"Hindi ah, wala naman akong sinabing uuwi tayo at maaga pa naman para umuwi. Ang sakin lang kung hanggang ssan aabot itong pagra-ride natin," ani pa ni Troy sabay umupo sa aking tabi "Ah ganoon ba. Um, siguro kapag nagyaya ka ng umuwi e'di hanggang doon na lang ang pagraride natin," palakas na boses na pagsabi ko sabay tumawa.Napatigil naman siya at bigla na la g din napatawa. "Nakatuwa ka talaga nagawa mo pang magbiro ha. Mahaba pa itong araw at marami pa tayong gugugulin na oras sa pagra-ride natin. Kaya lubos lubosin na natin itong pagra-ride natin na magkasama tayong dalawa," "Ikaw kasi, ikaw kaya ang unang nagtanong sa bagay na iyan," wika ko pa sabay huminga ng malalim habang ngumingiti sa kanya. "Sabagay nga naman sa susunod na araw kasi balik trabaho na naman at matagal tagal din bago ako makapag-ride ulit," dagdag ko pa sabay tingin sa mga tanawin."Bakit kailan ba magsisimula ang trabaho mo? I mean kailan ang balik mo nang General Santos?" Tanong pa ni Troy na tila may ka
"Maiinit nga kaya naghubad ako ng suot ko pang-itaas," ani pa ni Troy sabay tiningnan ang kaniyang katawan."Kaya nga," maikling sabi ko sabay lunok ng laway.Ilang saglit pa ay sunod naman na hinubad ni Troy ang kaniyang suot na na pang-ibabang saplot. Hanggang sa boxer na lang ang nitirang suot niya na siyang agaw pansin sa akin ang nakaulbo nitong private property niya."Oh my God Troy.. no no no!" Mahinang boses na pagsabi ko habang napapaisip sa isang masilang bagay na siyang hindi pa ako ready na maganap ulit. " Why? What? may problema ba Kristina?" Palakas na gabing ngita sa akin sabay tiningnan ako sa aking kinatatayuan na siyang nakanganga ang bibig at tulalang nakatingin sa kanya."I said no!" Sabay pikit ng aking mga mata. "No, I can't! Hindi pa ako ready sa second batch Troy. Maybe in the other time or day or whatever. Basta ayoko muna ngayong. I'm not yet ready," bulong ko pa sa aking sarili habang patuloy lang sa pagpikit ng aking nga mara at panginginig dahil sa kaba
Mayamaya pa ay dahan-dahan siyang tumingin sa akin hanggang sa 'di niya na kayanan at lumapit siya sa akin.Nang makalapit sa akin si Troy ay dama ko na agad na mayroon siyang gagawin sa akin. Sa kilos niya pa lang at paraan ng kaniyang reaksyon at pagtitig sa akin ay alam kong gusto niya akong halikan.Mayamaya pa ay hinawakan ni Troy ang aking labi habang siya'y kagat labing nakatitig sa aking mukha.Ang kanang kamay niya naman ay naramdaman kung dahan-dahan na humahawak sa aking bewang. Kasunod nito ay ang pagdikit niya ng kaniyang hubad na katawan sa aking katawan.Napapikit ako sa ginawa ni Troy sa akin na tila parang napapaisip ako kung hahayaan ko na lamang ba siya sa kaniyang ginagawa ngayon sa akin o pahihintuin ko siya at lalayo ako sa kanya.Mayamaya ay nanginig ang aking batok dahilan sa nakakiliting paghalik-halik ni Troy sa aking taenga. Hanggang sa inilapit na niya ang kaniyang mukha sa akin at gayon din ang paglapit ng kaniyang labi sa aking labi."Hahalikan na ba ak
"Um, Mom, Dad nandito na pala si Troy sinusundo niya na ako. Nandoon po siya sa labas ng gate saglit lang po at papuntahin ko siya rito.Agad ko namang pinapasok si Try sa loob ng bahay namin upang pormal niya akong ipagpaalam sa magulang ko na pumunta sa bahay nila."Magandang gabi po Tito at Tita. Nais ko po sanang yayain si Kristina na pumunta sa bahay namin ng sa ganoon ay mapakilala ko po siya sa aking lolo. Ako po ang mananagot sa lahat oras na may mangyari sa kanya," saad pa ni Troy sa aking mga magulang na halatang pinaghandaan ang kaniyang pagpapaalam sa kanila patungkol sa kaniyang pagyaya sa akin na pumunta ng bahay nila.Napaka-gentleman ni Troy ng kausapin niya ang mga magulang ko ng gabing iyon."Kung ganyan ba dapat ay walang problema. Total iho parang naging matalik na nga kayong magkaibigan ng anak ko ay papayagan ko siya na pumunta sa inyo. Kilala kana naman namin at alam kong mapagkakatiwalaan ka," wika pa ni Daddy na halatang malaki ang tiwala kay Troy."Daddy nama
"Um, siguro. Pero iwan ko lang kung napapansin niya ako," sabay huminga ng malalim."Bakit naman?" Tanong ko pa sa kanya habang nagkukunwari na walang alam sa kaniyang tinutukoy na tao.Huminga ulit ng malalim si Troy habang kumukuha ng bwelo sa kaniyang sasabihin sa akin."Mahal ko na siya Kristina at nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Actually, hindi pa talaga kami lubusang magkakilala subalit sa pakiramdam ko ay matagal na matagal na kaming magkakilala. Close na nga kami sa isat-isa," paliwanag pa ni Troy habang idinidiin na sana ay makuha ko ang punto niya."Mabuti naman kung sa ganoon. E 'di ligawan mo na siya bag pa iyan makuha ng iba," ani ko pa sabay lunok ng laway.Napatil siya at natagalan bago pa siya makapagsalita muli. "Pwedi ba kitang ligawan?" Palakas na boses na pagsabi ni Troy sabay titig sa aking mukha.Napatigil ako at nagulat sa naging sinabi ni Troy. "Ha? Ah loko ka talaga Troy dinadala mo pa ako sa mga biro mong iyan tumigil ka nga diyan," wika ko sabay napatawa
Nang makalabas ako ng restaurant ay agad kong sinagot ang tawag ni Troy at tsaka kinausap siya sa cellphone.Dahil sa puros glass ang paligid nang restaurant na pinasukan namin ay makikita ako ni Mike kung anong magiging kilos ko at reaskyon habang nakikipag-usap sa cellphone.Tila napansin ako ni Mike na masaya at nakangiti habang nakikipag-usap sa cellphone.Mayamaya lang ay bumalik na ako sa loob ng restaurant matapos ang usapan namin ni Troy."Pasensya kana Mike ha, napatagal yata ako sa labas," sabi ko kay Mike sabay umupo sa upuan at lapag ng cellphone sa mesa."Ah hindi naman. Um, sino ba ang kausap mo sa phone? Mommy mo or Daddy mo?" Pagtatakang tanong ni Mike sabay pahid ng tissue sa bibig niya."Ah hindi," maikling sabi ko sabay inilagay sa aking bag ang phone ko."Ah eh sino ba? Anyway Kristina may sasabihin sana ako sa iyo actually matagal ko na sanag sabihin sa iyo ito na ma_," biglang napahinto at napatigil ang pagsasalita ni Mike ng bigla akong sumulpot."Si Troy ang bo
Napahinto naman si Mike at tiningnan ako ng matiim. "Umiiyak ka ba Kristina?""Ikaw kasi eh," sabay pahid ng tissue sa aking lumuluhang mata.Natigilan si Mike at tila napapaisip."Halika nga rito. Payakap nga,"Agad akong lumapit sa kanya at walang alinlangan na niyakap siya nang mahigpit."Hindi man humantong ang pagkakaibigan natin sa pagmamahalan ngunit mananatili ka pa rin sa puso ko Kristina. Kahit na magkaibigan lang tayo ay tatanggapin ko basta hindi lang mawala ang ating pinagsamahan dalawa," sabay niyakap ako ng mahigpit."Ikaw talaga Mike oh. Makakita ka rin ng babaeng mamahalin mo at mamahalin ka ng sobra 'yung babaeng deserving para sa'yo . Maghintay ka lang at darating din iyon," mahinahong pagsabi ko sa kanya sabay pagsandal ng aking mukha sa kaniyang balikat."Well sana nga," "'Wag kang mag-alala bukas na bukas hahanapan kita," biro ko pa sa kanya sabay tawag ng kunti."Nagbiro ka pa talaga," at napatawa na lang din siya."Totoo naman ah,""Basta kapag nalamang kong n
