Share

Chapter 13

Author: Ylle Elly
last update Huling Na-update: 2022-11-13 06:28:24

Nang makapasok na ito sa loob ng kaniyang bahay agad na tinanggal nito ang suot niyang shades. Inilibot nito ang kaniyang paningin sa loob bago umupo sa couch na siya namang pagtunog ng kaniyang cellphone.

"Kararating ko lang," tila tamad na tugon nito sa kausap nito mula sa kabilang linya.

Nakatayo ako hindi kalayuan sa kinauupuan niya kaya rinig na rinig ko ang sinasabi nito. Ang hindi ko lang marinig ang sinasabi ng kausap nito mula sa kabilang linya.

"Mom, we broke up already. Huwag mo na akong pilitin na makipagbalikan pa sa kaniya at ayoko na siyang makita pa kahit kailan." Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga.

"Let's not talk about her, okay? I want to rest, mom. Bye!" Kaagad na pinatay nito ang tawag at agad na tumayo.

Dire-diretso lang ito sa pag-akyat sa hagdan habang nakasunod ako rito. Pagdating nito sa labas ng kuwarto niya, tumigil ito sandali at humarap sa akin na walang emosyon ang mukha.

"Don't follow me, I want to rest. I will call you when I need you."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Accidentally Love You   Chapter 14

    Lumipas pa ang mga araw at naging buwan. Medyo nabawasan ang pagduduwal ko subalit napalitan naman ito ng pagkahilo. Mabuti na lang no'ng minsang nawalan ako ng malay, wala ang amo namin kung kaya't hindi pa rin nito alam ang tungkol sa kalagayan ko. Dahil wala pa rin akong sapat na lakas ng loob na sabihin dito sapagkat natatakot akong mawalan ng trabaho.Kasalukuyang nasa kuwarto ako nito at naglilinis. Dahil simula ng dumating ito ako na palagi ang naglilinis ng kuwarto niya ayon sa gusto niyang mangyari. Dati si Gemma ang naglilinis ng kuwarto niya noong nandito pa si Ate Tess sa tuwing umuuwi ito galing ng ibang bansa pero ngayon ayaw niyang ipagalaw ang kuwarto niya sa iba. Minsan ang weird niya, lalo na kapag kausap niya ang ibang mga tao ang bait niya pero pagdating sa akin wala pa nga akong ginagawa parang ang laki na ng kasalanan ko sa kaniya. Kung kaya't mas lalo akong natatakot na sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Nasa kalagitnaan ako ng aking paglilinis n

    Huling Na-update : 2022-11-17
  • Accidentally Love You   Chapter 15

    Tahimik ulit ito habang nasa biyahe kami pabalik ng villa. Pero kanina ko pa iniisip ang pagpapakilala nito sa akin na asawa raw ako nito sa doctora. Naguguluhan ako sa parteng iyon. Naisip ko na lang din na baka ginawa niya 'yon dahil ayaw niya ng maraming tanong pa ang doctor. Hindi ko rin mapigilan ang kiligin ngunit kaagad ko rin na pinutol ang kilig kong iyon dahil alam ko kung hanggang saan lang ako. At isa pa malabong mangyari na ang iniisip ko na magkakaroon ng kami.Subalit kanina ko pa rin pinag-iisipan kung paano ko sasabihin ang pasasalamat ko sa amo kong palaging may dalaw. Ngunit kahit ganoon pa man, may itinatagong kabaitan din naman pala ito. At mukhang tama nga ang sabi ni Winona at Gemma tungkol sa kaniya na mabait din naman pala ito kahit na may kasungitang taglay.Tumikhim muna ako bago nagsalita."Sir, salamat po," tila nahihiya kong sambit. "At pasensiya rin po kung hindi ko po sinabi sa inyo ang tungkol sa pagbubuntis ko. Natakot lang po kasi ako na mawalan ng t

