CEO’S (DANNIE) POV
*TOK! *TOK! *TOK!
Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ko. Sinulyapan ko ang orasan ko, pumikit ako ulit nang makitang 6am pa lang. Hindi naman maaga ang meeting ko ngayon kaya gusto ko munang matulog ulit.
*TOK! *TOK! *TOK!
May kumatok ulit kaya nag-takip na ako ng unan sa tainga ko.
*TOK! *TOK! *TOK!
“URGH!” sabi ko bago tumayo at binuksan ang pintuan ko at bumalik ulit sa higaan ko.
“Sleepyhead! Wake up, Dannie!” rinig kong ssabi niya.
Hindi ko mabosesan kung sino siya dahil inaantok ako, nanatili pa rin akong nakapikit.
“I SAID, WAKE UP DANNIE!” sigaw niya sa tainga ko.
Napabangon ako bigla. Sumimangot ako ng makita kong nakangisi sa akin ang nanay ng nanay ko, si Grandma.
“Why are you here at my house so early?” tanong ko bago humigop sa coffee ko.
Nasa harap ko si Grandma nag-kakape rin, hindi umiimik. Tinuloy ko na lang ang pagbrebreakfast ko. Ano kayang ginagawa niya dito sa bahay ko ng ganito kaaga.
“Dannie, I'd like to have a grandchild,” masayang sabi niya,
Sa gulat ko ay naibuga ko ang kapeng ininom ko. Tumingin ako sa kaniya at seryuso siya sa sinabi niya dahil napakaseryuso niya habang nakatingin sa akin.
“I don't have time for that Grandma,” seryusong sabi ko sa kaniya.
“Yes, you have. Remember the girl at Hilton,” Sabi Niya.
Pinagdidiinan niya ang nangyari noong nakaraang buwan. Sana hindi na lang ako nag-kwento sa kaniya na wala akong maala sa nangyari ng gabing iyon.
“Enough Grandma, enough,” maalumay kong sabi.
Matampohin kasi siya kaya hanggat maari ay ayaw ko siyang nasisigawan. Lagi niya akong kinukulit sa bagay na ayaw ko. Tumahimik siya bigla at hindi na muling nag-salita.
Humalik ako sa noo niya at umalis na. maghahanda na ako para sa pupuntahan kong meeting ngayong araw.
Pagbaba ko ng sasakyan, lahat ng nadadaanan ko ay binabati ako. Tinataponan ko lamang sila nang tingin dahil wala ako sa mood.
Kasalanan ‘to ni Grandma. Ang aga-aga pinuntahan ako sa bahay ko at pilit akong kinukumbinsi na maghanap na ng asawa dahil baka hindi na daw niya maabotan ang magiging apo niya.
Nakakabadtrip! Kung hindi lang importante ang meeting na pupuntahan ko ngayon ay hindi na ako tutuloy pa.
Habang nag-lalakad ako papunta sa meeting room ay napansin ko ang babaeng may mga dalang folder at papers na pagewang-gewang kung maglakad na.
She looks familiar.
Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa naging lakad takbo para masalo siya dahil nakita kong pabagsak na siya. Buti naman at nasalo ko siya.
Nang makita ko ng malapitan ang mukha niya ay nakilala ko siya agad.
“It’s you,” sabi niya bago mawalan ng malay.
Ilang minuto akong nakatitig sa mukha niya. Bakit ngayon ka pa nag-pakita.
“What are you looking at, Take her to the nearest hospital,” utos ko assistant ko.
Maingat niyang kinuha sa mga bisig ko ang babaeng nahimatay, hindi ko alam ang pangalan niya.
“Update me,” utos ko bago siya umalis buhat-buhat ang babae.
Nagpatuloy ako sa meeting room at sinimulan agad ang meeting dahil nandoon na pala silang lahat, ako na lang ang hinihintay.
