(Continuation of chapter 34)
Lizabeth's POV
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Raen.
Nagprisinta ako na, ako na ang magdadala ng cookies at gatas ni Raen ngayong gabi. Tutal ay abala din ang ibang kasambahay sa mga ginagawa at nagpapahinga na din si Tita Kendra kasama ang asawa niya.
Maya-maya ay nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang blangkong mukha ni Raen habang nakasuot ng rabbit na pair ng pajama. Ngumiti ako sa kanya kahit na para akong may kausap na hangin.
"Ah... ito na ang cookies at milk mo," saad ko.
Hindi niya 'ko sinagot at sa halip ay pumasok na siya ulit sa silid at iniwang bukas ang pinto. Sumunod naman ako sa kanya at saka ko ipinatong ang tray na dala ko sa side table ng kama niya. Napansin ko ang laptop sa kama niya at may naka-flash doong letrato.
Napasilip naman ako doon at nakita ko ang picture nilang pamilya. Napansin niya sigurong nakatingi
Lizabeth's POV "Anong ginagawa mo dito, Allyson?" "Hello, Liza. I'm here for my friend," nakangiti naman niyang tugon. Kahit sobrang ganda niya, halata namang plastic lang. Mahina akong natawa. "Wala kang kaibigan dito. At kung hinahanap mo si Kenzo, kanina pa siya nakaalis." "Ally!" Sabay kaming napalingon sa may bandang hagdan nang sumigaw doon ang isang pamilyar na boses ng babae. Si Raen. Tumakbo siya papalapit kay Allyson at saka ito niyakap ng mahigpit. "OMG! I miss you!" Niyakap naman pabalik ni Allyson si Raen na bihis na bihis. Nakasuot siya ng floral blue dress at saka light blue na sandals. May nakasukbit namang Louis Vuitton na bag sa kanyang balikat. "M-magkakilala kayo?!" Nanlalaki pa din ang mga mata ko habang pinagmamasdan silang magyakapan at mag-usap. "Yes! At hind
(Continuation of chapter 35) Lizabeth's POV Para akong zombie na naglalakad ngayon patungo sa banyo. Kakagising ko lang at nakita ko sa orasan na six thirty-eight na ng gabi. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang sakit sa puso ko nang makatulog ako kanina. Pagharap ko sa salamin ng banyo ay doon ko napansin ang mugto kong mga mata dahil sa labis na pag-iyak. Maging ang buhok ko ay magulo na din. Naghilamos na ako at nagsipilyo. Nang masiguro ko na maayos na ang hitsura ko ay binuksan ko na ang pinto ngunit nagulat ako nang may nakitang nag-aabang pala sa labas nito. "Kenzo... a-anong ginagawa mo d'yan?" mahina kong tanong ngunit sa ibang direksyon ako nakatingin. Ayaw ko siyang titigan sa nga mata, lalo lang akong nasasaktan. "May pupuntahan tayo, magbihis ka." "S-saan?" "Basta, halika—" Akmang hihilain na niya
Lizabeth's POV Pagbalik ko ng mansyon ay mukhang nasa dining ang mga tao dahil napaka tahimik sa lobby. Kaagad akong umakyat papunta sa kwarto namin ni Kenzo at nag-impake. Kailangan kong magmadali, sigurado akong sa oras na maabutan niya 'ko dito ay hindi na niya ko papalabasin. Ang mga kinuha ko lamang ay ang mga dati ko pang damit noon. Iniwan ko lahat ng mga binili sa akin ni Kenzo, pati na ang mga sapatos at bags ay hindi ko na isinama sa maleta ko. May naramdaman akong mabalahibong bagay sa aking paanan nang sinasarado ko na ang maleta. Pagtingin ko doon ay si Lizenzo pala. "L-lizenzo." Kinarga ko siya at saka ko siya niyakap habang inaamoy-amoy. Gising na pala siya, palagi lang kasi siyang natutulog tapos mag-iingay kapag nagugutom. "Aalis na 'ko, ha. Ikaw na ang bahala kay Kenzo. Sana alagaan ka niya, magpakabait ka sa kanya, ha." May konting luha ang lumabas sa mga mata
(Continuation of chapter 36) Lizabeth's POV "Ma! Ate!" Sa huli ay naisipan kong umuwi na lamang kanila Mama, mabuti na lang at may dumadaan pa ding sasakyan kaya mabilis akong nakarating. Bumukas ang pinto ng bahay at inuluwa no'n si Ate na hindi makapaniwalang makita ako. "Beth?" Tumakbo siya papalapit sa gate at binuksan ito. Sandali kaming nagkatitigan. Gano'n pa din ang hitsura niya, halata sa kanyang mukha na puyat siya. Mukhang subsob siya sa trabaho nitong mga nakaraang araw. Maya-maya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at naibagsak ko ang maleta ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at doon ko ibinuhos ang luha ko. Sa lahat ng taong nakilala ko, sila lang ni Mama ang tunay na nakakaintindi sa nararamdaman ko. "Shh... bakit ka umiiyak, bunso? 'Wag ka ng umiyak, nandito na si Ate." Hinaplos niya ang likod ko na lalong na
Lizabeth's POV "Final na ba 'yang decision mo na 'yan, Beth?" tanong sa akin ni Irene habang inaayusan siya ng make-up artist. "H-hindi ko din alam, Irene." Nagpakawala ako ng buntong hininga. Graduation day na namin, maya-maya lamang ay magsisimula na ang ceremony pagkatapos naming maayusan. Wala pang masyadong tao sa school at ang iba ay naglilinis ng area kung saan magaganap ang seremonya. "Hay, naku girl! Bakit ba kasi pinapahirapan mo ang sarili mo? Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na mahal mo din siya para naman happily ever after na kayo?" "Kung gano'n nga lang kadali, Irene ay ginawa ko na. Kaso sa lahat ng love story hindi nawawala ang mga villains." "'Yong daddy ba niya?" Hindi ako sumagot kaya mukhang nalaman na niya ang ibig kong sabihin. "Alam mo, Beth. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglala
(Continuation of chapter 37) Lizabeth's POV Simula nang magsimula ang seremonya ay lutang talaga 'ko. Hindi kasi maalis sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Lloyd kanina. Argh! Bakit ba kasi sinagot ko pa ang tawag niya?! "Hoy! Graduation day ngayon pero 'yang mukha mo parang namatayan." Sumulpot si Kevin sa tabi ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakatingin sa 'kin. "Kinakabahan lang." Pilit akong ngumiti. "Weh? Kinakabahan o may iniisip? Ano ba 'yan, ha?" "Baka naman kasi sino, hindi ano." Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang mainit na hininga ni Weslynn sa batok ko. Diyos ko, may sa multo ba 'tong mga kaibigan ko? "Tigilan niyo nga ako! Kayo ang dami-dami niyong napapansin, bakit hindi mga sarili niyo ang isipin niyo?" pag-iiba ko ng usapan. Ako na naman ang naiipit sa usapang 'to. Kung bakit ba tuwang-tuwa silang pinapaa
Lizabeth's POVHalos liparin ko na ang daan papunta sa airport. Buti na lang nga at hindi kami masyadong nagtagal ng taxi driver sa traffic kanina. Pansin ko din ang pagsulyap-sulyap ng driver sa akin mula sa rare view mirror, mukhang nagtataka siya sa suot kong damit.Argh! Bakit hindi ko naisip na nakasuot pa pala 'ko ng toga kanina paglabas ko ng school?"Manong, malayo pa po ba?" tanong ko sa driver."Malapit na miss, matanong ko lang, umalis ka ba sa graduation mo?""Ah... eh... mahirap pong ipaliwanag." Napakamot pa ako sa ulo at kagaya ng sinabi ni Manong ay malapit na nga kami, natatanaw ko na kasi ang malalaking eroplano sa 'di kalayuan.Nang makarating ay kaagad akong nagbayad at patakbo kong pinasok ang loob. Napatigil ako sa may entrance nang makita ang dami ng tao sa paligid. Paano ko siya mahahanap sa sobrang dami ng tao dito sa loob?
(Continuation of chapter 38)Lizabeth's POV"Ayan, napaka ganda," wika ni Ate habang inaayos ang pagkakasabit ng frame ng aking diploma sa pader.Maging ako ay nakangiting pinagmamasdan itong nakahilera sa mga certificates at awards na nakuha namin ni Ate habang nag-aaral pa lamang kami. Ang ilan ay galing sa pagiging estudyante, ang iba naman ay parangal sa pagiging guro ni Ate Lucy.Lumapit siya sa akin at saka ako inakbayan habang nakatingin pa din sa diploma ko. Ramdam ko ang sayang nararamdaman ni Ate dahil sa wakas ay nakapagtapos ako at nawakasan na ang hirap niya sa pagpapaaral sa 'kin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makakamit kung anong mayroon ako ngayon."Proud na proud kami ni Mama sayo, alam mo ba 'yon?" Lumingon siya sa akin at maging ako ay napatingin na din sa kanya."Dahil sa wakas, magkakaroon na kami ng fashion designer na anak at kapatid."&nb
Lizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik
(Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '
Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki
(Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a
(Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s
Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay
(Continuation of chapter 48)Third Person's POVMahimbing na natutulog si Luis mula pa kanina. Hindi na din kasi niya kinaya ang antok kaya napagpasyahan niyang umidlip kahit sandali.Nagising ang kanyang diwa nang makarinig ng mga yabag mula sa pasilyo. Sigurado siyang si Allyson ito kaya kaagad niyang inayos ang sarili. Sakto naman na pumasok ang babae sa pinto."Umuwi ka muna para makapagpalit ng damit. Ako na ang magbabantay sa kanya," wika nito at umupo sa sofa."Sigurado ka ba?"Tumango lamang si Allyson habang nagtitipa sa cellphone. Sumulyap muli si Luis sa monitor bago na lumabas ng pinto. Hindi pa din kasi siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit simula nang makarating sila dito. Alam niya sa sarili niyang hinahanap na din siya ng kuya niya.Nang makaalis si Luis ay tumingin si Allyson sa monitor at nakaisip ng hindi magandang bagay. Tumayo s
(Continuation of chapter 48)Third Person's POV"Ginagawa ang alin?"Patuloy lang sa pagkain si Beth habang sinusubuan siya ni Luis. Kung titingnan ay parang normal lang silang nag-uusap sa kabila ng kalagayan niya ngayon."Ito, hindi ba't kinidnap mo 'ko? Pero bakit mo 'ko pinapakain?""Ayaw kong nagugutom ka," simple niyang sagot.Hindi pa din kumbinsido si Beth."Plinano niyo ba 'to ni Allyson?"Doon na napatigil si Luis sa ginagawa at saka seryosong tiningnan ang babae sa mga mata."Y-yes, but she didn't know this. Itong ginagawa ko ngayon, gusto niyang mamatay ka sa gutom pero sa tingin mo ba kaya kong makita kang nahihirapan?"Para bang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Beth. Dapat pala ay nakinig na lamang siya sa sinabi ni Kenzo na layuan na si Luis. Ngunit kahit na may galit ito dahil
Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka