Tanghaling tapat . . .
Sa isang malaki at malawak na bulwagan, naroon nagtitipon-tipon ang anim na nilalang. Pawang nakasuot ng kani-kanilang mga magagarang damit habang nakagayak sa ibabaw ng ulo ang kaniya-kaniyang gintong koronong nagmimistulang mga higanteng diyamanteng kumikislap sa tuwing nasisinagan ng liwanag ng araw.
Makikita sa kanilang tindig ang nag-uumapaw na impluwensiya at malakas na awtoridad, ngunit bakas naman sa mga mukha nito ang tatag at labis na kagustuhang malutas ang malaking problemang kinakaharap.
"Hindi na dapat tayo nag-aaksaya ng panahon. Nalalabi na lamang ang natitirang araw bago umepekto ang sumpa ng walang hiyang Voltur na 'yon. Nararapat lamang na makapili na tayo ng hahalili sa ating kaharian!" panimula ni Haring Pythone, ang namumuno sa Kaharian ng Mordor.
Makikita sa mala-apoy na kulay ng kaniyang mga mata ang determinasiyon upang maisagawa ang tungkulin.
"Huminahon ka lamang, Pythone. Kung pipili man tayo ng hahalili sa atin ay nararapat lamang na siya'y malakas, makapangyarihan at bihasa sa pakikipaglaban," sabat ng isang babaeng nakasuot ng damit na yari mula sa kayamanan ng kalikasan. Ang tila tsokolate nitong mga mata ay nagsisigaw ng pagmamalaki sa kaniyang mga sinabi.
"Ngunit kinakailangan ding magkaroon ng maganda't malinis na kalooban at dalisay na puso ang kinatawan na ating pipiliin, Alora," ani Reynang Raiyah ng Kahariang El Wendor. Malumanay ang pagkakasabi nito, ngunit mapapansin pa rin ang bakas ng awtoridad sa mala-karagatan nitong mata.
"Actually, I've chosen my deputy. He's a good guy, a strong Aeon from my kingdom." Prenteng nakaupo ang lalaking mayro'ng mala-abong mga mata habang kumakain ng isang hindi pangkaraniwang prutas mula sa kanilang mundo. Siya si Haring Aaron, ang namumuno sa Kahariang Asteria.
"Mabuti naman kung ganoon, Aaron." Bumaling ng tingin ang hari ng Mordor sa natitirang dalawang hari at reyna.
"King Dreiche and Queen Blythe," tawag nito.
"Don't worry about me, Pythone. Sisiguraduhin kong makapili ng karapat-dapat na tagapagtanggol ang Kaharian ng Deandrelle at maging ang buong Aerydone," malamig at mariing sagot ng nag-iisang hari ng kahariang umaangkin ng kapangyarihang kadiliman.
Samantalang, nag-angat ng tingin ang babaeng nagtataglay ng dilaw na mata. Mahinhin itong ngumiti sa nakatatandang kapatid sabay bigkas, "I've chosen the rightful person to represent my kingdom, Brother." Bahagya itong yumuko sa hari ng Mordor upang magbigay-galang.
Nagpatuloy ang kanilang pagpupulong ukol sa nangyayaring kaguluhan sa kanilang mundo.
Ang pagpili na lamang ng isang representante sa bawat kaharian ang siyang natatanging pag-asa at napagplanuhan ng mga ito upang kahit pa paano'y maisalba at maipaglaban nila ang kanilang mundo mula sa nalalapit na pananakop ng mga tauhan ni Voltur, ang siyang makapangyarihang Aeon na kumakalaban sa kanila.
Subalit kahit napapalapit na ang nasabing sagupaan, napangiti pa rin ang reyna ng Breshire. Nakapili na si Reyna Blythe ng karapat-dapat na humalili sa kaniya.
Alam niyang magtatagumpay ang kaniyang napili sapagkat ito'y malakas at palaban, mayroong malinis na kalooban, magandang puso, at may paninindigan. Subalit, ang ipinagkaiba lamang ay hindi ito isang Aeon.
Ang napili nito'y isang babae . . .
