Home / Romance / AURORA 1922 / CHAPTER FOUR

Share

CHAPTER FOUR

Author: dehittaileen
last update Last Updated: 2022-03-08 22:53:32

               May tila hangin na humahaplos sa balat ni Patricia. Hangin na bumubulong na tatagan niya ang sarili at ‘wag magpapadala sa lungkot na nadarama. Hangin na nagsasabing kailangan niyang maging malakas para sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa kanya. Pero paano? Seeing her Grandmother for  the last time makes her feel so alone.                Nakatayo ang bawat isang miyembro ng pamilya sa loob ng museleo habang tahimik na namamaalam sa yumaong abuela niya. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na ang kamatayan nito ay siya namang pagdugtong ng buhay niya. Na habang nag-aagaw buhay siya ay binabawian naman ito ng buhay.              

  Nang gabing iyon, ang natatandaan ni Patricia ay nakarinig siya ng mga sigaw sa loob ng bakuran nila. Mga natatarantang tinig at nagkakagulo. Pero hanggang doon na lang ang naalala niya dahil naramdaman na lang niya ang pagtilapon ng katawan niya sa isang madilim na bahagi ng kalye. Ang sabi ng mommy niya ay may isang lalaki daw na pumasok sa loob ng bahay nila at humingi ng tulong. Alam niyang si Max ang taong iyon dahil sila lamang ang magkasama ng gabing iyon.               

Magkasabay silang dinala ng abuela niya sa ospital ayon sa kwento ni Alicia nang magising siya. Ang akala daw ng lahat ay pati siya’y mawawala na. Her grandmother was still delivered with electric shock to restore her normal heartbeat pero hindi nangyari. Namatay din ito kinalaunan. At siya? After the defibrillation, ay maswerteng nabigyan pa ng pangalawang buhay. Pinahid niya ang luha sa mga mata niya at saka pinilit na wag maluha muli. Aurora wouldn’t like to see them, mourning. Alam niyang lalo lamang malulungkot ang matanda kung nakikita sila nito na ganoon.             

  Muli niyang tinitigan ang litrato nito na nakapatong sa marmol na bato kung saan kanina ay ipinasok ang kabaong nito. Sa ibabaw ding iyon ay ang lumang litrato ni Antonio. Ngayon niya naisip na magkasama na sa langit ang abuela at abuelo niya. Masaya na ang mga ito dahil sa wakas ay maipagpapatuloy na ang pagmamahalan nila sa kabilang buhay. Dahan-dahan siyang lumabas ng museleo at binaybay ang daan pabalik sa lumang ancestral house ng mga Zhou. Isang two-storey old mansion iyon na nakatayo sa ituktok ng burol na siyang nakatanaw sa silangan kung saan tanaw ang kalawakan ng karagatan. Sa likod ng lumang bahay ay isang light house na sinasabing mas matanda pa sa mansion na iyon.               

Lumubog na ang araw. Ilang sandali na lamang ay kakalat na ang kadiliman sa paligid. Pinili ni Pat na baybayin ang talampas pababa sa dalampasigan. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang pakinggan ang katahimikan na walang dala kung di payapang sandali. Hinubad niya ang suot na puting sandals at itinapak ang mga paa sa puting mga buhangin na hinahaplos ng mapanuksong mga alon. Nabasa ang mga paa niya at naramdaman niya ang lamig ng tubig.             

 Nakatitig lang siya sa gawing kanluran kung saan ang araw ay nanahan at unti-unti ay nagkakalat ng dilim. Ang langit na kanina’y asul ngayon ay pinaghalong asul at lila. Bumuo iyon ng kulay na tila nagsasabing bukas hindi ka na naman nag-iisa. That someone will always reminds you that sunsets are proof that no matter what happens everyday can end beautifully. Sinabi ng isang social media enthusiast na madalas niyang mapanood sa mga blog nito.                Umupo siya sa buhanginan at hinayaang mabasa lamang ng mga alon ng dagat ang kanyang mga paa. Pinagdikit niya ang mga binti at saka sumubsob sa kanyang mga tuhod. Patricia slowly hummed, sa saliw ng tinig ng mga maliliit na ibon sa paligid. This is how she wanna cope up from pain. This is how she wanna mourn.               

