Duguan si kuya Ruan na iniluwa ng pinto. Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya, pero hindi ko magawa, dahil parang nanigas ang aking katawan. Ang sakit sa dibdib sobrang sakit mas lalong hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko ngayon. Maya-maya, biglang tumakbo papalapit sa 'kin si Prince at Alexander. Pareho nila akong tinayo. Napatingin sila ng sabay sa mga bata at agad silang tumakbo. 2 minuto na lang sasabog na ang bomba. Dahilan na mas lalo akong natataranta. Biglang may kinuha na gamit sina Prince at Alexander sabay hawak sa mga bata. Maingat nilang hinawakan ang bomba at sinuri ito nang mabuti. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila o gagawin nila. Iniisip ko na lang na sinusubukan nilang tanggalin ang mga bomba. Maya-maya, biglang napahinto ang Oras sa bombang nakalagay kay Angela. Dahil sa kawalan nang malay ng anak ko, muntik siyang nahulog. Mabuti na lang at nakayang lumapit ng katawan ko. "Anak..." sabay himas himas ko sa buhok ni Angela habang paulit-ulit na hinahalikan
Iniluwa ng pintuan si Princess. Bakit siya nandito, nandito nanaman ba siya para guluhin kami. Pwede bang huwag muna ngayon, dahil ayaw kong maistorbo ang pagpapahinga ng mga anak ko. Siguro nga, nandito nanaman siya para sulsulan nanaman si Youtan ng hindi maganda. Tsk! Wala ba siyang ibang magawa kundi guluhin ang pamilya ko. Sinubukan niyang lumapit sa 'kin habang masamang nakatingin, subalit humarang sina Prince, Alexander pati na rin ang kuya ko. Wala rin naman akong magagawa, kaya ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa mga anak ko. Mas mahalaga sa 'kin ngayon ang kalagayan ng mga anak ko. Ngayong, nakuha ko na si Angela, sana lang talaga, tumupad si, Youtan, sa mga napag-usapan naming dalawa. Nagtitiwala ako sa kanya, kaya sana hindi niya talaga ilayo sa akin ang anak ko. Hindi niya rin naman 'yon magagawa, dahil ipaglalaban ko ang karapatan ko sa mga anak ko."Zinnia! walang hiya ka! inilagay mo pa talaga sa panganib ang asawa ko!" galit at nangigigil na sigaw ni Princess.Hin
Hinawakan ang bewang ko ni Youtan. Ano ba ang naisip niya, bakit niya ako hinawakan nang ganito sa harap ni, Princess. Ano ba ang binabalak niya. Hindi ako makapaniwala nang tuluyan niya akong niyakap. Napanganga na lang ako sa ginawa niya. Kita ko sa itsura ng mga bata na natutuwa pa talaga sila."I'm glad, you're okay, Zinnia." Bulong niya. Naramdaman ko ang init ng hininga niya na dumampo sa tenga ko, pababa sa leeg ko. Pakiramdam ko nanginginig ako. Kahit minsan ko na lang 'to nararamdam sa kanya. Agad kong tinanggal ang pagkakayakap ng kamay niya sa bewang ko. Subalit, hindi ko magawa dahil mas lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap niya. Ramdam ko rin ang pagngisi niya."I want to be in you with our child, Zinnia." Seryosong boses niya."Huh? Ano ba ang ibig mong sabihin?" "Naaalala ko na ang lahat, kaya kailan man hindi ka na mawawala ulit sa akin at ang mga anak natin."Lumakas ang kabog ng puso ko. Sobrang saya ko ngayon, dahil nagawa na niyang alalahanin. Youtan, sabi ko na
Sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon, matapos kong mabawi si Youtan. Sinasabi ko na nga ba, lahat ng 'to makakaya ko. Ngunit hindi pa rin ako nalalagay sa pagiging kampante dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising si Dion. Siya na lang ang hinihintay namin, para maging maayos na ang lahat. Sinabi sa akin ng doctor kanina, na mas humina ang function ng puso niya. Pero, magigising naman daw dahil naagapan agad. Subalit, ngayon wala pa rin malay ang anak ko. Mas lalo akong nangangamba. Dion lumaban ka, ang daming naghihintay sa paggising mo. Hindi lang si Mommy ohh, nandito din ang mga kapatid mo, uncles at higit sa lahat ang Daddy mo. Kaya, gumising ka na anak ko. Nag-aalala na nang sobra si Mommy.Mula kanina, nakahawak pa rin sa kamay ko si, Youtan. Hindi niya pa rin ako binibitawan. Ang dalawang kambal ko naman ay nasa kama nil, nililibang ng mga Uncles nila. Masaya akong nagkakatuwaan sila, pero mas magiging masaya ako kung kasama nila si Dion. Minsan ko na lang makitang bu
