KUNG masarap matulog na katabi at kayakap ang isang Khevin Tolentino. Mas masarap pala dumilat na ang gwapong mukha nito ang bubungad. Masuyo itong nakatitig sa mukha ng dalaga. Magkadikit pa rin ang hubad nilang katawan. Sinulyapan ni Agatha ang naghuhumindig nitong tar*go na hindi man lang nag-abalang takpan. Tila laging handa sa labanan. Ngumiti si Agatha at isiniksik ang sarili sa hubad nitong katawan. Ang sarap damahin at singhutin ang natural na amoy nito. Para siyang inilutang sa alapaap nang dampian siya nito ng halik sa noo. Ang sarap sigurong maging legal wife ni Khevin? Tila kinakausap siya ng ambisyosa niyang utak. Pumikit na si Agatha pero muling napadilat nang marinig ang tunog ng cellphone na nnasa labas ng silid. Bumalikwas ang dalaga saka kinuha ang kumot na nasa gawing paanan at ibinalot sa hubad na katawan. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Khevin. "May tumatawag sa cellphone ko," "Oo, alam ko. Naka-maximum." sarkastikong saad ni Khevin. Sa lakas ng ringtone nito, s
VILLA AGATHA-RANCHO MonteverdeNasa pinakadulong bahagi na ng Zambales ang pinakamalawak na hacienda na pag-aari ni Don Sylvestre Mondragon, ang pinakamayamang haciendero sa bayan ng Zambales. "Matagal na hong wala sa Club Carolina si Rosalinda Buenamente, Senyor Sylvestre. Dalawang dekada mula nang umalis siya sa club ay hindi na siya muling nagpakita pa." Mahabang litanya ng private detective na binayaran ng Don upang ipahanap ang babaeng ibinahay niya dalawampu't limang taon na ang nakalipas. Humugot ng malalim na hangin si Don Sylvestre, umiikli na ang oras niya at panahon niya sa mundo dahil sa sakit niya ngunit hindi niya pa rin natatagpuan ang kaniyang mag-ina. Si Rosa ay nakilala niya sa mga panahong magulo ang kaniyang isipan. Naghiwalay sila ng kaniyang asawa noon at ito ang naging sandalan niya hanggang sa magkahulugan sila ng loob. Itinira niya sa isang apartment ang babae, nagpanggap siyang mahirap upang makasama ito at bumagay sa mundong kinabibilangan nito, pansamanta
EXCITED na ipinagluto ni Agatha si Khevin nang breakfast meal. Napangiti ang dalaga nang pagmasdan ang mga inihandang pagkain. Kahit pap'ano naman kasi may alam siya sa pagluluto, puro fried nga lang. Pero ipinangako niya sa sarili na pag-aaralan niya ang pagluluto ng iba't ibang mamahaling putahe na kadalasang pagkain ng mga mayayaman. Kapag napangasawa niya na kasi ang binata, gusto niyang pagsilbihan ito. Ayaw niyang hanggang sa kama lang ang galing niya. Mrs. Agatha Buenamente Tolentino. Wow! Mukhang bagay naman. Kinilig si Agatha sa naisip. Lumuwang ang pagkakangiti dahil sa pangangarap niya ng gising, ngiting naglaho nang bumungad sa pinto si Cassey. Kung dyosa ito sa ganda ngayon naman ay tila reyna naman ito na tuwid ang pagkakatayo at nakataas ang kaliwang-kilay. "M-ma'am Cassey?!" gulat niyang bulalas. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ni Cassandra na tiningnan mula ulo hanggang paa si Agatha. Ipinahalata ang pagkainis na tila diring-diri pa.Lihim na nakadama n
NAGLAKAD-LAKAD si Agatha sa dalampasigan upang maiwasang makita ang bebetime nina Cassey at Khevin. Kung makatili kasi si Cassey tila pinipiga ng puso niya. Tila nananadya pa itong ipinakikita sa kaniya at ipinamumukha na tila pag-aari na nito ang binata. Akala niya pa naman, umaayon na sa kaniya ang tadhana dahil nasolo nila ang isa't isa ni Khevin pero hindi pala dahil sinundan nga ito ng maarteng nobya nito. Nakakainis! Nabawasan ang inis ng dalaga nang mapagmasdan ang ganda ng sunset. Sa edad niyang beinte-sais ngayon niya lang napagmasdan ang ganito kagandang tanawin. Gusto niyang pasalamatan ang binata na dinala siya sa ganitong lugar. Tila naging pahinga niya mula sa mundong hindi uso ang pahinga o marahil sa mga kagaya niya lang na walang karapatang mapagod. "Balang-araw, uulitin ko ito!" Tila kinakausap ni Agatha ang kulay gintong-araw na tila unti-unting lumulubog sa tubig. "Ang alin?" Tinig na nagpalingon kay Agatha. Napasinghap si Agatha, kayang lusawin ng ngiti ni Khevi