Malapit ng matapos ang pagpupulong nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Excuse me, if you don't mind?" sabi ko sa kanilang lahat, tumango naman sila bilang pagsang-ayon.
Pumunta ako sa gilid at sinagot ang tawag ng assistant ko “Tell me,” diretsahang sabi ko, hinahabol ko ang oras dahil nasa meeting pa ako.
“Sir, she’s pregnant,” sabi niya sa kabilang linya.
Sa gulat ay nabitawan ko ang cellphone ko. Hindi pwede, hindi pweding buntis siya sa anak ko. Hindi pa ako handing maging ama.
Sa galit ko ay tinapakan ko ang cellphone kong may nagsasalita pa.
Nagulat ang lahat sa ginawa ko pero wala na akong paki. Mabilis akong lumabas para pumunta sa hospital na kinaroroonan niya,
Habang nasa byahe ako ay pinakiramdaman ko ang sarili ko kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa nalaman ko.
Matutuwa ba ako dahil nasa sinapupunan niya ang anak ko. Magagalit dahil hindi siya ang gusto kong magdala ng anak ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko.
Nang makarating ako ng hospital ay ang bigat ng mga paa ko habang tinatahak ang daan patungo sa nasabing kwarto niya.
Ang bagal ko maglakad, ewan ko ba. Kinakabahan ata ako.
Nasa tapat na ako ng room niya pero nag-dadalawang-isip ako kung pipihitin ko ba ang door knob o hindi.
Pabalik-balik ako nang lakad sa harap ng pintuan ng room niya. Hanggang sa bumukas ito at lumabas ang isang nurse mula sa loob.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Grandma.
Hindi katulad kaninang umaga ay malawak ang ngiti niyang nakatingin sa akin. Bakit siya nandito? Paano niya nalaman? No wonder she’s the de facto head of our family businesses.
“Dannie, I’m glad you’re here,” sabi niya nang makalapit sa akin at yumakap.
Natulala ako sa babae nang makita kong nakatingin siya sa labas ng bintana, mukang malalim ang iniisip niya.
Humiwalay na sa pagkakayakap si Grandma sa akin.
“Anastasia, sweetheart. Dannie has arrived, and he is the father of your child.” Sabi Niya sa babae. Anastasia pala ang pangalan mo.
Naagaw naman ni Grandma ang atensyon niya kaya tumingin siya sa amin. Ang mata niya ay walang emosyon ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.
“Grandma, I don't believe this is the appropriate moment for it,” Sabi ko kay Grandma.
Kita ko sa mata niya na hindi pa siya handing pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.
“Don't tell me what I should or shouldn't do or say, Dannie,” maawtoridad niyang Sabi.
Napabuntong hininga na lang ako. Tumingin ulit ako kay Anastasia pero bumalik ulit ang tingin niya sa labas ng bintana.
Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa gilid dahil nangangalay na ang mga paa ko, kanina pa ako nakatayo sa meeting na pinanggalingan ko.
"I understand you we’re both surprised by what happened, but it doesn't bother me. I've made up my mind. Dannie, let's keep the kid and marry Anastasia," nakangiti pero maawtoridad niyang sabi.
