Sa loob ng bahay pagpasok namin ay agad napatingin si Mike sa mga litratong nakasabit sa dingding at agaw pansin sa kanya ang ganda at linis ng aking munting tahanan."Ang ganda naman ng bahay mo at maganda rin ng lugar dito. Asan ba ang parents mo bakit parang ang tahimik naman yata ng bahay niyo?" pagtatakang tanong niya sa akin habang abala sa pagtitig sa aking mga litrato."Ah salamat. Um, actually ako lang mag-isa dito sa bahay. Nasa Laguna ang parents ko, may bahay din kami roon. Sa katunayan ay tubong Laguna talaga ako. Napadpad lang ako rito sa Gen. San ay dahil nandito ang trabaho ko o dito ako nakapagtrabaho," wika ko pa habang nagpapainit ng tubig sa heater."Ikaw lang mag-isa dito? Wala kang kasama o katulong sa bahay na ito?" palakas na boses na pagsabi niya sabay tingin na tela napapaisip."Well, definitely ako lang nga, hindi na ako kumuha ng kasambahay. Wala naman kalat itong bahay ko at palagi pa akong wala rito. Gabe na rin akong umuuwi kaya hindi na ako kumuha ng ka
Kumuha ako ng tubig sa kusina upang ibigay kay Mike. Nang palapit na ako sa kay Mike upang i-aabot sa kanya ang isang basong tibig ay aksidenting natapisok ako at akisedenteng naitapon ko ang tubig sa kanya. Kung kaya't nabasa tuloy ang pang-itaas na suot niya sa hindi ko inaasahang pangyayari.Napanganga ako sa gulat."Nako, oh my God! I'm really sorry Mike, hindi ko sinasadya kasi.," nagmamadaling inilapag ko sa mesa ang baso at hinawakan ang kaniyang damit na nabasa.Napatayo naman si Mike dahil sa pagkagulat na mabasa ko siya ng tubig. "No no don't be sorry hindi mo naman sinasadya at aksidenteng natapisod ka lang"Napahawak ako sa aking noo na tila na momoblema. "Pasensya talaga ha, may mga oversized t-shirt naman ako 'yun na lang muna ang susuotin mo kasi basang basa itong damit mo at baka mapaano ka pa," wika ko sabay lumakad at tumalikod upang pumunta sana ng kwarto.Agad naman akong pinigilan ni Mike sa paglakad. "Hindi na Kristina ayos lang naman ako, total may extra t-shirt
"Oy Irene ang kaibigan natin parang iba na ang ngiti sa kaniyang mukha ngayon parang may something," wika pa ni Jacob humihiwa ng steak na kaniyang kakainin."Ito talagang si Jacob, masaya lang ako ngayong araw may something na agad," ani ko pa sabay napalingo ang ulo."Well, alam mo girl kaming mga beke ay magaling kaming kumilatis sa nararamdaman ng babae kaya don't me," sabay tumawa."Nako iwan ko sa'yo," sabay tingin sa aking pagkain sa mesa."Hay nako mas mabuti na ngang may something diyan sa sinasabi mo Jacob. Sabihin na nating in love siya. Nang sa ganon magka-love life naman siya nu," wika pa ni Irene sabay umupo sa aking tabi."Sana nga nu, hay kailan pa kaya siya darating," sambit ko pa sabay napapaisip."At 'wag ka ng umasa na babalik pa iyong Troy mo. Maghanap ka na lang ng iba malay mo nandiyan lang siya sa tabi-tabi," dugtong pa ni Jacob sabay tumawa.Napatigil naman ako ng biglang isali ni Jacob sa aming pag-uusap si Troy "Iwan ko ba bakit mo pa binanggit ang pangalan