Mayamaya pa ay tinitignan niya ako sa aking mga mata habang dahan-dahan na ibinababa ang kaniyang suot na brief. And then kunti na lang sana at ma re-reach na niya ang pinakadulo ng kaniyang distinasyon ng biglang may tumawag sa telepono dahilan upang mapatigil siya sa kaniyang ginagawa."I think I have to answer the phone call, first," mahinang boses na pagsabi ko sabay tinitigan siya sa kaniyang mukha na halata ang pagkainis dahil dito."What the_, bakit ngayon pa?" Halata ang kaniyang pagkagalit at pagkainis dahil sa naudlot nitong ginagawa.Hindi na naipagpatuloy ang aming ginagawa ni Troy dahilan sa kailangan kong sagutin ang tawag sa telepono.Inayos ko na lang ang suot kong palda at tsaka marahan na sinagot ang tawag sa telepono.Matapos ang aking pakikipag-usap sa telepono ay nadatnan kong nakaupo si Troy sa sofa habang nakakagat labi ito at matiim na nakatitig sa aking mukha papunta sa aking dibdib kung saan bra lang ang suot kong saplot pang-itaas."I think I have to shower,
Ilang oras ang pananatili ko rito dahil sa paghihintay ko sa paglubog nang araw at mayamaya lang din ay tila nagsisimula nang lumubog ang araw.Habang nakatitig ako sa ilog ay may napansin akong isang anino ng lalaki na naka-refelect sa tubig. Nagtaka ako kung kaya't dahan-dahan akong lumingon.At paglingon ko ay hindi ko inaasahan na makikita si Troy na siyang nakatayo sa aking likuran.Nabigla ako at nagulat lalo pa alam kong hindi pa siya nakagising mula sa kaniyang mahabag pagkawala ng malay at iyon nga ay nagpapagaling pa siya. Subalit ngayon ay nandito siya sa Laguna mismo sa aking harapan na siyang labis kong ipinagtaka."Na istorbo ba kita?" Mahinahon na tanong ni Troy habang may ngiti sa kaniyang mga labi.Napatigil naman ako habang tulala lang dahil sa hindi makapaniwala na nandirito siya ngayon."Nandito ako para humingi muli nang patawad at pasensya sa iyo Kristina. It's been a long time na hindi tayo muli nagkausap since the accident happened," wika pa ni Troy sabay hawak
"And I was surprised nang matuklasan kong your ex-girlfriend Savannah ay siya pa lang kinaaabalahan mo. At gusto mo pa bang malaman ang mga further information na natuklasan ko?" Sabay pinukol ko siya ng masamang tingin habang napatawa ako ng kunti kahit alam ko namang napipilitan lamang ako."I saw you and your ex-girlfriend Savannah na naghahalikan at gumagawa ng kababuyan! Gusto mo pa bang malaman ang lugar at panahon? It was Sunday in the afternoon at San Carlos St. Kung saan nagawa niyo pang mag renta ng isang private house para magawa niyo lang ang mga kababuyan niyo ni Savannah! Gusto mo rin ba na malaman kung paano ko iyon nalaman? Obviously sinundan ko si Savannah sakay ng kaniyang sasakyan at hindi ko inaasahan sa aking buhay ang aking makikita at matutuklasan doon! And now tell me, iba ka ba sa lahat ng lalaki Mike? Matino ka ba katulad ng pagkakasabi mo noon sa akin?"Natulala naman si Mike habang hindi alam ang kaniyang sasabihin at ipapaliwanag sa akin. Mayamaya pa ay hu
