“Alright,” pagkasabi niya non ay tumayo siya, inilapag niya sa side table ang tasa at 'saka humarap sa'kin, naubos ko ang binili niyang lugaw.
Naka-tingin ako sa kaniya habang umiinom ng tubig.
“Oh,” napababa ang tingin ko nang may ilapag siya sa side table. Ibinaba ko ang baso at nakita ko ang gamot don, “Inumin mo,” utos niya, tumango ako at kinuha ang gamot at 'saka ito ininom.
“Bakit mo ginawa 'to?” I asked him. Hindi naman niya gagawin 'to sa'kin. We're enemy. We hate each other.
“Don't get me wrong,” maangas na sabi niya, “It's a request,” dagdag niya.
“From whom?” nakakunot ang noo kong tanong.
“Ariana,” simpleng sagot niya.
I knew it. Ngumiwi ako sa kaniya at humiga sa kama.
“Hindi mo na dapat ginawa, kaya ko naman alagaan ang sarili ko,” pagdadahilan ko.
“If you can take care of yoursel
“Bakit ba sobrang tigas ng ulo mo?” naiinis niyang tanong, ang kamay ay nasa bewang ko pa din.“Ano na namang ginawa ko?” naiinis ko din na tanong.“Balak mo bang magpa-ulan? Hindi ka pa nga ganong gumagaling,” panenermon niya, nanay ko ba 'to?“Wala akong choice. Wala akong dalang payong,” pagdadahilan ko.“Stupid reason,” aniya at pinisil ang bewang ko dahilan para mapapitlag ako. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko.“Pwede ba bitawan mo 'yung bewang ko? Baka kung ano pang sabihon nila kapag may nakakita sa'tin dito,” bulong ko at luminga linga.“Wala akong pakialam,” mahinang bulong niya at ilang beses pinisil ang bewang ko. Malakas ko siyang hinampas sa braso at pilit tinanggal ang kamay niya sa bewang ko.“Ano pang ginagawa niyong dalawa dito?” narinig ko ang boses ni Ariana.Mabilis kaming napahiwalay ni Damon sa
Ibinalik ko ang litrato sa drawer, kinuha ko ang Laptop na nakapatong sa side table at mabilis na lumabas ng kwarto. Nakita ko ang tatlo sa sala na nanonood ng TV, napatingin ako kay Damon na seryosong naka-tingin sa TV, mukhang hindi naiintindihan ang pinapanood at parang may malalim na iniisip. Napakagat ako sa labi ko.Nang makababa ako ay pilit ko silang nginitian, "L-let's eat?" anyaya ko sa kanila at itinuro ang kusina."Let's go!" maligayang sabi ni Ariana at masayang pumunta sa kusina, sumunod sa kaniya si Marco at ang pang-huli ay si Damon.Tinignan ako ni Damon at inirapan 'saka dire-diretsong nagpunta sa kusina.Napasinghal ako, "Anong problema ng isang 'yon?" inis kong bulong sa sarili at 'saka sila sinundan.Kumuha ako ng apat na plato at nilagyan iyon ng carbona."Kain," masiglang sabi ko at 'saka umupo sa upuan, katabi si Ariana.Masayang kinuha ni Ariana ang tinidor at nagsimulang kumain. Tignan mo ang is
"Ang manhid mo.""W-what?" gulat na tanong ko at kinunutan siya ng nooNapa-nganga ako, eh?Parang may iba pa siyang ibig sabihin sa sinabi niyang iyon. Hindi ko lang matukoy kung ano, o baka naman naga-assume lang ako dahil wala naman talagang ibang ibig sabihin ang sinabi niya.Tumayo siya at kinuha ang t-shirt na suot niya kanina, ang t-shirt ng ex-boyfriend ko. Hinagis niya ito sa'kin na mabilis ko namang sinalo."I don't like that shirt," maarteng sabi niya, napairap ako.No one said you should like this shirt."Paki ko," mataray na sabi ko at humiga sa kama, hindi ko na maramdaman ang sakit sa paa ko."It's not that beautiful. It's not cool," ani niya, lumapit siya sa'kin at nagulat ako nang biglang siyang humiga sa tabi ko, "My shirt is more beautiful and cool," aniya at tumagilid 'saka ako tinignan.Nahugot ko ang hininga ko dahil sa sobrang lapit niya, "Are you wearing that?" mahinang bulong niya,
Tahimik lang akong naglalakad sa corridor nang marinig ko ang mga bulungan ng ibang estudyante.“Inalagaan daw ni Damon si Amber.”“Pano mo nasabi?”“Girl, may nakakita sa kanila sa clinic.”“Talaga? I'm so jealous, parang gusto ko ding magkasakit tapos magpa-alaga sa isang Damon allister? Ano kayang pakiramdam ng alagaan niya?”“Asa ka naman girl. Hindi ka aalagaan non.”Napa-irap ako. Sino naman kayang chismosa ang nagpakalat ng balitang 'yon? Panigurado ay may mga galit na naman sa'kin. Malamang ay sikat na 'ko sa buong campus. Tsk, I'm pretty sure na nag-aapoy na sa galit si Booby kung sakali mang nalaman niya 'yon.“Is it really true?” mataray na tanong ni Booby.Heto na nga ba ang sinasabi ko.“Ano?” mataray na tanong ko din sa kaniya. Lol, hindi ako magpapatalo noh.“Inalagaan ka ni Damon?” mataray
