Alexandria's
POVMAAGA akong umalis ng bahay kaysa sa normal kong pag-alis 'pag nagpupunta ng racing club. Ayaw ko siyang makita. Oo, galit ako sa kan'ya pero mas galit ako sa sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil gusto ng puso kong maniwala sa mga sinabi ni Papa pero ang isip ko ay nagsasabi naman na kasinungalingan lang ang lahat.
Nakarating ako sa racing club na parang wala ako sa sarili. Mabuti na lang at hindi ako naaksidente. May mga kakilalang bumabati sa akin pero puro tango lang ang isinusukli ko sa kanila. Marami-rami na ring tao ng mga oras na iyon pero maaga pa. Isang oras pa bago mag simula ang karera. At pinili ko talagang pumunta ng mas maaga. Pakiramdam ko kasi ay napapaso ako sa bahay, lalo na't kasama ko r'on ang matandang iyon.
Alexandria's POVMADALING-ARAW na nanglumabas ako ng bar. Dumiretso kami ni Seiichi rito matapos manggaling sa racing club. Sinipat ko pa muna ang relo para makita kung anong oras; 3:00AM. Mabuti na lang at smart watch iyon kaya reliable kahit madilim.Wala nang katao-tao noon na makikita sa kalsada. Maging ang ilang kalapit establishment kung saan pawang sa gabi nagbubukas ay kakaunti na lang ang mga tao. Marahil ay mga nagsiuwi na rin gaya ko.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ang parking lot kung saan nakagarahe ang motorsiklo ko. Nang makalapit ay mabilis kong kinapa ang susi sa bulsa ng pantalon upang sana'y buhayin ito, ngunit natigilan ako nang mapansin kong may is
Alexandria's POVText Message from: 0916*******Hello, Alexandria. This is Cyrus. How are you?"Ano'ng nakain ng hinayupak na 'to at nagtext? Bago pa'ng number, huh?" wika ko sa sarili habang kunot-noong nakatingin sa text niya.Simula kasi no'ng huli kaming nagkausap, hindi na siya nagpakita pa sa'kin.
Cyrus Montemayor's POV"ALEX!" malakas na tawag ko nang mamataan ko siyang nasa counter at mag-isang umiinom. Luminga-linga naman siya at hinanap kung sino ang tumawag sa kaniyang pangalan. Lihim akong napangisi dahil doon. Tiyak na magugulat ka 'pag nakita mo ako. . .Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa kaniyang kinaroronan. At nang makita ako niya ay agad na rumihistro sa maganda niyang mukha ang disgusto. Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin sa'kin.As I expected from
Alexandria's POV"SIBAT na 'ko, Seii. Inaantok na rin ako, eh!"Abala si Seiichi sa pagsusulat ng kung ano sa notebook nang sabihin ko iyon. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin saka binigyan ako ng alanganing ngiti. "Okay sige, babe. Pasensya na, kung 'di na kita
Heinz's POV "H-Heinz. . ." NIYAKAP ko nang mahigpit si Alexandria matapos niyang bigkasin ang pangalan ko. Ramdam ko ang matindi n'yang pagod at paghihirap ng mga sandaling iyon. Gumanti rin siya ng yakap sa akin. Nagtagal din iyon ng ilang minuto bago dumating ang ambulansya na tinawagan ko. "Excuse me sir, isakay na po natin sa ambulansya ang pasyente
Alexandria's POVNAKASANDAL ako sa headboard ng kama at abala sa paglalaro ng Clash of Clan nang marinig ko ang mahinang katok ni Papa sa pinto."Ano na naman kayang kailangan ng matandang 'to?" inis na wika ko sa sarili. Hindi na ako nag-abala pang sumagot at hinintay na lamang ang sasabihin niya habang ang paningin ko ay nakatuon lang sa cellphone."Anak, m
Rodney Saavedra's POV"ALEXANDRIA, anak," pakli ko sa kan'ya nang dumaan siya sa harapan ko. "Maaari ba tayong mag-usap?" Nasa sala ako noon at talagang hinihintay siya. Huminto si Alexandria sa tangkang pag-akyat sana ng hagdan saka walang emosyon na tumingin sa akin.Tumikhim ako pagkatapos ay nagsalita. "Ano ang namamagitan sa inyo ni
Heinz's POVSA DISG ako dumiretso pag-galing sa bahay ng mga Saavedra dahil nakatanggap ako ng tawag mula kay Mr. Dominguez na mayr'on kaming importanteng pag-uusapan. Agad kong ipinarada ang motorsiklo pagdating ko sa parking lot ng gusali. Pagkatapos ay tinanggal ko ang helmet at ipinasok iyon sa compartment nito. Lakad-takbo akong nagtungo ng lobby dahil ang bilin ni Mr. Dominguez ay emergency daw ang meeting na ito. Sumakay ako nang elevator at pinindot ang 5th floor kung saan naroon ang opisina ni Mr. Dominguez. At ilang saglit pa nga ay narating ko na iyon. Kumatok muna ako bago tumuloy sa loob. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang personal assistant ni Mr. Dominguez na si Clarissa.
