แชร์

Chapter 124

ผู้เขียน: Luffytaro
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-04-13 10:03:09

NAGLAKAD SIYA pabalik sa kama kung nasaan si Lawrence at umupo sa tabi nito. Kinuha niya ang kanin at bahagyang sinabawan. Sambakol ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil sa sama ng loob niya. “Ayusin mo nga yang pagmumukha mo. hindi mo ikakamatay ang pagpapakain sa akin.” sabi nito sa kaniya.

Hindi na lang niya ito pinansin at dali-daling sumandok ng kanina na may sabaw at itinapat ito sa bibig nito. “Ibuka mo na nga lang yang bibig mo.” sabi niya rito.

Hindi naman siya nito pinansin sa halip ay tumitig ito sa kanyang mga mata. “Hindi ba at sinabi mo na dapat na nating tapusin ang kahit na anumang koneksyon natin sa isat-isa?” tanong nito sa kaniya.

Habang nakatitig siya sa mga mata nito ay malinaw niyang nakikita na para bang iniisip nito na nag-aalala siya rito at talagang pinuntahan niya ito at papakainin pa ng kanin. Malamig ang mga mata niyang sumagot. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na pinakiusapan ako ng DAddy mo?” may bahid na ng inis na sagot niya.

“Kahit na papuntahin k
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทที่เกี่ยวข้อง

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 125

    TAHIMIK ITO sa buong proseso hanggang sa bigla na lang muli itong nagsalita. “So, ano ang tungkol sa lalaking iyon?” hindi niya alam kung bakit na naman ito biglang nagtatanong sa kaniya ng tungkol sa mga taong malapit sa kaniya.“Ang pangalan niya ay Lester.” “Ang tarantadong iyon?” tanong nito.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang marinig niya ang sinabi nito. Wala namang ginagawa si Lester dito ngunit kung magsalita ito rito ay wagas. “Alam mo, wala akong gusto sa kaniya kaya huwag na huwag mong subukan na galawin siya.” banta niya rito.“Talaga ba huh? E bakit napaka-protective mo sa kaniya?” tanong nito sa kaniya.“E ano namang masama doon?” balik niyang tanong dito.“Kung hindi mo naman pala siya gusto ay bakit hinahayaan mo pa siyang lumapit-lapit sayo? Hindi mo ba siya kayang iwasan man lang?” muling tanong nito.Agad na kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi nito. “Paano mo naman iyon nalaman? Huwag mong sabihin na nag-utos ka na naman ng isang tao par

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-13
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 126

    ILANG SEGUNDO ang lumipas bago ito sumagot sa kaniya. “Oo.” sagot nito sa kaniya. “Hindi ako masaya sa pagbabago mo.”“Anong ibig mong sabihin? Na kasalanan ko pa samantalang ikaw naman itong napakasama ang ugali.” sabi niya at napairap pa.“Tama na nga huwag na nating pag-usapan ang tungkol doon.” sabi nito at pagkatapos ay yumuko. “Pero alam ko naman na ako dahilan kung bakit ka umalis pero nang malaman kong umalis ka nga talaga parang…” tumigil ito sa pagsasalita at hindi na ito itinuloy pa ang sasabihin.Gusto niya mang malaman kung ano pa sana ang gusto nitong sabihin ngunit yaw niya namang magtanong. Ginamit niya ang isa niyang kamay upang itulak ito at mabuti na lang sa oras na iyon ay mabilis siyang binitawan ni Lawrence. Agad siyang lumayo dito pagkatapos.“Kung hindi ba dahil sa utos ni DAddy ay gagawin mo ba ito?” tanong na naman nito sa kaniya kahit na nasagot niya na iyon kanina sa pagkakaalala niya.“Diba sinagot ko na yan kanina? Pero sige, sasagutin ko ulit.” tumitig s

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-13
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 127

    AGAD NA nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang napatitig dito. Seryoso ba ito? “Ikukulong mo ako? Hindi ba at nangako naman na ako sayo na aalagaan kita hanggang sa gumaling ka? Bakit kailangan mo pang gawin ito?”Matiim siya nitong tinitigan. “Hindi mo ba naisip na kaya ko ito ginagawa dahil gusto kitang makasama?”Sa dami ng mga masasakit na salita na sinabi nito sa kaniya noon ay parang wala na siyang maramdaman pa kahit na ganun ang sinabi nito. Isa pa, alam niyang sinasabi lang nito ang mga bagay na iyon para mapasunod siya nito. Bumuntong-hininga na lang siya at hindi na pinansin pa ang sinabi nito.“Sige, kung yan ang gusto mo ay hindi na ako makikipagtalo pa. Pero sana pag gumaling ka na talaga ay tuparin mo rin ang pangako mo na pupunta ka na ng Taiwan.” sabi niya rito. Wala namang siyang pagpipilian kundi ang tanggapin ang kapalaran niya e. Sa itsura lang nito ay alam niya talagang wala itong balak na palabasin siya.“Buksan mo ang pinto at kukuha ako ng mga damit at

