Share

Chapter 118.💛

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Suot ang halos kakarampot na tela ay kumatok si Xena sa main door ng mansion. Dahil sa utos ni Marshall ay muli siyang pinapasok ng mga gwardiya. Nang bumungad kay Sheya si Xena ay agad na nalukot ang mukha nito.

“Ano na naman ang ginagawa mo rito?” Iritang tanong ni Sheya. ‘Gusto yata talaga nitong makalbo, ah.’ Ani ni Sheya sa isip.

Napapaulunok na umatras ng bahagya si Xena ng makita ang masamang tingin ni Sheya sa kanya. ‘Para sa pera kailangan kong gawin ito!’ Pagpapalakas ni Xena sa kanyang loob. “Bakit bawal bang bumisita rito? Sa papel lang naman kayo kasal ni Trevor kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako. Unless ‘mahal mo pa siya.”

‘Aminin mo na mahal mo pa siya, Sheya. Para makuha ko na ang milyones ko’ Singit ng utak ni Xena.

Natameme si Sheya sandali. Tama ito, mahal pa niya si Trevor. Pero hindi siya aamin. “Tabi nga!” Binangga siya ni Xena, pumasok ito kahit hindi pa niya ito pinapatuloy. “Haharang-harang ka pa sa akin, wala ka naman na palang feelings sa mahal ko.
SEENMORE

❤️

| 3
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 119.💛

    [Genesheya pov]Hindi ko magawang tumingin kay Trevor. Nagwalk out ako kanina at nagsabi na aalis na, pero heto ako ngayon at nasa kanyang harapan, inaasikaso siya. Nadala lang ako ng damdamin kaya ko nasabi ang mga iyon kanina. Pero napag-isip-isip ko na hindi ko pala siyang iwan kasama si Xena. Ma-imagine ko pa lamang na magkasama sila buong magdamag ay parang sasabog na ang dibdib ko. Nang tumingin ako kay Trevor ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Tila binabasa ang galaw ko.“Anong tinitingin-tingin mo?” Masungit kong tanong sa kanya habang naniningkit ang mga mata ko. “Disappointed ka ba dahil hindi ako ang narito at hindi si Xena?” Kapag ito sumagot ng ‘oo’ ibabato ko talaga rito ang hawak kong sandok. Isip-isip ko.Agad na umiling ito. “No. Actually I’m happy because you are here. Akala ko ay iiwan mo na talaga ako.” Bakas ang tuwa sa mukha na wika ni Trevor. Nagdadabog na kinuha ko ang baso at nilagyan ito ng tubig. Oras na para uminom ito ng gamot. Kinuha ko ang kanyang g

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 120.💛

    [Genesheya pov]Humawak ako sa tiyan ko ng maramdaman ang pag ikot nito. Bago ko pa mailabas ang laman ng sikmura ko ay bumitaw ako kina Harold at Chairmaine para tumakbo sa restroom ng bar. Hinawi ko pa ang mga taong nakaharang sa daan ko. Nakarating ako sa retsroom sa kabila ng pagkahilo at pagsuray ko. Agad akong pumasok sa isang cubicle na naro’n at pumasok. Agad na sumuka ako habang nakayuko ang ulo. Habang sumusuka ako ay natawag ko na lahat ng santo na kilala ko— at sinasabi na hindi na ako muli pang iinom. Lahat ng laman ng sikmura ko nailabas ko na yata. Paglabas ko ng cubicle ay nasalubong ko si Xena. Halatang nagulat ito ng makita ako, at syempre ay gano’n din ako. “S-Sheya…” Nakangiti ito— o mas tamang sabihin na tabingi ang ngiti nito habang hawak ang buhok. Mukhang takot ito na masabunutan uli.“A-Akala ko ba priority mo na ang mga anak mo?” Sumusuray na lumapit ako sa kanya. Agad naman itong umatras na parang takot.“Ang judgemental mo naman, Sheya. Narito ako ngayon d