    Huling Na-update : 2022-11-19
  • Accidentally Love You   Chapter 16

    Pagkalabas nito ng silid ko hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa aking sinapit. Hindi ko akalain na mangyayari ang ganito sa akin na tila pinagkakaitan ako ng tadhana ng karapatan upang maging masaya. Pero pinangako ko pa rin sa sarili ko na balang araw makakaahon din ako."Basta anak, kumapit ka lang diyan, ha. Huwag kang bibitiw. Kaya natin 'to." Muli kong hinawakan ang aking tiyan.Nagdadalawang-isip ako kung uuwi na lang ba ako ng probinsiya o ipagpatuloy ko pa rin ang pakikipagsapalaran ko rito? Nahiya rin akong tawagan si Mira dahil alam kong buntis din iyon at ayokong mag-alala siya sa akin.Kung uuwi naman ako lalo lang maghihirap ang buhay namin doon ng anak ko dahil sa akin pa rin umaasa ang aking mga magulang at kapatid. At least dito hangga't kaya ko pang magtrabaho may kikitain pa rin ako at makapagpadala pa rin ako sa kanila. Naisipan ko na lang din na mag-apply bilang kasambahay upang kahit papaano wala akong babayaran na bahay buwan-buwan at libre rin ang pagkain.

    Huling Na-update : 2022-11-22
  • Accidentally Love You   Chapter 17

    Nang umalis si Winona kaagad na pumasok ako sa kuwarto ng kaniyang tiyahin. Nakapagtataka lang talaga dahil halos wala rin mga gamit sa loob. Kahit na ang aparador ay wala ring kalaman-laman pero may iilang kahon na naka-tape na nakatago sa ilalim ng higaan. Siguro nga baka kagamitan iyon ng kaniyang tiyahin kung kaya't hindi ko na pinakialaman pa iyon. At may isang picture frame rin na nakapatong sa itaas ng tukador na hindi ko napansin kanina. Isang babaeng may edad na, baka iyon na nga 'yong tiyahin ni Winona. Upang matanggal ang mga negatibong iniisip ko sa aking utak ay minabuti ko na lamang na lumabas ng bahay at magpahangin muna saglit. Sobrang sarap sa pakiramdam ang hangin na aking nalalanghap, na-miss ko tuloy ang buhay namin sa probinsiya.Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa kulay asul na kalangitan. Minsan naisip ko na sana naging ibon na lang ako upang malaya akong makalipad at walang iniisip na problema. Hindi ko namalayan ang oras at malapit na pal

    Huling Na-update : 2022-11-26
  • Accidentally Love You   Chapter 18

    Pumunta ako sa bayan upang maghanap ng trabaho. Dala-dala ko ang aking folder na sa tuwing mag-a-apply ako, ito ang palagi kong bitbit. Panay ang sambit ko ng panalangin na sana ay matanggap ako. Ilang establishment na ang pinasukan ko ngunit walang hiring. Kahit na ang grocery store ay wala rin. Pakiramdam ko pinanghihinaan na ako ng loob, ngunit hindi ako puwedeng tumigil. Sandaling nagpahinga ako sapagkat nakaramdam ako ng gutom, kung kaya't pumasok ako sa isang kainan. Um-order lang ako ng isang order na kanin at ulam dahil hindi rin puwede magutom ang anak ko sa aking sinapupunan. "Ate, may bakante pa po ba rito? Puwede kaya ako mag-apply rito?" tanong ko sa sebedura ng maihatid na nito ang in-order kong pagkain."Wala na eh, puno na kami. Kakaumpisa ko pa nga lang din," sabi nito."Ay, ganoon ba. Sige, salamat po." Bahagya akong ngumiti rito.Ngumiti rin ito bago tumalikod.Kumain na lamang ako upang makapag-isip ng maayos. At ng sa ganoon ay may resistensiya ako habang nagha

    Huling Na-update : 2022-12-03
  • Accidentally Love You   Chapter 19

    Kinabukasan, maaga ulit akong gumising dahil unang araw ko sa bago kong trabaho. Nag-almusal muna ako bago umalis at nakapagbaon na rin ng pagkain upang hindi na ako bibili pa sa labas. Hindi na rin ako gaanong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Mukhang nakisama rin ang aking anak sa aking sinapupunan. Muli kong nadatnan si Lolo Berto na nagdidilig ng mga halaman. Minsan gusto ko nang akuin dito ang paglilinis at pagdidilig, ngunit hindi ito pumayag dahil sayang daw ang sasahurin niya rito at kaya pa naman niyang magtrabaho. At isa pa hindi pa rin naman daw siya pinapatigil ng amo niya. Dahil hangga't walang sinasabi sa kaniya, itutuloy pa rin niya ang kaniyang ginagawa. Laking pasasalamat ko dahil nakatagpo ako ng tao na mabait katulad ni Lolo Berto. "Magandang umaga po." Bati ko sa kaniya sabay mano."Magandang umaga rin sa iyo. Ang aga mo yata?" Bumaling muna ito sa akin bago pinatay ang gripo ng hose. "Bihis na bihis ka yata?""Kailangan ko po kasing pumasok ng maaga dahi

