Chapter 3: The Sentinels
Hanggang ngayon ay lubos ko pa ring iniisip itong mga pangyayaring biglaang dumating sa buhay ko.
One time, I was an abused and pitiful orphan living in a cruel world. Then another time, I came into this so-called magical world where it can only be found in fantasy books and movies.
Isang araw na'ng lumipas simula no'ng dumating ako sa mundong ito. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang intindihin lahat ng mga sinabi noon ni Queen Blythe at ngayon ay kay Alex.
Mahirap tanggapin ang lahat. Mahirap isiping nabuhay pa talaga ako pagkatapos ng lahat ng mga sakripisyo at paghihirap na aking pinagdaanan. Mahirap ipagkaloob sa aking isipan na sa ibang mundo pa talaga-mundong hindi ko inaakalang umiiral, ako'y nagkaroon ng silbe at halaga.
Nais ko mang tumanggi at hindi tanggapin ang mga bagay na ipinapagawa at ipapagawa ng mga nilalang na 'to sa akin, ngunit sa tuwing gagawin ko iyon ay bigla na lamang akong nauumid. Mayroong kung anong nag-uudyok sa akin upang tulungan ang mundong ito . . . mundong kakaiba, hindi kapani-paniwala, at nararating lamang sa ating pantasiya.
Sa loob ng isang araw na pamamalagi rito sa aking silid, ilang beses akong binibisita ni Alex upang bigyan ng makakain at magbahagi na naman ng mga impormasiyon tungkol sa Aerydone at sa tungkulin ko.
The Sentinels.
These Aeons were the chosen deputy of their kingdom. Mismong mga hari't reyna ng kani-kanilang mga kaharian ang pumili sa mga ito bilang mga tagabantay. Maaaring sila ang pinakalamalakas at mahusay na mandirigma sa kanilang pinanggalingan kung kaya sila'y napili, o sadyang mayroong nakitang espesyal ang mga royalties sa kanilang katauhan.
Unfortunately, I am one the Sentinels.
They are the primary defense of Aerydone against Voltur, the so-called evil destroyer of this world who possesses dark magical mana which does destruction.
"Handa ka na ba?"
Tumayo ako mula sa aking kinahihigaan nang dumating si Alex. Ngayong araw mismo ang simula ng aking pagsasanay bilang isa sa mga tagabantay, at ngayon ko rin makikita ang kapuwa ko Sentinels.
Sa totoo lang ay wala akong hilig sa pakikipaglaban, ngunit wala naman akong magagawa dahil mamamatay rin ako 'pag hindi ako lalaban.
"I've got no choice," mariin kong saad at nauna nang lumabas ng silid. Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Alex na nasa aking likuran.
"Follow me."
Nagsimula siyang maglakad patungo sa kung saan. Sumunod ako habang hindi iniinda ang bigat ng aking kasuotang kaparehong uniporme na isinuot ni Alex kahapon. Ang kaibahan nga lang ay kulay puti ang baluti ko habang sa kaniya'y itim.
Kapansin-pansin din ang nakasabit na espada sa aking bewang. Pakiramdam ko ngayon ay bigla akong bumalik sa nakaraan kung kailan ganitong-ganito ang kasuotan ng mga mandirigma.
Hindi ko maitatangging minsan ko na ring ginustong matutunan ang paghawak ng mga sandata buhat na rin ng mga napapanood kong mga pelikulang aksyon noon. Pero ngayong nasa aktuwal na pangyayari na ako ay hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman.
Nakakapanibago . . . Nakasasabik . . . Nakakatwa.
"We're here."
Nabalik ako sa kasalukuyan nang magsalitang muli ang babae. Hindi ko nagawang pansinin ang nga dinaraanan namin kanina dahil sa dami ng aking mga iniisip. Ngayon naman ay nakatayo kami sa harap ng isang malapad na pintong gawa sa kahoy. Sa gitna nito ay nakaukit ang isang simbolong parang hugis bituin o bulaklak.
Nakapagtataka, ngunit ramdam ko ang lakas ng mga presensiya ng kung sino man ang nasa likuran ng pintong ito.
