Tahimik lang siya sa tabi ni Xion habang nakikinig sa mga pag-uusap ng mga nakapaligid sa kanila. Medyo nakaramdam siya ng out of place dahil talagang mga businessman ang halos ng tao rito. Pasimple siyang napatingin sa kabilang tabi ni Xion na si Alora, panay ang hawak nito sa braso ng binata at naiirita siya.Napabuga siya ng hangin at inalis ang tingin sa babae. Gusto niya sanang magpaalam dito para magbanyo pero mukhang na-busy na talaga ito sa mga kinakausap. Pasimple siyang naglakad palayo at tumungo sa cr dahil talagang naiihi na siya. Nang makapasok sa banyo ay dumeretso siya sa isang cubicle at doon umihi.Pagkatapos niya ay lumabas din agad siya at natigilan siya nang makita roon si Alora na nag-aayos ng makeup. Akala niya ay hindi siya nito papansinin pero nang makalapit siya rito para maghugas ng kamay ay tumingin ito sa kaniya sa salamin."Do you have a business?" tanong nito sa kaniya habang pinapasok sa pouch ang lipstick."Wala," deretsong sagot niya rito. Pinagpag niy
Day off ngayon ni Aj kaya naglinis siya ng buong bahay. Simple lang naman ang mga ginawa niya dahil hindi naman sobrang dumi ng bahay. Pagkatapos niya ay nagluto siya para sa tanghalian niya. Wala si Xion dahil may importante raw itong meeting buong araw at magiging busy, naiintindihan niya naman 'yon lalo na't alam niyang may kompanya ito.Hindi pa rin siya makapaniwala na mayaman ito. Baka nga kasing yaman nito ang asawa niya. Natigilan naman siya dahil naalala niya ulit ang contract husband niya. Pati si Francis din ay naalala niya bigla, matagal tagal na rin noong huli niya itong makausap.Hindi naman kasi siya nagte-text dito. nahihiya siyang mangamusta dahil baka busy rin ito. Nang matapos sa pagluluto ay kumain na rin siya at tinext si Xion para tanungin kung kumain na rin bai to. Napangiti naman siya nang nag-reply rin ito pero nawala iyon nang mabasa ang mensahe nito.From My Xion,- Not yet, baby. I'm so busy. Maybe later. Enjoy your lunch.To My Xion,- Kumain ka na! 'wag k
Hanggang sa makaalis sila ni Xion sa kompanya nito ay malalim pa rin ang nasa isip niya. Hindi mawala sa isip niya ang surname ng binata.Saan ko ba 'yon narinig?Sigurado siyang narinig niya na iyon kung saan hindi niya lang matandaan. Iwinaksi niya na lang ang nasa isip at tumingin sa daan, hindi niya alam kung saan sila papunta ngayon."Look, Alora is just a client. Napilitan lang ako kumain dahil hindi siya titigil sa kakakulit sa akin," biglang paliwanag nito na ikinatingin niya. Ngumiti naman siya ng tipid at tumango dito."Baby... can you please talk?" he said frustratedly. Nagulat pa siya dahil bigla nitong tinabi ang kotse at tiningnan siya."Ano ka ba, okay lang talaga," nakangiting ani niya. Inabot nito ang kamay niya at pinisil ng marahan."You rarely talk at me since you saw me with Alora." Hindi siya summagot at binaba ang tingin sa kamay nilang magkahawak. Ayaw niya kasing ipakita na nagseselos siya, wala naman kasi siyang Karapatan."And... how did you know where my of
Umalis siya sa lugar na 'yon at umuwi na lang. Punong-puno ang isip niya dahil sa sinabi ni Lloyd at sa ginawang paghalik nito sa pisngi niya. She knows that Lloyd was flirting to her and she doesn't like it. Pinipilit niyang intindihin si Lloyd dahil galit ito sa kay Xion kaya pati siya ay nadamay sa galit nito. Pakiramdam niya ay sinasadiya talaga siyang guluhin at asarin ni Lloyd.Nang makarating siya sa bahay ay nangunot ang noo niya dahil nakita niya ang kotse ni Xion na nasa garahe na. Pagkapasok niya ay nagulat siya dahil may bouquet ng bulaklak na nakalagay sa gitna ng lamesa ng living room."Baby... where did you go? I waited for you," he smiled and get the flowers. Siya naman ay natulala lang nang iabot nito sa kaniya ang bulaklak."K-kala ko ba may importanteng meeting ka?" gulat niyang tanong. Hindi pa rin siya makapaniwalang nandito na ito, parang halos dalawang oras pa lang ang lumipas simula noong magkahiwalay sila sa supermarket."Yes. The first one was done and the ot