. . . isang babaeng walang kamuwang-muwang sa totoong layunin nito sa kaniyang buhay.
Chapter 1: LightIlang beses na bang ganito na lang ang nangyayari sa buhay ko?Lungkot . . . sakit . . . poot.Hindi ko alam kung nararapat pa ba akong mabuhay sa mundong ito. Ni minsan ay hindi ko naranasan ang totoong kasiyahan. Pati pagmamahal na siyang kay tagal kong inaasam-asam ay ipinagkait din sa akin.Sa madaling salita, walang silbi ang buhay ko.Napasubsob ako sa sahig habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata dahil sa malakas na pagkakasampal sa 'kin ni madame.Iyak ako nang iyak at patuloy na umiiling, sinasabing hindi totoo ang mga ipinaparatang nito sa akin.
Chapter 2: Another World "You've finally arrived." Puno ng pagtatakang nilingon ko ang babaeng kararating lamang. Nang sandaling dumapo ang aking paningin sa kaniya ay namangha kaagad ako sa taglay nitong ganda. Base pa lamang sa kaniyang kasuotan na isang puting malasutlang bestida, kutis na singkinis ng isang diyamante at singputi ng mga buhangin, mga mapupungay at nagniningning na kulay dilaw na mga mata at isang eleganteng korononang nakagiyak sa ibabaw ng kaniyang ulo-masasabi kong hindi siya isang pangkaraniwang tao. "N-Nasaan ako? Sino k-ka?" Utal at namamaos ang aking boses nang isambit ang mga katagang iyon. Kahit pa sabihing napakagandang lugar ang kinaroroonon ko ngayon ay hindi ko pa rin mainti
Chapter 3: The SentinelsHanggang ngayon ay lubos ko pa ring iniisip itong mga pangyayaring biglaang dumating sa buhay ko.One time, I was an abused and pitiful orphan living in a cruel world. Then another time, I came into this so-called magical world where it can only be found in fantasy books and movies.Isang araw na'ng lumipas simula no'ng dumating ako sa mundong ito. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang intindihin lahat ng mga sinabi noon ni Queen Blythe at ngayon ay kay Alex.Mahirap tanggapin ang lahat. Mahirap isiping nabuhay pa talaga ako pagkatapos ng lahat ng mga sakripisyo at paghihirap na aking pinagdaanan. Mahirap ipagkaloob sa aking isipan na sa ibang mundo pa talaga-mundong hindi ko inaakalang umiiral, ako'y nagkaroon ng silbe at halaga.
Chapter 4: Acquaintances'Yong pakiramdam na ikaw ang sentro ng atensiyon sa buong silid na napalilibutan ng hindi pangkaraniwang tao-Aeons, hindi ordinaryong Aeons na nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan at maaaring pinakamalakas na mga nilalang sa mundong ito; ay isa sa pinakanakahihiyang pakiramdam na naramdaman ko.Matapos akong ipakilala ni Alex ay kaagad na itong nagpaalam. Ibinilin ako nito sa mga kapuwa ko Sentinels na siyang hindi ko natutulan dahil sa bilis nitong nawala.Nakahihiya lang dahil halos hindi na inaalis ng mga Aeons na 'to ang kanilang paningin sa akin. What's creepier is that their stares are as if dreadfully seeking through my mind and soul.Nasabi ko nga kanina, akala mo'y sinusuri nila ang buong pagkatao ko sa uri ng tinginan nila
Chapter 5: Amulets Kinabukasan, nang sumapit ang alas nuwebe ng umaga, ipinatawag kaming anim sa isang malawak na bulwagan dito sa palasyo sa kadahilanang may mahalagang ipapahayag sa amin si Alex. Ngayon ay kasama na namin si Tross, ang huling miyembro ng Sentinels na hindi ko nakita kahapon. Base sa aking obserbasiyon, medyo madilim ang awra nito at palagi na lamang seryoso ang ekspresiyon-hindi kagaya nina Gust at Bryle na palaging may pinag-uusapan, at si Shahne na palagi ring may dalang pagkain. Brielle, on the other hand, keeps clinging onto my arms while continuously blabbering. Palagi nitong ikinukuwento sa akin ang mga napagdaanan nito noon. But, me being me, minsan ay hindi ko na siya napakikinggan sa kaniyang mga sinasabi. Sinasanay ko pa rin ang
