Habang binabasa ni Lunabella ang nilalaman ng dokumento, nagsalubong ang kanyang kilay nang may mahagip ang kanyang mga mata. Soledad. Iyon ang apilyedong nakasulat sa dokumento. Alam niyang maraming nagmamay-ari ng ganoong apilyedo, subalit isa lamang ang kilala niyang Soledad sa larangan ng medisina. At iyon ay walang iba kundi ang kanyang kaaway. Ngumiwi si Luna, sana lang talaga ay magiging swerte siya sa araw na iyon at hindi niya makatagpo ang taong ayaw niyang makita. Ilang sandali ang makalipas nang makarating sila sa isang coffee shop, wala pa ang kanilang kausap kaya naman humanap na lamang sila ng mauupuan. Nag-order sila ni Euan ng kanilang kape habang naghihintay sa kanilang kliyente. Sampung minuto ang makalipas nang matanaw nilang may paparating, ilang saglit pa ay itinulak na nito ang pintuan. "Here she comes," bulong ni Euan kay Lunabella. "We apologize for being late," sambit ni Lyndon. Nag-angat ng tingin si Lunabella sa gawi ng pintuan dahilan upa
"May personal ba kayong alitan ni Ms. Soledad, Luna?" Nang sandaling makalabas sila sa coffee shop ay isinatinig ni Euan ang kanina pang gumugulo sa kanyang isipan. Dahil sa paraan pa lamang ng kanilang pag-uusap, ramdam na ramdam niya ang galit na namumuo sa pagitan ng dalawa. Hindi gustong pag-usapan ni Lunabella ang nakaraan, kaya naman nagkibit na lamang siya ng balikat. "Parang ganoon na nga." Nang mapansing walang interes si Lunabella na mapag-usapan ang bagay na iyon, hindi na lang nagpumilit pa si Euan. Bagkus ay ibinaling na lamang sa iba ang usapan. "Kung hindi na matutuloy ang kooperasyon natin sa mga Soledad, kailangan na nating maghanap ng ibang kliyente." Tumango si Lunabella. "Edi maghahanap tayo ng iba. Napakalaki ng Pilipinas. Maliban sa mga Soledad, marami pang ibang medicinal materials merchants na handang makipagkooperasyon sa atin. Don't lose hope, Dr. Alvero." "Okay," nakangiting tumango si Euan. Mas gugustuhin pa niyang maghanap ng ibang mangangalakal
Walang dudang nakausap na nga ni Astra Soledad ang halos lahat ng medicinal materials dealers sa Maynila dahilan upang tumanggi ang mga ito. Dahil dito ay wala silang choice kundi ang matigil muna sa produksyon! Mula pa kanina ay pilit na kinakalma ni Lunabella ang sarili. Ngunit ngayong alam na niyang si Astra ang dahilan kung bakit umaayaw ang mga supplier sa kanila ay hindi na niya mapigilan ang sariling mairita. Hindi niya lubos maisip na makalipas ang anim na taon ay ganoon pa rin ito kababaw na tao. Hindi aakalain na dadamayin nito ang negosyo sa pansariling nararamdaman. Bakit naman ito magagalit sa kanya? Eh, ibinigay na niya rito ang karapatan kay Benjamin Alvarez anim na taon na ang nakalilipas. Siya na nga ang kusang umalis sa buhay ng mga ito ay hindi pa rin sila makuntento. Subalit hindi iyon ang tamang panahon para pagtuuan ng pansin ang kanyang emosyon. Mas kailangan ng institute nila ang supplier upang maipagpatuloy ang produksyon. Kaya naman kinurot niya ang
Ang kondisyon ni Don Fuentabella ay masyadong kumplikado, marahil ay iyon din ang naging dahilan kaya nahirapan ang ilang doktor na pagalingin ito. Ilang oras din ang ginugol ni Euan Alvero sa pagpapaliwanag tungkol sa karamdaman ng matanda. Nang sumapit ang alas singko ng hapon ay tapos na ang trabaho. Dinaanan ni Lunabella ang mga anak sa kanilang eskwelahan at saka sabay silang umuwi. Nagpa-deliver na lang sila ng hapunan dahil mayroon pa siyang pupuntahan. "Twins, if I won't be back until 10PM please go to sleep already, okay?" Ani Luna sa mga anak. Nasa living room ang mga bata at kasalukuyang nanonood ng palabas. Wala rin naman siyang dapat ipag-alala dahil alam niyang kaya na ng mga anak ang maiwan, isa pa ay ilang bahay lang ang layo ni Zarina kaya matitingnan pa ang mga ito. "Yes, Mommy. Please be careful driving and be home before passed twelve midnight," malambing na paalala ni Brion. "Bring a sweater Mommy, it's getting cold outside." Sunod namang sinabi ni Lev
