan. Ang mga payong na dala nila ay hindi rin nila nakuhang ilagay ng maayos sa lagayan, basang-basa iy

  • All The Things We Lost   Chapter 33

    Walang kahit na sino sa mga guro ang umawat sa mga estudyante kung hindi ang mga malalapit lamang sa punong-guro. Ilang beses na sermon at pakiusapan ang nangyari bago napabalik sa classroom ang mga ito.Tinapos parin ni Mrs. Perez ang oras ng klase hanggang sa mag-uwian, inayos ni Ruth ang mga gamit niya sa lamesa, ito na nga ba talaga ang huling araw niya na papasok ng eskwelahan?Bago tuluyang lumabas sina Levie at Harriet ay iniwan siya ng nakakaasar na ngiti ng mga ito, sinasabi ng mga ngiting iyon na sila ang nanalo. Pinasya niyang hindi na sila pansinin pa, isinukbit niya ang bag sa likuran saka pinagmasdan ang mga libro na hawak.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Reese, maging nina Jake at Tina. Ramdam niya naman iyon subalit hindi na lamang niya pinansin.Ang lahat ng nasa classroom ay sinundan siya ng tingin hanggang

  • All The Things We Lost   Chapter 32

    Napabuntong-hininga si Ruth habang pinagmamasdan sina Tina at Jake na mag-abot ng papel sa mga napapadaang estudyante sa quadrangle. Hawak niya lamang ang mga papel at hindi niya alam kung dapat pa bang ipamigay ang mga iyon.Lumapit sa kanya si Tina, "paubos na iyong akin, lahat nang abutan ko tinatanggap iyong papel," masayang balita nito sa kanya. Ngumiti na lamang siya bilang tugon."May problema ba?" tanong ni Tina sa kanya.Nag-iisip siya kung dapat niya bang sabihin ang nasa isip niya ngayon, ayaw niya namang putulin ang pag-asa na natitira sa kapatid."Huwag na nating subukan," sabi niya rito saka umiling. "Magsasayang lang kayo ng pagod, tama ka, kahit na anong gawin natin hindi nila tayo pakikinggan."Alam din naman ni Tina na may punto ang ang sinabi niy

  • All The Things We Lost   Chapter 31

    Tinatahak ni Ruth ang daan pauwi noon, malakas ang ulan subalit hindi niya iyon alintana. Ang mga tao ay kanya-kanyang silong sa mga saradong tindahan at naghihintay ng pagtila ng ulan. Ang ilan sa mga batang nakasilip sa bintana ng mga bahay nila ay sinusundan siya ng tingin, naiinggit sa kanya na isiping naliligo siya sa ulan.Nagpapasalamat si Ruth sapagkat walang nakakakita ng mga luha niya ngayon, naghahalong galit at awa sa sarili ang narararamdam niya. Palaging ipinamumuka sa kanya na wala siyang lugar para mangarap sapagkat mahirap lang siya.Napakabigat noon sa dibdib, napakasakit sa puso at literal sapagkat napahawak siya sa dibdib nang manikip iyon. Bago pa man siya magpatuloy sa paglalakad ay huminto ang isang pulang sasakyan malapit sa kanya, napahinto siya at napabaling doon.Bumaba ang salamin ng sasakyan, sumilip mula sa loob noon si Mrs. Perez.

  • All The Things We Lost   Chapter 30

    Sa loob ng opisina ng principal, naroon sina Ruth at Tina at ang ilan sa mga head teachers."Seventy eight," bilang ni Ruth, napapikit siya ng tumama ang stick sa palad niya sa ika pitumpu't walong beses. Kanina pa hindi matigil sa pag-iyak si Tina habang pinagmamasdan ang namumula at nagsusugat na palad ni Ruth."Ano bang mahirap sa paghingi ng tawad?" tanong ng guro saka inihataw sa palad niya ang patpat.Napakagat siya sa labi sabay bumilang, "seventy nine."Matapos siyang kausapin sa couceling, kung counseling nga bang maituturing kung walang ibang ipinayo ang guidance counselor kundi ang hikayatin si Ruth na humingi na lamang ng tawad kay Deserie. Tumanggi siya, hindi siya hihingi ng tawad para sa nagawa niya.Kaya naman ngayon ay ito ang sinapit niya, kapalit ng pagmamatigas. Hindi

  • All The Things We Lost   Chapter 29

    "I will turn you into a good person."Nagkakagulo ang lahat, subalit naroon siya, walang lakas na pinagmamasdan ang mga ito. Namanhid na ang mga sugat at mga kalmot niya sa katawa. Mapait siyang natawa, dahil doon ay mas lalong lumayo ang mga estudyanteng nakakakita sa kanya habang sinasabihan siyang nababaliw.Walang kahit isa sa kanila ang nagtanong at umusisa kung ayos lang ba siya, ang lahat ng simpatya ay sa taong naargabyado lamang ng oras na iyon at hindi ng kung sino ang totoong biktima.Hindi siya nagsisisi, kaya niyang gawin ang mas higit pa roon para kay Tina.Alam niyang malulungkot si Austin na makita siyang ganito, subalit nais din niyang makita ni Austin na ito ang dahilan kung bakit iniisip niyang hindi dapat mahalin ang mga katulad nila. Iniwan si Deserie ng mga kaibigan niya dahil sa takot na madamay, iniwan

  • All The Things We Lost   Chapter 28

    Habang pauwi galing sa palengke ng umaga ding iyon ay walang tigil si Tina sa kakakuwento habang ipinapakita ang larawan nila ni Jake kay Ruth."Ano sa tingin mo, magkakatuluyan ba kami?" tanong ni Tina.Natatawa itong tinapunan ng tingin ni Ruth, bitbit niya ang mga supot ng mga pinamili nila para sa tindahan ni Ester. Masakit na nga ang balikat niya dahil sa bigat ng mga iyon, pinagpapalit-palit niya nalang kung minsan ang hawak ng dalawa niyang kamay."Gusto mo talaga siya?" pabalik niyang tanong.Napangiti si Tina saka tumango bilang tugon, "anong tingin mo sa kanya?" Tina."Mayaman si Jake, maraming pera ang pamilya niya. Kaya sige payag ako," sagot niya rito.Napanguso naman si Tina dahil sa sinabi niya, "paano kung mahirap lang

  • All The Things We Lost   Chapter 27

    "Happy birthday," bati nina Jake at Tina kay Ruth, kasabay nilang lumabas ang maraming estudyante matapos ang klase, palubog na ang araw ng oras na iyon."Alam mo sabi bukas na yung perya sa kabilang bayan, punta tayo mamaya libre ko. Iyon nalang gift ko sayo," aya ni Jake.Napangiti si Tina, tila na excited ito sa narinig at bumaling sa kanya."May gagawin ba tayo mamaya?" tanong nito sa kanya. Nag-aalangan naman siyang tinignan ni Ruth, mukhang natutuwa talaga ito na makasama si Jake at makapag-enjoy man lang."Silence means yes, pupuntahan ko kayo sa bahay niyo mamaya," ani ni Jake na napapilantik pa ng daliri, matapos ay tumakbo na palapit ng sasakyan.Sinundan siya ng tingin ng dalawa, gusto sanang bawiin iyon ni Ruth. Nag-fefeeling close nanaman kasi si Jake.

  • All The Things We Lost   Chapter 26

    Napabuntong hinunga si Ruth, pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ng binata."Nasisiraan na ata talaga ako ng ulo," wika niya. Magsasalita sana ito subalit naunahan na siya ng dalaga."Bakit ba... hindi parin kita makalimutan?" tanong ni Ruth sa sarili habang pinagmamasdan ang imahe ng binata.Kumunot ang noo si Austin, para bang nagtatanong lamang siya sa sarili niya. Mabilis na umalis sa lugar na iyon si Ruth, hindi na niya naisabay si Tina sa pag-uwi.Madalas siyang maloko ng isipa, hindi na niya minsan alam kung ano pa ang totoo sa hindi. Pumasok siya ng bahay at hindi inabalang makiusyoso sa pakikipagsagutan ni Ester sa kapitbahay nila. Umakyat siya ng kuwarto at pagbukas pa lamang niya ng pinto ay bumungad sa kanya roon si Austin."Ang sabi ko miss na kita," anito.

DMCA.com Protection Status