Share

Chapter 24

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko matapos niyang ikwento ang nangyari sa pagitan nila ni Blaze. Pakiramdam ko ako iyong binubogbog at pinagsusuntok ng ganoon dahil sa ramdam kong sakit at lungkot sa kanyang boses.

I blinked my eyes continuously and glanced at him who's now quiet.

Nakasandal pa rin ang katawan niya sa headboard habang ang dalawang siko ay nakapatong sa magkabilang tuhod na nakataas. Nakaladlad ang kanyang mga braso habang hinahayaang paglaruan ng kamay ang bawat dulo ng punda ng unan. Rinig ko ang mabigat niyang paghinga at ang pagkatulala niya sa kawalan. Nakaawang ang mga labi niya at hindi malaman kung saan ibabaling ang paningin.

"What happened after that?" I curiously asked and then looked at him with nothing but concern in the eyes.

Parang biglang nawala ang galit ko sa kanya kanina. Kung bakit niya iyon nasabi at kung bakit ganoon nalang ang takot niya. Maski ako rin naman kapag nakita ko ang mga taong nagbigay sakit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status