Isang araw na ng mag-isa lang siya sa malaking bahay. Hindi naman totally mag-isa dahil sinusundo at hatid siya ng babaeng driver na dating naging driver niya noong wala rin si Xion. Ngayon niya nga lang ulit naalala ang contract husband niya. Hindi niya alam kung paano kinakausap ito ng binata.Medyo na-bothered din siya dahil gumagawa siya ng kasalanan sa likod ng asawa niya. Kahit hindi niya ito kilala pakiramdam niya kasalanan pa rin ang ginagawa niya dahil kasal pa rin sila kahit sa papel lang.Napabuga siya ng hangin at pinagpatuloy ang paglilinis ng lamesa. Nasa restaurant kasi siya at kasalukuyang naka-duty. Nagbigay na rin siya ng resignation letter. Nakapagdesisyon na siya na bumalik na lang sa pagbi-business dahil mas malaki ang kita roon.Ang bilis ng panahon at mag a-apat na buwan alakna siya roon. Malaki na ang ipon niya dahil idagdag mo pa ang sweldo niya sa contract husband niya na hindi niya nababawasan dahil sa sweldo niya sa restaurant at allowance pa sa living expe
Katatapos lang nila mag-video call ni Xion at patulog na sana siya nang muling mag-ring ang telepono niya. Nakapikit pa ang mata niya habang inaabot iyon para sagutin ang tawag."Hello?" sambit niya sa inaantok na boses."Hello ma'am? Baka po pwede niyo sunduin si sir? Lasing na po talaga at hindi po namin alam kung sino ang tatawagan. Nasa speed dial niya po kasi ang number niyo kaya ikaw po ang natawagan naming," mahabang paliwanag nito. Naimulat niya naman ng maayos ang mata at agad na nilayo ang cellphone sa tainga niya para makita ang screen at matukoy kung sino ang tumatawag.Lloyd...Binalik niya agad ang cellphone sa tainga para makausap ang nagsasalita. "Nasaan po ba 'yan kuya? Wala po bang ibang matatawagan? Hi-hindi po kasi ako—""Sa Luxus Club po ma'am. Wala na po kaming ibang matawagan dahil tatlo lang ang nasa contacts ni sir," putol nito sa kaniya. Napahawak siya sa noo at napatango."Sige po, papunta na po ako riyan," sambit niya. Hindi naman niya pwedeng hayaan ang la
Nakatanaw siya sa labas ng restaurant, malakas ang ulan dahil sa bagyong dumating. Hindi kasi siya nakapanood ng balita mabuti na lang na lagi siyang may dalang payong sa bag. Bilang lang sa kamay ang customer ngayong araw dahil na rin sa panahon. Ito ang last day niya sa trabaho kaya naman ay kumikilos siya ng todo kahit na sinisita siya ng mga kasamahan niya na sila na sa ibang gawain."Ako na magpupunas dito, sa counter ka lang muna," ani ni Dianne sa kaniya."Okay lang, kaunti lang naman ang lilinisan," sagot niya rito."Last day mo na rito kaya chill ka lang," natatawang ani nito. "Isa pa't kaunti lang ang gagawin natin kaya 'wag mong akuin ang lahat dahil kaya mo, dapat hati pa rin sa gawain," dagdag pa nito. Hindi na siya nakapalag sa kaibigan at hinayaan na itong magpunas ng mga table. Sa counter lang siya tumambay at inayos ang mga nakalagay roon. Pinupunasan niya rin ang makitang may kaunting dumi dahil hindi talaga sila busy ngayon."May pick up order tayo, mga 4pm daw dito
Alora was pissed big time because of what she found out. Nakita niya ang mga pictures ni Lloyd na kasama sa club si Aj at magkasama pa ang dalawa papunta sa unit ng binata. Mas lalong kumulo ang dugo niya dahil sa dalaga.Lloyd is mine and you dare to touch him and get near to him?!The truth is she was getting scared, just the thought that Lloyd has feelings for that woman makes her mad. Gusto niyang magwala at saktan ang babaeng 'yon.Nalaman niya ang tungkol sa kontrata ng dalawa dahil pinaimbestigahan niya si Aj at ang pamilya nito. Nalaman niyang laki ito sa hirap kaya sigurado siyang hindi nagpakasal ang dalawa dahil lang sa pagmamahalan. Hindi ito kilala ni Xion nang magpakasal ito sa babae kaya sigurado siyang nagkaroon ng kontrata lalo na na may lawyer si Xion na matinik at kilalang kilala sa larangan ng trabaho nito.Money can buy and do anything. Hindi na rin siya magtataka na malaki ang binayad ni Xion sa babaeng 'yon. Xion is one of the richest young businessman around th