ANASTASIA’S POV Unti-unti kong minulat ang mata ko ng makarinig ako ng boses. Nasaan ako? Linibot ko ang aking paningin at tanging puti lang ang nakikita ko. “You’re awake, how are you feeling?” nag-aalalang tanong niya at ipinasok niya sa bag ang kaniyang cellphone. Nagulat naman ako sa kaniya dahil bigla na lang siya sumulpot at nag-salita. Hindi ko siya kilala, hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Tinignan ko siya ng mabuti, ang gara ng kasuotan niya pati na rin ang amoy niya pang mayaman. Sino kaya ang babaeng nasa harap ko? “Hey, stop staring at me,” sabi niya. Natauhan naman ako kaya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ang tantya ko sa edad niya ay nasa 40 years old. “Sorry po,” hingi ko ng tawad at yumuko na. Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito. Nataranta naman ang babaeng kasama ko dito at nag-tawag ng nurse. Dumating naman ang nurse at cheneck ako. Matapos niya akong i-check ay ngumiti siya sa akin. Nakakapagtaka. “Misis ano pong nararamdaman niyo?” tanong
“Manong para po,” sabi ko sa driver nitong jeep na sinakyan ko. Tumigil naman ito at bumaba na ako. Tinanaw ko ang building na pinagtratrabahuan ko, medyo malayo ang pinagbabaan sa akin ngayon ni manong. Hindi kasi pwede magbaba sa tapat ng building namin baka daw magkaroon ng traffic. Ang daming alam, kahit saan ka naman pumunta ngayon ay traffic na. Nag-simula na akong maglakad dahil baka malate na naman ako, buti na lang at umayos ang pakiramdam ko habang nag-bibihis ako kanina. Habang nag-lalakad naman ako ay may nahagip ang mata ko kaya napatigil ako at unti-unting tumingin sa loob ng isang restaurant. Nag-init bigla ang aking ulo sa nakita. Kitang-kita ko ang saya at galak sa kanilang mga mukha, samantalang ako ilang buwan nang nag-dudusa. Marahas kong itinulak ang pintuan at pumasok sa loob. May mga napatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Nag-diretso lang ako sa pwesto nilang dalawa habang ang sarap ng higop nila sa kanilang mga kape. Nasa harap na nila ako pero hi
Maghapon akong umiyak nang makauwi ako hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Ito ako ngayon, nakaupo sa harap ng hapag-kainan pero wala akong gana kumain. Nakatulala lang ako sa labas ng aking bintana. Meron akong narealize sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Narealize kong wala na akong ibang maasahan kundi ang sarili ko na lamang. Sa nangyari sa akin, mahirap ng magtiwala akong muli. Napabuntong hininga ako ng makita kong hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko at tumutunog na rin ang tyan ko. Nagugutom na ata ang baby ko kaya kumain na ako kahit wala akong masyadong gana ay kumain pa rin ako. Pagkatapos ko kumain ay linigpit ko na ang pinagkainan ko. Habang naghuhugas ay naduwal na naman ako pero wala namang lumabas sa bunganga ko. Napasandal ako sa pader ng bigla akong mahilo. Unti-unti kong kinapa ang mga bagay na pwede kong masasandal hanggang sa nakarating ako sa kwarto ko at nahiga na. Ipinikit ko ang mata ko at nakaramdam naman agad ako ng antok. Araw-araw, tuwing uma