"Wala tayong pasok bukas nu day off kaya natin," sambit pa ni Jacob sabay tingin sa kaniyang orasan."Ay oo nga pala nu nakalimutan ko," sabay kamot sa kaniyang ulo at tumawa."Hay nako nakita mo lang ang boyfriend mo nagkakamalimutin kana." wika ko pa sabay tumawa ng malakas."Tumahimik ka nga diyan, sege na mauna na ako mag-ingat kayo ha." ani pa niya sabay nagpaalam sa amin at umalis."Sege Irene mag-ingat kayo," sabi ko sabay kumaway sa kanya."Oh ikaw ba Kristina may sundo ka rin ba?" Pagtatakang tanong ni Jacob sabay tingin sa akin habang tumataas ang kaniyang kanang kilay."Iniinsulto mo ba ako?" Wika ko pa sabay tumawa."Gaga nagtatanong lang naman," ani pa niya sabay pigil ng kaniyang pagtawa."Hay nako," sabay napakamot sa aking ulo. Oy ayan na pala ang sundo mo," sabay turo sa kaniyang boyfriend na nagamamaneho ng motor habang papalapit sa amin.Agad nabalin ang tingin sa kaniyang papalapit na boyfriend."Ay ang papa ko," sabay kinilig. "Oh papaano Kristina andiyan na ang
"Wait Kristina!!" Pasigaw na pagsabi ni Troy habang sinusundan ako palabas ng shoe store.Nang maabutan niya ako ay agad niyang hinawakan ang aking kamay na tila parang ayaw niya pa akong bitawan.Napatigil naman ako sa paglakad dahilan sa paghila niya ng aking kamay. "Bitawan mo nga ako, ano ba ang kailangan mo sa akin ha?!" Palakas at galit na pagsabi ko sa kanya habang pilit na inaalis ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkahawak nito sa aking kamay."What's wrong with you, bakit parang galit ka yata?" Tanong naman ni Troy na hatalang may malaking pagtataka sa kaniyang mukha na makikita."Ano ba sa tingin mo, masaya ba ako? Nakita mo ba akong ngumiti ng makita kita?" Wika ko pa sabay itinirik ang aking mga mata sa kanya.Tila nagtataka at napapaisip naman ng husto si Troy sa naging dahilan kung bakit bigla na lang akong nagalit ng makita ko siya. "Hindi kita maintindihan, pwedi ba na sabihin mo sa akin kung ano ang ikinagagalit mo diyan ng maliwanagan naman ako," ani pa niya sabay
Nabalin naman ang aking tingin sa kanya. "Bukas makalawa na Mike," pangiting sabi ko sa kanya."Ah ganon ba, doon ka pala mag Christmas at magbabagong taon," sabay uminom ng wine."Ganoon na nga, eh ikaw ba?" Tanong ko naman sa kanya habang tinitingnan ang buttered shrimp na in-order ko."Well, dito lang nandito naman ang dad ko," ani pa niya sabay ngumiti ng kunti.Kumuha naman ako ng tissue at ipinahid sa aking labi. "Hindi ba uuwi ang mom mo?""Hindi siguro malabo namang makauwi iyon,""Ah siguro sa susunod uuwi na iyon.""Well,hopefully."Ilang saglit lang ay natapos na kaming kumain ni Mike. Pagkatapos ay nagdesisyon na rin kaming umuwi lalo na at lumalalim na ang gabi.Nang lumabas na kami ng restaurant ni Mike ay hindi ko namalayan na naiwan ko pala sa loob ng restaurant ang binili kong sapatos para sa dad ko.Nang palabas na kami ng mall ay tsaka ko pa naalala na naiwan ko pala ang sapatos na nabili ko sa IV's Restaurant.Sabay napahinto sa paglakad at lumingon sa entrance ng
"Ops ano ba iyan isa-isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban," ani pa niya sabay huminga ng malalim."Ano ba talaga ang kailangan mo ha?" Galit na tanong ko sa kanya."Kararating ko pa nga lang mainit na agad ang ulo mo. At tsaka napansin ko, agad-agad naman yata ang paglabas mo ng pinto ng makita mo ako. Siguro inaabangan mo ako nu o di kaya nag-expect kana na ako ang paparating. Oy aminin," pangiting sabi niya habang nagawa pang magbiro sa akin."At nagawa mo pang mabiro ha! Pwedi ba umalis ka na lang dito, wala akong panahon makipag-usap sa'yo okay?" Galit na pagkasabi ko sabay tumalikod at lumakad palayo sa kanya."Sandali lang gusto lang naman kitang makausap eh," sabay sumunod sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.Napatigil at napahinto namn ako sa aking paglakad."Makausap? For what!?" sabay pag-alis ng kaniyang kamay mula sa pagkahawak sa aking kamay."Baka siguro pweding papasukin mo muna ako sa loob ng bahay mo ng sa ganoon ay maging maayos ang pag-uusap natin da
