EXCITED na ipinagluto ni Agatha si Khevin nang breakfast meal. Napangiti ang dalaga nang pagmasdan ang mga inihandang pagkain. Kahit pap'ano naman kasi may alam siya sa pagluluto, puro fried nga lang. Pero ipinangako niya sa sarili na pag-aaralan niya ang pagluluto ng iba't ibang mamahaling putahe na kadalasang pagkain ng mga mayayaman. Kapag napangasawa niya na kasi ang binata, gusto niyang pagsilbihan ito. Ayaw niyang hanggang sa kama lang ang galing niya. Mrs. Agatha Buenamente Tolentino. Wow! Mukhang bagay naman. Kinilig si Agatha sa naisip. Lumuwang ang pagkakangiti dahil sa pangangarap niya ng gising, ngiting naglaho nang bumungad sa pinto si Cassey. Kung dyosa ito sa ganda ngayon naman ay tila reyna naman ito na tuwid ang pagkakatayo at nakataas ang kaliwang-kilay. "M-ma'am Cassey?!" gulat niyang bulalas. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ni Cassandra na tiningnan mula ulo hanggang paa si Agatha. Ipinahalata ang pagkainis na tila diring-diri pa.Lihim na nakadama n
NAGLAKAD-LAKAD si Agatha sa dalampasigan upang maiwasang makita ang bebetime nina Cassey at Khevin. Kung makatili kasi si Cassey tila pinipiga ng puso niya. Tila nananadya pa itong ipinakikita sa kaniya at ipinamumukha na tila pag-aari na nito ang binata. Akala niya pa naman, umaayon na sa kaniya ang tadhana dahil nasolo nila ang isa't isa ni Khevin pero hindi pala dahil sinundan nga ito ng maarteng nobya nito. Nakakainis! Nabawasan ang inis ng dalaga nang mapagmasdan ang ganda ng sunset. Sa edad niyang beinte-sais ngayon niya lang napagmasdan ang ganito kagandang tanawin. Gusto niyang pasalamatan ang binata na dinala siya sa ganitong lugar. Tila naging pahinga niya mula sa mundong hindi uso ang pahinga o marahil sa mga kagaya niya lang na walang karapatang mapagod. "Balang-araw, uulitin ko ito!" Tila kinakausap ni Agatha ang kulay gintong-araw na tila unti-unting lumulubog sa tubig. "Ang alin?" Tinig na nagpalingon kay Agatha. Napasinghap si Agatha, kayang lusawin ng ngiti ni Khevi
NAGPUPUYOS pa rin ang kalooban ni Cassey. Pagkatapos kasi niyang malaman mula sa katulong ni Khevin na si Ashley ang ilang kaganapan sa mansyon tila lalong kumulo ang dugo niya kay Agatha. Dumagdag pa sa inis niya ang pambihirang ganda nito. Marahil hindi siya maiinis ng ganito kung hindi niya nakikitang tila special kay Khevin ang dalaga. Naiinis na tinawagan niya si Scarlet. "Hi Ate Cassey!" Ramdam agad ni Scar na may problema ito. "Yung kuya mo nagkakagusto sa katulong," sumbong niya rito. Saglit na nag-isip si Scar saka napangiti."Talaga?!" Umikot ang eyeball ni Agatha. "My gosh! I can't imagine na ipagpapalit lang ako ng kuya mo sa isang katulong?!" Tila diring-diri si Cassey na napangiwi pa. Humalakhak si Scar. "Scarlet naman, hindi ka man lang ba mandidiri? Hindi siya nababagay sa kahit na sino sa pamilya Tolentino." Napailing si Scarlet, alam niyang maarte si Cassey pero hindi niya akalain na saksakan ito ng matapobre. "Why should i? Maganda 'yung Agatha kaya ka naiinse
"PAUNANG-bayad , alam mo na ang gagawin mo." Nakataas ang kaliwang-kilay na saad ni Cassey. Ngumisi si Ashley."Akong bahala, Miss Cassey." Sarkastikong ngumisi si Ashley, noon pa man ay nanggigigil at naiinggit na siya kay Agatha. Sasamantalahin niya ang pagkakataon na mapatalsik ito sa mansyon. Gustong mapaalis ni Cassey si Agatha habang out of town si Khevin."AGATHA, gusto mo ng chocolates?" Ang tamis ng ngiti ni Ashley habang papalapit kay Agatha. Kumunot ang noo ng dalaga, napaisip. Bakit naman biglang bumait sa kaniya si Ashley? Nakakapagtaka? "Salamat na lang, Ashley. Pero baka may lason." Huwag ako! Aniya ng isip ni Agatha, alam niyang pamangkin ito ni satanas baka nga anak pa."Wag kang maarte, Agatha. Baka nga hindi ka pa nakatikim nito buong-buhay mo!" Mataray nitong wika. Inirapan lang ito ni Agatha, itinuloy niya ang pagvavacuum. Kahit pap'ano naman ay ginagawa niya ang trabaho niya sa mansyon, mas masipag pa nga siya kaysa sa dati. Matapos linisin ang gilid ng pool a