"By the time we get in, be sure to be alert. The Sentinels are performing their mana battle right now, ibig sabihin ay nagpapalakasan ang mga ito sa pagpapalabas ng kani-kanilang kapangyarihan."
Palihim kong kinagat ang aking labi. Ano'ng mangyayari 'pag matamaan ako ng mga kapangyarihan nila?
"Stay low. Mahirap na kung matamaan ka ng kahit isa sa kanilang kapangyarihan. Remember, they're not just ordinary Aeons," paalala nito at ramdam ko ang diin sa kaniyang boses.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.
Itinapat nito ang kaniyang palad sa pintuan at mula roon ay lumabas ang puting ilaw na hindi gaanong nakasisilaw.
Nang sandaling bumukas ang pinto ay nanlaki ang aking mga mata nang mamataan ang isang bola ng apoy na lumilipad patungo sa aking direksyon. Natutop ako sa 'king kinatutuyuan, ngunit mabilis ko namang naramdaman ang isang malakas na puwersang humila sa akin pababa.
"I told you to be alert!" asik sa akin ni Alex. "Bryle's fire isn't a joke. Puwede ka nang matusta sa apoy na 'yon!"
Nanlalaki pa rin ang aking mga mata at sinusubukang isaloob ang situwasyong magiging dahilan ng malapit kong kamatayan. Masiyadong mabilis ang nangyari kaya hindi ko alam kung ano'ng i-r-react.
"Papasok tayo, huwag kang lalayo sa 'kin. Again, stay alert and do not let your guard down. Walang preno at pasensiya ang mga taong nasa loob." Nagsimulang kumilos ang babae paabante.
"T-Teka-"
Hindi ko na nagawang tapusin ang aking dapat sabihin nang mabilis itong nakapasok. Dali-dali naman akong sumunod at mainam na minamasdan ang paligid.
Bumungad sa amin ang isang malawak na bulwagan, ngunit hindi ko na nagawang mamangha sa matikas at magarang silid nito nang mapansin sa 'di kalayuan ang isang lalakeng nakalutang sa ere. Sa tapat nito ay isa ring lalakeng nakalutang at nababalot ang ibabang bahagi ng katawan ng apoy.
"Stay low," rinig kong saad ni Alex kaya nabaling ang aking atensiyon sa kaniya. Tumango ako at napagpasiyahang ilibot ang paningin.
Dumako ang aking mata sa kabilang parte ng silid nang makarinig ng isang babaeng sumigaw.
"Walang-hiya ka, Shahne!"
Nakita ko kung paano ito nagpalabas ng tubig galing sa kaniyang mga kamay. Pinupuntirya ng kaniyang tubig ang lalakeng nasa ere na nakasakay ng isang parte ng lupang nakaangat.
"Hindi mo ako matatalo sa mga ganiyan mo, Bri. Subukan mong lumipad at magkaalaman na," mababakas ang pang-aasar sa boses ng lalake na sinabayan pa nito ng isang mahinang pagtawa. Malakas na napaungol ang babae at wala sa oras na napasipa sa sahig. Kasabay no'n ay ang pagbuo ng isang malaking along nasa sampung metro ang taas.
Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Kinabahan ako sa maaaring maging kahihinatnan naming lahat dito sa loob ng silid dahil sa malaking alon na nasasaksihan. Baka malunod kami nang wala sa oras!
"Woah, easy there. Kalma lang, hindi pa nga ako umaatake rito." Tumawa na naman ang lalake na para bang hindi nasindak sa malaking along nasa kaniyang harapan.
Napatigil naman ako sa pagkilos nang makaramdam ng matinding init sa aking harapan. Paglingon ko ay ang siyang pagbulusok muli ng apoy sa aking direksiyon, ngunit ngayo'y hindi na lamang ito bola kung hindi ay mga malalaking halaga ng apoy na handa akong lamunin nang buhay.
"Run!"
Hindi ko alam kung dulot ba iyon ng kaba o kagustuhang makatakas muli kay kamatayan, subalit mabilis akong tumakbo papalayo sa puwesto ko. Nakita kong hindi ako aabot roon sa parteng hindi tatamaan ng apoy kung kaya'y buong puwersa akong tumalon at inihagis ang sarili sa isang gilid.
Ramdam ko ang kirot sa aking kanang braso na siyang sumalo sa bigat ng aking katawan.
"Up, now! Kailangan nating makalayo rito sa gitna!"
I groaned. Nakasalampak na ako rito sa sahig habang iniinda ang sakit tapos iyan lang ang maririnig ko galing sa kaniya? Hindi ko alam kung sasama ba ang loob ko o ano, ngunit mas pinili ko na lang na ipagsawalang-bahala ang bagay na iyon.
Mas gugustuhin ko ring makalayo mula sa mga agresibong tao na ito. Ayokong mamatay dahil lang sa kanilang pagsasanay ng kapangyarihan.
Tinulungan ako ni Alex na makatayo at inakay papunta sa dulo ng silid. Habang papunta kami roon ay napapansin ko ang unti-unting paglaho ng kirot na aking nararamdaman. Pagdating namin sa dulo ay namataan ko ang isang hagdang patungo sa itaas at bandang gitna ng silid.
"Can you climb?" she asked, turning to my direction.
"I-I think so. Wala na akong maramdamang sakit," nagtataka kong sambit at kumalas na sa pag-akay niya. Kita ko kung paano ito ngumiti at sumenyas na sumunod.
Nakapagtataka pa rin ang biglaang pagkawala ng kirot sa aking braso, pero hindi ko na ulit iyon pinansin at umakyat na sa hagdan. Nang marating ang itaas ay kitang-kita ko na ang kabuuan ng silid. Nasa tapat ko na rin ang mga taong nakalutang pa rin sa ere at walang humpay sa pagpapalitan ng mga atake.
Sumandal ako sa mga bakal na riles habang namamanghang pinagmasdan kung gaano kahusay ang mga Aeons na 'to.
Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng kapangyarihan?
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni-muni nang hindi sinasadyang mapunta sa direksiyon namin ni Alex ang nagliliparang piraso ng mga bato galing doon sa lalakeng katapat ng babaeng nagpapalabas ng tubig.
Iiwas na sana ako sa mga batong iyon, ngunit nasaksihan ko naman kung paano ito naglaho na parang bula.
"I've created an invisible barricade around us to dodge the attacks. Mahirap na kung matamaan pa tayo sa kanilang mga atake."
Kumunot ang aking noo sa ipinahayag ng babae. "Kung gano'n ay bakit hindi mo ito ginawa kanina no'ng papasok at papunta pa lamang tayo rito? Masiyadong delikado ang ginawa nating pagtawid kanina." Alam niya naman pala kung paano gawin ang bagay na 'to tapos ngayon niya lang ginawa?
She cleared her throat. "Actually, I was testing your primary skills in battle fighting. Tiningnan ko kung paano mo dalhin ang iyong sarili sa gitna ng labanan; how you perform self-defense and protect yourself and how alert and vigilant you are from incoming attacks."
Hindi ako nakapagsalita sa itinuran nito, sa halip ay bahagyang tumaas ang isang kilay. Alam kong ginagawa niya lang iyon upang subukin ako, pero paano 'pag namatay talaga ako roon? Hahayaan lang nila ako, gano'n?
Bahagya akong napabuga ng hangin upang maibsan ang inis na nararamdaman.
Mayamaya'y napatingin ulit ako rito nang bigla nitong ikinumpas ang kaniyang mga kamay. Namangha ako nang lumitaw ang isang malaking bola ng liwanag sa gitna ng silid, dahilan upang makuha nito ang atensiyon ng lahat.
Natigilan iyong mga Aeons na naglalaban-laban at sabay na lumingon sa aming direksiyon.
"Sentinels, may I have your attention for a while," may awtoridad na saad ni Alex.
Nakita ko kung paano bumaling sa akin ang mata ng mga tagabantay. Nailang ako sa uri ng kanilang tingin na tila ba'y sinusuri ng mga ito ang aking pagkatao.
"I want you to meet the last member of the Sentinels. Your comrade and battle sister, Krysta Delvana."
