Nakakasabik ang susunod na kabanata, abangan niyo lang.
Sulat kamay nga ito ni Mama, at ng makompirma ko ang sulat kamay ni Ermat tinuloy ko na ang pagbabasa."Napakasakit ng nangyari saamin ni Arnold dahil imbes na magkasama kami para harapin ang pagsubok magkahiwalay namin itong nilalabanan, nailibing si Gilbert ng wala ako sa tabi ni Arnold, halos mamatay ako sa lungkot nang hindi ko man lang madamayan ang mahal kong asawa, dumating pa sa point na inakala ng anak kong si Landro na ama nito ang dahilan ng kalungkutan ko, wala akong magawa para ipaalam dito ang mga nangyayari, masyado itong mapusok kung ipapaalam ko dito ang totoo posibleng mailabas niya itong galit sa anak ni Nicanor na si Brenda"Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Ganto katindi ang sakripisyong ginawa ng mga magulang ko para protektahan ako.Itinuloy ko ulit ang pagbabasa."Noong nalaman ko na nagtagumpay si Arnold iapila sa banko ang 50 million loan na pinaaako sakanya akala ko magsasama na kaming buong pamilya, ginipit siya ni Nicanor
Nang matapos na silang mag-almusal ni Lynne nagpaalam na akong aalis na. Hinalikan ko muna ito sa labi bago sumakay sa sasakyan ko.Ang tungo ko ngayon ay sa SAS kampo kailangan kong litisin ang dalawa si Arnold at Nicanor, bago ko isurrender sa mataas na hukuman si Nicanor kailangan ko muna makuha ang lahat ng ibedensya, hindi na kailangan ng mga dokumento, mahabang proceso kung aantayin ko pa ito video ng pag-amin lang nila sapat na para mahatulan ang salarin. Walang nakakalaam na paglilitis na ang gagawin ko, dahil under ko si Arnold bilang aking ama masasama siya sa Courtesy ko, matatanggap niya ang mabilis na paglilitis at ang makuha nito ang fair na hustista na ako mismo ang gagawa at ipipresenta sa mataas na hukuman, dahil kabilang din ako sa mataas na opisyal ng gobyerno.Tinawagan ko si Morby "Papunta na ako diyan, nagharap naba sila?" kailangan nilang magharap muna bago ako pumasok sa iksena para ilabas ang galit nila sa isat isa, at dun sa mga sasabihin nila sapat nang mat
Kung si Lynne ang naging daanan para malaman ko ang buong katotohanan maaring si Lynne din ang maging daan para maging stable na ang relasyon naming mag-ama, regalo ko man lang sa kambal ko ang magkaroon sila ng lolo sa bahay.Umalis na ako ng kampo at pangalawang plano ko ang puntahan si Mayor Victor gusto kong alamin dito ang lahat lahat ng nalalaman nito, Magtutulungan kaming maipanalo ang kaso at mabulok si Nicanor Lee sa kulungan.Habang nasa sasakyan tinawagan ko ito, "Pre on the way ako sa office mo andiyan ka ba?" "Yes Pre, diretso ka lang dito, tamang tama kakatapos lang ng session ko sa mga konsehal""Sige Pre diyan na tayo mag-usap."Pagbaba ko nagkasalubong pa kami ni Papa, marahil galing ito kay Mayor Victor at naibalita na dito ang mga nangyari, nakita kong tumango ito saakin "I'll go ahead Landro." paalam nito."hindi mo ba ako sasamahan kay Mayor Victor?" naisatinig ko, dahil sa totoo lang wala pa akong lakas ng loob kausapin to."kagagaling ko lang sakanya, sige na i