NAGPUPUYOS pa rin ang kalooban ni Cassey. Pagkatapos kasi niyang malaman mula sa katulong ni Khevin na si Ashley ang ilang kaganapan sa mansyon tila lalong kumulo ang dugo niya kay Agatha. Dumagdag pa sa inis niya ang pambihirang ganda nito. Marahil hindi siya maiinis ng ganito kung hindi niya nakikitang tila special kay Khevin ang dalaga. Naiinis na tinawagan niya si Scarlet. "Hi Ate Cassey!" Ramdam agad ni Scar na may problema ito. "Yung kuya mo nagkakagusto sa katulong," sumbong niya rito. Saglit na nag-isip si Scar saka napangiti."Talaga?!" Umikot ang eyeball ni Agatha. "My gosh! I can't imagine na ipagpapalit lang ako ng kuya mo sa isang katulong?!" Tila diring-diri si Cassey na napangiwi pa. Humalakhak si Scar. "Scarlet naman, hindi ka man lang ba mandidiri? Hindi siya nababagay sa kahit na sino sa pamilya Tolentino." Napailing si Scarlet, alam niyang maarte si Cassey pero hindi niya akalain na saksakan ito ng matapobre. "Why should i? Maganda 'yung Agatha kaya ka naiinse
"PAUNANG-bayad , alam mo na ang gagawin mo." Nakataas ang kaliwang-kilay na saad ni Cassey. Ngumisi si Ashley."Akong bahala, Miss Cassey." Sarkastikong ngumisi si Ashley, noon pa man ay nanggigigil at naiinggit na siya kay Agatha. Sasamantalahin niya ang pagkakataon na mapatalsik ito sa mansyon. Gustong mapaalis ni Cassey si Agatha habang out of town si Khevin."AGATHA, gusto mo ng chocolates?" Ang tamis ng ngiti ni Ashley habang papalapit kay Agatha. Kumunot ang noo ng dalaga, napaisip. Bakit naman biglang bumait sa kaniya si Ashley? Nakakapagtaka? "Salamat na lang, Ashley. Pero baka may lason." Huwag ako! Aniya ng isip ni Agatha, alam niyang pamangkin ito ni satanas baka nga anak pa."Wag kang maarte, Agatha. Baka nga hindi ka pa nakatikim nito buong-buhay mo!" Mataray nitong wika. Inirapan lang ito ni Agatha, itinuloy niya ang pagvavacuum. Kahit pap'ano naman ay ginagawa niya ang trabaho niya sa mansyon, mas masipag pa nga siya kaysa sa dati. Matapos linisin ang gilid ng pool a
NAPAMAANG si Agatha, nakasilip sa labas ng bintana ng sasakyan habang nakatingala sa mataas na arko ng gate, VILLA AGATHA."Hoy! Nabasa n'yo ba 'yun?! Kapangalan ko ang may-ari?" Ipinasok na ni Agatha ang ulo matapos sumilip sa labas ng window ng car at langhapin ang sariwang-hangin. Nagkakatinginan lang ang mga goons saka napapailing. Kakaiba talaga ang babaeng kinidnap nila, mukhang nag i-enjoy pa. Napapanganga si Agatha habang pinagmamasdan ang malawak na taniman ng iba't ibang puno, puno ng mangga, kasoy at iba pang nagtatayugang puno. Parang ang sarap tumakbo at mamasyal sa lilim ng mga punong naroon kapag dapit-hapon. Ani Agatha na napapangiti."Taragis! Kaninong lupain ito? Ang yaman ha!" Bulalas niya nang matanaw sa di-kalayuan ang rancho na napakaraming kabayo. Para siyang nasa ibang bansa. Lalo pang namangha si Agatha nang matanaw ang tila palasyo na nasa gitna ng Hacienda. Para itong doll house ni Cinderella, may kalumaan ang disenyo ngunit hindi maikakailang tumataginting
"UMALIS?!" Umigting ang panga ni Khevin, magkasalubong ang mga kilay na tiningnan ang mayordoma at iba pang mga katulong na nakatayo sa kaniyang harapan. "Hindi po nagpaalam Sir Khevin," Paliwanag ni Aling Lydia. Humugot ng malalim na hangin si Khevin. Palibhasa, laking squatter! Inis na binalingan niya si Mang Emil. "Magpapahinga na ako," Nagkatinginan ang mga katulong. Tila uminit na ang ulo ng Boss nila nang malamang wala si Agatha, at tanging ang dalaga lang din ang may kakayahang tapatan ang tumataas nitong temperatura. Ngunit nas'an na nga ba ang dalaga?"Hindi pa ho kayo kumakain?" ani Aling Lydia, hindi kasi nito pinansin ang nakahaing pagkain nito sa dining table."Nawalan ako ng gana!" Tumayo na si Khevin. Tila nilalamon siya ng hindi niya maipaliwanag na lungkot at pagkadismaya ng walang Agatha na eksayted na sumalubong at nangulit sa kaniya.Umakyat na si Khevin patungo sa silid. Bakit tila hungkag ang pakiramdam niya kapag wala ang presensya ni Agatha? Nakadama siya n