Nang mailapag ko ang bag ko sa sofa sa sala ay mabilis akong umakyat sa kwarto ko.Napa-buntong hininga ako, kung ano ano ang pinagagawa ko at kung saan saan ako pumunta maiwasan ko lang si Damon. Hirap na hirap akong umiwas dahil buong maghapon siyang nasa room.Pero hindi ko talaga yata siya maiiwasan ng tuluyan, tignan mo ngayon at kasama ko na naman siya, at nasa iisang bahay kaming dalawa.Pahirapan na naman ang pag-iisip ko kung paano ako iiwas sa kaniya.Sa tuwing umiiwas ako ay nandiyan naman siya sa paligid, pasulpot sulpot. Kung nasaan ako ay nandoon din siya. Hindi yata mabubuo ang araw ng isang 'yon kapag hindi ako nakita na naiinis o galit sa kaniya. Napaka-annoying.Umiling ako, gagawin ko na lang busy ang sarili ko para may dahilan ako para hindi siya kausapin ngayon.Mabilis akong nagpalit ng damit, kinuha ko ang laptop at dumiretso na pababa.Nakita ko sila sa sala na nanonood ng tv. I fake a cough. Buma
CHAPTER 17Natapos ang pag-uusap namin ni Damon na mabigat ang loob ko. Naguiguilty ako sa mga sinabi ko pero hindi ko naman na pwedeng bawiin 'yon, alam kong nasaktan siya sa sinabi ko, pero wala na 'kong magagawa para bawiin pa 'yon. Kahit na anong gawin ko ay nangyari naman na, tapos na.Tumingala ako sa mga malalaking puno habang naka-upo sa damuhan. Nandito ako sa lugar na hindi gaanong pinupuntahan ng mga estudyante. Napapikit ako, napakatahimik. I like this place.Siguro nga ay mabuti na rin na sinabi ko sa kaniya 'yon para tumigil na din siya sa panggugulo sa'kin. Tama rin naman siguro ang ginawa ko dahil ayoko na ng gulo. Ayoko nang madamay sa buhay ni Damon.Mabilis lang lumipas ang araw, pero para sa'kin ay napakatagal na ng isang araw. Biyernes na ngayon. Wala kaming klase dahil wala ang teacher kaya dito muna ako pumunta. This will be my favorite place from now on.Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Damon na
CHAPTER 18Halos mapapikit ako dahil sa lakas ng tugtog pagtungtong pa lang namin sa bahay ni Belle.Sa gate ay may mga bodyguard, kailangan pang magbigay ng invitation para makapasok.Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng lugar, malaki ang bahay nila Belle, moderno at maganda ang disenyo, sa gilid ng bahay nila ay may pool na puno ng dekorasyon. May mga pamilyar na mukha akong nakikita na nagsiswimming.May mga taong naka-party dress at mayroon ding nakaswim suit.Napabaling ang tingin ko kay Ariana na namamangha at ngiting ngiti habang tinitignan din ang kabuuan ng bahay, tignan mo ng isang ito, akala mo ngayon lang nakakita ng ganyang bahay, kumpara naman sa bahay nila at ni Belle ay tiyak na mas maganda ang bahay nila Ariana. Hindi din sinabi ng isang ito na pool party pala ito. Pero hindi ko na inintindi iyon dahil may mga naka-party dress din naman.Napakagat ang labi ko nang makakuha agad kami ng aten
CHAPTER 19Marahan kong iminulat ang mata ko nang maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, pero mabilis din akong napapikit at napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako ng kirot.Nang mawala ang kirot ay dahan dahan ko ulit iminulat ang mata ko. Umupo ako sa kama. Tinignan ko ang kabuuan ng paligid. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na nandito ako sa kwarto ko. Nandito ako sa mismong kama ko.”Anong nangyari? Bakit nandito ako?” takang tanong ko sa sarili, ipinikit ko ang mata ko para maalala kung anong nangyari kagabi.Ang naaalala ko lang ay uminom ako ng marami, pagkatapos non ay wala na akong maalala. Fucking shit.“Gising ka na pala. Masakit ba ang ulo mo?”“Oh My God!” mabilis kong naitakip ang kumot sa buong katawan ko at napa-sandal ako sa head board ng kama nang bigla kong marinig ang boses na 'yon.Nanlaki ang mata ko nang makita ko