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-15
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 128

    NAGTAGIS ANG mga bagang ni Lawrence dahil sa matinding galit habang nakatitig sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumangon ito mula sa kama at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso bago siya nito hinila at pabagsak na inihiga sa may kama.Iniharang nito ang dalawa nitong kamay sa magkabilang panig niya kaya wala siyang magawa kundi ang iharang lang ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Ang mga matatalim nitong mga mata ay nakatitig sa kaniya. “Sinusubukan kong maging mabait sayo, pero anong ginagawa mo huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Sinalubong niya naman ang mga mata nito ng walang takot. “Sino ba kasing nagsabi sayo na maging mabait ka sa akin huh? Sinabi ko ba sayo? Pinilit ba kita huh? Ano namang masama kung yayain niya ako o yayain ko siya?” tanong niya rito. “Sarili ko ito kaya gagawin ko ang gusto kong gawin.”Sinubukan niyang itulak ito. “Ano ba?! Umalis ka nga sa ibabaw ko! May sakit ka na nga nahaharap mo pang gumanyan? Talaga ba ha?” puno ng panunuya na tanong niya.Hin

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-17
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 129

    PAKIRAMDAM NIYA ay tumigil ang oras ng mga oras na iyon hindi lang para sa kaniya kundi maging may Lawrencre. Pareho silang tahimik habang magkasalubong ang kanilang mga mata nang walang nagsasalita. Makalipas pa ang ilang sandali ay bigla na lang itong umalis sa kanyang ibabaw at humiga sa tabi niya. Hindi naman na siya nag-aksaya ng oras at sinamantala na iyon para bumangon kaagad sa kama.“Bakit ba galit na galit ka? Para namang hindi pa natin ito ginawa dati.” biglang sabi nito sa kaniya.Nilingon niya ito na nagyeyelo ang kanyang mga mata. Totoo naman na marami na ang namagitan sa kanilang dalawa ngunit ganun na lang ba yun? Kapag ginusto nito na gamitin siya ay magpapagamit na lang ba siya at hahayaan ito? Hindi na talaga ito nagbago at tanging wala itong gusto sa kaniya kundi ang makaraos lang sa pamamamagitan niya.Hindi niya na ito pinagkaabalahang sagutin pa sa halip ay naglakad siya upang kunin ang kanyang cellphone na kanina pa ring ng ring na ng mga oras na iyon ay tahimi

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-17
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 130

    AGAD SIYANG naglakad patungo sa pinto nang marinig niya ang sinabi ni Lawrence. Hindi niya na sasayangin ang pagkakataong iyon para makalabas sa silid na iyon. Kung hindi pa siya aalis ay baka mapuyat lang siya at ayaw niya naman iyon.Walang imik siyang lumabas ng silid nito at bumaba. Nang marinig ni Manang Selya ang kanyang mga yapak pababa ng hagdan ay agad itong tumakbo upang salubungin siya. “Kamusta na si sir Lawrence hija? Tulog na ba siya?” nag-aalala pa ring tanong nito sa kaniya.Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Hindi pa po.” magalang niyang sagot dito.“Pero kamusta na siya? Mataas pa rin ba ang lagnat niya?” muling tanong nito na para bang hindi pa rin mapakali.“Medyo gumaganda na po ang pakiramdam niya.” sabi niya. “Nagagawa na nga niya akong awayin na naman.” dagdag pa niya at pagkasabi lang niya ng salitang iyon ay ito naman ang nagpakawala ng mahabang buntong hininga.“Alam kong galit na galit siya sayo at kung ano ang mga sinasabi niya sayo. Sinubukan ko

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-17
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 131

    MAKALIPAS LANG ang ilang sandali ay bumalik na ang matanda na dala ang first aid kit. Nang abutin ni Lawrence ito ay tumingin ito sa kaniya. “Ako ang gagamot sa sugat mo.”Hindi na lang siya nagsalita at hinayaan niya na lang na gamutin nito ang sugat niya. Sinabihan niya rin si Manang na siya na lang ang dadakot ng mga basag na baso dahil baka mamaya ay ito pa ang masugatan ngunit binalingan ito ni Lawrence. “Manang pwede po bang kayo na lang ang magwalis ng mga bubog?” pakiusap nito at agad naman itong tumango.Bigla siyang napatingin sa papalabas na matanda. “Teka lang po Manang…” tawag niya rito ngunit nakalabas na ito ng tuluyan at hindi niya maiwasang hindi mapatitig kay Lawrence ng masama dahil pakiramdam niya ay sinasadya nito iyon para maiwan lang silang dalawa doon.“Aray!” napapikit siya ng mariin ng dumampi ang bulak na may gamot sa sugat niya. Yung sinasabi niyang maliit lang na sugat kanina ay medyo mahaba pala.Biglang napakunot ang noo ni Lawrence nang marinig nito ang

