"Troo.. Trooy is that you?" Palakas at pautal kong pagsabi habang hindi mapakali sa aking sarili dulot ng labis na pagkagulat at hindi makapaniwala."Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Pangiting tanong ni Troy sabay tumawa dahil sa naging reaskyon ko."Anong ginagawa mo rito bakit ka nandito?" Palakas na boses na tanong ko sa kanya sabay tingin sa ibang pasahero. "Eto sumasakay ng eroplano," maikling sagot ni Troy habang panay lang sa pag-ngiti sa akin."Oo nga . Teka lang bakit nga ba? Saan ka ba pupunta ha? Sinusundan mo ba ako?" gulat at pagatatakang tanong ko sa kanya sabay napapaisip ng husto."Saan ba ang punta eroplanong sinsakyan natin?" Tanong pa niya sabay tinitigan ako sa aking mga mata."Sa Laguna," maikling sagot ko sabay napapaisip."E'di sa Laguna ang punta ko," wika pa ni Troy habang panay lang sa pag-ngiti at pagtawa habang kinakausap ako."Teka lang, hindi ba't isa kang Piloto at nagtatrabaho sa eroplano? Eh bakit_?"Nag-leave muna ako sa trabaho. Dahil magbabakasy
"Oh ganoon ba, bakit ka nga pala nandito. Tila para yatang nababasa ko na mayroon kang sasabihin sa amin ng Dad mo?" Sambit pa ni Mom na tila napapaisip ng husto."Um, sa katunayan po Mom ay magpapaalam po sana ako sa inyong dalawa ni Dad sa aking gagawing pagra-ride mamaya. Kung iyon po ay ayos lang sa inyo, total matagal tagal din namang akong hindi nakapag-ride hindi po ba?" Ani ko pa na tila may pag-aalinlangan.Napatigil naman sa pagbabasa ng dyaryo si Mom. "Hay nako ikaw talagang bata ka. At Sino naman ang kasama mong mag-ride samantalang wala na naman dito ang mga kaibigan at barkada mo," wika pa ng Mom ko sabay huminga nang malalim."Ako lang po Mommy. Simula pa naman nu'ng una ay nakasanayan ko nang mag-ride mag-isa,""At saan na naman ba iyang destinasyon mo ha?" Tanong niya habang napapaisip."Maglilibot libot lang naman po ako Mommy. Siguro doon pa rin sa lugar kung saan palagi kong pinupuntahan noon," ani ko pa."Osya mag-ingat ka ha at hinay-hinay lang sa pagda-drive. Ma
"Ayos lang, sanay naman akong makisabay sa anong trip," maikling sagot ko sabay ngumiti ng kunti."Tubong Laguna ka rin ba Kristina?" Tanong pa ni Joshua sa akin habang kanina pa nakatitig sa akin."Ah yes, tubong Laguna ako," pangiting sagot ko sa kanya."Anyway matagal na ba kayong magkakilala nitong kaibigan namin na si Troy?" Tanong naman ni Ivan sabay tinitigan si Troy."Um, actually_" biglang naputol ang aking pagsasalita dahil sa biglang sumulpot si Troy sa aming pag-uusap."Actually matagal tagal na rin kaming magkakilala nitong si Kristina. Honestly we meet in General Santos where she is currently working as Nurse roon," sulpot pa ni Troy sabay tiningnan ako."Kaya naman pala. Siguro hindi alam iyan ni Careen," sambit pa ni Lynx na siya namang binanggit ulit ang pangalan ni Careen."Who's Careen?" Palakas na tanong ko sabay nagtaka at napapaisip.Palihim naman na binunggo ni Joshua si Lynx sa kaniyang balikat na siya namang ikinabalisa nito."Careen? May sinabi ba akong ganoo
