PAKIRAMDAM NI DAVIANA ay may kung anong nakabara na sa kanyang lalamunan. Nahihirapan na siyang huminga. Ganunpaman ay kailangan niyang sampalin ito ng katotohanan kahit na alam niyang hindi naman siya nito papakinggan. Palalagpasin lang nito sa kabilang tainga ang lahat ng sinasabi niya.“Kailangan mong mabuhay! Kailangan mong lumaban para makita mo ang mga mangyayari sa hinaharap. Kailangan mong makatapos ng pag-aaral, saka kailangan mong maranasan na tumanda, Rohi!”Hinila ni Daviana ang collar ng kanyang damit na parang sinasakal na siya. Ipinakita niya sa lalaki na kailangan niyang seryosohin ang kanyang mga pinagsasabi. Hindi niya pwedeng kitlin ang sariling buhay.“Huwag mo akong takutin ulit, Rohi ng ganito. Please lang? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo pero hindi naman habang panahon ay nariyan ka lang. Habang buhay na nakasadlak. Ikaw ang huhubog ng hinaharap na gusto mo. Magiging maayos din ang lahat. Maniwala ka lang sa akin, maghintay ka pa ng ilang panahon. Nagma
SERYOSO ANG MUKHANG pumasok si Rohi sa opisina ng mga Gonzales. Nang nagdaang araw ay ibinigay na ni Rohi sa kanyang ama ang plano tungkol sa pormal na pagtatatag ng isang artificial intelligence research and development department. Binigyan siya ni Welvin ng sagot at inaprubahan ito bago magtanghali ng araw na iyon kung kaya naman kinailangan siyang magtungo doon. Sa nakalipas na dalawang taon mula noong dinala ng binata ang kanyang team sa kumpanya, ang mga pangunahing proyekto na natapos ay naging mga benchmark sa kanilang industriya. Walang nagkuwestiyon sa kanyang pananaw at kakayahang tinataglay. Isang buwan na rin ang nakalilipas magmula nang maging opisyal siyang direktor ng departamento ng produktong iyon sa pamamagitan ng panloob na kompetisyon. Gayunpaman, sa labas ng trabaho, ang daming chismis patungkol sa kanya na ang karamihan ay galing sa mga empleyadong mayroong inggit na nabubuhay sa kanilang katawan. Hindi lingid sa kanila ang pagiging anak niya sa labas na pangunah
SA NABASANG CHAT mula kay Daviana ay agad ng napatayo si Rohi. Rumihistro sa kanyang mukha ang kakaibang kaba. Weird man pakinggan pero batid niyang may ibang laman ang sinasabi ni Daviana ngayon sa chat sa kanya. Napakurap na ang mga mata ni Rohi nang makita niyang biglang ini-unsent iyon ng dalaga, mas lalo pa siya ritong nabahala. Biglang dumilim na ang mukha niya na biglang naging balisa. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Keefer na nasa harapan pa rin niya at matamang nakatingin sa kanya. “Anong meron? Sino ang nag-chat?”Ipinilig ni Rohi ang kanyang ulo. Ayaw ipaalam sa kaibigan kung sino iyon dahil tiyak na marami itong tanong. Nasa inbox pa rin ng chat nila ni Daviana ang mga mata ng binata. Humigpit ang kanyang hawak sa cellphone. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mag-alala kay Daviana.“Wala...”Nag-sink in na sa utak niya kung tungkol saan ang tinatanong ni Daviana. Bigla siyang mas nataranta. Naiintindihan niya na dahil biglang sumagi sa isip niya ang tungkol s
NAPAHILAMOS NA SA kanyang mukha si Daviana. Gulong-gulo na sa gagawin niya.“Rohi—”“Tinanong mo ako sa chat kung ano ang pakiramdam kapag tumalon pababa. Kung malaya ba…” ilang segundo itong nag-paused dahilan upang kumabog na ang puso ng dalaga, “Malamig. Nakakatakot dahil hindi ako marunong noong lumangoy. Iyon ang pakiramdam ko noon, Daviana kaya huwag mo ng subukin pa kahit na magaling ka pang lumangoy. Naiintindihan mo ako? Huwag mo akong gagayahin noon.”Mariing itinikom ni Daviana ang bibig. Ni isang salita ay walang namutawi sa kanya. Dama niya ang pagiging concern sa boses nito.“Kahit na kaya ko ng lumangoy hindi ko na iyon ulit gagawin ngayon dahil alam kong mag-aalala ka. Kaya habang hindi mo pa ginagawa iyon gusto na kitang agad na hawakan para hindi mo ito maranasan. Ayaw kong maranasan mo ang tagpong iyon.”Sa narinig, animo parang mabubulunan si Daviana sa kanyang sariling laway. Gustong-gusto ng kanyang pandinig ang mga salitang sinabi ng binata. Hindi lang iyon gust