Ang tunog ng alon at ang huni ng mga ibon ay tila musika na sumasabay sa kanyang awitin.               

“Would you know my name. If I saw you in heaven?” Kanta niya.

Would it be the same

If I saw you in heaven?

I must be strong and carry on

'Cause I know I don't belong here in heaven
                             

That moment, Pat knew that she was not just singing the song. She’s crying with the song. At tila ba patuloy niyang naririnig ang awiting iyon ni Eric Clapton. Ang kantang daw iyon ang awiting madalas kantahin ng Lolo niya sa lola niya.

Would you hold my hand

If I saw you in heaven?

Would you help me stand

If I saw you in heaven?

I'll find my way through night and day

'Cause I know I just can't stay here in heaven
              

Nakasubsob pa rin ang mukha ni Patricia sa kanyang mga tuhod.

“Beyong the door there’s peace I’m—.” Her phone vibrated inside her pocket.               

May bulsa ang suot niyang puti na bestida. And her mom choose it for her. Pinahid niya ang mga luha at saka ipinasok ang kamay sa bulsa at hinugot niya ang cellphone sa loob. May mga text messages doon na pumasok. Nakita din niya ang pangalan ng daddy at mommy niya. Tila hinahanap na siya ng mga ito. Ibabalik na sana niya muli sa bulsa niya ang cellphone nang muli iyong mag-vibrate. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na galing sa mga magulang niya ang mensahe.                I

f you wanna have someone to talk to. I’m here to listen. Sana alam mo yan.              

That message. Hindi na niya kailangan na palaging manghula.               

“M-Max…”              

After the incident and she recovered from her fatal death ay wala sa ospital si Max. Ang buong akala niya ay magigising siya na naroron ang binata dahil alam niyang narinig niya ang pagtawag nito sa kanya. Dumagan ang palad niya sa dibdib niya. And suddenly, a memory of her flashes through her mind.              

Nakatanaw siya sa bahaghari na nasa pagitan ng dalawang bundok na nasa kanluran. Ang makulay na pinta sa kalangitang iyon ay tila nagsasabi sa kanya na hindi malungkot ang susunod na bukas. Na bukas pagmulat ng mga mata niya ay may isang umaga na masasabing kay ganda ng buhay.              

Naramdaman niya ang pagpalibot ng mga braso sa baywang niya. Kilala niya ang amoy na iyon kaya hindi na niya kailanman kailangang manghula kung sino ang taong yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran.              

“Alam ko na masakit pa rin sa ‘yo hanggang ngayon ang pagkamatay ng iyong ama. Pero hindi mo kailangang mag-isa. Kung nalulungkot ka at kailangan mo ng kausap. Narito lang ako, handa palaging makinig sa ‘yo. Mahal ko.”              

Ikinurap-kurap ni Patricia ang mga mata. She saw herself. She saw her and Max in her own memories! Pero paano? Alam niya siya iyon. Ang mga tinig ni Max. Tila sanay na sanay na itong tinatawag siyang mahal. Gusto niyang isiping panaginip ang lahat ng iyon pero hindi siya tulog. She is so awake at hindi pwedeng managinip siya ng ganoon-ganoon na lang. It was her memory. Her flashback memories. Pero bakit siya nagkaroon ng mga ganoong alaala?               

Pumikit muli siya at pilit binalikan sa isip ang eksenang iyon kung saan yakap siya ni Max mula sa likuran niya habang ibinubulong ang mga salitang iyon pero hindi na muli niyang maalala. Nalilitong pinakiramdaman niya ang pintig ng puso niya. There is suddenly wrong with her. Bakit sa tuwing maiisip at maaalala niya si Max ay bumibilis ang tibok ng puso niya at ang gusto lang niyang gawin sa mga oras na iyon ay yakapin ang binata at magpakulong sa mga bisig nito.              

And she closed her eyes once again. “Gaya ng mga ginagawa niya noon…” she whispered.