    Huling Na-update : 2022-12-07
  • Accidentally Love You   Chapter 20

    Hindi ko ito tiningnan kung sino ito. Nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata ko. Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko nang hawakan nito ang magkabilang braso ko. Ramdam ko ang init ng kaniyang mga kamay sa aking balat kahit na long sleeve ang suot kong damit. Maya't maya ang paglunok ko lalo na, nang marinig ko ang yabag ng mga paa at pagbukas-sarado ng pintuan. Parang gusto ko na lang magpalamon sa semento lalo na ng marinig ko itong tumikhim. At naramdaman ko rin ang unti-unting paglayo ng katawan ko sa katawan niya habang mariin pa ring nakapikit ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano ba dapat ang mararamdaman ko para rito. "Yuyuko ka na lang ba habang buhay?" seryosong wika nito.Muli akong napalunok sa itinuran nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito. Kung babatiin ko ba siya o ano? Alam ba niya na ako ang bago niyang sekretarya? "Sorry, sir," mahinang tugon ko rito. Unti-unti ko namang iniangat ang ulo ko sabay mulat ng aking mga mat

    Huling Na-update : 2022-12-14
  • Accidentally Love You   Chapter 21

    Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakayakap dito. Madilim na nang magising ako. Nakayakap pa rin ito sa akin kung kaya't nahirapan akong kumilos. Akmang aalisin ko ang braso nitong nakapulupot sa aking baywang, ngunit lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa akin. Sinubukan kong alisin ulit ang kamay niya kaya lang mas lalo pa itong sumiksik sa akin. Kaagad na sinalat ko ang noo nito. Wala na itong lagnat at hindi ko na rin naramdaman ang panginginig ng katawan niya, pero ang weird ng kinikilos niya. Ano kaya ang nangyayari sa taong ito at nagkakaganito?Maya maya ay naramdaman ko na medyo lumuwag ang pagkayakap nito sa akin kung kaya't nagmadali akong bumangon. Ngunit hindi pa man ako nakakatayo nang hapitin niya ang aking baywang kung kaya't napahiga ulit ako."Dito ka lang. Huwag mo akong iwan," mahinang wika nito habang nakapikit ang mga mata. "Hindi na kita hahayaang makalayo pa."Napalunok ako sa huling sinabi nito. Ano ba ang ibig sabihin nitong hindi niya

    Huling Na-update : 2022-12-27

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Love You   Chapter 32

    Nanatili kami sa Bohol ng dalawang linggo. At sa dalawang linggo na 'yon ay marami ang nangyari at isa na doon ang pag-iisang dibdib namin ni Kenneth. At ngayon ay isang ganap na Misis Samson na ako. Naging malapit na rin si Kenneth sa aking pamilya. Isang representative ng pamilya lamang ni Kenneth ang dumalo sa kasal namin at kasama ni Winona ng araw na iyon. At pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng aming kasal ay agad na bumalik din ang mga ito ng Manila."Kenneth, ingatan mo ang aking anak. Utos ko 'yan sa'yo at hindi pakiusap," seryosong wika ni tatay habang kausap niya kami sa isang kubo sa labas ng aming bahay. "Opo, tay. Pangakong iingatan ko po ang anak niyo." Saglit na tumingin si Kenneth sa akin sabay ngiti."Maliwanag kung ganoon. Dahil kapag umuwi 'yan dito na umiiyak at ikaw at ang pamilya mo ang dahilan siguraduhin mong hinding-hindi mo siya makikita kahit kailan. Iyan ang tatandaan mo." Pagbabanta ni tatay sa kaniya."Pangako pong hindi po mangyayari 'yon. I will