“Benjamin, naging asawa mo ako sa loob ng tatlong taon ngunit ni isang beses ay hindi mo man lang ako nagawang hawakan! Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. Ito na ang tamang panahon para bumawi sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa piling mo bilang asawa mo at bilang babaeng minahal ka ng napakatagal! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” Tumutulo ang mga luha ni Lunabella habang sinasabi iyon sa nakahiga at nakataling asawang si Benjamin Alvarez sa kanilang kama. “Huwag mong gawin ito, Luna. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kita magawang mahalin? Na si Astra lang ang tanging tinitibok ng puso ko?!” Walang pusong turan ni Benjamin, puno ng galit ang mga mata. “Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito, talagang mapapatay kita!” Pilit itong kumakawala sa pagkakatali ngunit mahigpit ang ginawang pagkakatali rito ni Lunabella rito.Sa may paanan ng kama ay ngumisi si Luna. “Iyon ay kung makikita mo pa ako kapag
Nagising si Benjamin ng alas diez y medya. Ang unang pumasok sa isip niya ay kung paanong sakalin hanggang sa mamatay si Lunabella. Siya si Benjamin Alvarez, CEO ng pinakamalaking kompanya sa bansa na Alvarez Technology Inc… kilala bilang pinakamatalino. Kilala siya bilang mahusay at tuso sa larangan ng negosyo, ni wala pang nangahas na pabagsakin siya dahil pinaplano pa lamang ng mga ito, nagawa na niya iyon sa kanila. Ngunit dahil lang isa isang babae. Isang babae lang na dapat ay mahina at walang alam ay heto siya at nagkukumahog na bumangon upang pagbayarin ito sa nagawang kalapastanganan sa kanya. Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit kailan! Humanda ang babaeng iyon sa galit niya, wala na siyang pakialam kahit mapatay pa niya ito. Iritadong luminga-linga sa buong silid si Benjamin, umaasang bigla na lang lilitaw roon si Lunabella ngunit ni walang bakas ng babae sa silid! Noong papalabas na siya ay nahagip ng tingin niya ang isang papel na nasa bedside table, sa pagkakaala
Agad na pumasok si Lunabella sa opisina ni propesor Macario.. Nang sandaling bumukas ang pintuan ay agad na nagliwanag ang mukha at patalong umalis ng sofa ang dalawang makukulit na bubwit. “Mama! Lumabas na rin kayo sa wakas! Akala ko po ay roon na kayo titira sa laboratoryo!” Pambungad ni Brion. “Mama, mukha na po kayong pagod na tinubuan ng tao. Upo ka po, Mama. Mamasahe-in kita!” Wika naman ni Levy at saka siya iginiya ng dalawa paupo sa sofa. Agad na ekspertong nagmasahe sa kanyang mga balikat ang malilit na kamay nito. Si Brion ay nasa paanan niya at minamasahe ang kanyang mga binti. Habang pinapanood ni Lunabella kung paano siyang asikasuhin ng mga anak ay napapasabi na lamang siya na sulit ang panenermon ng propesor. “Ang babait ninyo ngayon, ah? Bakit hindi kayo ganyan kanina nang sirain ninyo ang computer ko?” Ang malaking boses na iyon ay galing sa propesor Macario, na kasalukuyang pinapanood ang mag-iina sa likod ng kanyang malalaking monitors. Si Levy ang unan
Sa narinig ay matunog na tumawa ang propesor. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at binigyan ng pamilyang yakap si Lunabella. Para na talagang anak ang turing nito kay Luna dahil sa tagal na nilang magkasama. Dahil sa pagkasubsob sa trabaho ay hindi na nakapag-asawa ang propesor at hindi na nagkaroon pa ng pamilya. Kaya kahit sakit sa ulo ang pagpapasaway ng dalawang anak nito ay nagpapasalamat siya dahil nabigyan ng mga ito ang kulay ang kanyang buhay. “Natutuwa ako sa bilis ng iyong pagdedesisyon, Luna.” Wika nito pagkatapos humiwalay sa yakap. Tinapik nito ng marahan ang balikat ng babae. “Huwag kang mag-alala, sasama si Linda at ang ilang stuff dito nang sa ganoon ay may makakasama ka roon in case mamiss mo ako rito.” Pagbibiro ng propesor. Habang ang dalawa ay nag-uusap tungkol sa pag-uwi ng Pilipinas ay nagkatinginan naman ang dalawang batang lalaki. Para bang nag-uusap na ang dalawa at nagkakaintindihan kahit na wala pa mang lumalabas na salita sa kanilang bibig. Ilang sand