“Mama, mama wake up,” yugyog sa akin ng napakacute kong anak. Napangiti ako at unti-unti kong iminulat ang mata ko pero wala siya, anak ko nasaan ka? “Mama, mama please don't let me go,” umiiyak niyang Sabi. Umiiyak na rin ako. Gusto ko siyang hanapin para yakapin at patahanin pero hindi ko maigalaw ang aking katawan at nanatili akong nakahiga. “Anastasia,” may tumatawag sa pangalan ko. Napabangon ako bigla dahil pakiramdam ko ay parang nahuhulog ako sa walang kataposang bangin. Malalakas ang aking paghinga at napahawak pa ako sa aking dibdib sa bilis ng tibok nito. “Anastasia,” sambit niya sa pangalan ko at hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko ang kamay na humawak sa kamay ko, sinundan ko ito pataas hanggang sa makita ko kung sino ang may-ari ng kamay na iyon. “Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?” nag-aalalang tanong niya. Umiling lang ako habang nakatitig sa mukha niyang nag-aalala. Naramdaman kong may pinunasan siya sa pisnge ko, umiiyak pala ako. “Napaka iy
“We’re here,” basag sa katahimakan ni Dannie. Kanina pa kasi ako hindi kumikibo. Napapaisip kung tama ba itong nagawa kong desisyon. Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyang lulan ko. Namangha ako sa nakita. Ang laki ng bahay na nasa harapan ko ngayon. Sino-sino kaya ang nakatira sa mala mansyong bahay na ito. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng napakalaking bahay na nasa harap ko, napakasimple lang nito kung tignan. Hindi ko natuloy ang pagmamasid ng biglang may sumulpot sa likod ko at nagsalita, “I’m tired, Let’s go inside,” walang ganang sabi ni Dannie at pumasok na sa loob. Napasimangot naman ako, sinulyapan ko muna ang buong bahay bago ko siya sinundan papasok. Pero hindi ko aakalaing mas mamangha ako dito sa loob ng bahay, napakalinis at kumikinang ang buong paligid pwede pa akong magsalamin sa kinang nila. Napakamot ako nang makita kong nakatayo si Dannie sa hagdan at nababagot na nakatingin sa akin. “What?” maang-maangan kong tanong sa kaniya. Umiling lang siya at
"Good morning," bati sa akin ni Dannie ng makapasok siya dito sa kwarto ko. Ilang araw na siyang ganiyan ka sweet sa akin, iwan ko ba nasasanay na ata ako. Mag-iisang linggo na kaming magkasama dito sa bahay. Hindi na ako pinayagan pumasok sa trabaho ni Dannie simula ng muntik akong makunan pati na rin siya'y hindi pa pumapasok sa trabaho. Inaasikaso ako, kami ni baby, pakiramdam ko tuloy para kaming tunay na alam niyo na. Napangiti ako sa isiiping iyon. "Nababaliw ka na naman diyan, ngumingiti mag-isa," sabi ni Dannie. Hindi ko na lang siya pinansin at bumangon na para makapaghilamos ako at mumog. Pagkatapos ko maghilamos ay wala na si Dannie sa kwarto ko kaya nag-pasya na akong lumabas. Sumakay ako ng elevator pababa dahil pinagbabawal ni Dannie na gamitin ko ang hagdan pababa at baka madulas o mapagod raw ako sa taas ng kinaroroonan ng kwarto namin. Pagbaba ko’y binati ako ng mga katulong ng magandang umaga kaya binati ko rin sila. Hinanap ng mata ko si Dannie at ayon nasa gar
“Manang si Dannie po?” tanong ko sa nag-hatid ng pagkain dito sa taas.Simula kasi kaninang umakyat kami dito at may biglang tumawag sa kaniya’y hindi na siya pumunta dito sa kwarto namin.“Hindi ko pa po nakikita ma’am simula ng umakyat kayo dito sa kwarto niyo, wala po ba siya dito ma’am?” sagot naman ni manang habang isa-isang nilipag ang mga pagkain sa harap ko.Sinulyapan ko ‘yong mga pagkain na nasa hapag ko, masarap sila nakakatakam pero wala pa akong gana kumain.“Kanina po kasing paakyat kami dito sa taas may biglang tumawag sa kaniya, ah basta hayaan na lang po natin siya,” sabi ko at sumubo sa grapes na dala ni manang.Baka client niya lang ‘yong tumawag kaya nakalimutan niyang magpaalam sa akin bago ako iwan sa loob ng elevator. Wag na mag-over think Anastasia.“May kailangan pa po ba kayo ma’am?” tanong ni manang sa akin.Umiling ako at magsasalita na sana pero biglang tumunog ang elevator at bumukas ito.Nakangiti akong tumingin sa elevator na bumukas umaasang si Dannie n