Chapter 4: Acquaintances'Yong pakiramdam na ikaw ang sentro ng atensiyon sa buong silid na napalilibutan ng hindi pangkaraniwang tao-Aeons, hindi ordinaryong Aeons na nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan at maaaring pinakamalakas na mga nilalang sa mundong ito; ay isa sa pinakanakahihiyang pakiramdam na naramdaman ko.Matapos akong ipakilala ni Alex ay kaagad na itong nagpaalam. Ibinilin ako nito sa mga kapuwa ko Sentinels na siyang hindi ko natutulan dahil sa bilis nitong nawala.Nakahihiya lang dahil halos hindi na inaalis ng mga Aeons na 'to ang kanilang paningin sa akin. What's creepier is that their stares are as if dreadfully seeking through my mind and soul.Nasabi ko nga kanina, akala mo'y sinusuri nila ang buong pagkatao ko sa uri ng tinginan nila
Chapter 5: Amulets Kinabukasan, nang sumapit ang alas nuwebe ng umaga, ipinatawag kaming anim sa isang malawak na bulwagan dito sa palasyo sa kadahilanang may mahalagang ipapahayag sa amin si Alex. Ngayon ay kasama na namin si Tross, ang huling miyembro ng Sentinels na hindi ko nakita kahapon. Base sa aking obserbasiyon, medyo madilim ang awra nito at palagi na lamang seryoso ang ekspresiyon-hindi kagaya nina Gust at Bryle na palaging may pinag-uusapan, at si Shahne na palagi ring may dalang pagkain. Brielle, on the other hand, keeps clinging onto my arms while continuously blabbering. Palagi nitong ikinukuwento sa akin ang mga napagdaanan nito noon. But, me being me, minsan ay hindi ko na siya napakikinggan sa kaniyang mga sinasabi. Sinasanay ko pa rin ang
Chapter 6: Institution of Aerydone Maaga kaming naghanda sa aming pag-alis. Hindi nagkulang si Alex sa pagpapaala at pagbilin sa amin sa mga posibleng kapahamakang aming makasasagupa sa gitna ng aming paglalakbay. "Hinuha ko'y posibleng hinahanap din ni Voltur ang mga agimat. Kakailanganin niya iyon upang mas lumakas ang hukbo niya." Tinapunan kami nito ng isang nag-aalalang tingin. "Kaya mag-iingat kayo. Malaki ang—" "Tsansang makalaban namin ang kaniyang mga alagad sa oras na hahanapin namin ang mga amulets," buntong-hiningang sabi ni Brielle na siyang dumagdag sa dapat sasabihin ni Alex. Napangiti ako sa inakto nito. "Inulit mo na iyan ng halos dalawampung beses, Alex. Magmula pa kanina noong kumakain kami, han
Chapter 7: Assailed"Here's yours, Krysta." Inabot ko ang kahong inilahad ni Brielle sa akin. Medyo mahaba-haba ito at may kabigatan dahilan upang mapabuga ako ng hangin. Alex did really requested a sword for me, huh?"Guys, look!"Dumako ang tingin ko kay Bryle na ngayo'y may hawak na . . . isang metallic boomerang? The weapon's purely made of steel, and from the looks of it, I know that it feels heavy. Kasing-laki at haba ng boomerang ang bisig ng lalake kaya masasabi kong may kabigatan talaga ang sandata nito."Duck!" sigaw nito na siyang nagpayuko sa aming lahat. Kasabay no'n ay ang paghagis nito ng boomerang sa ere na gumawa ng isang matinis na ingay. Umikot ito sa kabuuan ng silid at mabilis ang paglipa
Chapter 8:The Foes Sumugod papunta sa direksiyon ko ang halimaw na kaagad ko ring tinugunan ng isang agarang pagtakbo. Inasahan kong tatalunan ako nito kung kaya'y mabilis akong lumundag pailalim at ginamit iyong pagkakataon upang sugatan ang kaniyang tiyan. Nagdulot iyon ng malakas na paghiyaw galing sa halimaw. Dali-dali akong umayos ng tayo at hinarap ang nagagalit na nilalang. Nanlaki ang aking mga mata nang bumuga ito ng asido sa aking direksiyon. Walang pag-aatubiling tumalon ako sa isang gilid upang maiwasan ang nakamamatay na lason. That was close! I caught my breath as I stand on one side. Hindi pa man ako nakahuma sa ginawa nitong mga pag-atake ay nagsimula na naman itong magpaulan gamit ang matutulis nitong buntot. Napasinghap ako at mabilis na nagpagulong-gulong upang maiwasan ang mga talim nitong hinuha ko’y naglalaman din ng mga lason. Kalauna'y tumigil ito sapagkat bumaon nang husto ang kaniyang m