Chapter 6: Institution of Aerydone Maaga kaming naghanda sa aming pag-alis. Hindi nagkulang si Alex sa pagpapaala at pagbilin sa amin sa mga posibleng kapahamakang aming makasasagupa sa gitna ng aming paglalakbay. "Hinuha ko'y posibleng hinahanap din ni Voltur ang mga agimat. Kakailanganin niya iyon upang mas lumakas ang hukbo niya." Tinapunan kami nito ng isang nag-aalalang tingin. "Kaya mag-iingat kayo. Malaki ang—" "Tsansang makalaban namin ang kaniyang mga alagad sa oras na hahanapin namin ang mga amulets," buntong-hiningang sabi ni Brielle na siyang dumagdag sa dapat sasabihin ni Alex. Napangiti ako sa inakto nito. "Inulit mo na iyan ng halos dalawampung beses, Alex. Magmula pa kanina noong kumakain kami, han
Chapter 7: Assailed"Here's yours, Krysta." Inabot ko ang kahong inilahad ni Brielle sa akin. Medyo mahaba-haba ito at may kabigatan dahilan upang mapabuga ako ng hangin. Alex did really requested a sword for me, huh?"Guys, look!"Dumako ang tingin ko kay Bryle na ngayo'y may hawak na . . . isang metallic boomerang? The weapon's purely made of steel, and from the looks of it, I know that it feels heavy. Kasing-laki at haba ng boomerang ang bisig ng lalake kaya masasabi kong may kabigatan talaga ang sandata nito."Duck!" sigaw nito na siyang nagpayuko sa aming lahat. Kasabay no'n ay ang paghagis nito ng boomerang sa ere na gumawa ng isang matinis na ingay. Umikot ito sa kabuuan ng silid at mabilis ang paglipa
Chapter 8:The Foes Sumugod papunta sa direksiyon ko ang halimaw na kaagad ko ring tinugunan ng isang agarang pagtakbo. Inasahan kong tatalunan ako nito kung kaya'y mabilis akong lumundag pailalim at ginamit iyong pagkakataon upang sugatan ang kaniyang tiyan. Nagdulot iyon ng malakas na paghiyaw galing sa halimaw. Dali-dali akong umayos ng tayo at hinarap ang nagagalit na nilalang. Nanlaki ang aking mga mata nang bumuga ito ng asido sa aking direksiyon. Walang pag-aatubiling tumalon ako sa isang gilid upang maiwasan ang nakamamatay na lason. That was close! I caught my breath as I stand on one side. Hindi pa man ako nakahuma sa ginawa nitong mga pag-atake ay nagsimula na naman itong magpaulan gamit ang matutulis nitong buntot. Napasinghap ako at mabilis na nagpagulong-gulong upang maiwasan ang mga talim nitong hinuha ko’y naglalaman din ng mga lason. Kalauna'y tumigil ito sapagkat bumaon nang husto ang kaniyang m
Chapter 72: Rewriting DestinyTumayo ako mula sa pagkahihiga at inilibot ang mga mata sa senaryong lubos ba pamilyar sa aking sistema.Napakurap-kurap ako upang sabihin sa sariling hindi nga ako namamalik-mata sa nakikita.She really did turned back time . . . back to the time when the war started.Umilag ako sa matulis na punyal na paparating sa aking direksiyon. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ang eksenang iyon. Dumapo kaagad ang aking tingin kay Crane na nakaangat ang katawan sa ere habang napalilibutan ng maiitim na usok.Napailing ako't naglabas ng sunod-sunod na puting ilaw papunta rito. Kailangan kong takasan ang babae sa lalong madaling panahon.My mission in here wasn't to fight, but to prevent all the loss and destructions from happening.Hindi ko sasayangin ang buhay na ibinuwis ng reyna ng oras para lang maibalik nito ang oras at mailigtas pa ang Aerydone. She had done a lot—even more so. It's abou
