Dumating na nga ang araw ng birthday ng matanda. Inagahan ni Annie na gumising ng maaga para maaga siyang makapagbihis at siya ang unang babati sa matandan ngunit nang bumangon siya sa kama ay nagulat siya dahil siya na pala ang huli ng gumising dahil si Lucas nang bumangon siya ay nakabihis na at nakasuot na ng suit na may ribbon pa sa leeg.Napatitig siya kay Lucas habang nakasuot ng suot at pinagmamasdan ang kabuuan nito, wala man lang makikitang kahit na anumang gusot sa suot nitong kulay itim na suit na mas lalong nagpamukha sa kaniya na napaka-elegante at napakagwapo nito.Habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya mapigilan na hindi mapabuntung-hininga. May mga tao talagang ipinanganak na kahit na anumang idamit ay napakagwapo at napakaganda pa rin at may iba naman na kahit anong ganda ng damit ay hindi pa rin nagbabago ang itsura. Masasabi niya na napakaswerte ng mga ito dahil biniyayaan sila ng mga napagagandang mga mukha.Bigla tuloy niyang naisip ang bata sa kanyang tiyan,
Sa isang iglap, ang mainit na hininga ni Lucas ay tumama sa kanyang ilong, labi at pati na rin sa kanyang buong mukha. Namula siya ng husto habang hawak-hawak ang niya gamit ang isa niyang kamay ang ribbon. Hindi ito gumalaw ng mga oras na iyon at ang tibok ng kanyang puso ay naging abnormal na tila ba may tumatakbong kabayo dahil sa bilis ng tahip ng dibdib niya.“Tu-tumayo ka ng maayos.” namumula ang mukhang sabi niya rito.“Are you sure?” marahang tanong nito sa kaniya.Hindi pa rin ito gumagalaw at ang mga labi nito ay malapit pa rin sa ilong niya. Napalunok siya. Ni hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan nito.“Yeah.” maikling sagot niya at pilit na pinagtatakpan ang pamumula ng mukha niya.“Okay.” maikling sagot rin naman nito at pagkatapos ay mabilis na tumayo ito ulit ng tuwid.Namumula pa rin ang kanyang mukha dahil sa labis na kahihiyang nararamdaman niya. Nitong mga nakaraang araw at buwan ay madalas din naman silang magkasama ni Lucas pero hindi niya napapansin na mas
Biglang nagsalita si Lucas. “Well, tama naman siya dahil kapag ipinakilala na natin siya ngayon habang nag-aaral pa siya ay baka pagsamantalahan lang siya sa school, para na rin maprotektahan natin siya.” sabi nito.Hindi niya alam kung makukumbinsi niya ang mga ito na paniwalaan ang sinasabi niya o ipipilit pa rin ng mga ito na magpalit siya ng kanyang damit?Biglang napatango ang matanda sa harap nila. “Well may sense naman ang sinabi ni Annie, isa pa ay hindi lang naman ito ang araw dahil madami pang ibang araw. Anyway, siya ang asawa ni Lucas at hindi naman siya pwedeng tumakas sa pagiging asawa ni Lucas kaya hayaan niyo siyang gawin ang gusto niya.” nakangiting sabi nito.“Okay Papa, as you say syempre ay susundin ko ang sinabi ninyo.” nakangiting sabi rin ni Lian sa kanilang lolo.…Pagkatapos nun ay sabay-sabay na silang umalis sa harap ng kanyang lolo at pagkatapos ay nagulat na lamang siya ng bigla na lamang siyang hinawakan sa braso ng kanyang ina at mabilis na hinila sa i
“O siya sige na, nag-aapura ako.” sabi ni Lucas sa kaniya.Hindi naiwasan ni Annie na hindi mapakuyom ang kanyang mg kamay.“Isinagawa ang mga lab ni Trisha ngayon at hindi maganda ang mga resulta ng mga ito. Masama ang kalagayan niya ngayon.” sabi nito sa kaniya nang hindi siya sumagot.Tiningnan niya ito ng malamig at pagkatapos ay walang ganang sumagot. “Okay.” saad niya.Ayaw niya ng marinig pa ang mga susunod nitong sasabihin pa kung tungkol lang din naman kung paano ito mag-alala kay Trisha. Dahil nakapili naman na ito kung sino ba talaga ang mahalaga rito ay hindi na nito kailangan pang magpaliwanag sa kaniya.Pagkaalis ni Lucas ay tumulong siyang bumati at sumalubong sa mga dumarating na mga bisita na mga kaibigan at ibang kamag-anak ng pamilya Montenegro. Ngunit dahil siguro sa pagbubuntis ni Annie ay nakaramdam siya kaagad ng pagod dahil siguro sa pagtayo niya ng ilang sandali, lalo na ang kanyang mga paa ay masasakit na at halos hindi na niya kayang tumayo pa ng matagal.Na
Sinubukan niyang kumawag para hindi siya lumubog sa tubig sa takot na baka malunod siya ngunit lumubog pa rin siya. Ramdam na ramdam niya na rin ng mga oras na iyon na sumasakit na ang mga paa at kamay niya, ipinikit niya ang kanyang mga mata.Napagtanto siguro ng isang babae na nagkamali siya sa ginawa nitong pagtulak sa at kaagad itong nataranta dahil nakita siguro nitong hindi siya marunong lumangoy ay kaagad itong humingi ng tulong.“Tulong! May nahulog sa pool!” malakas na sigaw nito at maging ang isang babae ay sumigaw na rin. Bago pa man mawalan ng malay si Annie ay mabilis na nagsitalunan sa pool ang mga bodyguard ng pamilya Montenegro at iniahon siya doon.…Agad na nagtatakbo si Lian nang marinig niya ang malakas na sigaw na nanghihingi ng tulong at ang mga naiwan na mga bodyguards nila ay inutusan niya na tumulong ang mga ito sa pag-aayos ng mga bisita nila. Siya ang in-charge sa buong birthday matter, mula sa harap, sa likod, sa loob at labas, siya lang mag-isa.Tungkol n
“Mommy pwede bang ikaw na muna ang mag-alaga sa kaniya? Alagaan mo muna siya para sa akin. Uuwi ako kaagad pagkatapos ng iba pang exam ni Trisha.” rinig na rinig niyang sagot ni Lucas.“Lucas ang asawa mo ang pinag-uusapan dito. Umuwi ka na kaagad at unahin siyang kaysa ang babaeng—” hindi na nito natapos pa ang sinasabi nito dahil tuluyan ng ibinaba ni Lucas ang tawag.“Ang lalaking iyon, tingnan lang natin pag-uwi niya.” inis na inis na sabi nito at pagkatapos ay ibinalik sa bulsa ang cellphone nito.Samantalang siya ay naibaon niya ang kanyang mga kuko sa kanyang braso. Bumaon ang mga ito doon ngunit ang nakakatawa ay wala man lang siyang naramdaman na sakit o hapdi. Ito na siguro ang pagkakataon na sumuko na talaga siya.Sa kanilang dalawa ni TRisha ay nakapili na ito nang hindi man lang siya nito iniisip. Napaka-delusyunal niya naman kasi masyado at umaasa pa siya na pipiliin at uunahin siya nito kahit minsan lang. nakapab*b* niya talaga.Dapat ay matagal na niyang alam ang sagot
“Sure, basta ikaw.” sagot naman rito ni Lucas.Pagkatapos sumagot ni Lucas rito ay muli niyang narinig ang tinig nito. “Kung wala ka namang kailangan ay papatayin ko na ang tawag.” sabi nito sa kaniya.Kung dati ay kaagad siyang sasagot rito ng sige ngayon ay hindi niya ginawa. Lumunok siya at pagkatapos ay huminga ng malalim. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya pero, tila ba nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin rito ang nararamdaman niya.“Wait!” sabi niya at pagkatapos ay mas inilapit niya pa ang kanyang cellphone sa kanyang tenga. “Giniginaw ako at binalot ko na ang sarili ko sa kumot at pinipilit na ibsan ang lamig na nararamdaman ko pero mukhang hindi ito effective. Kailangan kita, kailangan ko ng yakap mo para hindi ako ginawin.” sabi niya rito at pagkatapos lang niyang magsalita ay walang sumagot mula sa kabilang linya kundi pawang katahimikan lamang.Tanging ang paghinga lamang ni Lucas ang naririnig niya mula sa kabilang linya. Lumipas ang isang segundo, dal
Biglang nataranta ang puso ni Annie at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ng mga oras na iyon. Nagpasya si Lucas na dadalhin nito doon si Trisha dahil hindi niya ito matiis, huwag nitong sabihin na ipakikilala na nito si Trisha sa lahat ng kamag-anak nito?Pero paano siya? Ano ang magiging papel niya doon at ano siya ni Lucas kapag nagtanong ang mga tao kung sino siya? Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Annie at ramdam na ramdam niya na tila ba nawawalan siya ng lakas bigla at hindi sinasadyang dumulas ang hawak niyang cellphone sa kanyang kamay at nahulog sa sahig ng wala sa oras.Agad siya nilingon ng kanyang Tita Malou at pagkatapos ay mabilis na lumapit sa kaniya nang makita nitong namumutla siya. “Hija anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo? May sinabi ba sa iyong hindi maganda si Lucas?” nag-aalalang tanong nito at pagkatapos ay yumuko upang pulutin ang nalaglag niyang cellphone sa sahig.Umiling siya at pagkatapos ay tiningnan ito. “Wa-wala naman po Tita.” nauutal
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka