Ang malaki, naka-frame sa kulay gintong kuwadro na wedding photo ni Amanda at Byron, sa sala ng mga Madrid, ang unang napansin ni Senyor Gaspar nang patuluyin siya ni Amanda sa tahanan nito. Ito ang aksesoryang pina-focal point sa tanggapan ng bisita.
Ngumisi ang Senyor.
“Nakakapangit sa ganda ng bahay mo ang larawang ‘yan,” komento niya, na itinuro ang wedding picture, “classy ang dating ng iyong tirahan, pero dinikorasyonan mo ng larawan mo na may kasama kang buwaya,” isang nakakainsultong pagtawa ang lumabas sa bibig, bago nagpatuloy, “Napakaganda mo, pero ang sama ng dating ng lalaking kasama mo. Ano ba ang nakita mo sa lalaking ‘yan at pinakisamahan mo?”
Taas noong hinarap ni Amanda ang umiinsulto ka Byron.
“Pinapasok ko kayo sa bahay ko, Senyor Gaspar bilang pagmamagandang loob. Pero hindi tiket ang pagpapatuloy ko sa inyo para pati na an
Walang pakialam si Maxwell sa pinapahintulutang speed limit sa South Luzon Expressway. Inarangkada niya ang sportscar na minamaneho. Nasa one hundred twenty kilometer per hour na ang takbo ng kotse.Galing sila ni Donya Cory sa isang bar at nag-inuman, nang masumpungan ng donya na yayain ang kasama sa binili niyang bahay sa Laguna. Walang alam ang kanyang asawa tungkol sa property na ‘yon, na tinawag niyang paraiso nila, ng family driver nilang si Maxwell.Malakas ang kanilang pagtatawanan. Malakas din ang tugtog sa loob ng sasakyan.Nagdiriwang sila. Ipinagdiriwang ang inaakalang magiging panalo ng inihaing kaso ng donya laban sa asawa na salang frustrated murder.“Wala na siyang lulusutan pa!” Sigaw ng donya, na pinilit ipinaiibabaw ang kanyang boses sa sa lakas ng tugtog na pinakikinggan ni Maxwell.“Sa kalaboso ang bagsak niya, “ pahayag naman ng tsuper, “tiyak na reclusion p
Kakatok na sana si Ella sa pinto ng hotel room ni Victor nang makita niya ito na nagmamadaling papalapit sa kanya.“Mukhang hindi ka agad nakatakas sa iyong future ex-girlfriend.” Pagbibiro niya nang malapit na ito sa kanya.“FYI hindi totoong girlfriend ko si Nurse Sophie Samonte.”“Oww?”Binuksan ng lalake ang pintuan. Pumasok si Ella, una kay Victor at walang pangiming naupo sa kama.Matapos isara ang pinto, hinatak ni Victor ang silya na para sa dresser, at doon naupo, nang nakaharap sa nakaupo sa kama.Napangiti si Ella. Nasiyahan dahil wala naman talaga siyang balak akitin ang inakala niyang karelasyon ng dating kaibigan. Ibig lang niyang saktan ang damdamin ni Sophie, at sa ganoon ding pagkakataon ay nais niyang kumuha ng impormasyon tungkol sa mga ginagawa at pinupuntahan ng dalawa.“Ano mo si Sophie, kung hindi mo siya girlfriend?” Pagsisimula n
Nataranta ang mag-asawang Jose at Denang nang biglang dumating si Victor at Sophie.“Bakit biglang sumulpot dito ang dalawang ‘yan, “tanong ni Denang, “grabe! Hayahay na ang buhay ko, e…”“Salubungin mo na’t kunin mo ang mga dala nila.” Utos ni Jose sa asawa.Takbo si Denang pasalubong sa dalawa, at kinuha ang mga backpack na dala ng mga ito.“Hindi ka uuwi ng Maynila,” narinig niyang sigaw ni Victor, hindi ako papayag!”“Wala kang karapatang pigilan ako.” Angil ni Sophie.Naiwang nakatunganga sa likuran ng dalawang nagsasagutan si Denang, habang ang mga ito ay nagmamadali, waring nag-uunahang makapasok sa loob ng bahay.“Nag-aaway sila, Jose.” Sabi ni Denang kay Jose nang madaanan niya ito.“Huwag kang makialam. Hayaan mo sila.” Bilin ni Jose sa asawa.Sumunod si Denang sa dalawa
Ang gusto lang ni Amanda ay matiyak na hindi mapapahamak ang kanyang anak. Hindi niya nais na mapahamak si Sophie. At lalong hindi siya kumakampi sa mga Sandoval.“Naging unfair nga siguro si Nurse Sophie sa kanila, naging makasarili at lahat-lahat na. Pero hindi ko pa rin sisisihing ganap si Nurse Sophie sa pagtakas na ginawa niya, dahil ang talagang dapat sisihin ay ang mga magulang niya. Sila ang makasarili na hindi inisip na may sariling isip at damdamin ang nag-iisang anak nila.”Sumila't sapul nang unang makilala niya ang nurse ay nakagaanan na niya ng loob ito. Naging malapit sila sa isa't isa, tulad ng pagkakalapit ng loob ng isang ina sa kanyang anak.“Pumirma ako sa dokumentong pinapirmahan sa akin ng parents ko, nang hindi ko na tiningnan man lang kung ano o para saan ‘yon, na nang lumaon ay natuklasan kong marriage license pala.”Natatandaan niyang kuwento ni Nurse Sophie Samonte.
Walang maipakitang ID sa Transportation Security Administration (TSA) si Sophie. Paulit-ulit niyang hinanap ang kanyang mga ID. Nahugot na niya ang lahat ng nga nakaipit na papel sa kanyang wallet, ngunit pa hindi pa rin niya makita ‘yon. Makailang ulit na rin niyang kinalkal ang lahat ng laman ng kanyang backpack, ngunit hindi pa rin niya makita ang kahit isa man lang sa kanyang identification card.“Nandito lang sa wallet ko ‘yon, e. Bakit nawala? Saan napunta ‘yon?” Nagkakandaiyak na pakikipag-usap niya sa sarili, habang patuloy ang paghahalungkat sa backpack.Nagsimula nang dumami ang tao sa airport checkpoint.Hindi pa rin makita ni Sophie ang kanyang mga ID. “Miss, kanina ka pa hanap ng hanap d’yan wala ka naman yatang hinahanap,” saad ng babaing nasa kanyang likuran, “baka naman puwedeng paunahin mo muna kami habang nagkakalikot ka sa bag mo. Sayang ang o
Lahat ng dahilan ay idnahilan na ni Tony sa ama upang makasama ito sa pag-uwi ng Maynila. Ngunit lahat ng mga ito ay nabigyang katwiran ni Senyor Gaspar upang iwan siya ng anak sa Palawan.“Talagang ako na lang mag-isa ang mag-aasikaso ng ating mga negosyo, gano’n ba, Papa?” Pagpapa-guilty ng anak sa ama.“Don’t be foolish, Tony, Puwede naman tayong mag-meeting online. Mag-zoom, mag G meet ,” pangangatwiran ng ama, “pati ang pakikipag-deal sa mga client natin can be done thru internet.”Ang gusto lang ni Tony ay mailayo ang ama kay Amanda. Hindi niya gustong mahulog nang todo-todo ang loob nito sa ina ng lalaking inaakala niyang karelasyon ng hinahanting nilang nars.“Baka lalo pang gumulo ang mga sitwasyon natin at ng mga Samonte kung…”Hindi pinatapos ng Senyor ang pagsasalita ng anak.“Don’t treat me like a stupid kid, Tony. I am not
CHAPTER 38 : BETRAYAL PART 2Nakalulunos ang eksenang pinanonood ni Don Generoso Samonte. Hindi niya matagalang tingnan ang asawang lumuluha ang walang talukap na mga mata, habang ginagamot ito ng mga doktor na dalubhasa sa third degree burn.Hindi rin nito magawang isigaw ang sakit na nararamdaman, dahil ni hindi maibuka ang mga labing magkadikit, at alam niyang higit na sakit ang nararamdaman ng asawa dahil sa halos napupunit ang mga laman niyon sa bawat pagnanais na isigaw ang sakit na nararamdaman. Sa kadahilanang hindi na flexible ang mga muscle ng mukhang niyon.Pumikit ang Don. Hindi niya gustong makita ang nakapanghihilakbot na mukha, na dating napakaganda at napakakinis. Wala na ang mahahaba, maiitim, natural na pilik na binagayan ang mga mapupungay na mga matang umaakit sa matitingnan. Wala na ang matangos, magandang hugis na ilong, butas na lamang ang naroon. Hindi na niya natagalan ang lahat ng kanyang nakikita. Nangingini
Umaalimpuyo ang galit sa damdamin ni Sophie, habang tinititigan ang babae na minsan nang nagtraydor sa kanya.“Talagang ang ahas, libong ulit mang magpalit ng balat, ahas pa rin!” Nasabi ni Sophie na ang tinig ay pagitan ng nagngangalit na mga ngipin lumabas.Malakas na humalakhak si Ella. Umiinsulto. Nang-iinis.Umaakyat na ang dugo sa utak ng kanyang iniinis. Hindi matanggap na muli siyang napaikot at niloko ng mapagkunwaring kaibigan. Siya na kinikilalang matalino ay pinagmukhang tanga ng babaing hindi man lang pumangalawa sa kanya.“Matalino man ang matsing, napaglalalangan din, right, dear friend? And besides, matalino ka lang, pero mautak ako. Kaya lagi kitang nauutakan.” pang-aasar pa rin ni Ella na muling humalakhak. “I am right, right friend?” Sarkastikong tanong pa.“Hindi kita kaibigan! Wala akong kaibigang hudas!”“Ayan ka na naman, e,”
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama
Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug
Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at