Related chapters

  • AURORA 1922   CHAPTER FIVE

    Matapos ang burol at libing ay magkakasunod na rin silang lahat na bumalik sa Maynila. Ang Dalawang Aunties ni Patricia na galing pang Sweden ay nagpasya na ring bumalik agad. Ganoon din ang ibang mga kapatid ng Daddy niya na may mga naiwang trabaho sa syudad. Gusto pa sana niyang mag-stay muna sa ancestral house nila kaya lang ay gusto din niyang makahabol sa mga na-missed niya sa klase. Alam niyang hindi gugustuhin ng Abuela niya na mapabayaan niya ang pag-aaral niya. At isa pa, mas lalo lang siyang malulungkot kung wala siyang gagawin at hihinto lang siya sa isang lugar.Pasado alas dos ng hapon nang dumating sila sa bahay nila sa Quezon City, kinabukasan mula sa Zambales. Agad na nagpaalam si Patricia sa mga magulang na aakyat na siya sa kwarto niya at magpapahinga.“Honey, do you like some mil

    Last Updated : 2022-03-09
  • AURORA 1922   CHAPTER SIX

    “Max!”Pilit na hinahabol ni Patricia si Max nang makalabas na ito ng classroom at binaybay na ang hallway palayo doon. Hindi niya naiintindihan ang inaasal nito and she wanna know what’s wrong? Hindi siya nilingon ng binata. Basta lamang tila wala itong pakialam na hinahabol niya ito. Alam na niyang pauwi na ito at hindi niya ito tatantanan hangga’t hindi ito nakikipag-usap sa kanya. Gusto niyang malaman kung anong laro itong ginagawa nito sa kanya?Nang madaanan niya ang parking space kung saan malapit sa school ground ay yumuko siya para walang makapuna sa kanya lalo na ang driver niya na natanaw niya agad sa tabi ng kanilang Chevrolet cruze. Personal car niya iyon na niregalo sa kanya ng daddy niya noong huling birthday niya at dahil hindi naman siya payagang magmaneho,

    Last Updated : 2022-03-09
  • AURORA 1922   CHAPTER SEVEN

    Dumating na ang tren na sasakyan niya. Sa mahigit limampung minuto niyang pagkakatayo doon sa wakas siya’y makakasakay na. Ngunit hindi niya mapigilang makaramdam ng pagod nang dumating ang tren at ang mga kapwa niya pasahero ay nagkanya kanya na ng landas papasok sa loob. Ang tila alon ng mga tao ay para siyang isang bagay na inanod lamang ng mga ito. Sa kanyang paningin ay hindi niya makita kung saan direksyon siya susunod. Lahat nagmamadali. Lahat ayaw maiwan. Bakit? Sino nga ba ang may nais maiwan? O sino nga ba ang gustong maranasang maiwan? Ang kanyang mga mata ay pilit hinahagilap sa paningin ang entrada ng tren. Ngunit mukhang aalis na iyon nang hindi siya nakakasakay. Lumuwag nang bahagya ang alon ng tao hanggang sa naramdaman niya ang kamay na humawak sa p

    Last Updated : 2022-03-10
  • AURORA 1922   CHAPTER EIGHT

    Naunang bumaba ng taxi si Max bago niya pinagbuksan si Pat. Pat smiled at him when he held her hand at alalayang makababa ng taxi. “Salamat,” ani ni Pat nang makababa siya. “Salamat din sa pagpayag na sumama ka sa akin.” Nakapasok sa bulsa ni Max ang isa nitong kamay habang nakahawak sa strap ng back pack nito ang isa naman. Pat didn’t noticed the time. Inaya siya ni Max sa isang kainan sa Marikina malapit lamang sa katipunan. Crave park, that resto have so much variety of foods na unang beses lamang natikman ni Pat. From street foods to local dishes. At saka niya naisip na iyon pala ang mga na-missed niya sa buhay. Na mga hindi niya nasubukan.

    Last Updated : 2022-03-10
  • AURORA 1922   CHAPTER NINE

    Patricia look around the Sunken Garden. One of the famous landmark inside their university. Nakausap niya kaninang umaga si Max at sinabi niya na kung maaari ay magkita sila. She choose that place dahil alam niyang walang gaanong makakapuna sa kanila sa lugar na iyon. It’s behind the university library at napapalibutan ang five hectares shady area na iyon ng mga acacia trees. Umupo siya sa isang bench na naroon sa tabi ng isang puno ng acacia. Pasado ala-una na ng hapon. Dalawang subject na lang at matatapos na ang klase niya. Wala siyang humanities sa araw na iyon kaya walang tsansa na magkita sila ng binata sa loob ng classroom. Pinagdikit niya ang mga hita at saka ipinatong doon ang parehong palad. Tinanaw-tanaw niya sa paligid si Max ngunit hindi pa niya makita ang binata. She also check her phone pero wala na itong message sa kanya.  