Natauhan ako sa mga sinabi ni Troy ng mga sandaling iyong kung kaya't pinagbigyan ko na lang siya na magpaliwanag sa akin at sabihin ang mga gusto niyang sabihin."Okay, pagbibigyan kita Troy," wika ko sabay buntong hininga."Pwedi ba akong pumasok?" Tanong pa niya na tila nag-alinlangan pa."Okay come in," sabay pinapasok ko siya sa loob ng aking bahay."Salamat," sabay pumasok."Maupo ka at ikukuha lang kita nang maiinom mo," ani ko pa sabay umalis at tumungo ng kusina.After 5 mins. Matapos kung maiabot sa kanya ang mainit na kape."Okay sabihin mo na ang gusto mong sabihin, 'wag lang pakitagalan sapagkat marami pa akong ililigpitin na mga gamit ko dahil may lakad pa ako bukas," sabay tumingin sa bintana."Bakit saan ka ba pupunta bukas?" Pagtatakang tanong niya sa akin sabay humigop ng kape.Agad naman akong napalingon sa kanya."Wala ka na roon!" "Sege, pasensya kana kung marami pa akong tanong sa iyo," ani pa niya sabay huminga nang malalim."Buti naman at alam mo," wika ko sa
Ilang oras ang pananatili ko rito dahil sa paghihintay ko sa paglubog nang araw at mayamaya lang din ay tila nagsisimula nang lumubog ang araw.Habang nakatitig ako sa ilog ay may napansin akong isang anino ng lalaki na naka-refelect sa tubig. Nagtaka ako kung kaya't dahan-dahan akong lumingon.At paglingon ko ay hindi ko inaasahan na makikita si Troy na siyang nakatayo sa aking likuran.Nabigla ako at nagulat lalo pa alam kong hindi pa siya nakagising mula sa kaniyang mahabag pagkawala ng malay at iyon nga ay nagpapagaling pa siya. Subalit ngayon ay nandito siya sa Laguna mismo sa aking harapan na siyang labis kong ipinagtaka."Na istorbo ba kita?" Mahinahon na tanong ni Troy habang may ngiti sa kaniyang mga labi.Napatigil naman ako habang tulala lang dahil sa hindi makapaniwala na nandirito siya ngayon."Nandito ako para humingi muli nang patawad at pasensya sa iyo Kristina. It's been a long time na hindi tayo muli nagkausap since the accident happened," wika pa ni Troy sabay hawak
"And I was surprised nang matuklasan kong your ex-girlfriend Savannah ay siya pa lang kinaaabalahan mo. At gusto mo pa bang malaman ang mga further information na natuklasan ko?" Sabay pinukol ko siya ng masamang tingin habang napatawa ako ng kunti kahit alam ko namang napipilitan lamang ako."I saw you and your ex-girlfriend Savannah na naghahalikan at gumagawa ng kababuyan! Gusto mo pa bang malaman ang lugar at panahon? It was Sunday in the afternoon at San Carlos St. Kung saan nagawa niyo pang mag renta ng isang private house para magawa niyo lang ang mga kababuyan niyo ni Savannah! Gusto mo rin ba na malaman kung paano ko iyon nalaman? Obviously sinundan ko si Savannah sakay ng kaniyang sasakyan at hindi ko inaasahan sa aking buhay ang aking makikita at matutuklasan doon! And now tell me, iba ka ba sa lahat ng lalaki Mike? Matino ka ba katulad ng pagkakasabi mo noon sa akin?"Natulala naman si Mike habang hindi alam ang kaniyang sasabihin at ipapaliwanag sa akin. Mayamaya pa ay hu