"At paano naging hidden forest ito?" Dagdag pa hi Ivan na tila naguguluhan dahil sa ibang-iba namang ang lugar na sinasabi ko sa kanila kanina."Ito na ba 'yung paborito mong lugar Kristina? Sigurado ka ba?" Tila nagdadalawang isip pa si Troy na sabihin ito sa akin.Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa kanilang pagkalito at pagtataka. "Alam kong nagtataka kayo sa ngayon. Sumunod lang kayo sa akin at makikita niyo rin ang hinahanap niyo," wika ko sa kanila sabay napataas ang aking dalawang kilay.Nagsimula akong lumakad papasok ng gubat habang nakasunod naman sila sa akin.Sa unang pagkakita mo ng gubat ay talagang magtataka ka nga dahil sa masalimuot ang lugar na ito at bukod pa roon ay madilim at parang nakakatakot ang lugar.Ilang minuto lang nang paglalakad namin ay nakarating na kami sa hidden forest na siyang tinutukoy ko. "So, ito na ang talagang hidden forest," sabay buntong hininga.Makikita mo ang lawak ng ilog, mga magagandahang tanawin, malalaking puno, sari-saring tun
"Paalam at salamat sa pagsama sa amin sa hidden forest Kristina. Nextime ulit," ani pa ng inang kaibigan ni Troy sabay na kumaway sa akin."Sege papaano Kristina aalis na kami, magkita na lang tayo ulit. Paalam at mag-iingat ka," mahinahon na pagsabi ni Troy habang ngumingiti sa akin na tila parang may kunting lungkot sa kaniyang mata na makikita."Walang ano man. Sege, mag-ingat din kayo, til' nextime," pangiting sabi ko sa kanila sabay kumaway.At umalis na sila ni Troy pauwi sa kanila, ganoon din ako ay bumyahe na rin pauwi sa bahay ko.Pagdating ko ng bahay ay insaktong naabutan ko pa na kumain sina mom at dad sa mesa."Hi mom, hi dad, good evening to the both of you," masayang bati ko sa kanilang dalawa sabay hinalikan sila isa-isa sa kani-kanilang pisngi."Oh kamusta naman ang ride mo at bakit ginabi ka na yata sa pag-uwi?" Pagtatakang tanong pa ni Mommy Neneth habang napatigil sa kaniyang pagkain."Mabuti naman at nakauwi ka ng ligtas," sambit pa ni Daddy Tony sabay pahid ng ti
Ilang saglit lang matapos kaming mag-chat ni Troy at tumawag naman sa akin si Mike."Oh hello Mike. Merry Christmas sa iyo ano ba atin diyan ha?" Masayang pagbati ko kay Mike sa kabilang linya."Hello Kristina Merry Christmas din kamusta kana diyan?""Okey lang naman masaya naman ako dito kasama ko ang pamilya ko," sabay higa sa aking kama."Mabuti naman kong ganoon. Masaya rin naman dito Kasi kasama ko ang Dad ko.""Mabuti rin kung ganoon""Nakita ko 'yung IG post mo nagra-ride ka pala. Angas mong tignan ha at ang gaganda pa ng lugar na pinupuntahan mo." Habang tinitingnan ang aking IG post sa kaniyang laptop."Nako salamat, hayaan mo at sa susunod ay ipapasyal kita rito sa amin.""Totoo ba iyan?" Sabay napangiti at tila kinilig si Mike."Oo naman pero siguro matagal pa iyon as sunod ko na naman na balik dito.""Ah basta tatandaan ko iyan ha. Anyway kailan ka ba babalik nang General Santos?""Tatapusin ko lang ang pasko at bagong taon ay babalik din ako diyan, siguro mga January 4 k
"Hindi ah, wala naman akong sinabing uuwi tayo at maaga pa naman para umuwi. Ang sakin lang kung hanggang ssan aabot itong pagra-ride natin," ani pa ni Troy sabay umupo sa aking tabi "Ah ganoon ba. Um, siguro kapag nagyaya ka ng umuwi e'di hanggang doon na lang ang pagraride natin," palakas na boses na pagsabi ko sabay tumawa.Napatigil naman siya at bigla na la g din napatawa. "Nakatuwa ka talaga nagawa mo pang magbiro ha. Mahaba pa itong araw at marami pa tayong gugugulin na oras sa pagra-ride natin. Kaya lubos lubosin na natin itong pagra-ride natin na magkasama tayong dalawa," "Ikaw kasi, ikaw kaya ang unang nagtanong sa bagay na iyan," wika ko pa sabay huminga ng malalim habang ngumingiti sa kanya. "Sabagay nga naman sa susunod na araw kasi balik trabaho na naman at matagal tagal din bago ako makapag-ride ulit," dagdag ko pa sabay tingin sa mga tanawin."Bakit kailan ba magsisimula ang trabaho mo? I mean kailan ang balik mo nang General Santos?" Tanong pa ni Troy na tila may ka