    Last Updated : 2022-03-10
  • AURORA 1922   CHAPTER TEN

    Matuling lumipas ang mga araw. But Patricia didn’t notice that. Nasa bahay siya buong araw kahapon at ngayon. Finals na nila kaya kailangan niya ng puspusang pagre-review. But it’s like everything made so simple and special for everyday. Araw-araw ay nagkikita sila ni Max sa private space nilang dalawa, they called the place—Aurora. Hindi dahil kapangalan iyon ng kanyang namayapang abuela but because the place is so special to them. Aurora is Spanish word means, dawn. And to that spot, you can see the first appearance of the light in the sky before the sunrise. Minsan nilang napansin ni Max iyon nang magkaroon ng overnight program sa university. They actually don’t n

    Last Updated : 2022-03-10
  • AURORA 1922   CHAPTER ELEVEN

    Lumabas si Patricia sa loob ng sasakyan at sinabi sa driver na hintayin na lamang siya at ‘wag na siyang samahan sa loob. Ang paalam niya sa parents niya ay magkikita sila ni Siri para sabay na bumili ng libro na gagamitin nila para sa isang research project nila. “Naku Ma’am Patricia sigurado ho ako na ako naman ang papagalitan ng Daddy niyo kapag nalaman niya na hindi ko kayo sinamahan hanggang sa loob.” Kakamot kamot na sabi ni Manong Oscar.Nginitian niya ang matandang lalaki. Manong Oscar is their family driver since she was a kid. Malaki ang tiwala ng mga magulang niya dito kaya hinahayaan ng mga iyon an si Manong Oscar ang magmaneho para sa kanya. “Manong, dito ka na lang please. Mapapagod ka lang sa loob at saka sandali lang naman kami ni Siri. Hindi rin

    Last Updated : 2022-03-10
  • AURORA 1922   CHAPTER TWELVE

    Kung pwede lang na balik-balikan palagi ni Pat ang oras. ‘Yung hindi na sila aalis ni Max sa kasalukuyan at iyon na lang palagi ang gagawin nila ay palagi niyang pipiliin. Kumain lang sila ng merienda pagkatapos ay namasyal ng kaunting oras at saka siya pinakawalan ng binata. Pat, couldn’t forget this moment. Holding hands at panaka-naka’y paghalik nito sa noo niya. Those are moments na mananatili sa memorya niya. “You have to go. Baka hinahanap ka na ng driver niyo,” ani ng binata nang lumabas sila sa side entrance ng mall kung saan malayo layo ng konti sa parking lot. Tinanguan niya ang sinabi ni Max sa kanya. Pasado alas kuwatro na kasi ng hapon at iniisip niya

    Last Updated : 2022-03-11

Latest chapter

  • AURORA 1922   HAPPY COINCIDENCE (SPECIAL CHAPTER)

    It’s grooming day for Maxi. Sa mall na lang naisipan ni Patrcia na dalhin si Maxi. Sinubukan niya kasing pumunta sa Veterinary Clinic kung saan niya huling dinala si Maxi pero sarado naman ‘yon. And when she checked it online, sarado sila kapag Friday. Usually ay Saturday and Sunday sarado ang mga establishment na ganoon pero iba ang Clinic ni Doc Maxi. She giggled at her thought of Maxi the puppy has the same name with the Vet doctor. Pumarada ang driver niya sa parking lot ng mall at naiwan na ito doon. Mabuti na lamang at wala siyang session ng therapy niya ngayon kaya malaya silang nakalalabas ni Maxi. The thought of being free makes her feel so happy. Sabi ng Doctor niya ay malaki na daw ang nagiging improvement sa kanya. And if that will continue, mabilis ang change for her recovery. &n