Chapter 9: The Wildering Woods"Interesting. Ayon sa mapa, bago natin marating ang ilog, dadaan muna tayo sa masukal na kagubatan ng Wildering Woods," pahayag ni Shahne na siyang nagdadala ng mapa.Kasisimula lang namin ng aming paglalakbay patungong Yulka River upang matulungan si Brielle sa paghahanap ng kaniyang amulet."Seryoso?” Brielle retorted. “Nasa hilagang parte ng Deandrelle ang Wildering Woods kaya imposibleng dadaan pa tayo roon." She rolled her eyes and instantly took the map from the guy. "Patingin nga! Baka napuwing ka lang."Ilang segundong katahimikan ang namayani bago namin muling marinig ang pagsinghap ng babae."T-Totoo nga . . ." nanlalaki ang mga matang sambit nito."Ayan, ayaw mo kasi akong paniwalaan. Nasa boundary tayo ng Deandrelle at Breshire. Wildering Woods is stretching from Northern Deandrelle to some portions of Breshire's Northeast. Unfortunately, madadaanan talaga natin ito." Na
Chapter 10: Lost DeanderSeven years ago when I was 10, I decided to leave the orphanage where I grew up so I can learn how to sustain myself without depending my needs on others.At first, it was hard leaving those people in that institution who I treated my family: the nuns and sisters who took good care and fed us, my co-orphans who were still in the venture to seek for their real parents, and some of those friends that I've made.Though the people and children didn't want me to leave, it was a tough decision to make. And since the number of children being admitted in the orphanage is constantly growing, I do not want to become a burden to the nuns anymore. Besides, the ten year that they spared to feed and protect me was more than enough. With a heavy heart and disoriented mind, I left the place when everyone was asleep because I cannot stand seeing them cry and bidding their farewells to me.Isang taon akong nagpaligoy-ligoy at namuh
Chapter 11: Little Bond“What really happened? Why did you curse this forest and trap innocent souls?”I calmly asked Travis who was now moving his head side to side as if it was hard for him to explain everything. His eyes met mine, and all I could do is encourage him through nodding.Hindi ko rin naman gustong madaliin ang lalake sa pagsasalita, subalit kailangan naming malaman sa lalong madaling panahon kung ano ang totoong mga nangyayari sa lugar na ‘to at kung ano’ng puno’t dulong rason kung bakit niya ito naisagawa.He heaved a sigh before speaking. "For all I know, these Aeons are the one's responsible for my parents' death. Ni hindi ko pa nga sila nakikita tapos pinatay na nila ang mga magulang ko!" Mababakas ang lungkot boses ng lalake habang nagsasalita. Narinig ko pa ngang bahagyang pumiyok ito sa mga huling salitang binanggit.Napayuko ang aking mga kasamahan. "We're sorry for your lost," m
Chapter 72: Rewriting DestinyTumayo ako mula sa pagkahihiga at inilibot ang mga mata sa senaryong lubos ba pamilyar sa aking sistema.Napakurap-kurap ako upang sabihin sa sariling hindi nga ako namamalik-mata sa nakikita.She really did turned back time . . . back to the time when the war started.Umilag ako sa matulis na punyal na paparating sa aking direksiyon. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ang eksenang iyon. Dumapo kaagad ang aking tingin kay Crane na nakaangat ang katawan sa ere habang napalilibutan ng maiitim na usok.Napailing ako't naglabas ng sunod-sunod na puting ilaw papunta rito. Kailangan kong takasan ang babae sa lalong madaling panahon.My mission in here wasn't to fight, but to prevent all the loss and destructions from happening.Hindi ko sasayangin ang buhay na ibinuwis ng reyna ng oras para lang maibalik nito ang oras at mailigtas pa ang Aerydone. She had done a lot—even more so. It's abou