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 121.💛

    [Genesheya pov] Sa kabila nang magulo kong pag iisip ay nagawa ko pa ring pumasok sa trabaho at gampanan ang trabaho ko. Mabuti na lang at nilabhan ni Trevor ang suot ko kagabi, kung hindi ay papasok ako na damit nito ang suot. Pagdating sa bahay ay agad kong kinumpronta si Chairmaine dahil hinayaan ako nito na iuwi ni Trevor. Pero ang loka kong kaibigan ay tinawanan lang ako. Maging si Harold na dumating ay hindi nakaligtas sa inis ko. “Hoy, kayong dalawa, kaibigan ko ba talaga kayo? Bakit niyo naman ako hinayaan na dalhin nang lalaking iyon. Alam ninyo na siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.” Umupo ako at tiningnan silang dalawa ng masama. Pakiramdam ko ay ipinagkanulo nila akong dalawa. “Best, kung mayro’n man mas may karapatan sa amin na iuwi ka, si Trevor ‘yon, okay?” Ani Chairmaine. “Asawa mo pa rin siya kahit pagbalik-baliktarin natin ang mundo.” Pagdadahilan nito. “Chairmaine is right, Sheya. Hindi naman ibang tao si Trevor—” Itinaas ko ang kamay ko para pat

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 122.💛

    [Genesheya pov] “Kung sasabihin ko bang ‘Oo’ ay maniniwala ka?” Baliktanong ni Trevor sa akin. Umiling ako. “Hindi. Niloko mo na ako kaya hindi malabong lokohin mo ulit ako.” Sagot ko. Dumaan ang pagsisisi sa mukha nito. “Mabuti pa at kumain ka na, Trevor. Gusto ko ng umuwi—” Natigil ako sa pagsasalita ng hindi sinasadyang sumagi ang kamay ko sa kamay niya. Napakainit ng kamay ni Trevor… nakakapaso. Marahil hindi ko napansin ang init ng kamay nito kanina dahil sa inis ko rito. Dalawang subo lang at umayaw na sa pagkain si Trevor. Tinext ko si Richard na uuwi na ako. Hindi ko na idinetalye ang pagkain namin ni Trevor sa labas at paghatid nito sa akin. Hindi ko naman siya nobyo kaya hindi ko kailangan magpaliwanag. Pagdating sa tapat ng bahay namin ay hininto ni Trevor ang kotse. Agad akong bumaba matapos magpaalam sa kanya. Lumabas pa ito ng kotse para sundan ako ng tingin habang papasok ng gate. Hindi ko na kailangan kumatok dahil may susi naman ako. Nang mabuksan ko ang gate ay na

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 123.💛

    “Brad, hanggang ngayon ay pinapaasa ka pa rin ni Genesheya? Akala ko ba ay nakukuha mo ang lahat ng babaeng gusto mo?” May pang aalaska sa tinig na wika ni Emil. Isa ito sa mga barkada ni Richard. Narsa isang bar silang magkakaibigan ng biglang ipasok nito ang tungkol sa babaeng matagal ng gusto ni Richard. “Oo nga, Richard. Akala ko ba ay sisiw lang sa’yo na makuha siya? Wala ka naman pala eh!” Kantiyaw naman ng isa pang kaibigan ng binata. Humigpit ang hawak ni Richard sa basong hawak na mayro’ng laman na alak. Hindi niya ipinahalata sa mga ito ang pagkairita sa kanyang mukha, bagkus ay ngumiti siya na tila balewala lang sa kanya ang sinasabi ng mga ito. Subalit ang totoo ay nagpupuyos ang galit sa dibdib niya. “Hindi namin nais na madaliin pareho ni Genesheya ang lahat mga brad. Kasal pa siya kaya naman nagkakasya na lamang muna kami sa ganitong set up. Sabi nga nila ‘kapag mahal mo ang isang tao ay maghihintay ka.” Kunwari ay saad niya. Pinalungkot pa ng binata ang boses at bina

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 124.💛

    [Genesheya pov] Nanigas ang katawan ko sa nasaksihan ko. Tila sandaling huminto sa pagtibok ang puso ko at binalot ito nang takot ng makita ang pagtumba ni Trevor at ang pagsagasa rito... “TREVOR!!!” Umiiyak na tumakbo ako palapit rito— subalit pinigilan ako sa balikat ni kuya Marshall. Binuhat nito at ng ilang mga tauhan ng mga ito ang katawan ng asawa ko sa sasakyan at mabilis na pinaandar ito patungo ng hospital. Hindi nila ako hinayaan na hawakan si Trevor. Hindi gusto ng mga ito na lumala ang lagay nito at madislocate pa ang mga buto. Hindi ko mabilang kung ilang santo na ang tinawag ko. Nagmamakawa ako sa Diyos na wag niyang kukunin sa akin si Trevor. Ang makita na duguan ang katawan nito at tila wala ng buhay ay tila ako mamatay sa labis na sakit at takot. Mukhang hindi na ito humihinga. Ang mukha nito ay hindi na makita dahil nababalot ng dugo ang buong katawan ito. “FASTER, MANONG TED!” Malakas na utos ni kuya Marshall sa matanda. Maging ang binata ay nanginginig ang katawa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 125. ❇️