NAPAMAANG si Agatha, nakasilip sa labas ng bintana ng sasakyan habang nakatingala sa mataas na arko ng gate, VILLA AGATHA."Hoy! Nabasa n'yo ba 'yun?! Kapangalan ko ang may-ari?" Ipinasok na ni Agatha ang ulo matapos sumilip sa labas ng window ng car at langhapin ang sariwang-hangin. Nagkakatinginan lang ang mga goons saka napapailing. Kakaiba talaga ang babaeng kinidnap nila, mukhang nag i-enjoy pa. Napapanganga si Agatha habang pinagmamasdan ang malawak na taniman ng iba't ibang puno, puno ng mangga, kasoy at iba pang nagtatayugang puno. Parang ang sarap tumakbo at mamasyal sa lilim ng mga punong naroon kapag dapit-hapon. Ani Agatha na napapangiti."Taragis! Kaninong lupain ito? Ang yaman ha!" Bulalas niya nang matanaw sa di-kalayuan ang rancho na napakaraming kabayo. Para siyang nasa ibang bansa. Lalo pang namangha si Agatha nang matanaw ang tila palasyo na nasa gitna ng Hacienda. Para itong doll house ni Cinderella, may kalumaan ang disenyo ngunit hindi maikakailang tumataginting
"UMALIS?!" Umigting ang panga ni Khevin, magkasalubong ang mga kilay na tiningnan ang mayordoma at iba pang mga katulong na nakatayo sa kaniyang harapan. "Hindi po nagpaalam Sir Khevin," Paliwanag ni Aling Lydia. Humugot ng malalim na hangin si Khevin. Palibhasa, laking squatter! Inis na binalingan niya si Mang Emil. "Magpapahinga na ako," Nagkatinginan ang mga katulong. Tila uminit na ang ulo ng Boss nila nang malamang wala si Agatha, at tanging ang dalaga lang din ang may kakayahang tapatan ang tumataas nitong temperatura. Ngunit nas'an na nga ba ang dalaga?"Hindi pa ho kayo kumakain?" ani Aling Lydia, hindi kasi nito pinansin ang nakahaing pagkain nito sa dining table."Nawalan ako ng gana!" Tumayo na si Khevin. Tila nilalamon siya ng hindi niya maipaliwanag na lungkot at pagkadismaya ng walang Agatha na eksayted na sumalubong at nangulit sa kaniya.Umakyat na si Khevin patungo sa silid. Bakit tila hungkag ang pakiramdam niya kapag wala ang presensya ni Agatha? Nakadama siya n
WALA si Agatha sa apartment ng mga magulang nito, at ayon sa pamilya nito hindi pa ito umuuwi. Bumuntong-hininga ang binata, bakit nga ba niya pinag-aaksayahan ng panahon ang gaya ni Agatha? Inis na binalingan niya ang cellphone at nireply ang messages ni Cassey. "Manila Hotel, Babe. I'm waiting," Chat ni Agatha. "Mang Emil, Manila Hotel." Saad niya sa driver. Pilit niyang binabalewala si Agatha, baka tama nga ang ilang dating katrabaho nito sa Club. Sumama sa kliyente nito dahil mukha itong pera. Ang basura, mananatili nga namang basura!Bumangon ang galit niya para sa dalaga. Nilalamon siya ng matinding selos. Isinusumpa niya na pagbabayarin niya si Agatha sa dinaranas niyang pambabalewala nito sa kaniya. Makikita ng babaeng 'yun! Aniya sa isip. Kumunot ang noo ni Khevin nang bumungad sa kaniya ang ilang taga media na nakaabang sa lobby ng Hotel. Matamis na nakangiti si Cassey habang papalapit sa kaniya, tila pinaghandaan din ng mga naroroon ang pagdating niya. Nagtatakang tining
"ANONG ginawa mo?" Matiim na tinitigan ni Khevin si Cassey na matamis na ngumiti. "Sweetie, gusto ko ng magpakasal." Malambing na sagot ni Cassey, idinikit nito ang punong-dibdib sa braso ng binata ngunit umiwas si Khevin palayo. "Cassey, pinangungunahan mo ako." Nagtagis ang bagang ng binata, nagpipigil na huwag sumabog ang matinding inis. Inihatid niya ito sa condo unit nito at pagkakataon niya ng sumbatan ito sa surprise proposal na ginawa ng dalaga."Pwes! Nakakainip!" Mataray na nameywang na si Cassey. Naiiling na humugot ng malalim na hangin si Khevin. Beauty & brain, childish at spoiled brat si Cassey. Noon pa man, hindi niya na nakikita ang sarili na ganitong klaseng babae ang pakakasalan niya. "Cassey, may tamang panahon." "Eh, kung maagaw ka sa akin 'nung Agatha na 'yun!" Natigilan si Khevin, napabuntong-hininga. Si Agatha? Si Agatha, na hindi niya na alam kung saang lupalop na nagpunta? "Cassey, please shut-up!" inis niyang asik sa dalaga. Iniwan niya na ito na paran