"Maiinit nga kaya naghubad ako ng suot ko pang-itaas," ani pa ni Troy sabay tiningnan ang kaniyang katawan."Kaya nga," maikling sabi ko sabay lunok ng laway.Ilang saglit pa ay sunod naman na hinubad ni Troy ang kaniyang suot na na pang-ibabang saplot. Hanggang sa boxer na lang ang nitirang suot niya na siyang agaw pansin sa akin ang nakaulbo nitong private property niya."Oh my God Troy.. no no no!" Mahinang boses na pagsabi ko habang napapaisip sa isang masilang bagay na siyang hindi pa ako ready na maganap ulit. " Why? What? may problema ba Kristina?" Palakas na gabing ngita sa akin sabay tiningnan ako sa aking kinatatayuan na siyang nakanganga ang bibig at tulalang nakatingin sa kanya."I said no!" Sabay pikit ng aking mga mata. "No, I can't! Hindi pa ako ready sa second batch Troy. Maybe in the other time or day or whatever. Basta ayoko muna ngayong. I'm not yet ready," bulong ko pa sa aking sarili habang patuloy lang sa pagpikit ng aking nga mara at panginginig dahil sa kaba
Ilang oras ang pananatili ko rito dahil sa paghihintay ko sa paglubog nang araw at mayamaya lang din ay tila nagsisimula nang lumubog ang araw.Habang nakatitig ako sa ilog ay may napansin akong isang anino ng lalaki na naka-refelect sa tubig. Nagtaka ako kung kaya't dahan-dahan akong lumingon.At paglingon ko ay hindi ko inaasahan na makikita si Troy na siyang nakatayo sa aking likuran.Nabigla ako at nagulat lalo pa alam kong hindi pa siya nakagising mula sa kaniyang mahabag pagkawala ng malay at iyon nga ay nagpapagaling pa siya. Subalit ngayon ay nandito siya sa Laguna mismo sa aking harapan na siyang labis kong ipinagtaka."Na istorbo ba kita?" Mahinahon na tanong ni Troy habang may ngiti sa kaniyang mga labi.Napatigil naman ako habang tulala lang dahil sa hindi makapaniwala na nandirito siya ngayon."Nandito ako para humingi muli nang patawad at pasensya sa iyo Kristina. It's been a long time na hindi tayo muli nagkausap since the accident happened," wika pa ni Troy sabay hawak
"And I was surprised nang matuklasan kong your ex-girlfriend Savannah ay siya pa lang kinaaabalahan mo. At gusto mo pa bang malaman ang mga further information na natuklasan ko?" Sabay pinukol ko siya ng masamang tingin habang napatawa ako ng kunti kahit alam ko namang napipilitan lamang ako."I saw you and your ex-girlfriend Savannah na naghahalikan at gumagawa ng kababuyan! Gusto mo pa bang malaman ang lugar at panahon? It was Sunday in the afternoon at San Carlos St. Kung saan nagawa niyo pang mag renta ng isang private house para magawa niyo lang ang mga kababuyan niyo ni Savannah! Gusto mo rin ba na malaman kung paano ko iyon nalaman? Obviously sinundan ko si Savannah sakay ng kaniyang sasakyan at hindi ko inaasahan sa aking buhay ang aking makikita at matutuklasan doon! And now tell me, iba ka ba sa lahat ng lalaki Mike? Matino ka ba katulad ng pagkakasabi mo noon sa akin?"Natulala naman si Mike habang hindi alam ang kaniyang sasabihin at ipapaliwanag sa akin. Mayamaya pa ay hu