Chapter 71: Playing With Time"Enchantress, you don't have to do this."I constantly shook my head and pleaded the woman to not continue what she was about to do. "Walang mangyayari kung wala tayong gagawin, Krysta. Lalong masisira ang mundo kung hahayaan natin si Mortem sa nais niyang pagsakop dito."Sinubukan kong tumayo upang pigilan ang babae, ngunit wala na akong sapat na lakas para maigalaw ang kahit katiting ng mga daliri ko. Nakalupasay na lamang ako sa lupa na parang isang lantang gulay. Kinakapos na ako sa paghinga at nais na ring pumikit ang aking mga mata dala ng matinding sakit at pagod.Kahit nanlalabo ang paningin ay nasilayan ko pa ang iilang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata ng dilag.She squatted beside me and gently caressed my hair. Walang ingay akong bumuntong-hininga nang ginawa iyon ng babae. Lalo lang kasi nitong pinapahina ang aking lakas para manatiling gising.Dahil sa dami ng aking nata
Chapter 70: DestructionIpinikit ko ang mga mata nang maramdaman ang sariling katawan na bumubulusok pababa sa matigas na lupa. Masiyadong malaki ang halimaw at hindi ko na alam kung ilang beses na ako nitong itinapon sa kung saan. Kusa kong ipinuwesto ang mga sugatang kamay sa harap ng aking mukha upang isangga ang sarili nang isang bisig ang hindi inaasahang yumapos sa akin.Naramdaman ko ang aming pagbagsak, ngunit tanging ang malambot na katawan ni Tross ang tumama sa akin. He groaned in pain, which made my senses alert. Kumurap-kurap ako at kahit sumasakit na ang katawan ay sinikap ko pa ring tumayo para hindi na mahirapan ang lalake. I felt sore all over my body, yet I still managed to lend some healing mana to the guy who signalled me to not continue what I'm doing.Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang aking ginawa. He knew that he couldn't stop me, especially when it came to tending their wounds and weaknesses.
Chapter 69: MortemNag-aalala kong tiningnan si Hera sa mag-isang kinakalaban ang dambuhalang halimaw na halos sirain ang kabuuang bahagi ng magkatabing kaharian ng Breshire at Deandrelle.Mabuti at nagawang mailikas ng aking mga kasamahan ang halos lahat ng mga mamamayan ng dalawang kaharian. Sa ngayon nahati ang mga ito at kasalukuyang naroon sa Asteria at Floreshia. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ng mga lalake, ngunit kamangha-mangha at nagawa nilang mailigtas ang Shires at Deanders sa loob lamang ng limitadong oras.Sabay kaming tatlo na napaiwas sa isang malaki at makapal na sementong lumilipad tungo sa aming direksiyon. "Tutulungan ko ang Enchantress. Kayong dalawa na ang bahala sa iba pang mga sibilyan na hindi nailikas.""Travis, wai—"Hindi ko na nagawang pigilan ang lalake nang mawala kaagad ito sa aking paningin. Nag-aalala ko namang binalingan si Tross, sinasabing sundan nito ang kapatid niya."No, I'm
Chapter 68: The Awakening"Tross! Tross, don't."Hinawakan ko ang braso ng lalake habang nakatuon ang mga mata kay Voltur at ang kawalang-hiyang ginagawa niya sa mga hari't reyna. "Don't, please. Ayaw ko ring mapahamak ka." I was panting while gripping on the guy's arm.I couldn't risk him knowing that he doesn't have his amulet. He shouldn't be here in the first place. Inutusan ko na si Bryle kaninang dalhin ang lalake sa pagbalik nila sa lupa ng mga kaharian. Hindi ko alam na bumalik ito—o hindi talaga sumama."How does it feel becoming my pet, Dreiche?" Bumalik ang aking atensiyon kay Voltur nang hinawakan niya ang panga ni King Dreiche na nakaluhod ngayon sa lupa. Marahas din niya itong binitawan, dahilan para mapayuko ang hari.I heard Tross growls so I gently caressed his arm. Hindi siya dapat magpadalos-dalos sa kaniyang mga aksiyon. I couldn't lose him, not in this godforsaken war."Now that I have you