    [Trevor pov]Tumingin ako sa malawak na karagatan habang nakaupo sa wheelchair. Hindi ko mapigilan ang maluha habang inaalala ang asawa ko— no, ex-wife ko. Oo, hiwalay na kami ni Sheya. Pareho na kaming pumirma ng annulment paper. Nang magising ako ay agad ko siyang pinalaya, at nagpasya akong umalis muna nang bansa. Kung hindi ako umalis nang bansa ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na magmakaawa sa kanya na bumalik sa piling ko.Mahal na mahal ko siya.Ang dami kong sinayang na pagkakataon para sa aming dalawa. Kung hindi ako naging gag0 ay baka masaya pa rin kaming dalawa at magkasama. Binigay ko sa kanya ang kalayaan na gusto niya dahil gusto ko siya maging masaya… at mukhang hindi ako ang magbibigay nang kasiyahan na ‘yon.Hindi ako nakarinig nang sermon, o payo kila mom at dad. Maging ang mga kapatid ko ay walang tutol o sinabi. Hinayaan nila ako sa naging desisyon ko. Sa loob nang tatlong buwan ay muli akong nakalakad at nanumbalik ang lakas nang katawan. Ang mga bussines

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 126.💙

    NewChapter 1. (Ang STORY na ito ay kwento ng anak ni Tyler at Maya na si Timothy Montemayor. Sana ay magustuhan ninyo at suportahan ang istorya ng mga anak ni Tyler at Maya. ******(Karla pov) Pinahid ko ang pawis ko sa noo gamit ang bimpo na palagi kong dalawa. Kumakalam ang aking tiyan dahil sa gutom. Iniwas ko ang tingin sa mga kasamahan ko na kumakain ng meryenda at umiinom ng softdrinks. Nakakahiya dahil baka masabihan pa ako na patay-gutom. Tatlong taon na akong nagtatrabaho sa pabrikang ito kaya kilala ko ang mga katrabaho ko. Mahihirap lang din naman ang mga ito katulad ko pero kung umasta ay daig pa ang tagapagmana ng kumpanya. Kaya mas gusto ko noon na tumahimik na lang sa isang tabi at mag isa kaysa ang makasalamuha sila. Mabuti na lang at mayro'n na akong kaibigan at nakakausap ngayon.Pagod na pagod ako at gutom sa maghapon na pagtatrabaho. Isang pirasong skyflakes lang ang kinain ko kanina na sinabayan ng maraming tubig para mabusog ako. Gusto ko sanang magmeryenda ka

Pinakabagong kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 154.💙

    (Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 153. 💙

    (Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 152. 💙

    (Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kaya… kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala na…“Karla!” Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 151. 💙

    (Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 150. 💙

    (Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 149. 💙

    (Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. “Teka, saan ka ba nagtatrabaho?” Tanong sa akin ni Jelay. “Para madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?” Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayro’ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 148. 💙

    (Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.“Ma’am, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?” Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. “Opo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.” Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.“Ma’am, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na ‘yan at iisang angkan lang… ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na ri’yan nakatira ang kaibigan mo.” “Hon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?” Agad na tumango ako. “Oo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayro’ng record si Jelay doon.

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 147. 💙

    (Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayro’ng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.“Clare!?” Gulat na gulat na bulalas ko. “Hi, Timothy!” Agad na bati ng dalaga na nakangiti. “Pasa sa akin ba ang mga bulaklak na ‘yan?”“Bakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?” Iniinis ako ng gag0ng ‘yon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.“Sinong Bane?” Tanong ni Clare. “Ah, siya ba ‘yong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na ‘to dahil ibinenta na ito sa akin.” Ngumiti ito ng pilya. “Si Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN   Chapter 146. 💙

    (Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu

DMCA.com Protection Status