CHAPTER 73Mariin akong pumikit, yumuko ako at sunod-sunod na umiling. I can't believe what's happening.Damon is here. He's fucking here!"Amber," narinig ko ang tawag ni Nikki sa'kin. Dumilat ako at tinignan siya."Nikki. I-I...." I don't know what to say. Marami akong iniisip, marami akong tanong noon pero ngayon ay nablangko ang utak ko. Walang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko."Amber," napabaling ang tingin ko kay Damon. He's calling me. It feels so real. His voice, I can't forget that voice. I missed that voice.I am not dreaming. I know it's not a dream. Kung sakaling panaginip man ito, h'wag na sana akong magising. I want to be with him again. Kahit sa panaginip na lang.Tinitigan ko siya. He's looking at me with different emotion. He's smiling but it doesn't reach his eyes.He's Damon, I am sure of that now, but
CHAPTER 72"What makes you think na papayag akong maging kaibigan kita?" Malamig na tanong ko.Even if we broke up, parang ang awkward naman kung magiging kaibigan ko siya sa kabila ng pinagdaanan naming dalawa.Nakita ko ang pag-iling niya. "I-I'm just hoping that we can be friends despite of the things that happened between us. I want to be your friend. Kahit ayun na lang. I-I will not force you again on things that you don't want, I promise" sambit niya, parang siguradong-sigurado siya na hindi niya talaga gagawin ang ipinangako niya.I sighed and slightly nod. "Pag-iisipin ko. Sa ngayon, let me rest, okay?" sambit ko. Nakita ko ang pag-tango niya kaya tumalikod na ako at lumakad paalis.Somewhat, may kung anong nabunot na tinik sa dibdib ko. Ramdam ko ang kaginhawaan sa pakiramdam ko. Buti na lang ay mabilis akong naka-alis doon. That house suffocates me. Kapag nandoon ako ay parang sumisikip ang dibdib ko. I can't stand that house and th
CHAPTER 71"What do you need?" galit kong tanong."You don't give me that kind of tone, Amber," aniya, may pagbabanta sa boses, napa-irap ako dahil doon."Kung tungkol sa engagement namin ni Aeron ang itinawag mo, h'wag ka na mag-abalang magsalita, hindi ako magpapakasal sa kaniya. Never," sambit ko, ibababa ko na sana ang tawag pero narinig ko ang halakhak niya. Nangunot ang noo ko dahil doon at napa-tingin ang sa nagtataka at naga-alalang mukha ni Jake at Nikki."Hindi mo ako tatanggihan, Amber. Now, go to my house, we will have a dinner with Aeron's fa
CHAPTER 70Naluluha akong tumitig kay Marco. Napanood ko kung paano nanlaki ang mata niya at bahagyang nataranta. Parang hindi niya alam ang sasabihin. Umiwas ako ng tingin at bahagyang natawa. He's lowkey funny."Why are you laughing?" he asked at umupo sa tabi koUmiling ako at mas lalong natawa. Nababaliw na yata ako. "Nothing," sagot ko at ngumisi."You look drunk," he said. Ramdam ko ang titig niya sa'kin."Really?" I asked and chuckled. "Hindi ako lasing," dagdag ko. Hindi ako lasing, nahihilo lang ako pero alam kong hindi ako lasing. "What are you doing here?" I asked him. Kinuha ko ang alak na nasa lamesa at ininom."Ako dap
CHAPTER 69It's been months since Damon left. Nothing new, it's still hurt, and I'm still waiting for him every single day.I sighed. I stopped crying everytime I remember him, but it still hurts. Kahit hindi lumuluha ang mata ko ay ramdam ko naman ang pagluha ng puso ko. It still hurt everytime I remember how he left me. Palagi ko ring naaalala ang pinagsamahan namin ni Damon.Yumuko ako. Walang araw na hindi ko naisip si Damon. Umaasa ako na isang araw ay babalik siya kaya patuloy ang paghihintay ko, umaasa ako na babalikan niya ako at magpapaliwanag siya sa'kin kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yon. Na aayusin niya ang problema sa pagitan namin. I'm hoping that he will pursue me again so he can fulfill his promises.But I don't think it's possible. Ilang buwan na siyang wala at hindi man lang niya ako tinatawagan o text man lang. May mga oras na gusto ko ng sumuko pero natitigil lang iyon dahil sa pagmamahal ko sa kaniya.I didn't know