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-18
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 132

    MALAMIG ANG mukha ni Asha na lumabas ng silid ni Lawrence. Kung talagang gusto nitong magtawag ng magandang babae para alagaan siya ay hindi niya ito pipigilan, magpapanggap na lang siyang hindi niya ito narinig para wala siyang maging problema.Bumalik siya sa kanyang condo. Pagdating niya doon ay agad siyang dumiretso sa kanyang kama at ibinagsak ang sarili doon. Si LAwrence naman mismo ang nagsabi sa kaniya na pwede siyang umalis kung gusto niya pero hindi niya maiwasang hindi makonsensya dahil hindi niya tinupad ang usapan nilang dalawa pero anong magagawa niya? Ito naman ang may kasalanan.KINABUKASAN, wala siyang klase at wala din naman siyang alam na puntahan kaya nanatili na lang siya sa kanyang condo. Tinawagan niya rin si Manang Selya upang alam kung ano na ang lagay ni LAwrence hindi dahil sa nag-aalala siya o ano pa man kundi dahil natatakot lang siya na baka mamaya ay sinundan na naman siya nito at para na rin mapabilis ang pagpunta nito sa Taiwan. Mabuti na lang at sinab

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-18

บทล่าสุด

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 144

    NAPATAAS ANG KILAY ni Luke nang tumingin ito sa kaniya. Nasa club sila ng mga oras na iyon. “Siguro naman ay pwede mo nang sabihin sa amin kung bakit mo na naman kami ipinatawag dito?” tanong nito sa kaniya habang nakakunot pa ang noo.“Oo nga.” segunda naman kaagad ni Colt at ni Adam na kasama din nila ng mga oras na iyon. “Halos isang oras na tayong magkakaharap diro pero hindi ka pa rin nagsasalita.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Si Adam ay tahimik lang at nakatingin lang din sa kaniya marahil ay hinihintay din nito na magsalita siya. Napabuntong-hininga na lang siya tuloy ng wala sa oras. Ang totoo kasi kaya niya tinawag ang mga ito doon ay dahil sa may gusto siyang sabihin sa mga ito ngunit hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa pagsasabi. Isa pa ay natatakot siya na baka mamaya ay tuksuhin lang siya ng mga ito kaya nagdadalawang isip din siya na magsalita. Napapikit siya ng mariin. Kung bakit kasi napakahirap manuyo ng babae.“Ano Lawrence? Wala ka pa rin bang balak n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 143

    ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 142

    AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 141

    NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 140

    NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 139

    PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. “Lumayo ka nga sa akin.” pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. “Alam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 138

    NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Lahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.” Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. “Sabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong niya rito.“Bakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?” balik nitong tanong sa kaniya.“Hindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Nagsa

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 137

    BUMALIK LANG ANG kanyang katinuan nang marinig nilang dalawa ang tinig ni Adam. “Lawrence anong ginagawa mo?” tanong nito kaya mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at itinulak ito palayo sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Adam na palapit na sa kanila ng mga oras na iyon.“Pwede mo bang yayain mo na itong kaibigan mo paalis dito Adam?” sabi niya na may himig ng pakiusap.“Huh bakit?” tanong nito kaagad at nagsalubong ang kilay pagkatapos ay tumingin kay Lawrence bago muling tumingin sa kaniya. “Anong ginawa niya sayo?” tanong pa nito ulit.“Paano kinuha niya ang susi ng kotse ko.” sumbong niya kaagad dito.“Kotse mo?” biglang baling naman sa kaniya ni Lawrence na nakataas ang kilay at alam niya na kaagad ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito. Na hindi niya iyon kotse at kotse nila ito.Bumuntong-hininga na lang siya. “Okay fine. Hindi ko nga pala iyon kotse. Sige, kunin mo na yang susi at ikaw na rin ang mag-uwi niyang kotse. Magta-taxi na lang ako.” sabi niya rito at akmang t

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 136

    ILANG METRO na lang ang layo niya sa sasakyan nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay ay wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang ng malalim. “Bitawan mo ako.” sabi niya nang lingunin niya ito. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil naiinis na siya at napapagod na, gusto na niyang makaalis doon. Malayo dito.Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng espirito ang sumanib dito dahil pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harapan niya. “Pwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lang?” tanong nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “At ano naman sana ang pag-uusapan nating dalawa?”“Tungkol sa relasyon natin.” sabi nito dahilan para matigilan siya. Muli siyang humugot ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ba at paulit-ulit na niyang sinasabi rito na wala silang relasyon? Bakit ba ipinagpipilitan pa rin nito? Tumitig ito sa kaniyag mga mata. “Sina

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status