  • Accidentally Love You   Chapter 31

    Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Alam kong galit sila sa ginawa ko kaya hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin upang mawala iyon.Maya maya pa ay pumasok si tatay pero hindi ko nakikitaan ito ng galit bagkus kalmado ito."Tawagin mo ang mapapangasawa mo at anak niyo," utos nito sa akin.Napatingin ako kay Jena dahil may isa pa akong hindi sinasabi sa kanila na hindi si Kenneth ang ama ni Matthew."Ano na? Ipakilala mo ba sila sa amin ng maayos o hindi?" wika ng tatay na tila galit.Sa halip na tumayo at tawagin ang mag-ama ko ay nanatiling nakaupo pa rin ako. Tumikhim muna ako bago nagsalita dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. "Tay, Nay, si Kenneth po kasi ay hindi tunay na ama ni Matthew." Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng aking mga magulang."Jusko, anak, ano ba iyang pinasok mo!" wika ni nanay sabay tayo sa kinauupuan.Nanatiling nakatingin lang ang tatay ko sa akin pero alam kong nagtitimpi lang ito ng galit dahil nanlilisik na ang mga

  • Accidentally Love You   Chapter 30

    PAGKATAPOS ng pangyayari kagabi ay agad na nag propose ng kasal si Kenneth sa akin. At ang proposal na iyon ay ginanap sa garden ng villa.Kasabwat nito si Winona at si Matt-Matt sa proposal niyang iyon sa akin. Simple lang ang proposal niyang iyon pero sobrang na appreciate ko dahil pinaghandaan niya talaga. Isang simpleng 'WILL YOU MARRY ME?' lang na nakalagay sa mga bond paper na pinagtagpi-tagpi habang nakasabit ito sa maliliit na puno ng mga palm tree, at siya naman ay nakatayo sa likod ng mga ito. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mamasa ng makita ko ang mga nakasulat sa papel. "Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?" tanong ko sa aking sarili sabay pikit ng aking mga mata baka kasi nananaginip lang talaga ako.Nang hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang aking anak at kinakalabit nito ang aking kamay."Mommy, daddy is waiting. He's waiting for you for five hours until you wake up," anito na lalong nagpamulat ng aki

  • Accidentally Love You   Chapter 29

    Araw, linggo, buwan, at taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakakausap ang ina ni Kenneth kahit ilang beses na rin itong umuwi ng bansa. Sa tuwing tatawagan ko naman ito sa condo unit na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay palagi ako nitong binabagsakan ng telepono.Pinanghihinaan na rin ako ng loob na makausap ito dahil kahit na ano pa ang gagawin ko ay hinding-hindi pa rin ako nito matatanggap para kay Kenneth.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina ng dahil sa akin. At kahit ilang beses na rin ipaliwanag ni Kenneth na wala akong kasalanan ayaw pa rin nitong tanggapin, na tila sarado na ang kaniyang pag-iisip at ayaw nang makinig sa kahit na anumang paliwanag.Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.Kasalukuyang nasa garden ako kasama si Winona at ang anak ko. "Ang bilis ng panahon parang kailan lang kalong-kalong ko lang si Baby Matt, ngayon ang laki niya na," wika ni Winona habang nakikipaglaro sa anak ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa at

  • Accidentally Love You   Chapter 28

    Lumipas pa ang mga araw, hindi na muling bumalik ang ina ni Kenneth sa villa. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nang dahil sa akin ay nag-aaway ang mag-ina. "Hon, parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Kenneth ng makalabas ito ng banyo."Iniisip ko lang kasi ang mama mo hindi na siya pumunta ulit dito.""Don't worry about her, okay lang siya." Tumabi ito sa akin sa kama."Kumusta naman kayo?" tanong ko sa kaniya habang nakaunan ako sa braso niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga. "Hindi pa kami nakapag-usap ulit.""Sorry, hon. Nang dahil sa akin hindi pa rin kayo okay. Ano kaya kung kausapin ko siya?" Tumingala ako sa kaniya."Really? Gagawin mo 'yon, hon?" hindi makapaniwalang wika niya.Tumango ako."Pero dapat kapag kinausap mo si mama, dapat kasama ako. I know my mom, hindi siya madaling kausap.""Paano ko naman siya makausap ng maayos kung nandoon ka?""Just pretend na wala ako." Tumawa ito."Sira!" "I love you, hon," anito at agad na ginawaran niya ako ng hal

