(Continuation of chapter 37)
Lizabeth's POV
Simula nang magsimula ang seremonya ay lutang talaga 'ko. Hindi kasi maalis sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Lloyd kanina. Argh! Bakit ba kasi sinagot ko pa ang tawag niya?!
"Hoy! Graduation day ngayon pero 'yang mukha mo parang namatayan." Sumulpot si Kevin sa tabi ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakatingin sa 'kin.
"Kinakabahan lang." Pilit akong ngumiti.
"Weh? Kinakabahan o may iniisip? Ano ba 'yan, ha?"
"Baka naman kasi sino, hindi ano." Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang mainit na hininga ni Weslynn sa batok ko. Diyos ko, may sa multo ba 'tong mga kaibigan ko?
"Tigilan niyo nga ako! Kayo ang dami-dami niyong napapansin, bakit hindi mga sarili niyo ang isipin niyo?" pag-iiba ko ng usapan. Ako na naman ang naiipit sa usapang 'to. Kung bakit ba tuwang-tuwa silang pinapaa
Lizabeth's POVHalos liparin ko na ang daan papunta sa airport. Buti na lang nga at hindi kami masyadong nagtagal ng taxi driver sa traffic kanina. Pansin ko din ang pagsulyap-sulyap ng driver sa akin mula sa rare view mirror, mukhang nagtataka siya sa suot kong damit.Argh! Bakit hindi ko naisip na nakasuot pa pala 'ko ng toga kanina paglabas ko ng school?"Manong, malayo pa po ba?" tanong ko sa driver."Malapit na miss, matanong ko lang, umalis ka ba sa graduation mo?""Ah... eh... mahirap pong ipaliwanag." Napakamot pa ako sa ulo at kagaya ng sinabi ni Manong ay malapit na nga kami, natatanaw ko na kasi ang malalaking eroplano sa 'di kalayuan.Nang makarating ay kaagad akong nagbayad at patakbo kong pinasok ang loob. Napatigil ako sa may entrance nang makita ang dami ng tao sa paligid. Paano ko siya mahahanap sa sobrang dami ng tao dito sa loob?
(Continuation of chapter 38)Lizabeth's POV"Ayan, napaka ganda," wika ni Ate habang inaayos ang pagkakasabit ng frame ng aking diploma sa pader.Maging ako ay nakangiting pinagmamasdan itong nakahilera sa mga certificates at awards na nakuha namin ni Ate habang nag-aaral pa lamang kami. Ang ilan ay galing sa pagiging estudyante, ang iba naman ay parangal sa pagiging guro ni Ate Lucy.Lumapit siya sa akin at saka ako inakbayan habang nakatingin pa din sa diploma ko. Ramdam ko ang sayang nararamdaman ni Ate dahil sa wakas ay nakapagtapos ako at nawakasan na ang hirap niya sa pagpapaaral sa 'kin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makakamit kung anong mayroon ako ngayon."Proud na proud kami ni Mama sayo, alam mo ba 'yon?" Lumingon siya sa akin at maging ako ay napatingin na din sa kanya."Dahil sa wakas, magkakaroon na kami ng fashion designer na anak at kapatid."&nb
Lizabeth's POVHuminto ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant. At dahil madilim na ay lalong lumabas ang ganda ng gusali dahil sa nagkikinangang ilaw sa buong paligid.Pinagbuksan ako ng pinto ni Luis at sabay kaming pumasok sa entrance."Good evening, Sir Luis. This way, please," wika ng isang matangkad na babaeng sa tingin ko ay nasa edad twenty plus pa lang mahigit.Sinundan lang namin siya hanggang sa makarating kami sa isang table na nasa gitna. Umikot ang mata ko sa lahat ng mga tao sa loob ng restaurant. Base sa mga hitsura nila ay mukhang mayayaman at ang iba naman ay mga kilalang tao sa Pilipinas."Luis, masyado atang mahal dito. Dapat nag-fast food na lang sana tayo," bulong ko sa kanya na nasa tabi ko."The girl like you deserve to eat in this fancy restaurant."Ngiti na lamang ang tinugon ko sa sinabi n