"Diyos ko 'wag naman sana magkatotoo itong iniisip ko ngayon. Sana ay mali lang ako ng iniisip 'wag naman sana umabot pa sa puntong magkakaroon ulit ako ng trauma. Ikaw na lamang ang bahala," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim habang balisang balisa na.Ilang saglit pa ay nakita kong pumasok sa isang private house si Savannah kung kaya't pinahinto ko na lamang ang aking sasakyan lalo pa at makikita nila ang aking pagpasok doon.Humanap muna ako ng magandang pagtaguan ng aking sasakyan upang hindi nila ito makita. At nang makahanap na ako ng magandang lugar na pagtaguan ng aking sasakyan at agad akong tumungo sa entrance ng private house na pinasukan ni Savannah.Wala namang ka tao-tao ang lugar na ito pero bakit naririto ngayon si Savannah. Ano naman ang gagawin niya rito, imposibli naman na pupunta siya rito ng mag-isa. Siguro ay may taong nag-aantay sa kanya sa loob ng private house na ito.Mayamaya pa ay napaisip ako sa aking gagawin upang makapasok sa loob ng h
Mayamaya pa ay um-order na sila Savannah kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na hindi ko kilala.Pinagmamasdan ko lang sila habang sila'y abala sa pakikipag-kwentuhan sa isat-isa.Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang order. Um-order sila ng aming specialty na main dish which is Spicy buttered chicken."Wow it looks like delicious!" Sabi pa ng isa sa mga kasamahan ni Savannah.Nang magsimula na silang kumain ay biglang tumayo si Savannah sa kaniyang kina-uupuan at sabay nagpatawag ng isang waiter.Sa paraan pa lang ng kaniyang pagkilos at reaksyon sa kaniyang mukha na makikita ay halatang may hindi ka nais-nais diri.Agad naman na pumunta ang isa sa mga waiter ko at hinarap si Savannah."Yes ma'am what can I do for you?" Mahinahon na pakikipag-usap ng waiter sa kanya."Yet the food is so delicious but what the f*ck ! It's very spicy which I hate it and I don't like to eat!" Reklamo pa ni Savannah sabay napataas ang tono ng kaniyang boses."Nako I'm sorry for that ma'am but your
Kahit na may problema akong kinakaharap ngayon sa relasyon namin ni Mike ngunit bigla ko na lamang itong nakalimutan dahil sa aking excitement na naramdaman nang marinig ko ang pangalan ni Troy.Bago ako tumungo nang ospital ay dumaan muna ako sa mga bilihin ng mga prutas upang dalhin kong pasalubong para kay Troy doon sa ospital.Pagkatapos nu'n ay agad na dumiritso ako sa ospital. Pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto ay tila nagtaka ako kung bakit wala rito ang Mommy ni Troy o mga kamag-anak niyang pweding bumantay sa kanya subalit kailangan talaga na may taong babantay sa kanya rito.Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at baka lumabas lang ng kwarto at may inasikaso pa.Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni Troy at dahan-dahan na inilapag sa mesa ang aking dalang prutas para sa kanya.Habang nakatayo ako sa kaniyang tabi ay dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang maamong mukha. Pinagmamasdan ko siya ng mabuti habang mayroong tuwa sa aking mukha na makikita."Hindi na ako
Sa hindi ko inaasahan na mangyari ay makikita ko si Mike sa daan na sakay din ng kaniyang sasakyan na siyang patungko sa San Carlos St. Which is labis kong ipinagtaka.Hindi kasi nagpaalam sa akin si Troy na may lalakarin siya ngayon ngunit nakasanayan niya naman ang magpaalam sa akin bago siya tumungo sa ibang lugar. Maliban na lang sa araw na ito ay wala talaga siyang pasabi sa akin na pupunta pala siya ng San Carlos St. Sa hindi ko alam na dahilan."Wait? San Carlos St.? Ano naman ang gagawin ni Mike doon at bakit hindi siya nagsabi sa akin patungkol sa kaniyang pagpunta sa lugar na iyon?" Pagatatakang tanong ko sa aking sarili habang napapaisip ng husto.Balak ko sanang sundan si Mike subalit naipit ako sa traffic lalo pa at rush hour na kung kaya't hindi ko na lang nagawa ang aking balak na sundan siya roon.Tinawagan ko siya sa kaniyang cellphone subalit hindi niya naman sinasagot. Ang labis na ipinagtataka ko lamang ay kung bakit alas singko na nang hapon ay pupunta pa siya sa
