Alexandria's POV
"ALEX!"
Kumuyom ang kamao ko bago huminto sa paglalakad at bumaling kay Seiichi na walang kahit anong emosyon na mababasa sa mukha. Siya naman ay nanatili lang na nakatingin at tila nag-iisip ng sasabihin. Nang hindi siya kumibo ay muli akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bench na hindi kalayuan.
"Alex! Wait!" pigil niya sa'kin. Patuloy lang ang paglalakad ko na para bang walang naririnig. At nang hindi ako tuminag ay hinablot niya ang braso ko. Gigil naman akong humarap sa ungas at tumiim-bagang. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang sapakin sa tindi ng galit dahil sa kalokohang ginawa niya kanina lang. Pilit kong iwinawaksi ang braso ko ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya rito.
'Shit! Kung 'di
Alexandria's POVIn loving memoryofMaria Elena SaavedraBorn: January 1, 1966Died: September 26, 2012"'MA, I miss you so much! I really wish na sana ay nandito ka. Hirap na hirap na 'ko sa nangyayari sa pesteng buhay ko!" puno ng emosyong usal ko habang hinahaplos ang pangalan niyang nakaukit sa marmol.Kapag ganitong pagkakataon na pakiramdam ko ay kailangan ko ng karamay, dito ako sa puntod ni Mama nagpupunta. Nababawasan kasi ang bigat sa dibdib ko kapag kinakausap ko siya. Madalas ko itong gawin kapag nalulungkot ako at wala ni isa man ang pwedeng mapagsabihan ng mga hinaing ko sa buhay.
Heinz's POVAGAD akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ng tumunog ang cellphone ko. Nasa bahay lang ako ng oras na iyon at naghihintay ng tawag mula sa assistant kong si Raiko. Dinampot ko ang cellphone mula sa center table at nang makitang si Raiko nga ang tumatawag na iyon ay agad ko itong sinagot. "Yes Raiko, any updates?""Nasa Kawashima hotel bar na si Ms. Saavedra Sir," anito sa kabilang linya."Okay, good job, Raiko. Papunta na 'ko.""Okay, Sir."Si Raiko ang kumakalap ng mga impormasyon tungkol sa pang araw-araw na aktibidades ni Alexandria. Siya rin ang inuutusan kong magmamanman rito ku
Alexandria's POV "WOAH! Ang init!" ani ko habang hinuhubad ang hoody na suot pagkatapos ay binalingan ko si Clark. "C-clark, p-pinatay n'yo b-ba ang air con?" "Hindi po, Ma'am Alexandria," mabilis namang tugon nito haban
Heinz POV "FUCK!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa malapot na likidong nasa kandungan ko. Habang si Alexandria naman ay nakasubsob lang sa aking dibdib at walang imik. Marahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at iniangat upang makita ko ang mukha niya. At hindi na ako nagulat nang makitang nakatulog na siya. Dala marahil iyon ng kalasingan kung kaya't agad siyang nahimbing. God! She looks like an angel when sleeping! namamanghang usal ko habang malaya natutunghayan ang mukha ng babae. Hanggang sa bumaba pa ang tingin ko sa labi n'ya. Her wet red lips. Agad nagbalik sa balintataw ko ang nangyari kanina noong inilapit niya ang mukha sa akin. Sa sobrang lapit pa nga niya, pati mabangong hininga niya ay nalalanghap ko na.
Third Person POV "YES Badong? Nasundan mo ba? Nasaan ang babaeng 'yon, ngayon?" tanong ng amo mula sa kabilang linya habang humihithit pa ng tabako mula sa mamahaling pipa. Mababakas sa anyo nito ang katandaan subalit nandoon pa rin tikas ng katawan at tapang ng pagmumukha. "Opo, boss.
Alexandria's POV MAAGA akong umalis ng bahay kaysa sa normal kong pag-alis 'pag nagpupunta ng racing club. Ayaw ko siyang makita. Oo, galit ako sa kan'ya pero mas galit ako sa sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil gusto ng puso kong maniwala sa mga sinabi ni Papa pero ang isip ko ay nagsasabi naman na kasinungalingan lang ang lahat. Nakarating ako sa racing club na parang wala ako sa sarili. Mabuti na lang at hindi ako naaksidente. May mga kakilalang bumabati sa akin pero puro tango lang ang isinusukli ko sa kanila. Marami-rami na ring tao ng mga oras na iyon pero maaga pa. Isang oras pa bago mag simula ang karera. At pinili ko talagang pumunta ng mas maaga. Pakiramdam ko kasi ay napapaso ako sa bahay, lalo na't kasama ko r'on ang matandang iyon.
Alexandria's POVMADALING-ARAW na nanglumabas ako ng bar. Dumiretso kami ni Seiichi rito matapos manggaling sa racing club. Sinipat ko pa muna ang relo para makita kung anong oras; 3:00AM. Mabuti na lang at smart watch iyon kaya reliable kahit madilim.Wala nang katao-tao noon na makikita sa kalsada. Maging ang ilang kalapit establishment kung saan pawang sa gabi nagbubukas ay kakaunti na lang ang mga tao. Marahil ay mga nagsiuwi na rin gaya ko.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ang parking lot kung saan nakagarahe ang motorsiklo ko. Nang makalapit ay mabilis kong kinapa ang susi sa bulsa ng pantalon upang sana'y buhayin ito, ngunit natigilan ako nang mapansin kong may is
Alexandria's POVText Message from: 0916*******Hello, Alexandria. This is Cyrus. How are you?"Ano'ng nakain ng hinayupak na 'to at nagtext? Bago pa'ng number, huh?" wika ko sa sarili habang kunot-noong nakatingin sa text niya.Simula kasi no'ng huli kaming nagkausap, hindi na siya nagpakita pa sa'kin.