DANNIE’S POV Nasa labas na ako ng bahay ko lulan ng sasakyan ko pero hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Ala ona na ng madaling araw ng makauwi ako galling sa condo ni Honey na kababata ko. Si Honey ‘yong tumawag sa akin ng nasa elevator kami ni Anastasia, ibinalita niyang nasa Pilipinas na siya. Matagal ko rin siya hinintay dahil sabi ko noon sa sarili ko bago siya umalis, pagdating niya aamin na ako na gusto ko siya at gusto ko siyang ligawan pero paano ko iyon magagawa kung meron na si Anastasia at ang baby namin na nasa sinapupunan pa lamang niya. Nang makita ko si Honey kanina dahil dumiretso ako sa condo niya pagkagaling ko sa trabaho halo ang naramdaman ko, masaya ako dahil nandito na ulit siya ang babaeng simula noong mga bata pa kami ay mahal ko na at the same time ay naguguilty dahil hindi ko masabi sa kaniya na mahal ko siya dahil kasal na ako kay Anastasia at magkakaanak na kami. Parang nahuhulog na ang loob ko kay Anastasia o sadyang nadadala lang ako dahil dob
Masayang naglalaro sa parke si Adah, Atarah at Taniel habang pinagmamasdan sila sa ‘di kalayuan ng kanilang ina na si Anastasia nang biglang may batang tumakbo palapit sa kanila. Tumigil ang bata sa kanilang harap at hindi umiimik. Nagtitigan sila ni Taniel dahil magkamukang magkamuka sila. Ang dalawang batang babae naman ay nagpapalitan ng tingin kay Taniel at sa kararating lang na bata sa kanilang harapan. Napatayo naman si Anastasia sa kinakatayuan niya sa pagkabigla at agad na lumapit sa kanilang apat. Umupo siya upang magpantay sila ng batang nasa harap niya na kamukang kamuka ng anak niyang si Taniel, oo tinanggap niya ng buong puso ang anak ni Honey sa kabila ng ginawa nito sa kanila. Walang kasalanan ang bata, ‘yan ang laging sinasabi ni Anastasia sa kaniyang asawa. “Hi handsome,” maalumanay niyang bati sa kamukang bata ni Taniel. Ngumiti ang bata sa kaniya at mas lalong pumogi ang batang lalaki. “Hi po,” magalang niyang sagot kay Anastasia. “Where’s your mother, littl
Fixed marriage? Uso pa ba 'yon? Hello? Mag twenty-twenty three na? I can't still believe that I am on this situation right now. Eto ako, nakaupo, nakaharap sa salamin. I am wearing my red dress now na mas nakaka paaninag sa aking kulay. Naghahanda papunta sa isang sikat na restaurant dito sa Quiapo Manila. Naghahanda para makapagkita kami ng aking hindi pa nakikilalang mapapangasawa. Oo, ikakasal na ako sa taong di ko pa nakikilala. Ni litrato niya man lang ay hindi ko pa nakikita. May kumatok sa pintuan ko ng tatlong beses bago bumakas ito. Bumungad si Mommy. “Are you ready baby?” masayang tanong niya sa akin. “Yes po mom” masayang sagot ko rin. Pero ang totoo, masaya nga ba ako? Sabagay wala naman akong kasintahan na masasaktan pag kinasal ako wala na akong balita sa kaniya. “We will wait you outside baby.” paalam niya bago lumabas ng kwarto ko. --Sa loob ng Restaurant- "Hi, ija come here!" bati ng isang napakagandang ginang sa akin, Katabi niya din ang asawa nito. Kaibig
