(Continuation of chapter 40)
Lizabeth's POV
Ang taas ng lagnat ko ngayong gabi. Hinatid kasi ako ni Luis pauwi kanina tapos nagpaalam na din siya. Saka ko lang nalaman na nilalagnat na 'ko no'ng kumakain na kami ng hapunan. Si Ate ang unang nakapansin kaya naman pinainom agad nila 'ko ng gamot at pinagpahinga.
"Beth, heto, kumain ka ng lugaw." Pumasok si Ate mula sa pintuan ng kwarto ko habang may dalang mangkok na may lamang mainit na lugaw.
Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard ng kama ko at sinimulan na niya 'kong subuan.
"Ano ba naman kasing naisip mo at nagpaulan ka, ha? Mabuti na lang at nakita ka ni Luis kanina kung hindi baka nasa labas ka pa din."
Hindi ako tumugon at patuloy lang ako sa paglunok. Ayaw ko nang makipagtalo kay Ate dahil alam ko namang talo pa din ako pagdating sa kanya.
Matapos kumain ay muli akong humiga at iniw
Lizabeth's POV(3 years ago)"Wow! What a nice design! Thank you very much, Liz. I'll send you the payment later," saad ni Mrs. Miller habang pinagmamasdan ang napaka gandang mermaid dress na susuutin niya para sa ball nila mamaya."No problem, Ma'am. Thanks for trusting me," tugon ko naman at saka na ako nagpaalam sa kanya bago ako lumabas ng mansyon niya. Pinagbuksan naman ako ng driver ko ng pintuan ng kotse."Saan po tayo ngayon, Ma'am?" tanong ng driver nang makapasok siya sa sasakyan."Sa bahay na lang muna, Manong. Daan muna po tayo sa café ni Lily, bibili lang ako ng cake para kay Mama," tugon ko naman at pinaandar na niya ang kotse.Nakadungaw lamang ako sa bintana ng kotse habang pinagmamasdan ang mga punong nagsasayawan sa tabing kalsada. Malapit na naman ang fall season. Napaka sarap na namang magliwaliw sa park.Tiningnan ko ang oras mula s
(Continuation of chapter 41)Lizabeth's POVNakahanda na ang mga bagahe ko ngayon dito sa lobby. Nakasuot na din ako ng simpleng butterfly sleeves blouse na kulay dark pink, puting pantalon, at saka one inch na sandals."Ate, ikaw na muna ang bahala kay Mama, ha. Medyo matatagalan din siguro ako sa Pilipinas bago ako makabalik dito," wika ko kay Ate habang hawak ang kanyang kamay."Oo naman, mag-iingat ka do'n. Kapag may problema, tawagan mo lang kami. Kung kailangan mo ng tulong, 'wag kang magdadalawang isip na magsabi sa amin." Ngumiti siya at saka hinaplos ang pisnge ko.Ibinaling ko naman ang tingin kay Mama na nakaupo sa wheel chair. Bahagya akong yumuko para maging magkapantay kami."'Ma, inumin niyo po ang mga gamot niyo. 'Wag kayong pasaway kay Ate," saad ko sa kanya at hinawakan ko ang braso niya."Oo naman, anak. Mag-iingat ka doon, ikamusta mo
Lizabeth's POVTulala lamang kaming tatlo nila Irene at Weslynn kay Kevin. Nakaupo na kami ngayon sa isang table. Paano ba naman kami hindi matutulala sa kanya? Naka bistida siya! Naka make-up at naka sandals!In short, babae na si Kevin!"Bakit ba kayo gan'yan makatingin?" mahina niyang tanong at pinaglalaruan ang dulo ng kanyang buhok."Ehem."Naputol ang pagkatulala namin nang tumikhim si Weslynn. Napatikom ang nakaawang kong bibig at saka umayos ng upo. Maya-maya lamang ay dumating ang order naming pasta at inilapag na sa aming lamesa."So... what's up? Long time no see, guys," wika ni Irene habang nakangiti.Tinugon namin siya ng ngiti at si Weslynn ay uminom ng tubig. Parang awkward pa din ang atmosphere sa pagitan naming apat. 'Yong feeling na ngayon lang kami nagkakila-kilala pero ang totoo ay hindi naman.