After one year. . .Alvarez's Residence "ANAK, ako na ang bahala kay Alexander at Mikaella. Nariyan na sa labas ang mga katrabaho ng asawa mo." Nilingon ni Alexandria ang ama na naglalakad papalapit sa kan'ya. Abala siya noon sa pagpapatulog sa kambal na sa tingin n'ya ay napagod kanina sa simbahan. Napangiti pa nga siya nang maalala na halos magwala kaiiyak si Alexander kanina habang binibuhusan ng holy water ng pari. Samantalang si Mikaella naman, ni hindi man lang nagising ng bendisyonan. "Mabuti naman at nadyan na sila. Kanina pa sila hinihintay ni Heinz, eh," aniya habang marahang tinatapik sa puwitan si Alexander. Maya't maya kasi itong nagigising. Mabuti nga at napatulog niya ang anak, kadalasan kasi si Heinz ang nakakapagpatulog rito. At siya naman ang naghehele may Mikaella. "Nakawawala talaga ng pagod itong mga apo ko," nakangiting turan ni Rodney habang pinagmamasdan ang natutulog na kambal. "Tingnan mo itong si Mikaella, o! Ganyang-ganyan ang mukha mo noong sanggol ka p
After two years . . ."NATAPOS mo na bang i-photocopy ang mga documents, Ms. Saavedra?"Tumango si Alexandria sa kaniyang boss nang marinig iyon. "Yes, Sir. 100 copies po
Alexandria's POV"BIBIGYAN kita nang pagpipilian, Alvarez!" mala-demonyong saad pa ni Cyrus kay Heinz nang mga oras na ito. "Mamili ka kung sino ang ililigtas mo! Ang sarili mo ba? O ang babaeng
Heinz's POV"WE'RE on the position, Agent Alvarez. Sa oras na ma-secure mo ang hostage ay agad naming papasukin
Cyrus Montemayor's POV"I'll give you 24 hours para pumunta sa kinaroroonan ni Alexandria! 24 hours lang, Alvarez. Kung gusto mo pa s'yang abutang humihinga, pumunta
Heinz's POV"P-paano nangyaring buhay ka, Kylie?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya. Tumingin muna sa akin si Kylie saka bumuntong-hininga."Mr. Dominguez and I planned this," sagot niya saka muling ibinalik ang atensyon sa sugat ko sa binti ko na kasalukuyang linilinis niya gamit ang alcohol. Ngumiwi pa ako nang maramdaman ang hapdi niyon."Malaking
Alexandria's POVNAGISING ako dahil sa isang malakas na tunog na nagmumula sa kung ano. Ramdam ko rin na gumagalaw ang paligid ko nang mga oras na iyon. Nagpasya akong idilat ang mga mata upang aninagin ang paligid, at bagaman bahagya pang nanlalabo ang paningin ko ay tumambad sa'kin ang mukha ni Cyrus.Nakatunghay siya sa akin nang mga sandaling iyon habang nakangisi. Prente siyangnakaupo sa harapan ko at magkakrus ang mga braso sa dibdib. Noon ko rin nalaman na ang malakas na ingay na naririnig ko ay nagmumula sa helicopter. Kasalukuyan kaming nasa himpapawid at binabagtas ang nagbubukang-liwayway na paligid."Good morning, Alex!" masayang bati ni Cyrus sa'kin. "
Heinz's POV"ANG ibig sabihin, nilansi mo lang kami?" natigigilang bulalas ko habang nakatingin kay Krishna. May hawak rin siyang baril at nakatutok sa akin."I'm sorry Heinz, baby, kung niloko ko kayo ng bastardo mong kaibigan
Heinz's POV"Agent Alvarez, prepare your team. We are about to land in Brgy. Mabolo," anunsyo sa kabilang linya ng NBI agent na kasama namin sa misyon ng nga oras na iyon.Kasalukuyan naming binabaybay sa himpapawid ang kabundukan ng Brgy. Mabolo, Cebu City. Ang sabi ng surveillance team ay doon huling nakita si Alexandria kasama ang mag-anak na Montemayor. Sa chopper kung saan ako ay nakalulan ay naroon din si Tito Rodney, si Aki, si Raiko at ang iba pang DISG agents.