(Continuation of chapter 39)Lizabeth's POVPagmulat ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking kahalikan ko ngayon. Kaagad ko siyang tinulak at nakita ko ang nag-aalab niyang mga matang nakatingin sa akin. Namula ako sa kahihiyan at umiwas ng tingin."I-I'm sorry," wika ko at halos pabulong na.Pilit siyang ngumiti at saka niya hinawakan ang kanan kong kamay. Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya."You know what, umalis na tayo dito. I know the right place for you." Hinila niya 'ko papalabas ng pinto ng bar at sumakay kami sa kotse niya.Habang nasa byahe ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang dina-digest ng utak ko ang kahihiyang ginawa ko kanina. Beth, bakit?! Bakit kay Luis?! Bakit sa ex mo pa?!Baka mamaya isipin niyang may kahulugan ang halik na 'yon. Kasalanan ko bang akala ko ay siya si Kenzo? Bakit ba kasi bigla-bigla n
Lizabeth's POV"Nag-date kayo?!" magkakapanabay na tanong nila Weslynn, Irene, at Kevin na pare-parehong hindi makapaniwala ang reaksyon sa mukha."Alam niyo, ang arte niyo. Ano naman kung lumabas kami kagabi? Friendly date lang naman 'yon," depensa ko naman pero ang mga gaga, parang hindi pa naniwala.Nandito kami sa sala at nagulat na lang ako nang pagbukas ko ng gate ay nasa labas na sila. Ito naman palang si Ate, sinabi sa kanila kagabi kung saan ako nagpunta kaya heto at ang aga-aga napasugod ang mga ito sa bahay."Talaga? Ang sabi ni Ate Lucy, lasing ka daw no'ng umuwi," wika ni Kevin at parang hinuhuli pa ako sa akto.Napalunok ako, bakit pati iyon ay alam nila? Ang alam ko ay tulog na si Ate kagabi noong umuwi ako."So, galing pala kayo sa bar. Anong ginawa niyo pagkatapos uminom? Did you guys do that?"Nanlaki ang mg
(Continuation of chapter 40)Lizabeth's POVAng taas ng lagnat ko ngayong gabi. Hinatid kasi ako ni Luis pauwi kanina tapos nagpaalam na din siya. Saka ko lang nalaman na nilalagnat na 'ko no'ng kumakain na kami ng hapunan. Si Ate ang unang nakapansin kaya naman pinainom agad nila 'ko ng gamot at pinagpahinga."Beth, heto, kumain ka ng lugaw." Pumasok si Ate mula sa pintuan ng kwarto ko habang may dalang mangkok na may lamang mainit na lugaw.Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard ng kama ko at sinimulan na niya 'kong subuan."Ano ba naman kasing naisip mo at nagpaulan ka, ha? Mabuti na lang at nakita ka ni Luis kanina kung hindi baka nasa labas ka pa din."Hindi ako tumugon at patuloy lang ako sa paglunok. Ayaw ko nang makipagtalo kay Ate dahil alam ko namang talo pa din ako pagdating sa kanya.Matapos kumain ay muli akong humiga at iniw
Lizabeth's POV(3 years ago)"Wow! What a nice design! Thank you very much, Liz. I'll send you the payment later," saad ni Mrs. Miller habang pinagmamasdan ang napaka gandang mermaid dress na susuutin niya para sa ball nila mamaya."No problem, Ma'am. Thanks for trusting me," tugon ko naman at saka na ako nagpaalam sa kanya bago ako lumabas ng mansyon niya. Pinagbuksan naman ako ng driver ko ng pintuan ng kotse."Saan po tayo ngayon, Ma'am?" tanong ng driver nang makapasok siya sa sasakyan."Sa bahay na lang muna, Manong. Daan muna po tayo sa café ni Lily, bibili lang ako ng cake para kay Mama," tugon ko naman at pinaandar na niya ang kotse.Nakadungaw lamang ako sa bintana ng kotse habang pinagmamasdan ang mga punong nagsasayawan sa tabing kalsada. Malapit na naman ang fall season. Napaka sarap na namang magliwaliw sa park.Tiningnan ko ang oras mula s
(Continuation of chapter 41)Lizabeth's POVNakahanda na ang mga bagahe ko ngayon dito sa lobby. Nakasuot na din ako ng simpleng butterfly sleeves blouse na kulay dark pink, puting pantalon, at saka one inch na sandals."Ate, ikaw na muna ang bahala kay Mama, ha. Medyo matatagalan din siguro ako sa Pilipinas bago ako makabalik dito," wika ko kay Ate habang hawak ang kanyang kamay."Oo naman, mag-iingat ka do'n. Kapag may problema, tawagan mo lang kami. Kung kailangan mo ng tulong, 'wag kang magdadalawang isip na magsabi sa amin." Ngumiti siya at saka hinaplos ang pisnge ko.Ibinaling ko naman ang tingin kay Mama na nakaupo sa wheel chair. Bahagya akong yumuko para maging magkapantay kami."'Ma, inumin niyo po ang mga gamot niyo. 'Wag kayong pasaway kay Ate," saad ko sa kanya at hinawakan ko ang braso niya."Oo naman, anak. Mag-iingat ka doon, ikamusta mo