"Nako wala iyon. Although meron naman siyang naging girlfriend before but never ni isa sa kanila ay may binaggit siyang pangalan at ipinakilala sa amin na girlfriend niya bukod sa iyo. Ikaw lamang ang babaeng narinig namin na binaggit niya at ipinakilala sa amin na girlfriend niya," wika pa niya sabay huminga ng malalim habang napatingin sa malayo.Tila hindi naman ako makapaniwala sa aking nalaman. Ngunit ipinadama lamang ni Troy sa akin na napaka-espesyal ko pa lang tao para sa kanya. Hindi ko lubos na akalain na kahit wala na kami ni Troy ay nanatili pa rin pala akong espesyal na tao para sa kanya.Ang dating Troy na kilala ko na maraming babae at nakarelasyon ko noon ay siya rin pala ang magpapadama sa akin ng ganitong kasarap na pakiramdam.Hindi ko na muna sinabi at ipinagtapat sa Mommy ni Troy gayon din sa kaniyang pamilya ang totoong status sa relasyon namin ngayon.Hindi ko ipinagtapat sa kanila na matagal na kaming wala ni Troy at ngayon ay may iba na akong boyfriend sa kasa
Paulit-ulit man na sakit ang kaniyang ginawa sa akin noon lalo na ang traumang ibinigay niya sa akin. Ngunit nanlalambot pa rin pala itong puso ko pagdating sa kanyaAt kanina sa aking mga sinabi na hindi ka nais-nais para kay Troy ay nadala lamang ako sa aking emosyon at galit sa kanya. Dahil paulit-ulit na sumasagil sa aking puso ang kaniyang kasalanang ginawa sa akin noon. Ngunit hindi ko aakalain na mas titimbang pa rin talaga ang aming masayang napagdaan noon at kung paano kami nagmahalan noon.Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa nakaupo akonm sa sahig dulot ng labis na sakit dito sa aking puso.Gusto ko sana na yakapin si Troy nang mahigpit dahil sa matagal akong nangulila sa kanya subalit pilit kong pinipigilan ang aking sarili na maging malambot sa kanya. Mahirap man ngunit kailangan ko iyong gawin at kailangan kong ipakita sa kanya na wala nga siyang papel dito sa aking buhay. Na wala na akong pakialam sa kanya at wala nang natitirang pagmamahal pa.Gusto kong ipakita sa
"Tama na siguro ang nagkita tayo kanina, wala ng dahilan pa para muli tayong magkita ulit o magkausap man lang. Masaya na ako ngayon sa piling ni Mike at magiging masaya na rin ako para sa iyo Troy," pangiting sabi ko pa sabay huminga ng malalim.Mayamaya pa ay pinutol ko na ang aking pag-iisip patungkol kay Troy at napagdesisyonan ko na lamang na magbihis upang ako'y makatulog na.Magbibihis na sana ako ng mga sandaling iyon ng may narinig akong kaka-ibang ingay sa labas ng aking kwarto na siyang umagaw sa akin ng atensyon. Kung kaya't hindi ko naituloy ang aking pagbibihis at napag-isipan ko na muna na lumabas ng aking kwarto upang tignan ito.Lumabas ako ng kwarto na nakatapis lamang ng tuwalya habang napapaisip sa ingay na aking narinig kanina.Nang makalabas ako ay tila biglang huminto ang ingay na aking narinig. Tila parang wala namang kaka-iba rito kung kaya't bumalik na lang ako papasok sa loob ng aking kwarto. Hanggang sa isang beses ay may narinig akong may parang bumukas ng