"Diyos ko 'wag naman sana magkatotoo itong iniisip ko ngayon. Sana ay mali lang ako ng iniisip 'wag naman sana umabot pa sa puntong magkakaroon ulit ako ng trauma. Ikaw na lamang ang bahala," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim habang balisang balisa na.Ilang saglit pa ay nakita kong pumasok sa isang private house si Savannah kung kaya't pinahinto ko na lamang ang aking sasakyan lalo pa at makikita nila ang aking pagpasok doon.Humanap muna ako ng magandang pagtaguan ng aking sasakyan upang hindi nila ito makita. At nang makahanap na ako ng magandang lugar na pagtaguan ng aking sasakyan at agad akong tumungo sa entrance ng private house na pinasukan ni Savannah.Wala namang ka tao-tao ang lugar na ito pero bakit naririto ngayon si Savannah. Ano naman ang gagawin niya rito, imposibli naman na pupunta siya rito ng mag-isa. Siguro ay may taong nag-aantay sa kanya sa loob ng private house na ito.Mayamaya pa ay napaisip ako sa aking gagawin upang makapasok sa loob ng h
Mayamaya pa ay um-order na sila Savannah kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na hindi ko kilala.Pinagmamasdan ko lang sila habang sila'y abala sa pakikipag-kwentuhan sa isat-isa.Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang order. Um-order sila ng aming specialty na main dish which is Spicy buttered chicken."Wow it looks like delicious!" Sabi pa ng isa sa mga kasamahan ni Savannah.Nang magsimula na silang kumain ay biglang tumayo si Savannah sa kaniyang kina-uupuan at sabay nagpatawag ng isang waiter.Sa paraan pa lang ng kaniyang pagkilos at reaksyon sa kaniyang mukha na makikita ay halatang may hindi ka nais-nais diri.Agad naman na pumunta ang isa sa mga waiter ko at hinarap si Savannah."Yes ma'am what can I do for you?" Mahinahon na pakikipag-usap ng waiter sa kanya."Yet the food is so delicious but what the f*ck ! It's very spicy which I hate it and I don't like to eat!" Reklamo pa ni Savannah sabay napataas ang tono ng kaniyang boses."Nako I'm sorry for that ma'am but your
Kahit na may problema akong kinakaharap ngayon sa relasyon namin ni Mike ngunit bigla ko na lamang itong nakalimutan dahil sa aking excitement na naramdaman nang marinig ko ang pangalan ni Troy.Bago ako tumungo nang ospital ay dumaan muna ako sa mga bilihin ng mga prutas upang dalhin kong pasalubong para kay Troy doon sa ospital.Pagkatapos nu'n ay agad na dumiritso ako sa ospital. Pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto ay tila nagtaka ako kung bakit wala rito ang Mommy ni Troy o mga kamag-anak niyang pweding bumantay sa kanya subalit kailangan talaga na may taong babantay sa kanya rito.Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at baka lumabas lang ng kwarto at may inasikaso pa.Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni Troy at dahan-dahan na inilapag sa mesa ang aking dalang prutas para sa kanya.Habang nakatayo ako sa kaniyang tabi ay dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang maamong mukha. Pinagmamasdan ko siya ng mabuti habang mayroong tuwa sa aking mukha na makikita."Hindi na ako
Sa hindi ko inaasahan na mangyari ay makikita ko si Mike sa daan na sakay din ng kaniyang sasakyan na siyang patungko sa San Carlos St. Which is labis kong ipinagtaka.Hindi kasi nagpaalam sa akin si Troy na may lalakarin siya ngayon ngunit nakasanayan niya naman ang magpaalam sa akin bago siya tumungo sa ibang lugar. Maliban na lang sa araw na ito ay wala talaga siyang pasabi sa akin na pupunta pala siya ng San Carlos St. Sa hindi ko alam na dahilan."Wait? San Carlos St.? Ano naman ang gagawin ni Mike doon at bakit hindi siya nagsabi sa akin patungkol sa kaniyang pagpunta sa lugar na iyon?" Pagatatakang tanong ko sa aking sarili habang napapaisip ng husto.Balak ko sanang sundan si Mike subalit naipit ako sa traffic lalo pa at rush hour na kung kaya't hindi ko na lang nagawa ang aking balak na sundan siya roon.Tinawagan ko siya sa kaniyang cellphone subalit hindi niya naman sinasagot. Ang labis na ipinagtataka ko lamang ay kung bakit alas singko na nang hapon ay pupunta pa siya sa