"Hindi maari!!!!" naihagis ni Brenda ang hawak na sulat pagkatapos niyang mabasa ang nilalaman ng liham na nagsasabing inaresto ng militar ang kanyang ama sa salang murder.Anong murder sino ang pinapatay ng Daddy, pakana ba ito ni Landro? ng ama niya? nakita ko ito nung isang araw dito sa bahay nagtatalo sila ni Daddy.Bakit murder ang kaso ni Daddy e ang narinig ko lang nilinlang nito ang ama ni Landro para makuha ang pagiging owner niya ng Shipping Company, meron pa ba akong dapat malaman? kailangan kong makausap si Landro hindi maari ito!Nagpasya siyang puntahan si Landro sa Insurance Company ito ang schedule niyang araw ngayon.Kailangan kong malaman dito kung bakit kinasuhan nila si Daddy, kung kinakailangan magmakaawa ako dito para iurong ang kaso gagawin ko, hindi maaring maghirap ang Daddy ng ganito masyado na itong matanda para danasin niya pa ito.Pagdating niya sa building ng insurance company tuloy tuloy siyang pumasok tinanong niya agad ang secretary nito, "asan si Land
Nasa ganoong pagtatalo sila ang bumakas ang gate at dumating ang sasakyan ni Landro."Lagot na Ma'am andito na si Sir Landro" naisatinig ni Manang Alice.Bumaba na agad si Landro at tuloy tuloy itong lumapit sa gawi nila na titig na titig kay Lynne, si Lynne naman abala sa pag-aayos ng buhok niya at pilit tinatago ang galos nito sa balikat, nakakunot na ang noo ni Landro nang makita ang ayos ng asawa, ni isa walang naglalakas loob mag-umpisa ng salita, gusto nang lahat si Lynne muna ang unang magpaliwanag kay Landro."Anong nangyari Love bakit ganyan ang hitsura ng buhok mo?" hinawakan pa nito ang mukha niya at pinaharap ito sakanya, nagkatitigan sila kita niya ang pagtatanong ng mata ni Landro."Landro wag mong gawin to sa harap ng madaming tao, nakakahiya baka mawala ka nanaman sa sarili mo" ngiti kong sabi dito para maiba ang usapan, pero wari walang epekto ang sinabi ko kay Landro."Anong nangyari Manang Alice?" tanong nito sa ginang, habang seryoso parin ang mukha at ayaw alisin
"Morby bantayan niyo ang kilos ng Pamilya Lee na nasa China, ipaalam mo saakin isa man ang dumating sakanila.""yes boss copy.""Sander kumusta ang pinapagawa ko may update naba?""scanning na boss lahat""yong tungkol kay Sally ano update?""boss sent na sa email mo ang update niyan, kompleto na yan""ang sunod mong gagawin yong tunay na nagmamay-ari ng Shipping Company simula nag start ito, at ano ang totoong naganap.""sige boss copy""pasundan mo ang mga galaw ni Brenda""copy ulit boss"****"Love sige na mauna kana sa baba kausapin mo sila Tan Joe susunod na ako sayo, may iaapprove lang akong dokumento na importante" pinauna ko na si Lynne sa baba dahil gusto ko pang makita ang mga report ni Sander sa email ko.Una kong binuksan ang report nito sa case ni tito Gilbert may cctv na nakita sa pagbaril nito sa sasakyan bago ito bumababa at kita sa cctv nahighlight ni Sander ang mukha nito sa zoom out, at kita din ang kuhang picture nito na kausap that day si Nicanor ng taong to.So
Ilang saglit lang narating na nila ang resthouse ni Landro, alam ni Sander na darating si Brex kaya pinagbuksan niya agad ito nang marinig ang sasakyan sa labas.Dahil sobrang aga pa nilang dumating tulog pa ang mga tao sa loob. "Kumusta Sander tulog pa ba sila" tanong ko dito "oo Sir Brex nasa kani kanila pang kwarto ang sadya niyo."kabisado ko na ang loob ng bahay dahil sa cctv na kinabit ni Sander sa loob ng bahay kaya nagpaalam ako kay Manang Alice na pupuntahan ko si Sally sa kwarto nito, at tumango naman ito.Kinatok ko ito pero dahil sa tulog pa siguro hindi ito nagbukas kaya pinihit ko na ang siradura at hindi naman ito naka lock kaya malaya akong nakapasok, kita ko ngang tulog na tulog pa ito.Tinigna ko siya habang tulog na tulog pa, hindi ko akalain na ang katulad nitong babae ay aakitin ako, dahil kung una mo itong titignan hindi kaya nitong mang-akit ng lalaki may pagka- aloof ito at mukhang sa akin lang ito tumiklop, hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit sa kaib
Nagising ako ng halos isang oras na pagkakatulog, naramdaman ko ang init sa loob ng kwarto isang bintilador lang kasi ang nakabukas at naka off ang aircon, nakita ko ang orasan quarter to 9 na, nakatalikod si Sally saakin habang yakap ko ito na himbing parin sa pagkakatulog.Bumangon na ako para maligo, gigisingin ko nalang ito para siya naman ang maligo. Hindi ko dapat ito ginawa ngayon na hindi pa kami kasal kaya lang sobrang pananabik ko dito, kaya nang sabihin saakin ni Landro ma sasamahan ko si Manang Alice na puntahan si Sally hindi ko maintindihan ang sarili ko bigla akong nasabik makita ito.Mamaya pagbaba namin sasabihin kong magpapakasal na kami ni Sally para na din hindi makapag-isip si Manang Alice ng masama tungkol saaming dalawa.Pagkatapos kong maligo kinuha ko ang dala kong bag at kumuha ng damit dito, gigisingin ko na sana ito nang makita kong umilaw ang cellphone nito, ewan ko ba hindi ako mahilig makialam ng gamit ng iba pero dahil magiging asawa ko naman na ito kin
BREX POVPagkatapos ng kasal walang mapagsidlan ng tuwa ang mag-iina si Mama Alice, Maureen at Sally nagbatian sila.."Naku ate ang saya ko kala ko talaga anak lang habol sayo ni kuya Brex hahaha, joke lang kuya haha" sabay peace sign nito na nang aasar parin ito sa kapatid."ikaw talaga Maureen kahit kelan nakakapikon ang mga tirada mo sa kapatid mo, tama na nga yan ha, tigilan mo na yang pang-aasar sa ate mo." seryosong sabi ng ina."congrats sainyong dalawa Brex sana wag mong pababayaan ang mag-ina mo, salamat sa pagmamahal sa anak ko." turan nito nang bumaling saamin ng asawa ko."Ma salamat din, ipagpapaalam ko si Sally sainyo na isasama ko na siya sa manila sa condo ko, pansamantala lang naman, inaayos ko pa ang lahat hanggang maassign ako dito sa Baguio sa bagong project namin, ni Mayor." paalam ko sa mama ni sally.."Hala sige kung yan ang pasya niyo, mag-iingat kayo Brex kung pwede lang na sumama nalang kami sainyo para hindi na magkakalayo sana, pero syempre wala naman akong
Pagkatapos naming maligo tinulungan ako ni Brex patuyuin ang buhok ko, nagtataka ako kung bakit pinagdress niya ako at flat sandals para daw hindi ako mahirapan maglakad, mahilig naman talaga ako magdress up at halos lahat ng mga dress ko pang mga sexy pa, ang dami kayang nahuhumaling pagganyan ang mga suotan ko. Saktong may puti akong dress na isang beses ko pa lang ata nasusuot ito ang napili ni Brex ang ganda ko daw dito, medyo kita ang clevage ko sa dress na ito at pinalulugay niya lang ang mahaba at maalon kong buhok, Infairness maganda din ang pansala ni Brex sa mga damit marunong ito pumili.Siya naman ay nakapolo na kulay puti din tinupi niya ang magkabilaang dulo ng manggas nito at naka black slacks ito na animoy big boss ng kompanya ang datingan na pinarisan niya ng black leather shoes. Kung sabagay makikipagmeeting nga pala ito kaya dapat talaga bihis na bihis ito. Napakagwapo nito sa suot niya, hindi ko tuloy maiwasan ma-isip paano kaya sa work niya siguradong madaming k
Nakaakbay ako kay Sally nang dumating kami sa kusina nakahain na ang pagkain pero dalawang plato lang ang nakalagay sa mesa."kumain na kami lahat kayong dalawa nalang ang hindi pa kaya umupo na kayo diyan at mag-almusal na, ikaw Sally nalipasan kana ng almusal bawal yan sa buntis dapat nasa tamang oras ang pagkain" sabi ng ina nito habang nakatingin saaming dalawa."ohh tapos na pala kayong kumain e bakit nangungunang umupo diyan sa mesa si Maureen" wika ni Sally na nakataas na ang kilay."mang-aasar lang ako sayo ate hahahaha, hanggat pikon ka aasarin kita ng aasarin" wika ng kapatid na tawang tawa."ito namang si ate hindi na mabiro, natutuwa lang ako kasi kita naman sa hitsura ni kuya Brex na mahal na mahal ka niya, tignan mo nga yang hitsura niyong dalawa parehong kayong hindi nakatulog ang lalake ng eye bag niyo, pinagtyagaan ka ni kuya pakinggan sa mga emote mo hahahaha"Nang makita ni Maureen na napahawak sa noo ang nakatatandang kapatid dahil sa sobrang asar tumayo na ito at
"Sigurado ka hindi kana kakain, ang layo kaya nang biniyahe mo" pamimilit nito.Tara na akyat na tayo, lumabas muna ako para kunin ang bag ko at inakbayan ko na ito paakyat sa kwarto niya. Wala akong balak na humiwalay sa kwarto ni Sally kahit pa malaki itong bahay ni Landro, madaming kwarto na bakante pwede nga dito magparenta kung gugustuhin ni Landro pero bahay bakasyunan lang daw talaga niya ito.Pagpasok namin sa kwarto naghubad na ako at dumiretso ng banyo para magshower muna, pero nakalimutan kong magdala ng towel binuksan ko ito at tinawag siya "babe may extra towel kaba diyan? wala pala akong dala" wika ko dito. "wait lang" tugon nito at tumayo na para kunin ang towel.Nagaalangan pa itong lumapit saakin, nakita kong inaabot niya ito na iniiwas ang tingin saakin, napangiti ako sa kilos nito na naiilang, kung tutuusin nakakailang beses ko na itong nakuha at nakita ang kabuuan ng katawan niya.May pumasok na kapilyuhan sa isip ko, hinila ko ito papasok sa loob ng cr "Brex ano k
Nakita ko pang tumayo ito habang tawang tawa, lumipat ito sa tabi ng upuan ko at kinabig ang bewang ko, hindi na naman nito mapigilan ang sarili na lambingin ako sa harapan ng madaming tao. "Love inom lang kami ni Brex ha una ka nang matulog susunod nalang ako paginantok kana.."Landro pinapatulog mo na ako? mag-uusap pa kaya kami ni Sarah." inis na sabi ko dito."Sabi ko pag-inantok kana." sabay hilig sa balikat ko ganto ito maglambing saakin."Ahamm! baka naman! umpisahan na kaya natin ang pag-inom baka hindi na to matuloy pa at gustuhin niyo nang umakyat sa kwarto niyo." pang-asar ulit ni Brex."Saan ba tayo Brex sa private bar o dito nalang" tanong ni Landro.Bago pa man makasagot si Brex inunahan ko na."Tara Sarah sa garden nalang tayo mas masarap lumanghap ng hangin dun." pag-aaya ko dito.Tatayo na sana ako para umalis na nang kabigin ako ni Landro sa bewang at dinampian ng halik sa labi. Hinampas ko naman ito dahil sa sobrang pamumula ko. " Landro!" inis na sabi ko. "Mainggit
Isang oras din kaming nagbiyahe pauwi ng mansion, pagdating namin sa mansion nagpahanda ako ng hapunan kay Tan Joe para sabay sabay na kaming kakain. Nakita ko sa mga mata ni Tan Joe ang pagtataka ng makita nito si Sarah, marahil alam nito ang ginawa ni Sarah, pero tumingin ito saakin na para kaming nagkakaintindihan kaya nahalata nito ang makahulugang tingin ko sakanya, wala nang lumabas pa sa bibig niya, knowing na si Tan Joe ay sobrang pranka.Nakilala na ni Tan Joe ito dahil nakasama namin si Sarah sa kasal namin ni Landro. Magaan din ang loob ni Tan Joe kay Sarah kaya alam kong nag-iingat ito sa mga sasabihin niya sa dalaga.Maya maya pa dumating na si Brex, blanko ang mata nito at kita mo ang sobrang seryoso ng awra niya. Umupo ito sa mahabang sofa ng sala, si Sarah ay naka upo naman sa sofa na single seater lang, walang imikan ang dalawa, nakita namin ang sitwasyon nila, pero ganun pa man nag paalam muna kami sa mga ito na aakyat muna para makapagbihis.Pag-akyat namin tulad ng
Tinitigan ko si Landro at ang labi nito, hinawakan ko ito naalala kong tinangka ni Sarah na halikan ang asawa ko, kung iba akong asawa sasaktan ko ang babaeng ito, pero dahil nakita ko ang reaksyon ng asawa ko ng tangkain niyang halikan ito medyo naawa ako sa babae."Love kanina pa kayo dito?" bulong ulit nito. "hmm.. Oo nakita namin lahat" tinignan ko ito, titig na titig ito saakin na parang nagmamakaawa ang mukha at mata niya, na parang sinasabi wag ako magseselos."pag-aawayan ba natin to Love?" mahinang bulong nito saakin na halos dumikit na ang labi nito sa tenga ko.Tinitigan ko ito sa mata at blanko ang mukha ko nang sabihin kong "hindi ako galit" pagkasabi ko nun hinarap ko si Sarah ang dating inupuan ni Landro ako na ang umupo.Bago pa man ako makipag-usap kay Sarah tinignan ko ang dalawang lalaki "umalis na muna kayong dalawa mag-uusap lang kami.Para akong isang makapangyarihang tigre na sinunod ng dalawa kusa silang umalis at nang sundan ko ng tingin sumakay silang dalawa
LANDRO POVPagkatapos niyang mapirmahan lahat ng mga documento at funds sa Lending Company nito dumaan lang siya dito para sa mga urgent na pirma, nang matapos pumunta na ito sa Insurance Company para sa meeting ng mga investor. Mga 3:45 natapos ang meeting, tinignan nito ang orasan.Saktong 4pm umalis na si Landro para sunduin si Sarah pumasok na ito sa sasakyan niya binigyan niya ng instruction ni Roldan kung saan ang tungo nila."Roldan sa Mercury tayo sunduin natin si Sarah" utos ni Landro."Sige boss. Ano pong meron kay Sarah boss? naku boss baka malaman ni Ma'am Lynne ito, mag-away kayo ibang klase ka pa naman mamuroblema pagnagagalit si Ma'am Lynne.""Hahaha bakit natatakot ka ba na mamuroblema ako, dadamayan mo naman ako." biro nito."walang problema sir kahit hanggang umaga pa tayo magkasama di kita iiwan kaya lang pagdating kay Ma'am Lynne di kita madamayan sir, alam mo naman yon parang tigre yon pagnagalit, ikaw nga sir di mo kaya ako pa kaya." seryoso nitong sabi."wag kan
LANDRO POVPaglabas ko ng library nakita ko agad ang asawa ko na pababa ng hagdan at parang ang lalim ng iniisip, posible kayang narinig nito ang usapan namin ni Sarah alam kong hahanapin ako nito pag hindi ako nakita sa higaan namin.Isipin ko pa lang na mag-iisip ito ng negatibo kinikilabutan na ako, alam ko kung paano ito magalit nangyari na ito dati na pinaghinalaan akong nakabuntis ng ibang babae, nagpaganda ito at mukhang may balak pang mamasyal mag-isa sigurado sa suotin nun na magandang bistida pagpipyestahan ito mga matang may pagnanasa, at yon ang iniiwasan ko baka maging kreminal ako kung magkataon, ayokong mag-isip ito ng maling hinala at baka makadagdag pa ng problema ko.Simula umpisa alam kong kailangan kong maging tapat dito, wala lang akong pagkakataon sabihin lahat dito dahil bukod sa ayoko itong ma-stress, pag mag kasama kasi kami puro lambingan ang ginagawa namin, pinag uusapan namin ang mga magiging anak namin at syempre kung paano ako makaka score ng madami sa as