Ang kondisyon ni Don Fuentabella ay masyadong kumplikado, marahil ay iyon din ang naging dahilan kaya nahirapan ang ilang doktor na pagalingin ito. Ilang oras din ang ginugol ni Euan Alvero sa pagpapaliwanag tungkol sa karamdaman ng matanda. Nang sumapit ang alas singko ng hapon ay tapos na ang trabaho. Dinaanan ni Lunabella ang mga anak sa kanilang eskwelahan at saka sabay silang umuwi. Nagpa-deliver na lang sila ng hapunan dahil mayroon pa siyang pupuntahan. "Twins, if I won't be back until 10PM please go to sleep already, okay?" Ani Luna sa mga anak. Nasa living room ang mga bata at kasalukuyang nanonood ng palabas. Wala rin naman siyang dapat ipag-alala dahil alam niyang kaya na ng mga anak ang maiwan, isa pa ay ilang bahay lang ang layo ni Zarina kaya matitingnan pa ang mga ito. "Yes, Mommy. Please be careful driving and be home before passed twelve midnight," malambing na paalala ni Brion. "Bring a sweater Mommy, it's getting cold outside." Sunod namang sinabi ni Lev
Walang dudang nakausap na nga ni Astra Soledad ang halos lahat ng medicinal materials dealers sa Maynila dahilan upang tumanggi ang mga ito. Dahil dito ay wala silang choice kundi ang matigil muna sa produksyon! Mula pa kanina ay pilit na kinakalma ni Lunabella ang sarili. Ngunit ngayong alam na niyang si Astra ang dahilan kung bakit umaayaw ang mga supplier sa kanila ay hindi na niya mapigilan ang sariling mairita. Hindi niya lubos maisip na makalipas ang anim na taon ay ganoon pa rin ito kababaw na tao. Hindi aakalain na dadamayin nito ang negosyo sa pansariling nararamdaman. Bakit naman ito magagalit sa kanya? Eh, ibinigay na niya rito ang karapatan kay Benjamin Alvarez anim na taon na ang nakalilipas. Siya na nga ang kusang umalis sa buhay ng mga ito ay hindi pa rin sila makuntento. Subalit hindi iyon ang tamang panahon para pagtuuan ng pansin ang kanyang emosyon. Mas kailangan ng institute nila ang supplier upang maipagpatuloy ang produksyon. Kaya naman kinurot niya ang
"May personal ba kayong alitan ni Ms. Soledad, Luna?" Nang sandaling makalabas sila sa coffee shop ay isinatinig ni Euan ang kanina pang gumugulo sa kanyang isipan. Dahil sa paraan pa lamang ng kanilang pag-uusap, ramdam na ramdam niya ang galit na namumuo sa pagitan ng dalawa. Hindi gustong pag-usapan ni Lunabella ang nakaraan, kaya naman nagkibit na lamang siya ng balikat. "Parang ganoon na nga." Nang mapansing walang interes si Lunabella na mapag-usapan ang bagay na iyon, hindi na lang nagpumilit pa si Euan. Bagkus ay ibinaling na lamang sa iba ang usapan. "Kung hindi na matutuloy ang kooperasyon natin sa mga Soledad, kailangan na nating maghanap ng ibang kliyente." Tumango si Lunabella. "Edi maghahanap tayo ng iba. Napakalaki ng Pilipinas. Maliban sa mga Soledad, marami pang ibang medicinal materials merchants na handang makipagkooperasyon sa atin. Don't lose hope, Dr. Alvero." "Okay," nakangiting tumango si Euan. Mas gugustuhin pa niyang maghanap ng ibang mangangalakal
Habang binabasa ni Lunabella ang nilalaman ng dokumento, nagsalubong ang kanyang kilay nang may mahagip ang kanyang mga mata. Soledad. Iyon ang apilyedong nakasulat sa dokumento. Alam niyang maraming nagmamay-ari ng ganoong apilyedo, subalit isa lamang ang kilala niyang Soledad sa larangan ng medisina. At iyon ay walang iba kundi ang kanyang kaaway. Ngumiwi si Luna, sana lang talaga ay magiging swerte siya sa araw na iyon at hindi niya makatagpo ang taong ayaw niyang makita. Ilang sandali ang makalipas nang makarating sila sa isang coffee shop, wala pa ang kanilang kausap kaya naman humanap na lamang sila ng mauupuan. Nag-order sila ni Euan ng kanilang kape habang naghihintay sa kanilang kliyente. Sampung minuto ang makalipas nang matanaw nilang may paparating, ilang saglit pa ay itinulak na nito ang pintuan. "Here she comes," bulong ni Euan kay Lunabella. "We apologize for being late," sambit ni Lyndon. Nag-angat ng tingin si Lunabella sa gawi ng pintuan dahilan upa
