Share

Chapter Seven

Catherine’s Point of View

He left me again on this quiet house, with no one to talk to. He has a lot of staff but none of them seems to like me. They didn’t even try to talk to me. 

Only manang Lerna is good to me.

“Ma’m na hatid ko na po yung tiyahin niyo” I quickly wipe my tears, ng marinig ko magsalita si manag lerna

“ Ay ganon po ba, salamat po” sabi ko

Tumayo na ko, dahil gusto ko ng bumalik sa kwarto ko. Gusto ko mapag isa at ibuhos sa luha lahat ng nararamdaman ko.

Growing up, everytime na nakakaramdam ako ng lungkot whenever i think of my parents iniiyak ko lang ito. Binubuhos ko lahat ng lungkot sa pag iyak. Then kinabukasan, ayos na pakiramdam ko.

“ Ma’m, papanik na po kayo?” tanong ni mang lerna.

 I nodded

“ Yes po, gusto ko po muna mapag-isa” sagot ko sa kanya.

“ Ay ganon po, Kasi po nabanggit po ng tiyahin niyo na mahilig daw po kayo mag bake. Gusto po sana namin magpatulong sa inyo na magbake, dahil bagong lipat lang tayo sa subdivision na to, kailangan daw po magbigay ng kahit anong food sa mga kapitbahay. As a moving in gift po sa kanila” sabi niya. 

This is a new house? This is a new built house. Sabagay bakit nga ba niya ako dadalhin sa sarili niyang bahay. 

“ sige po manang tuluyan ko na lang po kayo. Na bobored na rin po ako, halos paulit ulit sa araw araw ang ginagawa ko” sabi ko.

“ tara po sa kusina, naka ready na rin po mga kagamitan niyo doon” sabi nito, tinulungan niya ko maglakad papunta sa kusina. 

I extend ng my hand for me to familiarize the surroundings of this kitchen.

“ may naisip na po kayo kung anong dessert ang pamimigay sa mga neighbor natin?” I ask her. 

“ Sabi ni sir, nung tinanong ko po siya. Kung ano daw po gusto o kaya nyong gawin. Sa inyo daw po kami bumase dahil kayo daw po may alam sa mga ganyan bagay” sabi ni manang lerna. 

He knows? Alam niya na kaya ko mag bake. Did he learn it by himself or did he ask my aunt kung ano ano mga gusto kong gawin.

Pero Catherine wag assuming, baka sinabi lang din  ni Tiyang Amelia sa kanya. Kahit hindi naman niya tinatanong.

“ Meron po ba tayong ingredients for blueberry muffins” i ask.

“ ay yan po meron,  dahil nung nag grocery po kami. Sinabi po ni sir na bumilli kami ng pang banana bread, blueberry or strawberry muffins at pang iba’t ibang cookies. Kaya aya marami pong gamit dito, halos kumpleto lahat ng maaari niyong gamitin. Basta mag sabi lang po kayo” sabi nito.

Hinihintay ko siya mayari sa pagkuha ng mga gamit na kailagan namin. Medyo sumaya puso ko ng magbabake ako ulli.  This time hindi na para samin ni Tiyang Amelia at kay shadow ang gagawin ko. Pang maramihan na. 

I really love baking, it makes my heart race. The smell of freshly bake bread makes the house more homey. 

Dahil lumaki ako na halos ako lang ang nasa bahay, nalulungkot din ako kapag alam kong ako lang nasa bahay, but then when i bake naalala ko yung  pagkabata ko na my mother always bake banana bread for my father dahil yun ang favorite snack niya. 

“ Ayan ready na po” 

I start giving her instruction, on measuring the ingredients, How i determine kung tama ba ang ingredients na nakukuha ko. I know every texture of  everything  kaya kahit hawakan ko lang ito. Alam ko na. 

Back in the house para hindi ako mahirapan, Tiyang Amelia put a label on every container of ingredients using braille letters. 

Pero ngayon, hindi ganun ang gamit dito sa bagong bahay kaya nagpapatulong ako kay manang lerna. 

“ Pano ka natuto mag bake?” pagbasag ng katahimikan ni manag lerna. 

“ Sa mother ko po, nung bata po ako pinapanuod ko po siya na mag bake ng banana bread. Tapos yon naalala ko po kung pano niya ginawa ito” sabi ko. 

“ Ah, edi ibig sabihin hindi ka bulag dati?”

“ Opo, nagkaroon po ng aksidente kaya, ganito po ang nangyari sakin” 

“ Ah ganon, nakakalungkot namn pala nangyari sayo. Pero ngayon, ayos ka na kahit nawala ang paningin mo?”

“ Opo, hindi ko na po gaano iniinda pagkawala ng paningin ko, dahil nagagawa ko naman lahat ng gusto kong gawin. Hindi naging hadlang ang pagkawala ko ng paningin para gawin iyon.

Pagkasabi ko na iyon, hindi na siya nagsalita pa pero alam kong nasa tabi ko lang siya. 

“ Manang lerna?” tawag ko sa kanya. 

“ Ay pasensya na, Naisip ko lang na ang swerte ng alaga ko sayo.” sabi nito, nahiya naman ako dahil sa sinabi niya.

“ Bakit niyo naman po nasabi iyon. Kung tutuusin nga po malas pa nga po siya at ang katulad ko ang napangasawa niya. Wala na nga ako maitulong sa kanya kasama pa ko sa burden niiya sa buhay”  Sabi ko, masakit din para sakin na ganito ako magsalita para sa sarili ko. Dahil alam ko yun ang totoo.

“ Hindi totoo yan. Ang katulad mo ang kailangan ng alaga ko na iyon. Isang tao na hinding hindi susuko sa hirap man ng kanyang dinanas at nagagawa pang maging positibo na tao na katulad mo. Na hindi hadlang ang isang bagay na wala sa kanya. Para siya ay mabuhay ng matiwasay na parang walang kakaiba sa kanya” 

Hinawakan niya ang kamay ko.

“ Kaya salamat at ikaw nag napangasawa ng alaga ko. At sana wag ka magsawa intindihin siya. Alam natin dalawa na medyo may pagkamatalas ang pananalita niya. Pero eto lang masasabi ko sayo, kaya siya ganun ay ganun niya naipapakita ang pagpapahalaga niya sayo. Dahil lumaki siya ng walang kalinga ng magulang ako at ang ibang kasambahay lamang ang kasama niya pag laki. “

“ bakit nasaan po ang magulang niya. Pagkakaalala ko po dumalo po sa kasal namin ang magulang niya” 

“ Oo andon nga si Sir sa kasal niyio, pero ang nanay niya ay matagal ng patay Ang kasama nito sa kasal ay ang bagong asawa niya. Dahil nga sa pagkawala ng maaga ng kanyang ina, hindi na naging maganda ang samahan ng mag -ama hanggang sa nagasawa uli ang tatay niya. “ 

Parehas pala kami na, halos kaming dalawa lang ang nagpalaki sa sarili namin. Alam ko ang sakit ng mawalan ng magulang, kaya alam ko rin kung anong nararamdaman niya. 

“ Pwede po ba itanong kung ano po ang hilig niyang kainin?” tanong ko 

“ Sa pagkakatanda ko, mahilig din siya sa banana bread  yan ang hindi nawawala na pagkain dito. Dahil kapag nagugutom o tuwing umaga ay yan ang kinakain niya. “ 

Okay Mr. Ramirez you are forgiven kahit na ganon ang ginawa mo sakin kanina. May banana bread ka sakin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status