Nagising ako dahil bigla akong nakaramdam na hindi ako makahinga ng maayos. Sinulyapan ko ang mga kasama ko dito sa loob ng hospital room ni Adah at mahimbing silang natutulog lahat. Nakahiga sa sofa isang si Atarah samantalang nakaupo namang tulog si Yhael.Naalala kong last na ‘yong gamot ko kaninang tinake ko kaya nagmamadali akong lumabas at hinanap ang family doctor namin.Nakahawak ako sa pader habang naglalakad patungo sa office niya. Pero hindi ko na talaga makayanan kaya natumba na ako at bago ako pumikit ay may nakita akong isang pamikyar na muka. “John,” ani ko bago nawalan ng malay. Nagmulat ng mga mata si Yhasy at napagtanto niya na nangyari na ang hindi niya inaasahang pangyayari. Sa kanyang panaginip, nakita niya ang mukha ng kanyang kaibigang si John na siyang yumao dahil sa malubhang sakit. Nalungkot siya nang mapagtanto niya na hindi na nila mabubuo ang kanilang mga pangarap para sa kanilang mga kinabukasan.Ngunit nang pagsapit ng umaga, natuklasan ni Yhasy na
Mabilis naman akong nakarating sa pinaka malapit na Mall. Pumasok na ako agad. Naglakad lakad muna ako sa loob ng Mall. Nang biglang may tumawag. Unknown number. Tinitigan ko muna bago ko sinagot. "Sino naman kaya ito? Kabago-bago ng number ko ah!" Nagitla naman ako ng magsalita ang tumawag sakin "Hello it's me Yhael. I get your number to Atarah. I don't know where you is so I get it to her" ani niya. Umirap na naman ako sa hangin. Atarah. Magbabayad ka talaga! "Then?" tanong ko. "I'm here. Where are you?" tanong niya. Nag-isip naman ako kung ano ang gusto kong kainin. At nagliwanag ang mga mata ko ng maisip kong… "Kita na lang tayo sa Jollibee!" ani ko. Kahit pilit kong itago ang saya ko ng banggitin ko ang Jollibee hindi ko mapigilan eh.Kaya binaba ko na ang tawag niya. After how many years makakakain na rin ulit ako. Ganado akong naglakad papunta sa Jollibee. Nauna akong makarating doon sa kanya pero ilang minuto lang ay dumating na rin siya. "Let's go! Ikaw na
"Y-you!" Malakas na sigaw niya sakin. Inirapan ko lang siya. "Anong you! ka jan! You know her? You know each other?" Nagtatakang tumingin sakin at ibinalik sa lalaking nasa harap ko. "No!" sabay na sagot namin. "Huh? Why you act like that!?" Tanong niya sa lalaking nasa harap namin. "Siya ang bestfriend niyo ni Adah?" At tinuro pa ako "Ummm" tango-tangong sagot ni Atarah. Tulala siya habang nakatingin sakin. "What the!" ani niya. "Atarah! I want to eat dessert! If youre done talking to that man. Let's go!" ani ko. Nauna na akong naglakad pero ng makatapat ako sa lalaking iyon.Bumulong ako sa kanya. "Very Nice meeting you again Yhael" malambing pero sarcastic tone. Nakita ko naman ang pagkagitla niya tulad kahapon. "Hahaha" Siya yong Nambadtrip kahapon habang hinahanap ko ang ballpen ko. Napatakip ako sa bibig ko. "My ballpen!" lumingon ako kay Atarah at patungo na siya sakin pero kasama niya 'yong Yhael. Hinintay ko silang makalapit.Tumingin ako sa watch ko and its al
Bumangon akong masigla. Dahil sapat na sapat ang tulog ko. Kahit 'di ko nahanap iyong ballpen ko. Sabi naman kasi sakin nila Adah at Atarah na tutulungan nila akong hanapin iyon. Iniiwasan ko rin namang wag masyadong mag-isip at magdibdib para 'di umatake itong pesteng sakit ko. Baka tuluyan akong mag Homeschooling. Pagkatapos ko maligo at magpalit bumaba na ako. Isinama ko na mga gamit ko sa pagbaba. Nakapalit na rin naman ako eh. Pagkababa ko. "Good morning!" ani ko. "Good morning, too! Ang aga natin ah?" Nakangiting bati sakin ni Atarah. 'Di ko na lang siya pinansin. At umupo sa isa sa mga upuan dito sa kusina. Sakto namang pababa na si Adah. "Good morning! Wow! Ang aga natin Yhasy ah?" bungad ni Adah. "Tsk!" Bakit ba ang big deal sa kanila na maaga akong nagising at bumangon? Nakakabadtrip lang! "Easy Yhasy." Nakaharang pa ang kamay niya sa mukha ko. Inirapan ko lang si Adah. Pumunta siya sa sala at may inayos Tsaka bumalik dito sa kusina at nagpaalam naman itong mali