"Diyos ko 'wag naman sana magkatotoo itong iniisip ko ngayon. Sana ay mali lang ako ng iniisip 'wag naman sana umabot pa sa puntong magkakaroon ulit ako ng trauma. Ikaw na lamang ang bahala," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim habang balisang balisa na.Ilang saglit pa ay nakita kong pumasok sa isang private house si Savannah kung kaya't pinahinto ko na lamang ang aking sasakyan lalo pa at makikita nila ang aking pagpasok doon.Humanap muna ako ng magandang pagtaguan ng aking sasakyan upang hindi nila ito makita. At nang makahanap na ako ng magandang lugar na pagtaguan ng aking sasakyan at agad akong tumungo sa entrance ng private house na pinasukan ni Savannah.Wala namang ka tao-tao ang lugar na ito pero bakit naririto ngayon si Savannah. Ano naman ang gagawin niya rito, imposibli naman na pupunta siya rito ng mag-isa. Siguro ay may taong nag-aantay sa kanya sa loob ng private house na ito.Mayamaya pa ay napaisip ako sa aking gagawin upang makapasok sa loob ng h
Mayamaya pa ay um-order na sila Savannah kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na hindi ko kilala.Pinagmamasdan ko lang sila habang sila'y abala sa pakikipag-kwentuhan sa isat-isa.Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang order. Um-order sila ng aming specialty na main dish which is Spicy buttered chicken."Wow it looks like delicious!" Sabi pa ng isa sa mga kasamahan ni Savannah.Nang magsimula na silang kumain ay biglang tumayo si Savannah sa kaniyang kina-uupuan at sabay nagpatawag ng isang waiter.Sa paraan pa lang ng kaniyang pagkilos at reaksyon sa kaniyang mukha na makikita ay halatang may hindi ka nais-nais diri.Agad naman na pumunta ang isa sa mga waiter ko at hinarap si Savannah."Yes ma'am what can I do for you?" Mahinahon na pakikipag-usap ng waiter sa kanya."Yet the food is so delicious but what the f*ck ! It's very spicy which I hate it and I don't like to eat!" Reklamo pa ni Savannah sabay napataas ang tono ng kaniyang boses."Nako I'm sorry for that ma'am but your
Kahit na may problema akong kinakaharap ngayon sa relasyon namin ni Mike ngunit bigla ko na lamang itong nakalimutan dahil sa aking excitement na naramdaman nang marinig ko ang pangalan ni Troy.Bago ako tumungo nang ospital ay dumaan muna ako sa mga bilihin ng mga prutas upang dalhin kong pasalubong para kay Troy doon sa ospital.Pagkatapos nu'n ay agad na dumiritso ako sa ospital. Pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto ay tila nagtaka ako kung bakit wala rito ang Mommy ni Troy o mga kamag-anak niyang pweding bumantay sa kanya subalit kailangan talaga na may taong babantay sa kanya rito.Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at baka lumabas lang ng kwarto at may inasikaso pa.Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni Troy at dahan-dahan na inilapag sa mesa ang aking dalang prutas para sa kanya.Habang nakatayo ako sa kaniyang tabi ay dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang maamong mukha. Pinagmamasdan ko siya ng mabuti habang mayroong tuwa sa aking mukha na makikita."Hindi na ako
Sa hindi ko inaasahan na mangyari ay makikita ko si Mike sa daan na sakay din ng kaniyang sasakyan na siyang patungko sa San Carlos St. Which is labis kong ipinagtaka.Hindi kasi nagpaalam sa akin si Troy na may lalakarin siya ngayon ngunit nakasanayan niya naman ang magpaalam sa akin bago siya tumungo sa ibang lugar. Maliban na lang sa araw na ito ay wala talaga siyang pasabi sa akin na pupunta pala siya ng San Carlos St. Sa hindi ko alam na dahilan."Wait? San Carlos St.? Ano naman ang gagawin ni Mike doon at bakit hindi siya nagsabi sa akin patungkol sa kaniyang pagpunta sa lugar na iyon?" Pagatatakang tanong ko sa aking sarili habang napapaisip ng husto.Balak ko sanang sundan si Mike subalit naipit ako sa traffic lalo pa at rush hour na kung kaya't hindi ko na lang nagawa ang aking balak na sundan siya roon.Tinawagan ko siya sa kaniyang cellphone subalit hindi niya naman sinasagot. Ang labis na ipinagtataka ko lamang ay kung bakit alas singko na nang hapon ay pupunta pa siya sa