  • AURORA 1922   CHAPTER THIRTY-FIVE: AURORA 1922

    Ika- 15 ng Pebrero taong 1922, sa isang makulay at masayang kasiyahan ay nakatadhanang mag-tagpo ang dalawang buhay na parehong babago sa hinaharap. Isang bagay na nagpapatunay na ang nakaraan ay bumabalik sa kasalukuyan at may pagkakataong baguhin ang hinaharap. Ang magdadalawang-taong gulang na batang babae ay mahigpit na nakahawak sa kamay ng kanyang ina habang papalapit sila sa pagdarausan ng, Manila Carnival. Ang taon-taong pagdaraos ng piyesta ng karnibal. May mga payaso at mga patimpalak. Mga makukulay na kasuotan at musika. Inilahad ng kanyang ina ang singkwenta centavo, bayad upang sila’y makapasok sa loob ng pagdarausan ng kasiyahan. Maraming nagkalat na sundalong Amerikano sa paligid. Ang Pilipinas sa taong iyon ay nasa ilal

  • AURORA 1922   CHAPTER THIRTY-FOUR: MARIA PATRICIA

    The Doctor diagnosed her with positive symptoms of schizophrenia. A brain disorder that can caused delusions and hallucinations, and hearing voices or seeing things that do not exist. Her Doctor adviced her a psychological treatments like, cognitive behavioral therapy or supportive psychotherapy that may reduce symptoms. Kailangan niyang maka-recover sa kondisyon niya. Sinabi rin daw ng doctor na malaki ang posibilidad na nakuha na niya ang sakit na iyon bago pa man ang aksidente at ang pagka-coma niya ang nagpalala sa kondisyon niya. Nasa Garden siya habang nilalaro si Maxi. Katatapos laman ng therapy niya at nakaalis na ang therapist niya. Slowly, she started to believed that Max was never been part of her reality. That he was just made by her mind and all her collected memories through out the time she was with him ay i

  • AURORA 1922   CHAPTER THIRTY-THREE: COMA

    A sound of waves. A chirping of birds. Naririnig ni Patricia ang mga ingay na iyon. She could hear someone calling her.“Aurora…”Hindi siya si Aurora. But she is Maria Patricia. Hindi niya matandaan na may ganoong ngalan sa pangalan niya. But that voice? Kilala niya. Madilim ang paligid at wala siyang nakikita ang tanging liwanag na gusto niyang abutin ay tila landas ng kahapon na kay hirap abutin. Sinubukan niyang iangat ang kamay at abutin ang talang tila gustong tumanglaw sa kanya ngunit ang pangalang iyon pa rin ang naririnig niya.“Aurora…”Hindi niya alam kung ano na nga ba ang nangyayari sa paligid niya. Kung bakit siya naroroon sa kadilimang iyon at tila siya nagmula sa malayong baybayin. Pinilit niya ang sarili na abutin ang liwanag nang maramdaman niya ang mga palad na pumigil doon. Kasunod ay ang bawat hagulgol sa paligid

  • AURORA 1922   CHAPTER THIRTY-TWO: AGAIN

    It’s been a year or two, but Patricia couldn’t remember when was the last time she saw the city. Nang araw kasi na lumabas siya ng bansa ay nanghihina siya at ilang beses siyang nawalan ng malay. Nang tumawag ang Massachusetts General Hospital ng Boston, USA at para sabihing may nakuha nang donor niya ng bone marrow they immediately fly off to the USA. Mabilis na naisagawa ang operasyon at bumilang lamang ng ilang lingo bago siya tuluyang gumaling.Nakatanaw si Patricia sa bawat batang nakikita niyang naglalaro sa park. Walang pinagbago ang siyudad maliban sa mas lalong tumaas ang mga buildings at dumami pa. Wala na sanang balak bumalik ng Pilipinas ang mga magulang niya pero siya ang nagpumilit na bumalik sila. Hindi siya matahimik doon. Paulit-ulit niyang naaalala si Max. Paulit-ulit din niyang iniisip kung may mababalikan pa ba siya.May butil ng luha ang sumilay sa mga mata niya. Agad niyang pinalis iyon at saka ngumiti. H