Chapter 67: Her DecisionSinamaan ko ng tingin si Crane nang magawa nitong sugatan ang aking pisnge. Bumwelo ako patalikod bago siya sinipa sa tiyan at nagpakawala ng malakas na puwersang nagpatalsik sa kaniya papalayo.Nahawi ang lahat ng mga nilalang sa kaniyang likuran kung saan siya bumulusok. Napangiwi ako nang tumama ito sa malaking bato na nasa malayo.Hindi na ako nag-abalang atupagin ito at pinuntahan ang aking mga kasamahan upang tulungan. Naramdaman ko na ang kaunting pangangalay at pagod sa katawan, pero ininda ko ito at naglabas ng alon ng enerhiyang nagpalakas sa mga kaalyado namin. Napunta ang aking paningin kay Shahne na abala sa pakikipaglaban kay Grim nang dambahan siya ng limang higanteng goblins. "Ang baho n'yo! Putang-ina!" Narinig ko ang pagmumura nito kaya napailing ako't mabilis itong pinuntahan. Inilabas ko ang aking espada at walang pasabing sinangga ang dalawang ni Grim.Sumingkit ang mga ma
Chapter 66: Way To EscapeBRIELLEExplosions and cries could be heard anywhere. Ang pag-uga ng kastilyo ni Voltur ang siyang nagpapatunay na nasa malapit lang ang nagaganap na digmaan. "Putakte!" pabulong kong sigaw nang masubsob ulit ako sa sahig dahil sa isang hindi inaasahan at malakas na pagsabog. Kita ko kung paano kumapit si Travis sa mga riles bago ako binalingan at tinulungan.Ayaw ko mang ipakita sa lalakeng nanghihina na ako, ngunit wala akong magagawa.He may have been controlled, too, but his tolerance to darkness was strongee compared to mine. Kahit pa paano'y may napala naman siya sa pagiging Deander niya."Dahan-dahan lang," mahinang paalala nito bago ako sinuportahan sa paglalakad.Nahagip ko naman ang aking mga kamay kung saan makikita ang maiitim na ugat na nagsisimulang lumabas mula sa aking balat. Dahil dito ay umilaw ang aking kuwintas at kasabay no'n ay ang pagdaloy ng enerhiyang mabilis
Chapter 65: Second WaveUmangat ako sa ere matapos kong ipagaspas ang aking mga pakpak. Tumungo ako sa gitna ng aming hukbo at nagpalabas ng makapal na hamog na gawa sa liwanag. Lahat ng aming kakampi ay nadagdagan ang lakas at nalulunas, habang ang mga kalaban ay naglalaho.Tinapunan ko ng nababagot na tingin ang mga trolls mabilis na naglaho dahil sa enerhiyang aking ipinalabas. They couldn't withstand the intensity of my light. I didn't know that this mana could become powerful—too powerful that even my body felt its overwhelming power.Nabaling ang aking atensiyon sa dakong kanluran ng aking posisyon kung saan isang sundalo ay pinagtutulungan ng limang trolls. Inilunsad ko ang aking katawan patungo roon at walang pag-aalinglangang nagpakawala ng nagliliwanag na bolang sumapol sa mukha ng mga nilalang.Naglibot-libot ako sa ere at tinulungan ang mga sundalong nahihirapan sa pakikipaglaban.
Chapter 64: First WaveNakatayo sa bukana ng Chasm of the Dead, kaharap namin ngayon ang libo-libong mga nilalang na kasapi sa hukbo ni Voltur.Habang nakatingin sa harapan, hindi maiwasang sumilay ang isang mapait na ngiti sa aking mga labi. Parang kailan lang no'ng dumating ako sa mundong ito—no'ng panahong wala pa akong kaalam-alam sa kung ano'ng naghihintay sa akin sa pangalawang buhay na iginawad sa akin ng reyna ng liwanag. Panahong hindi ko inaakalang makakamit ko pala ang buhay na kay tagal kong inasam. Panahong nawalan na ako ng pag-asang masilayan pa ang mundo dahil sa kalupitang ipinakita nito sa akin.