"Nako wala iyon. Although meron naman siyang naging girlfriend before but never ni isa sa kanila ay may binaggit siyang pangalan at ipinakilala sa amin na girlfriend niya bukod sa iyo. Ikaw lamang ang babaeng narinig namin na binaggit niya at ipinakilala sa amin na girlfriend niya," wika pa niya sabay huminga ng malalim habang napatingin sa malayo.Tila hindi naman ako makapaniwala sa aking nalaman. Ngunit ipinadama lamang ni Troy sa akin na napaka-espesyal ko pa lang tao para sa kanya. Hindi ko lubos na akalain na kahit wala na kami ni Troy ay nanatili pa rin pala akong espesyal na tao para sa kanya.Ang dating Troy na kilala ko na maraming babae at nakarelasyon ko noon ay siya rin pala ang magpapadama sa akin ng ganitong kasarap na pakiramdam.Hindi ko na muna sinabi at ipinagtapat sa Mommy ni Troy gayon din sa kaniyang pamilya ang totoong status sa relasyon namin ngayon.Hindi ko ipinagtapat sa kanila na matagal na kaming wala ni Troy at ngayon ay may iba na akong boyfriend sa kasa
Paulit-ulit man na sakit ang kaniyang ginawa sa akin noon lalo na ang traumang ibinigay niya sa akin. Ngunit nanlalambot pa rin pala itong puso ko pagdating sa kanyaAt kanina sa aking mga sinabi na hindi ka nais-nais para kay Troy ay nadala lamang ako sa aking emosyon at galit sa kanya. Dahil paulit-ulit na sumasagil sa aking puso ang kaniyang kasalanang ginawa sa akin noon. Ngunit hindi ko aakalain na mas titimbang pa rin talaga ang aming masayang napagdaan noon at kung paano kami nagmahalan noon.Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa nakaupo akonm sa sahig dulot ng labis na sakit dito sa aking puso.Gusto ko sana na yakapin si Troy nang mahigpit dahil sa matagal akong nangulila sa kanya subalit pilit kong pinipigilan ang aking sarili na maging malambot sa kanya. Mahirap man ngunit kailangan ko iyong gawin at kailangan kong ipakita sa kanya na wala nga siyang papel dito sa aking buhay. Na wala na akong pakialam sa kanya at wala nang natitirang pagmamahal pa.Gusto kong ipakita sa
"Tama na siguro ang nagkita tayo kanina, wala ng dahilan pa para muli tayong magkita ulit o magkausap man lang. Masaya na ako ngayon sa piling ni Mike at magiging masaya na rin ako para sa iyo Troy," pangiting sabi ko pa sabay huminga ng malalim.Mayamaya pa ay pinutol ko na ang aking pag-iisip patungkol kay Troy at napagdesisyonan ko na lamang na magbihis upang ako'y makatulog na.Magbibihis na sana ako ng mga sandaling iyon ng may narinig akong kaka-ibang ingay sa labas ng aking kwarto na siyang umagaw sa akin ng atensyon. Kung kaya't hindi ko naituloy ang aking pagbibihis at napag-isipan ko na muna na lumabas ng aking kwarto upang tignan ito.Lumabas ako ng kwarto na nakatapis lamang ng tuwalya habang napapaisip sa ingay na aking narinig kanina.Nang makalabas ako ay tila biglang huminto ang ingay na aking narinig. Tila parang wala namang kaka-iba rito kung kaya't bumalik na lang ako papasok sa loob ng aking kwarto. Hanggang sa isang beses ay may narinig akong may parang bumukas ng