CHAPTER 68It's been a week since Damon left but it felt like years.Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. I can't believe it. I can't accept it. Damon left me. He left me for what reason?I tried calling him multiple times but he's not answering. Lahat ng kaibigan niyang kilala ko ay hindi rin alam kung nasaan siya. Marco is my only hope, but like Damon I can't also contact him.Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa sobrang urat. Naghalo-halo ang emosyon at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. I don't know what to do or what to think anymore. Parang mababaliw ako dahil sa dami ng iniisip."Amber you should eat," rinig kong sambit ni Nikki at tumabi sa'kin.Naiiyak akong umiling. Sa nangyayari ngayon ay kahit pagkain hindi ko na magawa. Wala rin naman akong gana kaya hindi na ako nag-abalang kumain pa."You need to eat, isang linggo ka ng hindi kumakain. Magkakasakit ka niyan," wika ni Nikki, mahihimigan ang paga-alala.
CHAPTER 67Natulala ako at hindi nakagalaw. Pinoproseso ko ang sinabi ng babae.Kakaalis lang niya? Saan siya pumunta? What's his reason?"Salamat," sambit ko at mabilis na lumabas.Mabilis akong pumara ng taxi para puntahan ang bahay nila Damon. I need to go and see him. I have a bad feeling about this.Hindi ako mapakali habang nasa taxi. Talagang kinakabahan ako. Sana ay walang kung anong mangyari. I'm really worried.Nang makarating ay patakbo akong pumunta sa gate nila at nag door bell. Ang tagal nila magbukas ng gate. Hindi na ako makapag-hintay na pumasok kaila Damon.Gulat ang mukha nang maid nang makita ako sa labas ng bahay nila. She looks uneasy."M-Ma'am Amber," kinakabahang tawag niya. "Ano pong ginagawa niyo dito?""Hello po. Nandiyan po ba si Ariana?" I asked."U-uhh."Nangunot ang noo ko nang alisin niya ang tingin sa'kin. Parang hindi niya alam sng gagawin at sasabihin."Ma'am
CHAPTER 66Umuwi ako sa bahay nang umiiyak. Hindi matigil ang pag-luha ko tuwing naaalala ko ang nangyari. It hurts.Damon keep calling me but I have no strength to answer his calls. Sobrang nanghina ako sa nangyari at ang simpleng pagka-usap sa kaniya ay baka ikasakit ko lalo.How can he do this to me? Paano niya nagawang lokohin ako? habang ako ay walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin at intindihin siya? Isn't my love enough for him to be contented? Hindi ba sapat na ginawa ko ang bagay na makakaya ko para hindi niya ako gawan ng bagay na alam niyang ikadudurog ko?I did everything, but in the end, he still cheated.Buong gabi akong umiyak. Inilalabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko, pero kahit ilang balde yata ng luha ang lumabas sa mata ko hindi pa rin mawawala lahat ng hindi magandang emosyon na nararamdaman ko ngayon. I'm mad, sad and disappointed. I can't believed he cheated on me.Hindi ako naka-tulog. Sa tuwing p
CHAPTER 65Marahas kong pinunasan ang luha na lumandas galing sa mata ko. Damon don't deserve my tears. He's a fucking cheater.I can't believe what I discovered. Kung hindi pa ako pumunta dito ay hindi ko pa malalaman na niloloko niya ako. Tama nga ang hinala ko sa kaniya, hindi ako niloloko ng kutob ko. He cheated on me.He's having a relationship with someone while having a relationship with me.Nang makalabas ako ng hotel ay tsaka pa lang ako napa-upo ako at doon tuluyang humagulgol. What did I do to deserve this kind of pain? I know I did everything for him. Wala akong matandaan na ginawan ko siya ng masamang bagay na magle-lead sa kanya para saktan ako.I did everything. I love him truthfully. Wala akong natatandaan na pangyayari para mauwi kami sa ganito."Amber."Nagulat ako nang marinig ang boses na iyon. Agad akong nakaramdam ng matinding galit. Sinundan pa talaga niya ko? Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko at mara