(Continuation of chapter 42)Lizabeth's POV"May problema ba?"Saka ko lang napansin na nasa tabi ko na pala si Lloyd. Dahan-dahan akong tumango at pilit na ngumiti. Hindi naman siguro niya napansin kaya inanyayahan na niya ako papunta sa dining.Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng mansyon, hindi kagaya sa labas ay maraming nabago dito sa loob ng bahay nila. May mga nadagdag na furnitures, paintings, at may mga pinalitan naman kagaya ng sofa at saka chandelier."Have a seat, pababa na din si Kuya mamaya. May tatawagan lang daw siya."Ipinaghila niya ako ng upuan at saka naman siya naupo sa tabi ko. Napansin ko din na medyo lumaki ang katawan ni Luis at may manipis na balbas na din siya. Nag-mature pa siya lalo."Kamusta ka na? Tagal mong nawala."Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin sa loob ng tatlong tao
(Continuation of chapter 42)Lizabeth's POVPagbalik ko sa condo ay naabutan kong naghihintay si Faye sa labas ng pinto ng unit ko. Nakaupo siya sa sahig habang pasipol-sipol ngunit nang makita niya ako ay kaagad siyang tumayo."Beth! Nandyan ka na po pala, linisan ko na po unit niyo?" saad niya.Ngumiti naman ako nang makalapit ako sa kanya."Kanina ka pa ba dito?" tanong ko."Ah... hindi naman po, patapos na din po kasi duty ko kaya naisipan ko pong hintayin ka na lang."Binuksan ko na ang pintuan ng unit at saka ako pumasok."Sige, pasok ka."Tulak-tulak niya ang rolling table. Nang makapasok siya ay sinarado na niya ang pinto."Kumain ka na po ba? Mukhang napagod po kayo sa lakad niyo." Nagsimula na siyang maglinis."Tapos na. Ikaw ba? Gabi na mukhang hindi ka pa kuma
Lizabeth's POVHindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Nagulat na lang ako nang halikan niya 'ko. Kaagad ko siyang pinalabas ng unit ko at sinigurado kong naka-lock ang pinto.Lasing siya, naaamoy ko ang matapang na alak mula sa hininga niya. Ayaw kong magpatalo sa nararamdaman ko kasi kapag nagkataon, lalabas na kabet niya 'ko."Beth? Hey, nakikinig ka ba?"Nabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Irene. Kasama ko silang tatlo ngayon, nandito kami sa bilihan ng wedding gown. Pero kahit kasama ko sila ay parang wala ako sa sarili."H-ha?" kandautal kong tugon.Nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na napailing. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at saka pilit na ngumiti."Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa tulala at lumilipad ang isip d'yan," wika ni Kevin at tinabihan ako sa sofa.Si Weslynn
(Continuation of chapter 43)Lizabeth's POVNanatili kami sa gano'ng sitwasyon ng ilang segundo. Ang mga mata niya ay magaganda pa din kagaya noon pero kakikitaan ng lungkot. Ano bang meron sa lalaking ito at ganito kabilis ang pagtibok ng puso ko sa simpleng mga titig niya lang sa 'kin?"Sir, ito na po ang meryenda niy—"Kaagad akong lumayo sa kanya nang biglang dumating ang matandang kasambahay na nakatingin sa aming dalawa. May dala siyang tray na may lamang dalawang baso ng juice at saka cookies sa isang pinggan."Ehem. Just put it in here," saad ni Kenzo habang tinuturo ang maliit na center table.Inilapag doon ng matanda ang tray habang hindi nawawala ang tingin sa akin. Pinili ko na lang na hindi salubungin ang mga tingin niya at bumalik na ako sa pagkakaupo sa sofa.Nang makaalis siya ay inilapag ko ang folder sa lamesa at itinulak para mapalapit ito s
(Continuation of chapter 43)Lizabeth's POVNgumiti siya kaya kitang-kita ko ang maganda niyang ngipin. Halos mawala na din ang singkit niyang mga mata dahil sa pagngiti niya."Yah, sabi ko na ikaw 'yon. Medyo nagbago lang ang hitsura mo pero kilala pa din kita. Gumanda ka lalo ngayon," pambobola niya sa akin.Napailing na lang ako habang kausap siya."'Sus, nambola ka pa. Marami ka na sigurong babaeng napaiyak.""Grabe ka naman, hindi ba pwedeng nagsasabi lang ng totoo?"Naputol ang pag-uusap namin nang dumating ang babaeng waiter at inilapag ang kape ko sa lamesa."So, what's your name?" tanong niya habang magkadaop ang palad sa ibabaw ng lamesa.Humigop ako sa kape ko."Just call me Beth. I'm also known as Madam Liz," tugon ko naman."Hmm... parang narinig
Lizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik
(Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '
Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki
(Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a
(Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s
Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay
(Continuation of chapter 48)Third Person's POVMahimbing na natutulog si Luis mula pa kanina. Hindi na din kasi niya kinaya ang antok kaya napagpasyahan niyang umidlip kahit sandali.Nagising ang kanyang diwa nang makarinig ng mga yabag mula sa pasilyo. Sigurado siyang si Allyson ito kaya kaagad niyang inayos ang sarili. Sakto naman na pumasok ang babae sa pinto."Umuwi ka muna para makapagpalit ng damit. Ako na ang magbabantay sa kanya," wika nito at umupo sa sofa."Sigurado ka ba?"Tumango lamang si Allyson habang nagtitipa sa cellphone. Sumulyap muli si Luis sa monitor bago na lumabas ng pinto. Hindi pa din kasi siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit simula nang makarating sila dito. Alam niya sa sarili niyang hinahanap na din siya ng kuya niya.Nang makaalis si Luis ay tumingin si Allyson sa monitor at nakaisip ng hindi magandang bagay. Tumayo s
(Continuation of chapter 48)Third Person's POV"Ginagawa ang alin?"Patuloy lang sa pagkain si Beth habang sinusubuan siya ni Luis. Kung titingnan ay parang normal lang silang nag-uusap sa kabila ng kalagayan niya ngayon."Ito, hindi ba't kinidnap mo 'ko? Pero bakit mo 'ko pinapakain?""Ayaw kong nagugutom ka," simple niyang sagot.Hindi pa din kumbinsido si Beth."Plinano niyo ba 'to ni Allyson?"Doon na napatigil si Luis sa ginagawa at saka seryosong tiningnan ang babae sa mga mata."Y-yes, but she didn't know this. Itong ginagawa ko ngayon, gusto niyang mamatay ka sa gutom pero sa tingin mo ba kaya kong makita kang nahihirapan?"Para bang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Beth. Dapat pala ay nakinig na lamang siya sa sinabi ni Kenzo na layuan na si Luis. Ngunit kahit na may galit ito dahil
Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka