Thank you sainyong lahat, sisikapin kong maka publish ng dalawang kabanata a day.
Pinuntahan ko sa mesa bandang side ng kama ang cellphone ni Landro wala itong tunog pero nagkukurapkurap ang ilaw nito. Tinapunan ko ng tingin ang gawi ni Landro abala parin ito na nakatutok sa laptop niya."Calling Brenda...Dinampot ko ito at dinala sa mesa sa gilid ng laptop ni Landro, padabog kong nilapag sa gilid ng laptop niya ang cellphone, nagulat pa itong tumingin sa kamay ko paakyat sa mukha ko, hindi ko alam pero naka simangot na ako, balak ko sanang lumabas para di ko marinig ang usapan nila, mabilis itong tumayo at kinabig ang bewang ko patalikod sakanya, hawak na din nito ang cellphone niya at sinagot niya ito." ohh Brenda napatawag ka?" "Landro bakit mo ito ginagawa saamin? anong nagawa naming mali sayo?" tugon ni Brenda na dinig na dinig ko dahil naka loudspeaker ito. Napakunot ang noo ko sa sinabi nito sa kabilang linya."Ano nga ba ang ginawa ko sainyo Brenda?" tiim bagang na sabi ni Landro."Bakit kailangan mong ipull out ang share mo sa shipping Company namin? gan
Kumusta na Pareng Arnold? ito na marahil ang tamang panahon para lumantad ka, abay hindi maari na mismo ang anak mo ang kakalaban sa negosyong pinaghirapan nating dalawa! kailangan mo siyang suhituin" wika ni Nicanor Lee kay Arnold Mijares."Bakit naman ganto ang balik mo saakin Nicanor? dahil lumulubog na ang bangka, gusto mo ako na ang magsagwan nito? hindi mo na ba kayang panindigan itong gusto mo na ikaw dapat ang Presidente! hindi bat ang Presidente ang gumawa ng solusyon pag bumabagsak na ang tahanan niya?" makahulugang sagot ni Arnold."hah! baka nakakalimutan mong malaki ang ambag ko sa pag-angat ng anak mo! hindi makakarating kung saan man siya ngayon kung hindi dahil sa mga pabor na binibigay ko palihim sa anak mo! pero ang balik nito sinaktan niya ang anak ko!" may hinanakit na sumbat nito. Nagkataon na matalino ang anak ko kaya ngayon ito ang balik niya sa mga nakakasalamuha niya sa negosyo. Ngayon na narating na ng anak ko ang tagumpay wala na akong mahihiling pa kundi an
"Anong gusto mong mang-ayari ngayon Nicanor? ikaw na mismo ang may sabi na pagnakita ako ng anak ko posibleng barilin ako nun!" "Simple lang Arnold ang gagawin mo, ipapaalam mo lang kay Landro na shareholder ka sa Shipping Company ng sa ganun manghinayang siyang pakawalan ito, at posibleng siya pa mismo ang magmani- obra sa pagpapalakad nito, di bale nang lalabas nalang akong shareholder sa Shipping Company wag lang itong bumagsak ng tuluyan."Totoo ba ang narinig ko sa isang halimaw na si Nicanor Lee umaatras na sa laban? balak na nitong magpaalipin sa mga kamay ni Landro? alam ko ang karakas nito posibleng plano niya lang itong pasakayin kami, tulad ng ginagawa nito sa akin. Pero sa bandang huli kung lolokohin niya si Landro matatalo parin ito, dahil alam naman niya ang kakayanan ni Landro."Sige! ngayong araw din mismo ibigay mo saakin ang papel na shareholder nga ako ng Shipping Company" wika nito na wari hinahamon niya ang nanloko sakanya ng mahabang panahon."hahahahaha Arnold!
Nagtatagis ang bagang nito ng salubungin ko si Landro sakto na palabas ako at siya ay papasok na sana, kunwari pang nagulat ako para hindi ito maghinala kahit pa alam kong hindi ko ito kailanman kayang lokohin."Landro? anong ginagawa mo dito?" "ikaw Lynne anong ginagawa mo dito?" balik nito ng tanong na blangko ang expression nito.ramdam ko ang galit nito dahil sa pangalan ko ang binanggit niya at hindi ang endearment na tawag nito saakin, itinaas ko kunwari ang mocha props na dala ko " natakam lang ako nito Landro, gusto mo?" pumikit ito at bumuntong hininga tanda ng pagsuko, saka ako kinabig sa bewang at ginaya niya akong lumakad papuntang sasakyan sana kaso kinuntra ko dahil hindi ko pa nabibili ang mga kailangan ko "Landro sandali lang, wala pa akong nabibili sa lista ko" turan ko dito."Love ipapabili ko nalang yan akin na yang lista mo""wag na Landro andito na tayo e" wala tong nagawa kundi sumunod nalang saakin.Habang pinagmamasdan ni Arnold ang mag-asawa nakita niya kaaga
Nakakabingi ang katahimikan sa pagitang namin ni Landro, pumikit ako para pahupain ang sama nang loob na nararamdaman ko ngayon sa mga narinig kong salita kay Landro, parang kinukurot ang puso ko marahil nakikita ko na ang tunay na ugali ng totoong Landro.Hindi na ako nagsalita, inu-occupied ko na ang isip ko kung paano ko mahahanap sa mansion ang mga gamit ng nanay ni Landro, gusto kong malaman kung ano ang dahilan bakit lumayo si Sir Arnold, malalim marahil ang naging dahilan niya, kung talagang mahal niya ang pamilya niya bakit sobrang sakripisyo ang paglayo nito sakanila, na humantong pa sa pagtakwil ni Landro sa ama.Naramdaman kong huminto na ang sinasakyan namin, at mamaya maya pa bumukas na ang pinto, hudyat na nandito na kami sa mansion. Hinawakan ako ni Landro para alalayan bumaba pero winaksi ko ang kamay nito at nagpatiuna akong lumabas, narinig ko ang pagbuntong hininga nito.Pagkababa ko narinig kong sumara ito at umandar na, hindi ko ito nilingon tuloy tuloy akong umak
Halos namamaga na ang mga mata ko sa pag-iyak habang binabasa ko ang Diary ni Ma'am Divina, nasa ilalim ito ng pinasadyang box. Nasa unahan ang mga sulat na ang Initial name lang na makikita ay "from AM to DM" ang nakalagay sa labas ng sobre. Nakuha ko ito nang alamin ko kay Manang Alice ang mga gamit ni Ma'am Divina, hindi niya rin daw ito naabutan pero meron siyang mga nakita noon pa pagnaglilinis siya ng kabuuan sa mansion, may silid daw dito na may malaking Picture ang Ina ni Landro, kaya pinuntahan namin ito, sabi ko lang lilinisin namin.Nasa ganoon akong tagpo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto, nakita ko akay akay ni Brex si Landro dahil sa sobrang kalasingan nito, pasimple kong tinulak ang box papasok sa kama at nilapag ko sa side table ang diary na binabasa ko.Tomayo ako para tulungan si Brex alalayan ito sa paghiga sa kama, nang maramdaman ni Landro ang paghawak ko dito kinabig nito ang bewang ko at napasama akong napahiga dito "aray ko Landro umayos ka nga!" inis na
Nakayakap parin saakin si Landro habang mahimbing na ang tulog nito, sinubukan kong kumalas sa pagkakayakap nito pero halos ayaw bumitaw sanay itong nakayakap saakin habang tulog kami, hirap akong tanggalin ang mga kamay nito na kinulong pa ako sa mga bisig nito. umungol ako dito "Landro sandali lang iihi lang ako" saka lang ako nito binitawan.Pero nagulat ako ng bumangon din ito at sumunod saakin, ohh bat tumayo ka pa, sige na matulog kana babalik din agad ako sa kama, "wife naiihi din ako" nagpatiuna na akong pumasok sa loob at umupo na agad sa bowl tinignan ko siya na nakasandal sa pader tinititigan ako "your so beautiful wife kaya nababaliw ako sayo" wika nito na halos hindi kumukurap."Landro parang alam ko na yang mga paganyan ganyan mo, papunta kana sa second round mukhang dito mo pa balak sa banyo gagawin""gusto mo ba wife" namumungay na ang mata nito at tinuro pa nito ang alaga niya, "hindi to napapagod sayo" wika nito na may kapilyuhan ang ngiti."Landro akala ko ba iihi k
Sulat kamay nga ito ni Mama, at ng makompirma ko ang sulat kamay ni Ermat tinuloy ko na ang pagbabasa."Napakasakit ng nangyari saamin ni Arnold dahil imbes na magkasama kami para harapin ang pagsubok magkahiwalay namin itong nilalabanan, nailibing si Gilbert ng wala ako sa tabi ni Arnold, halos mamatay ako sa lungkot nang hindi ko man lang madamayan ang mahal kong asawa, dumating pa sa point na inakala ng anak kong si Landro na ama nito ang dahilan ng kalungkutan ko, wala akong magawa para ipaalam dito ang mga nangyayari, masyado itong mapusok kung ipapaalam ko dito ang totoo posibleng mailabas niya itong galit sa anak ni Nicanor na si Brenda"Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Ganto katindi ang sakripisyong ginawa ng mga magulang ko para protektahan ako.Itinuloy ko ulit ang pagbabasa."Noong nalaman ko na nagtagumpay si Arnold iapila sa banko ang 50 million loan na pinaaako sakanya akala ko magsasama na kaming buong pamilya, ginipit siya ni Nicanor
BREX POVPagkatapos ng kasal walang mapagsidlan ng tuwa ang mag-iina si Mama Alice, Maureen at Sally nagbatian sila.."Naku ate ang saya ko kala ko talaga anak lang habol sayo ni kuya Brex hahaha, joke lang kuya haha" sabay peace sign nito na nang aasar parin ito sa kapatid."ikaw talaga Maureen kahit kelan nakakapikon ang mga tirada mo sa kapatid mo, tama na nga yan ha, tigilan mo na yang pang-aasar sa ate mo." seryosong sabi ng ina."congrats sainyong dalawa Brex sana wag mong pababayaan ang mag-ina mo, salamat sa pagmamahal sa anak ko." turan nito nang bumaling saamin ng asawa ko."Ma salamat din, ipagpapaalam ko si Sally sainyo na isasama ko na siya sa manila sa condo ko, pansamantala lang naman, inaayos ko pa ang lahat hanggang maassign ako dito sa Baguio sa bagong project namin, ni Mayor." paalam ko sa mama ni sally.."Hala sige kung yan ang pasya niyo, mag-iingat kayo Brex kung pwede lang na sumama nalang kami sainyo para hindi na magkakalayo sana, pero syempre wala naman akong
Pagkatapos naming maligo tinulungan ako ni Brex patuyuin ang buhok ko, nagtataka ako kung bakit pinagdress niya ako at flat sandals para daw hindi ako mahirapan maglakad, mahilig naman talaga ako magdress up at halos lahat ng mga dress ko pang mga sexy pa, ang dami kayang nahuhumaling pagganyan ang mga suotan ko. Saktong may puti akong dress na isang beses ko pa lang ata nasusuot ito ang napili ni Brex ang ganda ko daw dito, medyo kita ang clevage ko sa dress na ito at pinalulugay niya lang ang mahaba at maalon kong buhok, Infairness maganda din ang pansala ni Brex sa mga damit marunong ito pumili.Siya naman ay nakapolo na kulay puti din tinupi niya ang magkabilaang dulo ng manggas nito at naka black slacks ito na animoy big boss ng kompanya ang datingan na pinarisan niya ng black leather shoes. Kung sabagay makikipagmeeting nga pala ito kaya dapat talaga bihis na bihis ito. Napakagwapo nito sa suot niya, hindi ko tuloy maiwasan ma-isip paano kaya sa work niya siguradong madaming k
Nakaakbay ako kay Sally nang dumating kami sa kusina nakahain na ang pagkain pero dalawang plato lang ang nakalagay sa mesa."kumain na kami lahat kayong dalawa nalang ang hindi pa kaya umupo na kayo diyan at mag-almusal na, ikaw Sally nalipasan kana ng almusal bawal yan sa buntis dapat nasa tamang oras ang pagkain" sabi ng ina nito habang nakatingin saaming dalawa."ohh tapos na pala kayong kumain e bakit nangungunang umupo diyan sa mesa si Maureen" wika ni Sally na nakataas na ang kilay."mang-aasar lang ako sayo ate hahahaha, hanggat pikon ka aasarin kita ng aasarin" wika ng kapatid na tawang tawa."ito namang si ate hindi na mabiro, natutuwa lang ako kasi kita naman sa hitsura ni kuya Brex na mahal na mahal ka niya, tignan mo nga yang hitsura niyong dalawa parehong kayong hindi nakatulog ang lalake ng eye bag niyo, pinagtyagaan ka ni kuya pakinggan sa mga emote mo hahahaha"Nang makita ni Maureen na napahawak sa noo ang nakatatandang kapatid dahil sa sobrang asar tumayo na ito at
"Sigurado ka hindi kana kakain, ang layo kaya nang biniyahe mo" pamimilit nito.Tara na akyat na tayo, lumabas muna ako para kunin ang bag ko at inakbayan ko na ito paakyat sa kwarto niya. Wala akong balak na humiwalay sa kwarto ni Sally kahit pa malaki itong bahay ni Landro, madaming kwarto na bakante pwede nga dito magparenta kung gugustuhin ni Landro pero bahay bakasyunan lang daw talaga niya ito.Pagpasok namin sa kwarto naghubad na ako at dumiretso ng banyo para magshower muna, pero nakalimutan kong magdala ng towel binuksan ko ito at tinawag siya "babe may extra towel kaba diyan? wala pala akong dala" wika ko dito. "wait lang" tugon nito at tumayo na para kunin ang towel.Nagaalangan pa itong lumapit saakin, nakita kong inaabot niya ito na iniiwas ang tingin saakin, napangiti ako sa kilos nito na naiilang, kung tutuusin nakakailang beses ko na itong nakuha at nakita ang kabuuan ng katawan niya.May pumasok na kapilyuhan sa isip ko, hinila ko ito papasok sa loob ng cr "Brex ano k
Nakita ko pang tumayo ito habang tawang tawa, lumipat ito sa tabi ng upuan ko at kinabig ang bewang ko, hindi na naman nito mapigilan ang sarili na lambingin ako sa harapan ng madaming tao. "Love inom lang kami ni Brex ha una ka nang matulog susunod nalang ako paginantok kana.."Landro pinapatulog mo na ako? mag-uusap pa kaya kami ni Sarah." inis na sabi ko dito."Sabi ko pag-inantok kana." sabay hilig sa balikat ko ganto ito maglambing saakin."Ahamm! baka naman! umpisahan na kaya natin ang pag-inom baka hindi na to matuloy pa at gustuhin niyo nang umakyat sa kwarto niyo." pang-asar ulit ni Brex."Saan ba tayo Brex sa private bar o dito nalang" tanong ni Landro.Bago pa man makasagot si Brex inunahan ko na."Tara Sarah sa garden nalang tayo mas masarap lumanghap ng hangin dun." pag-aaya ko dito.Tatayo na sana ako para umalis na nang kabigin ako ni Landro sa bewang at dinampian ng halik sa labi. Hinampas ko naman ito dahil sa sobrang pamumula ko. " Landro!" inis na sabi ko. "Mainggit
Isang oras din kaming nagbiyahe pauwi ng mansion, pagdating namin sa mansion nagpahanda ako ng hapunan kay Tan Joe para sabay sabay na kaming kakain. Nakita ko sa mga mata ni Tan Joe ang pagtataka ng makita nito si Sarah, marahil alam nito ang ginawa ni Sarah, pero tumingin ito saakin na para kaming nagkakaintindihan kaya nahalata nito ang makahulugang tingin ko sakanya, wala nang lumabas pa sa bibig niya, knowing na si Tan Joe ay sobrang pranka.Nakilala na ni Tan Joe ito dahil nakasama namin si Sarah sa kasal namin ni Landro. Magaan din ang loob ni Tan Joe kay Sarah kaya alam kong nag-iingat ito sa mga sasabihin niya sa dalaga.Maya maya pa dumating na si Brex, blanko ang mata nito at kita mo ang sobrang seryoso ng awra niya. Umupo ito sa mahabang sofa ng sala, si Sarah ay naka upo naman sa sofa na single seater lang, walang imikan ang dalawa, nakita namin ang sitwasyon nila, pero ganun pa man nag paalam muna kami sa mga ito na aakyat muna para makapagbihis.Pag-akyat namin tulad ng
Tinitigan ko si Landro at ang labi nito, hinawakan ko ito naalala kong tinangka ni Sarah na halikan ang asawa ko, kung iba akong asawa sasaktan ko ang babaeng ito, pero dahil nakita ko ang reaksyon ng asawa ko ng tangkain niyang halikan ito medyo naawa ako sa babae."Love kanina pa kayo dito?" bulong ulit nito. "hmm.. Oo nakita namin lahat" tinignan ko ito, titig na titig ito saakin na parang nagmamakaawa ang mukha at mata niya, na parang sinasabi wag ako magseselos."pag-aawayan ba natin to Love?" mahinang bulong nito saakin na halos dumikit na ang labi nito sa tenga ko.Tinitigan ko ito sa mata at blanko ang mukha ko nang sabihin kong "hindi ako galit" pagkasabi ko nun hinarap ko si Sarah ang dating inupuan ni Landro ako na ang umupo.Bago pa man ako makipag-usap kay Sarah tinignan ko ang dalawang lalaki "umalis na muna kayong dalawa mag-uusap lang kami.Para akong isang makapangyarihang tigre na sinunod ng dalawa kusa silang umalis at nang sundan ko ng tingin sumakay silang dalawa
LANDRO POVPagkatapos niyang mapirmahan lahat ng mga documento at funds sa Lending Company nito dumaan lang siya dito para sa mga urgent na pirma, nang matapos pumunta na ito sa Insurance Company para sa meeting ng mga investor. Mga 3:45 natapos ang meeting, tinignan nito ang orasan.Saktong 4pm umalis na si Landro para sunduin si Sarah pumasok na ito sa sasakyan niya binigyan niya ng instruction ni Roldan kung saan ang tungo nila."Roldan sa Mercury tayo sunduin natin si Sarah" utos ni Landro."Sige boss. Ano pong meron kay Sarah boss? naku boss baka malaman ni Ma'am Lynne ito, mag-away kayo ibang klase ka pa naman mamuroblema pagnagagalit si Ma'am Lynne.""Hahaha bakit natatakot ka ba na mamuroblema ako, dadamayan mo naman ako." biro nito."walang problema sir kahit hanggang umaga pa tayo magkasama di kita iiwan kaya lang pagdating kay Ma'am Lynne di kita madamayan sir, alam mo naman yon parang tigre yon pagnagalit, ikaw nga sir di mo kaya ako pa kaya." seryoso nitong sabi."wag kan
LANDRO POVPaglabas ko ng library nakita ko agad ang asawa ko na pababa ng hagdan at parang ang lalim ng iniisip, posible kayang narinig nito ang usapan namin ni Sarah alam kong hahanapin ako nito pag hindi ako nakita sa higaan namin.Isipin ko pa lang na mag-iisip ito ng negatibo kinikilabutan na ako, alam ko kung paano ito magalit nangyari na ito dati na pinaghinalaan akong nakabuntis ng ibang babae, nagpaganda ito at mukhang may balak pang mamasyal mag-isa sigurado sa suotin nun na magandang bistida pagpipyestahan ito mga matang may pagnanasa, at yon ang iniiwasan ko baka maging kreminal ako kung magkataon, ayokong mag-isip ito ng maling hinala at baka makadagdag pa ng problema ko.Simula umpisa alam kong kailangan kong maging tapat dito, wala lang akong pagkakataon sabihin lahat dito dahil bukod sa ayoko itong ma-stress, pag mag kasama kasi kami puro lambingan ang ginagawa namin, pinag uusapan namin ang mga magiging anak namin at syempre kung paano ako makaka score ng madami sa as