Share

Chapter 20

Hindi ko ito tiningnan kung sino ito. Nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata ko. Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko nang hawakan nito ang magkabilang braso ko. Ramdam ko ang init ng kaniyang mga kamay sa aking balat kahit na long sleeve ang suot kong damit.

Maya't maya ang paglunok ko lalo na, nang marinig ko ang yabag ng mga paa at pagbukas-sarado ng pintuan. Parang gusto ko na lang magpalamon sa semento lalo na ng marinig ko itong tumikhim. At naramdaman ko rin ang unti-unting paglayo ng katawan ko sa katawan niya habang mariin pa ring nakapikit ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano ba dapat ang mararamdaman ko para rito.

"Yuyuko ka na lang ba habang buhay?" seryosong wika nito.

Muli akong napalunok sa itinuran nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito. Kung babatiin ko ba siya o ano? Alam ba niya na ako ang bago niyang sekretarya?

"Sorry, sir," mahinang tugon ko rito.

Unti-unti ko namang iniangat ang ulo ko sabay mulat ng aking mga mat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vhe Nhus
sana may kasunod na po agad kc matagal bago masundan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status