Rodney Saavedra's POV
INI-ANGAT ko ang aking ulo mula sa pagbabasa ng diyaryo nang marinig ang tawag na iyon sa aking telepono. Inabot ko ito sa side table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Umahon ang kaba sa aking dibdib nang mabasa kung sino iyon. Tumatawag lamang kasi ito kapag may problema. Pinindot ko ang answer button at kabadong sinagot. "Y-yes?"
"Oh! What a nice greetings, Rodney!" sarkastikong tugon naman niya mula sa kabilang linya.
"A-anong kailangan mo?" diretsong tanong ko sa kan'ya. Hindi ko rin maikubli ang panginginig ng boses.
Narinig kong pumalatak siya.
Alexandria's POV'Shit! You never fail to ruin my mood asshole! Bakit 'di na lang kayo ni Cyrus ang magsama? Bagay kayo. Isang matandang hukluban at isang baliw!'NAGTATAGIS ang mga bagang ko habang mariing hawak ang clutch ng motorsiklo. Hindi ko maiwasang mainis nang maalala ko ang
Alexandria's POV"ALEX!"Kumuyom ang kamao ko bago huminto sa paglalakad at bumaling kay Seiichi na walang kahit anong emosyon na mababasa sa mukha. Siya naman ay nanatili lang na nakatingin at tila nag-iisip ng sasabihin. Nang hindi siya kumibo ay muli akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bench na hindi kalayuan."Alex! Wait!" pigil niya sa'kin. Patuloy lang ang paglalakad ko na para bang walang naririnig. At nang hindi ako tuminag ay hinablot niya ang braso ko. Gigil naman akong humarap sa ungas at tumiim-bagang. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang sapakin sa tindi ng galit dahil sa kalokohang ginawa niya kanina lang. Pilit kong iwinawaksi ang braso ko ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya rito.'Shit! Kung 'di
Alexandria's POVIn loving memoryofMaria Elena SaavedraBorn: January 1, 1966Died: September 26, 2012"'MA, I miss you so much! I really wish na sana ay nandito ka. Hirap na hirap na 'ko sa nangyayari sa pesteng buhay ko!" puno ng emosyong usal ko habang hinahaplos ang pangalan niyang nakaukit sa marmol.Kapag ganitong pagkakataon na pakiramdam ko ay kailangan ko ng karamay, dito ako sa puntod ni Mama nagpupunta. Nababawasan kasi ang bigat sa dibdib ko kapag kinakausap ko siya. Madalas ko itong gawin kapag nalulungkot ako at wala ni isa man ang pwedeng mapagsabihan ng mga hinaing ko sa buhay.
Heinz's POVAGAD akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ng tumunog ang cellphone ko. Nasa bahay lang ako ng oras na iyon at naghihintay ng tawag mula sa assistant kong si Raiko. Dinampot ko ang cellphone mula sa center table at nang makitang si Raiko nga ang tumatawag na iyon ay agad ko itong sinagot. "Yes Raiko, any updates?""Nasa Kawashima hotel bar na si Ms. Saavedra Sir," anito sa kabilang linya."Okay, good job, Raiko. Papunta na 'ko.""Okay, Sir."Si Raiko ang kumakalap ng mga impormasyon tungkol sa pang araw-araw na aktibidades ni Alexandria. Siya rin ang inuutusan kong magmamanman rito ku
Alexandria's POV "WOAH! Ang init!" ani ko habang hinuhubad ang hoody na suot pagkatapos ay binalingan ko si Clark. "C-clark, p-pinatay n'yo b-ba ang air con?" "Hindi po, Ma'am Alexandria," mabilis namang tugon nito haban
Heinz POV "FUCK!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa malapot na likidong nasa kandungan ko. Habang si Alexandria naman ay nakasubsob lang sa aking dibdib at walang imik. Marahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at iniangat upang makita ko ang mukha niya. At hindi na ako nagulat nang makitang nakatulog na siya. Dala marahil iyon ng kalasingan kung kaya't agad siyang nahimbing. God! She looks like an angel when sleeping! namamanghang usal ko habang malaya natutunghayan ang mukha ng babae. Hanggang sa bumaba pa ang tingin ko sa labi n'ya. Her wet red lips. Agad nagbalik sa balintataw ko ang nangyari kanina noong inilapit niya ang mukha sa akin. Sa sobrang lapit pa nga niya, pati mabangong hininga niya ay nalalanghap ko na.
Third Person POV "YES Badong? Nasundan mo ba? Nasaan ang babaeng 'yon, ngayon?" tanong ng amo mula sa kabilang linya habang humihithit pa ng tabako mula sa mamahaling pipa. Mababakas sa anyo nito ang katandaan subalit nandoon pa rin tikas ng katawan at tapang ng pagmumukha. "Opo, boss.
Alexandria's POV MAAGA akong umalis ng bahay kaysa sa normal kong pag-alis 'pag nagpupunta ng racing club. Ayaw ko siyang makita. Oo, galit ako sa kan'ya pero mas galit ako sa sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil gusto ng puso kong maniwala sa mga sinabi ni Papa pero ang isip ko ay nagsasabi naman na kasinungalingan lang ang lahat. Nakarating ako sa racing club na parang wala ako sa sarili. Mabuti na lang at hindi ako naaksidente. May mga kakilalang bumabati sa akin pero puro tango lang ang isinusukli ko sa kanila. Marami-rami na ring tao ng mga oras na iyon pero maaga pa. Isang oras pa bago mag simula ang karera. At pinili ko talagang pumunta ng mas maaga. Pakiramdam ko kasi ay napapaso ako sa bahay, lalo na't kasama ko r'on ang matandang iyon.