Ilang araw din kami nanatili rito sa America, matapos ang operation ni Dion. Hindi pa rin gumigising ang anak ko matapos ang araw na 'yon. Halos hindi ako makaalis sa tabi niya. Samantalang si Youtan, abala sa mga dapat gawin rito, kasama na ang gastusin. Minsan nakakalimutan ko ng kumain, dahil sa kaka-isip ko sa anak ko. Mabuti na lang nandito palagi sa tabi namin si, Youtan. Upang pagtuunan kami nang pansin. Sa ikalawang araw, babalik na rin kami. Dahil 'yon ang usapan nila Youtan at ng doctor rito. Mabuti na rin 'yon para makasama ko ang ibang mga anak ko pati na rin ang pamilya ko.FAST-FORWARD "Zinnia, let's go."Napatingin ako sa anak ko habang isinasakay. Wala akong magawa kundi ang sumunod at hindi ang maging matigas ang ulo. Ilang oras, nakarating din kami sa hospital ni Dave. Ngunit wala siya rito, na saan na kaya siya. Matapos akong umalis sa mansion niya, hindi na kami nagkikita pa at kahit isang balita ay wala na.Nakarating kami nang ligtas. Kasama namin ngayon ni Yout
Natuwa ang si Dion nang makita niya ang Daddy Dave niya. Kahit ako din naman, dahil ngayon na lang kami ulit nagkita. Ngunit, hindi maiwasan na lingon ako nang lingon kay Youtan. Dahil sa kanyang kinikilos at tingin, halatang selos na selos sa amin. Natatawa na lang ako dahil wala naman kaming ginagawa ni Dave. Pero, panay hawak ni Youtan sa kamay ko, bewang at kahit saan pang parte ng katawan ko. Kahit si Dave, napapatawa na lang sa ipinapakita ni Youtan sa kanya. "Tumigil ka nga diyan," mahinang bulong ko sa kanya. Yakap siya nang yakap sa akin. Kaya hindi ako masyadong makagalaw. Binubulungan ko na nga, hindi pa rin na kikinig. Mas lalo niya lang hinihigpitan."Ano ka ba, hahhaa, umayos ka nga," natatawang bulong ko sa kanya."Maayos naman ako ahh," kunot noo niyang sabi. "Ehh, yakap ka nang yakap, hindi ako makakilos nang mabuti.""Parang yakap lang naman ehh. Na miss kita nang sobra, kaya may masama ba sa ginagawa ko?""Sh*t dito pa talaga naglandian ang dalawang 'to." Alexand
Nakarating kaming tulog ang dalawa. Ang sarap ng tulog, pero ayos lang. Tumabi agad si Dion sa mga kambal niya sabay gising sa kanila. Natutuwa naming pinagmamasdan ni Youtan, ang mga ginagawa ng mga bata. Ang liliit pa nga, pero marunong nang umintindi. Minsan sakit sa ulo dahil sobrang pasaway pero, maayos naman ang lahat. Ang galing nila magbonding parang mga binata at mga dalaga na. Sigurado ako pagmagbinata na itong Dion ko, palagi niyang ipagtatanggol ang mga babae niyang kapatid. "Baby, this is our dream, right?" malambing na boses ni Youtan."Oo nga love ehh, ang cute talaga ng mga anak natin," sabay ngiti ko. Mahigpit na nakayakap sa akin si Youtan, habang nakatalikod ako. Sobrang saya nga nang pakiramdam na ito dahil ngayon ko na lamang naramdaman ang ganito."I love you, baby." Malambing na tugon niya, na ikinilih ko naman."I love you too, love."Napaharap ako sa kanya at napahawak sa dibdib niya. Akmang hahalikan na niya ako sa labi pero, umiwas ako. Kunot noo niya akon
Matapos ang kulitan ka gabi. Ito nanaman kami ngayon, mas lalong naging makulit ang mga bata dahil sa asawa ko. Pinagkakaisahan pa ako ngayon."Look babies, Mommy is ugly na kasi ang sungit sungit." Sambit ni Youtan."Tinuturuan mo pa talaga ang mga bata sa kalokohan mo," sabay siko ko sa tiyan niya."Dad, masakit po ba?" sabay tawa ng mga bata."Hindi babies, masarap nga ehh, diba baby, Zinnia."Inaasar pa talaga ako, ahh."Kung tumigil ka kaya, nohh.""Babies, tumigil na daw tayo? Papayag ba kayo dun?""No, Dad.""Eyy, Angela ang kulit kulit.""Let's play pa, Mommy," singit ni Sky."Paano, ayaw pa tumigil ng mga anak natin, baby.""Huh???"Sabay sabay nila akong kiniliti dahilan na mapasigaw ako. Ang mga batang 'to talaga, sumasabay pa sa Daddy nila. Tawa kami nang tawa. Kalaunan, dumating si Simon na kasama si Dion. Yes, kanina lang, inilibot muna no Simon si Dion sa mansion. Malamig na nakatingin si Dion kay, Youtan. Napansin kong napayuko na lang si Youtan, dahil sa inasal ng kan
"Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas
JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy
"Ano bakit ang tahimik niyo haa! Sabihin niyo sa akin ngayon, pinagloloko niyo lang ako! Wala ba kayong ibang magawa! Josh! Ipaliwanag mo sa akin ngayon ang lahat lahat! Ito ba ang dahilan huh? Bakit sinabi mong maayos lang ang lahat, sa tuwing tinatanong ko sayo na parang wala akong maalala. Bakit ka nagsinungaling sa akin, pwede mo naman sabihin ang totoo diba? Gagawin ko rin naman ang lahat para umintindi. Pero, bakit??? Bakit ganito ang malalaman ko ngayon, ang sakit sa dibdib." "Please, Joyce, calm down...." "How??? Paano ako kakalma! Ang sakit niyo! Mga sinungaling!" Tumalikod siya sa amin at akmang aalis na. "Joyce... Wait.." I shout. Napahinto naman siya, ngunit hindi lumingon sa amin. Maya-maya pa, may isang Yaya ang natatarantang biglang dumating na tila'y naguguluhan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ma'am, ang bata po, dumudugo ang ilong...." Natatakot na boses niya. "Ano????" Tila'y nadagdagan ng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Paanong dumugo ang
"Josh, what are you talking about?""Simple lang naman, Prince. Ito talaga ang hinihintay kung mangyari. At hindi nga ako nagkamali, natupad din ngayon." Tumayo siya at ngumiti sa amin."Alam niyo, natutuwa ako sa inyo. Ginagawa niyo ang lahat para kunin ang mahahalagang bagay sa buhay niyo. Ginagawa niyo ang lahat para ipaglaban ang mga mahal niyo sa buhay. Isa sa mga pagsisising nangyari sa buong buhay ko ang lumayo sa inyo. Nang una, akala ko mahaharap ko ang lahat lahat. Inakala kong magiging maayos lang, pero hindi pala. Ilang taon akong naging mag-isa sa ibang bansa. Hindi ako nakabalik agad dito sa inyo dahil gusto kong pagsisihan ang lahat. Pakiramdam ko noon, parang isa akong duwag na nagtatago at tinatakasan ang lahat. Simula nang na wala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, inisip ko noon na lahat ng nagmamahal sa akin at minamahal ko ay iiwan lang din ako sa huli. Kaya, lumayo ako upang palawakin ang utak ko. Pero, sa kasamaang palad, parang naging isa lang akong malaking du
"Oh, ayan na sa wakas umandar din." Biglaang saad ni Prince, dahilan na nawala ang imahinasyon ko.Inumpisahan ko naman ulit ang pagmamaneho. Mabuti na lang, bumilis ang andar ngayon. Pero, sa dami dami na pinagdaanan namin ngayon. Hindi malayong gabi na kami makakarating kung saanna paroroon si, Josh kasama ang asawa ko at ang anak ko. "Oo nga pala noh, nakalimutan na natin kumain, kaya naman pala ang hapdi ng tiyan ko.""May gana ka pa bang kumain, Alexander? Nakaka-pagod, kaya na kaka-tamad kumain ngayon. Siguro, sa sunod ka na lang kumain, pagkatapos ng lahat.""Alam ko.""Alam mo Alexander, ang sarap bumalik sa nakaraan. Ang walang problema, walang kahit na anong ganitong sakit sa ulo na dapat isipin. Kung maaari nga lang, pipiliin ko talaga ang bumalik sa dating maayos, tahimik at masaya kasama ang kapatid ko. Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang 'yon, kasama ko pa sana ang kapatid ko ngayon." Masyadong kumirot ang puso ko. Ngunit, hindi na ako umimik pa at patuloy na l