  • Accidentally Love You   Chapter 27

    Ilang araw na lang at binyag na ni Baby Matt. Handa na rin ang lahat. Habang natutulog ang aking anak ay nakatitig lamang ako sa kaniya at bahagyang nakangiti. Parang gusto ko lamang siyang titigan nang titigan. At habang titig na titig ako sa aking anak ay bigla ko namang naalala ang tunay na ama nito. "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko rin naman lubusang makakalimutan iyon, lalo na at may isang buhay ang nagpapaalala sa akin tungkol sa kaniya. Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang tungkol sa ama ng aking anak dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ngayon. At iyon ay si Kenneth, na palaging pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.Dumating na nga ang araw ng binyag ng aking anak. Pinili namin na sa restaurant na lang gaganapin ang handaan upang hindi na rin mapagod ang mga tao sa villa sa paghahanda. Hindi rin naman kailangan ang sobrang garbong handaan, ang mabinyagan si Baby Matt ay sapat na. Kaya lang pakiramdam ko parang may kulang... ang pami

  • Accidentally Love You   Chapter 26

    Habang nagmamaneho ito, halos hindi pa rin ito mapakali. "Baby, huwag ka muna lumabas ha, hintayin mo muna na makarating tayo ng hospital. Kalma ka lang muna diyan sa tummy ni mommy," anito habang marahan nitong hinihimas ang aking tiyan gamit ng isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napangiti naman ako kahit na ang pakiramdam ko ay parang lalabas na ang aking anak. Minsan nasasabi ko sa aking sarili na sana ay siya na lang ang naging ama ng aking anak, dahil alam ko at nakikita ko na isa siyang mabuting ama para rito. Katamtaman lamang ang pagpapatakbo nito ng sasakyan hanggang sa makarating kami ng ospital na kaagad din naman akong dinaluhan ng mga nurse at doctor.Ilang saglit lang at ipinasok na nila ako sa delivery room. At dahil first baby ko ito, ay medyo nahirapan akong ilabas ang anak ko. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Kenneth, at hindi niya ako pinabayaan hanggang sa mailabas ko na nga ang aking anak. "It's a healthy baby boy!" wika ng doctor. Muli

  • Accidentally Love You   Chapter 25

    Lumipas pa ang mga araw, naging linggo at buwan. Malapit na rin ang aking kabuwanan, kung kaya't hindi na ako pinayagan ni Kenneth na pumasok sa trabaho. Halos hindi na rin siya umaalis sa aking tabi. Minsan may mga araw na kailangan niyang lumuwas ng Maynila dahil ipinapatawag siya ng kaniyang Lolo at hindi niya hinahayaan na maiwan akong mag-isa sa apartment, kung kaya't pinapapunta niya si Winona rito. Katulad ngayon at wala siya, kaya si Winona ang kasama ko sa apartment.Nakonpronta ko na rin si Winona tungkol sa pagtira ko sa bahay ng Tita niya raw at iyon pala ay sa Lola ni Kenneth, na inamin din naman ni Kenneth sa akin noon. Limang taon na ang nakararaan simula noong namatay ang Lola ni Kenneth, ang ina ng kaniyang mommy. At ang kabilin-bilinan nito sa kaniya na alagaan ang bahay nito kahit wala na ito. Kung kaya't pinapaalagan niya pa rin ito sa trabahador ng Lola niya na si Mang Berto. "Alam mo, Jo. Sa mga na karelasyon ni Sir Kenneth dati, ikaw talaga ang nag-stand out,"

  • Accidentally Love You   Chapter 24

    Pumunta kami sa mall upang bumili ng damit na susuotin ko para sa opening ng isang branch ng KS Pasalubong Center. Magkahugpong ang aming mga kamay habang naglalakad kami papunta sa isang botique nang makasalubong namin ang isang babae."Kenneth?" tila gulat na tanong ng babae. "Oh my gosh, it's really you!" Sabay yakap nito sa kaniya na kaagad naman niyang pinigilan. "How are you? Kailan ka pa rito?" muling tanong nito nang nakangiti kay Kenneth kahit mukhang walang balak magsalita itong si Kenneth. Bumaling naman ang tingin ng babae sa akin na bahagyang nakataas ang isang kilay nito. "Who is she?"Kaagad na hinapit naman ni Kenneth ang baywang ko upang idikit ito sa katawan niya. "She's my wife!" malamig na wika nito sa babae.Tila nag-iba naman expression ng mukha ng babae dahil sa pagpapakilala ni Kenneth sa akin na asawa raw ako nito. Nais ko sana siyang pigilan ngunit pinisil nito ang aking kamay na tila nagpapahiwatig na sakyan ko na lamang ang naisipan nitong palabas kung k

DMCA.com Protection Status