Chapter 71: Playing With Time"Enchantress, you don't have to do this."I constantly shook my head and pleaded the woman to not continue what she was about to do. "Walang mangyayari kung wala tayong gagawin, Krysta. Lalong masisira ang mundo kung hahayaan natin si Mortem sa nais niyang pagsakop dito."Sinubukan kong tumayo upang pigilan ang babae, ngunit wala na akong sapat na lakas para maigalaw ang kahit katiting ng mga daliri ko. Nakalupasay na lamang ako sa lupa na parang isang lantang gulay. Kinakapos na ako sa paghinga at nais na ring pumikit ang aking mga mata dala ng matinding sakit at pagod.Kahit nanlalabo ang paningin ay nasilayan ko pa ang iilang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata ng dilag.She squatted beside me and gently caressed my hair. Walang ingay akong bumuntong-hininga nang ginawa iyon ng babae. Lalo lang kasi nitong pinapahina ang aking lakas para manatiling gising.Dahil sa dami ng aking nata
Chapter 70: DestructionIpinikit ko ang mga mata nang maramdaman ang sariling katawan na bumubulusok pababa sa matigas na lupa. Masiyadong malaki ang halimaw at hindi ko na alam kung ilang beses na ako nitong itinapon sa kung saan. Kusa kong ipinuwesto ang mga sugatang kamay sa harap ng aking mukha upang isangga ang sarili nang isang bisig ang hindi inaasahang yumapos sa akin.Naramdaman ko ang aming pagbagsak, ngunit tanging ang malambot na katawan ni Tross ang tumama sa akin. He groaned in pain, which made my senses alert. Kumurap-kurap ako at kahit sumasakit na ang katawan ay sinikap ko pa ring tumayo para hindi na mahirapan ang lalake. I felt sore all over my body, yet I still managed to lend some healing mana to the guy who signalled me to not continue what I'm doing.Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang aking ginawa. He knew that he couldn't stop me, especially when it came to tending their wounds and weaknesses.
Chapter 69: MortemNag-aalala kong tiningnan si Hera sa mag-isang kinakalaban ang dambuhalang halimaw na halos sirain ang kabuuang bahagi ng magkatabing kaharian ng Breshire at Deandrelle.Mabuti at nagawang mailikas ng aking mga kasamahan ang halos lahat ng mga mamamayan ng dalawang kaharian. Sa ngayon nahati ang mga ito at kasalukuyang naroon sa Asteria at Floreshia. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ng mga lalake, ngunit kamangha-mangha at nagawa nilang mailigtas ang Shires at Deanders sa loob lamang ng limitadong oras.Sabay kaming tatlo na napaiwas sa isang malaki at makapal na sementong lumilipad tungo sa aming direksiyon. "Tutulungan ko ang Enchantress. Kayong dalawa na ang bahala sa iba pang mga sibilyan na hindi nailikas.""Travis, wai—"Hindi ko na nagawang pigilan ang lalake nang mawala kaagad ito sa aking paningin. Nag-aalala ko namang binalingan si Tross, sinasabing sundan nito ang kapatid niya."No, I'm
Chapter 68: The Awakening"Tross! Tross, don't."Hinawakan ko ang braso ng lalake habang nakatuon ang mga mata kay Voltur at ang kawalang-hiyang ginagawa niya sa mga hari't reyna. "Don't, please. Ayaw ko ring mapahamak ka." I was panting while gripping on the guy's arm.I couldn't risk him knowing that he doesn't have his amulet. He shouldn't be here in the first place. Inutusan ko na si Bryle kaninang dalhin ang lalake sa pagbalik nila sa lupa ng mga kaharian. Hindi ko alam na bumalik ito—o hindi talaga sumama."How does it feel becoming my pet, Dreiche?" Bumalik ang aking atensiyon kay Voltur nang hinawakan niya ang panga ni King Dreiche na nakaluhod ngayon sa lupa. Marahas din niya itong binitawan, dahilan para mapayuko ang hari.I heard Tross growls so I gently caressed his arm. Hindi siya dapat magpadalos-dalos sa kaniyang mga aksiyon. I couldn't lose him, not in this godforsaken war."Now that I have you