"Asan na ba 'yon?" Nawawalan na ng gana kong sambit dito sa ilalim ng punong tinambayan ko kanina. Kanina pa ako rito. Pagkatapos namin mag-usap ni lolo kanina. Dumeretso ako sa klase ko. Pagkatapos naman ng klase ko dumeretso na ako dito. Four (4) pm kami pinalabas at mag si-six (6) pm na. Andito pa rin ako. Mag dadalawang oras na ako rito kakahawi sa mga dahon at sa mga malilit na sangang narito. Wala pa rin. Hindi ko makita. "What are you doing?" "Ay kabute!" napatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko. bumibilis na naman 'yong tibok niya. Iba na naman nararamdaman ko. Pabigat ng pabigat. "Kabute?!" Nakataas isang kilay niyang tanong. Naitakip ko naman ang isang kamay ko sa bibig ng maalala 'yong sinabi ko. Inalis ko rin lang ito. Dahil hindi ako makahinga lalo. Iba na talaga nararamdaman ko. "Tss! K-Kung 'di mo kasi ako ginulat 'di ko mabubulalas 'yon sayo 'no! Umft!" Salabong ang kilay ko ng sabihin ko ito. Pinipilit maging mat
Nahulog ko 'yong ballpen kong nilalaro ko. Nang biglang tumunog 'yong cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko. At walang ganang pinindot ang 'answer'.Itinapat ko naman ito sa tainga ko. Hinintay kong mag salita ang sa kabilang linya. Unknown number eh. "Hello?" Hindi ko mabosesan ang nagsalita sa kabilang linya. Kaya hindi pa rin ako kumikibo. "Can I speak to Ms. Yhasy Lee?" 'John??' Pinatay ko ka-agad. In-off ko na rin para 'di na siya makatawag pang muli. Kinabahan ako doon ah. Kinalma ko muna ang sarili ko. At nang maramdaman kong ok na ako. Tsaka ako tumingin sa relo ko. 4 minutes na lang. Mag s-start na ang klase ko. Dali-dali akong bumaba at patakbong naglakad. Papunta sa building ko. Nasa labas pa lang ako ng building ko. Nang maramdaman kong nahihirapan akong huminga. Kaya tumigil ako at umupo sa mga bench doon. Habol ko na naman ang paghinga ko. 'Yhasy naman kasi. Bakit lagi mong nakakalimutan'g ang bilis mo mapagod?' Sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko agad sa bag ko 'y
Pagkatapos ng pagpapakilala ko. Nagdiscuss na si Ma'am. Pero di ako masyadong naka-concentrate. At kung bakit? Ang kulit nitong katabi ko +_+.Kinukulit ako simula nung magdiscuss si Ma'am.Like: kamusta na raw ako? Magkwento raw ako ng mga karanasan ko simula nang nag-college ako, kung may Boyfriend daw ba ako?, at maramiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii pang iba. Pero ni isa sa mga sinabi niya wala akong sinagot. Iniirapan ko lang siya.'HayI wish. Matapos na magdiscuss si Ma'am para makaalis na ako rito.' After 11 years. "That's all for today. Goodbye class!" 'SA WAKAS!' ngiti-ngiti akong lumabas ng classroom. Napatigil ako sa paglalakad ng may tumabi sakin. At nawala ang ngiti saking labi nang.. "Sabay tayo maglunch? =)" 'Naman! "Sorry kasabay ko mga bestfriends ko" "Bestfriend mo rin naman ako ah?" 'Ang lakas ng loob mo sabihin yan John!' " Noon 'yon. Hindi na ngayon! Di mo natatandaan yang sinabi mong yan sakin noon John?" Biglang lumungkot mukha niya. At yumuko. "I have t