  • AURORA 1922   CHAPTER THIRTY-ONE: IT'S NOT GOODBYE

    Patricia’s condition is getting worse. They cannot schedule the transplant operation for a reason that they can’t find a donor. Hindi match ang bone marrow ng mga magulang ni Patricia sa kanya. Pero ang pagkawala ni Max at di nito pagbisita sa asawa ang lalong nagpapahirap sa kondisyon nito.Inaabot na siya ng sobra-sobrang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Max. Natatandaan niyang nagising siya isang umaga na ang gamit niya ay nasa loob na ng private suite niya. Ang sabi ng nurse niya ay iniwan lang daw iyon at ibinilin na ipagbigay alam sa kanya. Pero maski anino ni Max ay hindi na nagpakita sa kanya.Ilang araw siyang nilalagnat dala ng inpeksyon niya. Patuloy ang gamutan niya habang nakaantabay lamang sila sa ospital kung may magiging donor na siya.“M-Max?”Pabiling-biling ang ulo ni Patricia habang nakapikit at natutulog. Nakikita niya sa isip niya si Max. nalulungkot ito at nag iisa. Kailangan siya

  • AURORA 1922   CHAPTER THIRTY: ENCOUNTER THE TRUTH

    Weekend kaya dinagsa ng mga tao ang book fair. Bukod pa doon ay may mga book signing din na naganap sa mga kilalang bookstore na participant din sa nasabing event. Naka-break si Crys kaya naiwan siya sa shop. Katatapos lang niya mag-coffee break kanina. Inayos lang niya ang pagkakapatas ng ilang libro na nagulo dahil sa pagpasok ng mga kabataan kanina.Ilang araw na lang at tapos na ang book fair iniisip na naman niya kung saan siya muli makakahanap ng panibagong mapapagkakitaan niya. Napalingon siya sa entrance ng shop nang may pumasok doon.Babati sana siya nang makilala niya kung sino iyon. “L-Leo?”Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkagulat nang makita siya. “Tricia?”He never stop of calling her Tricia. “A-Anong ginagawa mo dito?”“Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong nito.“I-I worked here.” Maikli niyang tugon.She saw

  • AURORA 1922   CHAPTER TWENTY-NINE: OVER THE MOON

    Patricia woke up with a heavy head feeling. Sinunod niya ang prescription ng doctor sa kanya. Iniinom niya ang mga gamot na ibinilin sa kanya regularly. Palihim niyang iniinom ang antibiotics at anti-thymocyte globulin na ni-reseta ng espesyalista sa kanya. Alam niyang magtataka si Max kung makakakita ito ng ganoon gamot mula sa kanya. Minsan siyang nahuli ni Nanay Marta pero sinabi lamang niya na multivitamins ang iniinom niya. Pansamantala rin siyang nakakuha ng part-time job sa isang book-fair na nasa town proper. May gaganapin kasing one-month book festival. Kakilala ni Siri ang isa sa mga exhibitor doon kaya nakapasok siya. At least, makakaipon siya ng pambili ng gamot niya para sa susunod na buwan.Mabilis siyang gumayak. Nine o’clock ng umaga ang shift niya at hanggang mamayang alas-sais na siya ng gabi doon kasi siya rin ang katulong sa pagsasara ng stall. Nakaalis na rin ni Max dahil may mga activities ito sa uni

  • AURORA 1922   CHAPTER TWENTY-EIGHT: DILEMMA

    After Patricia suffered from brief loss of consciousness. Nagising siyang nakahiga sa loob ng isang silid na napapalibutan ng puti na dingding. She scanned her surrounding. Makikita sa loob ang maliit na couch at isang lamesang pinapapatungan ng bag niya. Mabilis niyang inalala ang nangyari. Magkasama sila ni Siri sa isang coffee shop. Pagkatapos ay napuna ni Siri ang braso niya. Tinanong siya kung sinasaktan daw ba siya ni Max. Ngunit tinanggi niya na hindi. Dahil hindi naman talaga siya sinasaktan ni Max.As soon as her eyes recognized her surroundings, she slowly lifted her head. Ngunit makirot pa rin iyon para siyang pinukpok ng martilyo. Unti-unti niyang iniaangat ang katawan at isinandal ang sarili sa headboard ng hospital bed. Segundo pagkatapos niyang makasandal ay bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan niya at magkasunod na pumasok si Siri at ang isang lalaki na sa tantiya niya ay Doktor.Agad siyang nilapitan ni Siri. &ldquo

DMCA.com Protection Status