Chapter 67: Her DecisionSinamaan ko ng tingin si Crane nang magawa nitong sugatan ang aking pisnge. Bumwelo ako patalikod bago siya sinipa sa tiyan at nagpakawala ng malakas na puwersang nagpatalsik sa kaniya papalayo.Nahawi ang lahat ng mga nilalang sa kaniyang likuran kung saan siya bumulusok. Napangiwi ako nang tumama ito sa malaking bato na nasa malayo.Hindi na ako nag-abalang atupagin ito at pinuntahan ang aking mga kasamahan upang tulungan. Naramdaman ko na ang kaunting pangangalay at pagod sa katawan, pero ininda ko ito at naglabas ng alon ng enerhiyang nagpalakas sa mga kaalyado namin. Napunta ang aking paningin kay Shahne na abala sa pakikipaglaban kay Grim nang dambahan siya ng limang higanteng goblins. "Ang baho n'yo! Putang-ina!" Narinig ko ang pagmumura nito kaya napailing ako't mabilis itong pinuntahan. Inilabas ko ang aking espada at walang pasabing sinangga ang dalawang ni Grim.Sumingkit ang mga ma
Chapter 66: Way To EscapeBRIELLEExplosions and cries could be heard anywhere. Ang pag-uga ng kastilyo ni Voltur ang siyang nagpapatunay na nasa malapit lang ang nagaganap na digmaan. "Putakte!" pabulong kong sigaw nang masubsob ulit ako sa sahig dahil sa isang hindi inaasahan at malakas na pagsabog. Kita ko kung paano kumapit si Travis sa mga riles bago ako binalingan at tinulungan.Ayaw ko mang ipakita sa lalakeng nanghihina na ako, ngunit wala akong magagawa.He may have been controlled, too, but his tolerance to darkness was strongee compared to mine. Kahit pa paano'y may napala naman siya sa pagiging Deander niya."Dahan-dahan lang," mahinang paalala nito bago ako sinuportahan sa paglalakad.Nahagip ko naman ang aking mga kamay kung saan makikita ang maiitim na ugat na nagsisimulang lumabas mula sa aking balat. Dahil dito ay umilaw ang aking kuwintas at kasabay no'n ay ang pagdaloy ng enerhiyang mabilis
Chapter 65: Second WaveUmangat ako sa ere matapos kong ipagaspas ang aking mga pakpak. Tumungo ako sa gitna ng aming hukbo at nagpalabas ng makapal na hamog na gawa sa liwanag. Lahat ng aming kakampi ay nadagdagan ang lakas at nalulunas, habang ang mga kalaban ay naglalaho.Tinapunan ko ng nababagot na tingin ang mga trolls mabilis na naglaho dahil sa enerhiyang aking ipinalabas. They couldn't withstand the intensity of my light. I didn't know that this mana could become powerful—too powerful that even my body felt its overwhelming power.Nabaling ang aking atensiyon sa dakong kanluran ng aking posisyon kung saan isang sundalo ay pinagtutulungan ng limang trolls. Inilunsad ko ang aking katawan patungo roon at walang pag-aalinglangang nagpakawala ng nagliliwanag na bolang sumapol sa mukha ng mga nilalang.Naglibot-libot ako sa ere at tinulungan ang mga sundalong nahihirapan sa pakikipaglaban.
Chapter 64: First WaveNakatayo sa bukana ng Chasm of the Dead, kaharap namin ngayon ang libo-libong mga nilalang na kasapi sa hukbo ni Voltur.Habang nakatingin sa harapan, hindi maiwasang sumilay ang isang mapait na ngiti sa aking mga labi. Parang kailan lang no'ng dumating ako sa mundong ito—no'ng panahong wala pa akong kaalam-alam sa kung ano'ng naghihintay sa akin sa pangalawang buhay na iginawad sa akin ng reyna ng liwanag. Panahong hindi ko inaakalang makakamit ko pala ang buhay na kay tagal kong inasam. Panahong nawalan na ako ng pag-asang masilayan pa ang mundo dahil sa kalupitang ipinakita nito sa akin.