"Baby, don't cry, nandito lang naman si Mommy, hinding hindi ka pababayaan ng Mommy. Sorry baby, busy ang Dad, kaya wala siya rito now. I love baby." Hinalikan ko ang anak ko sa kanyang noo at pisngi. Pakiramdam ko talaga na gawa ko na rin ito sa iba noon pa."Baby, matulog na ahh, kailangan nang magpahinga nang maaga ang baby, para madaling tumangkad at palaging healthy." Saad ko pa sabay halik sa noo niya ulit.Mabuti na nga lang at madaling tumahan ang anak ko ngayon. Inilapag ko siya ng dahan-dahan sa kama. Ang bait bait niya talagang tingnan.Habang lumilipas ang segundo, minuto, at oras. Tila'y may kung anong takot ang bumabagabag sa damdamin ko. Habang tumatagal parang mas lalong bumibigat. Pakiramdam ko, may darating na kung ano o kung sino. Subalit, hindi ko ito matukoy. Nakakaramdam ako nang takot, kaba at kung ano ano pang nagiging dahilan ng pagkabahala ko. Mahirap intindihin kaya mahirap din itong sabihin. Maya-maya pa, biglang tumunog ang pintuan, dahilan na bigla rin ak
RUAN POV. Kahit anong mangyari ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang mabawi ang kapatid ko at ang pamangkin ko. Minsan na kaming naghiwalay, paulit-ulit pa na nangyari, and now kailangan ko siyang ibalik. Wala mansiya sa kanyang pag-iisip, ede ipapaalala ko sa kanya kung sino siya. Sa mga sinabi kanina ni, Josh. Tila'y totoo ang lahat, hindi na bigyan ng oras ang kapatid ko, hindi ko siya naipagtanggol. Sa mga oras na kailangan niya ako, hindi ko siya na samahan, pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ko na siya mahal bilang kapatid ko. Kanina pa kami pabalik balik, parang naglalaro lang kami sa araw na ito, ang dami daming humahadlang sa mga kailangan namin gawin. Ang sakit sakit sa ulo, gulong gulo ang isipan ko. Halos hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. Si Tita Lorna, nagbago ang itsura niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya, dati naman hindi siya ganun. Sino ba ang may gawa no'n sa kanya, nang una ko siyang makita ulit kanina, nagduda akong si, Josh ang may
Nang makarating kami roon, tila'y nagbago agad ang lahat. Parang may mali na rito, na wala pati ang mga bantay. Mas lalo lang binahidan ng pagtataka ang utak ko ngayon. "What's happening? Anong meron? Bakit ang tahimik rito?" Prince asked na may pagtatakang boses."Mag-iingat na lang tayo, baka mamaya may patibong lang dito." Tugon namn ni, Alexander."Wait, andiyan ang ale kanina, look ayon siya ohh... Ano kaya, ginagawa niya, mag-isa lang kaya siya diyan?" Sabay turo ni, Prince. Sabay sabay naman kaming napatingin roon. Sakto andoon nga si Tita Lorna. Naisipan kong bumaba sa kotse, tinawag pa nila ako ngunit hindi ko ito pinakinggan. Dali-dali rin akong lumapit kay Tita Lorna. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya. Dahil, hindi ko rin inaasahan na makikita ko siya muli, na nagkaganyan pa ang kanyang itsura. Malayong malayo ito sa dating siya. Tinawag ko siya, ngunit tumingin lang siya sa akin, then umakbang naan siya upang lumayo sa akin. Wala akong ibang magawa
Kanina pa kami palibot libot dito matapos kami g maghiwalay kanina ng mga kaibigan ko. Nagtataka ako, kung bakit walang katao tao, kahit alam ko naman na pinadara nga ni, Alexander ang lahat. Kung hindi talaga nakatakas nang tuluyan sina, Josh. Dapat ay narito sila ngayon. Habang patuloy akong naglalakad para magahanap, nagkasalubong kaming magkakaibigan. Nagkatitigan kaming lahat sabay iling ng mga ulo namin. Hindi nga nila nakita."Wala ehh, ano ba naman.""Pero, imposible, dahil pinasara ko na kanina pa ang airport, at wala naman balita sa akin na, may nakalabas na eroplano." Smabit ni, Alexander, sabay hawak sa kanyang makabilang bewang. "Mukhang naisihan tayo.""Ikaw Ruan, anong balita ng mga tauhan mo? I asked."Wala rin silang nakita.""Ano? Pinagloloko lang ba tayo dito." Alexander said."Hindi naman kaya, nagsinungaling sa atin ang ale kanina?" Prince said."Balikan natin siya." I said with my deep tone. Ang ayaw ko sa lahat, ang pinagsisinungalingan ako at pinaglalaruan ak