"Nako wala iyon. Although meron naman siyang naging girlfriend before but never ni isa sa kanila ay may binaggit siyang pangalan at ipinakilala sa amin na girlfriend niya bukod sa iyo. Ikaw lamang ang babaeng narinig namin na binaggit niya at ipinakilala sa amin na girlfriend niya," wika pa niya sabay huminga ng malalim habang napatingin sa malayo.Tila hindi naman ako makapaniwala sa aking nalaman. Ngunit ipinadama lamang ni Troy sa akin na napaka-espesyal ko pa lang tao para sa kanya. Hindi ko lubos na akalain na kahit wala na kami ni Troy ay nanatili pa rin pala akong espesyal na tao para sa kanya.Ang dating Troy na kilala ko na maraming babae at nakarelasyon ko noon ay siya rin pala ang magpapadama sa akin ng ganitong kasarap na pakiramdam.Hindi ko na muna sinabi at ipinagtapat sa Mommy ni Troy gayon din sa kaniyang pamilya ang totoong status sa relasyon namin ngayon.Hindi ko ipinagtapat sa kanila na matagal na kaming wala ni Troy at ngayon ay may iba na akong boyfriend sa kasa
Paulit-ulit man na sakit ang kaniyang ginawa sa akin noon lalo na ang traumang ibinigay niya sa akin. Ngunit nanlalambot pa rin pala itong puso ko pagdating sa kanyaAt kanina sa aking mga sinabi na hindi ka nais-nais para kay Troy ay nadala lamang ako sa aking emosyon at galit sa kanya. Dahil paulit-ulit na sumasagil sa aking puso ang kaniyang kasalanang ginawa sa akin noon. Ngunit hindi ko aakalain na mas titimbang pa rin talaga ang aming masayang napagdaan noon at kung paano kami nagmahalan noon.Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa nakaupo akonm sa sahig dulot ng labis na sakit dito sa aking puso.Gusto ko sana na yakapin si Troy nang mahigpit dahil sa matagal akong nangulila sa kanya subalit pilit kong pinipigilan ang aking sarili na maging malambot sa kanya. Mahirap man ngunit kailangan ko iyong gawin at kailangan kong ipakita sa kanya na wala nga siyang papel dito sa aking buhay. Na wala na akong pakialam sa kanya at wala nang natitirang pagmamahal pa.Gusto kong ipakita sa
"Tama na siguro ang nagkita tayo kanina, wala ng dahilan pa para muli tayong magkita ulit o magkausap man lang. Masaya na ako ngayon sa piling ni Mike at magiging masaya na rin ako para sa iyo Troy," pangiting sabi ko pa sabay huminga ng malalim.Mayamaya pa ay pinutol ko na ang aking pag-iisip patungkol kay Troy at napagdesisyonan ko na lamang na magbihis upang ako'y makatulog na.Magbibihis na sana ako ng mga sandaling iyon ng may narinig akong kaka-ibang ingay sa labas ng aking kwarto na siyang umagaw sa akin ng atensyon. Kung kaya't hindi ko naituloy ang aking pagbibihis at napag-isipan ko na muna na lumabas ng aking kwarto upang tignan ito.Lumabas ako ng kwarto na nakatapis lamang ng tuwalya habang napapaisip sa ingay na aking narinig kanina.Nang makalabas ako ay tila biglang huminto ang ingay na aking narinig. Tila parang wala namang kaka-iba rito kung kaya't bumalik na lang ako papasok sa loob ng aking kwarto. Hanggang sa isang beses ay may narinig akong may parang bumukas ng