SA LITANYANG IYON ng dalaga ay kapwa natigilan si Rohi at Warren na parang parehong nakarinig ng bagay na nagpagulatantang sa kanilang dalawa. Para kay Rohi, bago iyon sa kanyang pandinig. Ito ang unang pagkakataon na nagawa siyang tawagin ng dalaga sa mismong harapan ni Warren. Ni hindi kababakasan ng takot ang mukha. Para naman kay Warren, pakiramdam niya ay tinamaan siya ng kidlat sa harap-harapang ginawa ng kanyang kaibigan. Isang kalapastanganan iyon sa kanya. Talagang tinawag ni Viana si Rohi sa pangalan upang kunin ang atensyon niya? Kailan pa sila naging magkaibigan at nag-uusap nang ganito? Ni hindi niya inaasahang may contact pa rin silang dalawa hanggang ngayon. Isa pa, alam ni Daviana kung ano sa buhay niya si Rohi. Mortal na kaaway niya ito simula ng mga bata pa lang sila. Kung kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit ginagawa iyon sa kanya ng dalaga. Naghihiganti ba ito sa kanyang mga kasalanang nagawa? “Viana…” Hindi siya pinansin ni Daviana na dire-diretso n
NAPATINGIN NA SI Daviana kay Rohi nang marinig niyang nag-ring ang cellphone nito. Tumalikod si Rohi upang sagutin ang tawag sa kanya. Narinig ng dalaga na ang pinag-uusapan nila nang sinumang kausap nito ay tungkol sa trabaho. Ito ay tila medyo nakakalito sa pandinig ni Daviana dahil hindi naman siya familiar kung tungkol saan iyon. Nakita niyang bahagyang napakunot pa ang noo ni Rohi na halatang may hindi nagugustuhan sa kausap. Mabigat din ang timbre at ang bawat bagsak ng tono ng boses ng binata.“Pagkatapos na maayos, kailangang i-test natin ulit kung gagana ba iyon. Natatandaan kong pinaalalahanan kita noon ng makailang beses na kung sakaling may problema pagkatapos na e-launched ng product, sa tingin mo sino ang may responsibilidad niyan?” tanong ni Rohi sa kanyang kausap gamit ang seryoso niyang mukha. Mukhang may hindi ito nagustuhan sa kanyang nalaman. “Kung hindi kaya ng isang tester, kailangang kumuha ng pangalawa. Kung hindi pa rin sapat ang pangalawa, hanap pa ng pangatl
ILANG BESES NA iniiling ni Daviana ang kanyang ulo. Sobrang na-touch lang siya sa pagiging thoughtful ng binata sa kanyang inorder na mga pagkain. Favorite niya iyong comfort food kapag masama ang kanyang loob. At tamang-tama iyon sa mood niya.“Wala. Gusto ko ang lahat ng ito kaya lang ang dami nito. Hindi ko kayang ubusin.” kaila niya sa tunay na nararamdaman, “Pwede bang hatian mo ako? Sayang naman kung hindi ko mauubos.”“Sorry, Daviana. Hindi ako kumakain ng matamis.” tugon ni Rohi na isinandal na ang likod sa kanyang swivel chair, tinuro niya ang sofa sa kabilang sulok ng silid na hindi ni Daviana nakita pagpasok niya sa loob ng silid kanina. “Doon ka na maupo. Kung sakaling may tira ka, ilagay na lang natin sa fridge. Malaki naman ang fridge ko, kasyang-kasya iyan.” sinulyapan ng binata ang pagkain, sa tantiya niya ay kaunti lang naman iyon at kayang-kaya ni Daviana iyong ubusin. “Or ubusin mo na lang kaya? Kaunti lang naman iyan eh. Huwag ka ng magtira. Baka naman nahihiya ka
NANG MARINIG IYON ay napahawak na si Daviana sa kanyang dalawang tuhod na naramdaman na niyang biglang nangatog. Napalunok na rin siya ng laway sa sobrang tensyon na naramdaman niya. Kulang na lang ay huminga siya nang malalim para lang mailabas niya ang bigat na nasa loob ng kanyang dibdib. “Ayos lang, Rohi. Sige. Hindi naman pwedeng ma-delay iyon nang dahil lang sa akin.” May guwang sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag ng salita pero alam niya kung saan iyon galing. Hindi niya mapigilan ang sariling mabahala. Si Rohi ang nagsabi sa kanya noon na bibigyan siya nito ng oras, tapos ngayon sasabihin nitong hindi siya maghihintay habang panahon. Gusto niya sanang ipaalala iyon sa kanya, pero pinigilan na lang niya ang dila. Wala siyang karapatan na mag-demand dito. Siya na nga rin ang tinutulungan nitong magkaroon ng trabaho eh. Siya pa ‘tong ganito. Wala rin namang dahilan upang i-gate keep nito ang kanyang pwesto. Naghahanap ang company nina Rohi ng translator sa team, kung hin