"Sa palagay ko naman ay nabayaran ko na ang pagkaka-utang ng Alvarez sa mga Soledad in all aspects over the years. Sa katunayan ay sobra-sobra pa nga sa halaga nitong engagement. Kaya kahit hindi matuloy ang kasal ay siguradong walang kahit sinong mangahas na kuwestyunin iyon." Walang kahit anong makikitang emosyon sa pagkakasabing iyon ni Benjamin. Para bang matagal na niya iyong pinagplanuhan. Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ni Astra sa labis na pagkagitla sa mga lumalabas sa bibig ng fiancee. Hindi niya inaasahan ang maririnig niya rito, para bang... Para bang harap-harapan nitong sinasabing hindi na matutuloy ang kasal! Pagkatapos iyong sabihin ni Benjamin ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para tingnan ang reaksyon ni Astra. Umpisa pa lang ay ang pinakarason ng kaniyang pagpapakasal kay Astra ay para mapagbayaran ang utang na loob niya sa Lolo nito na siyang nagligtas sa buhay niya. Sa kadahilanang iyon ay kinakailangan niyang maging malapit sa pamilyang Sole
Matagal pa bago muling nakatulog si Lunabella. Nagbaon tuloy siya ng eye bags kinabukasan. "Mommy, hindi ka po ba nakatulog ng maayos? You have dark circles under your eyes," puna ni Levy habang pinagmamasdan ang inang abala sa pag-aasikaso sa kanilang almusal. Bahagyang nagulat si Luna roon. Sandali pang sumagi sa isipan niya ang panaginip bago matamis na ngumiti sa anak. "Uhm, medyo late lang akong nakatulog dahil hindi ko namalayan ang oras habang nagbabasa ng ilang papeles." Paliwanag niya. Masyadong attentive at sensitive ang kambal pagdating sa kanilang ina, kaya naman pagkatapos iyong sabihin ni Lunabella ay yumuko na siya at itinuon na lamang ang atensyon sa pagkain. "Huwag ka po masyadong magpagod, Mama. Please don't forget to take care of your health." Malambing na pagpapaalala ni Brion. Matamis namang ngumiti si Luna sa mga anak at sunud-sunod na tumango. Pagkatapos ng almusal ay dinala ni Luna ang mga anak sa bahay ni Zarina para kunin ang sinasabi nitong sasak
Nang makauwi si Lunabella ay naabutan niyang gising pa ang kambal. Nasa living room ang mga ito kasama si Zarina at nanonood ng TV. Nang makita siyang pumasok ay umalerto kaagad ang dalawa. "Mommy!" Sabay na takbuhan ng dalawa sa kanya. "Uminom ka po, Mama?" Tanong ni Levy at inamoy ang ina. "Ipagtitimpla po kita ng sobering tea, para hindi po kayo magkaroon ng malalang sakit ng ulo kinabukasan." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay tumalikod na at tinungo ang kusina. Si Brion naman ay marahang humawak sa kamay ng ina at saka ito maingat na pinaupo sa malambot na sofa. Pagkatapos ay paharap siyang naupo sa kandungan ng ina at nagsimulang masahehin ang sentido nito. "Just sit down and relax, Mommy. I'll give you a massage," sambit nito. Sa kabilang banda, hindi mapigilan ni Zarina ang maging emosyonal habang pinapanood ang mga inaanak kung paanong alagaan ng mga ito ang kanilang ina. "Aww... Paanong nangyaring ganito ka-responsable at ka-sweet ang mga inaanak ko?" Madrama ni
Maingat na naupo si Benjamin sa gilid ng kulay rosas na kama ng anak. Namumukha siyang higante sa liit ng kama ng anak kahit na hindi naman, malaki ang espasyo niyon at tama lamang para sa bata. Hindi gumawa ng ingay si Benjamin at pinapanood lamang ang nag-iisang babaeng anak habang nagpipinta ito, dalawang full moon at isang star ang iginuguhit nito sa gitna ng kulay asul na kalangitan. Mayroon namang ibang stars na nagkalat subalit iyong tatlo lamang ang tanging magkakatabi. Mariing kumunot ang noo ni Benjamin. Ngayon lamang niya nakitang gumuhit ng ganoon ang anak. Oo at mahilig itong gumuhit ngunit mga bulaklak lamang ang madalas niyang nakikitang iginuguhit nito. Ngayon ay iba, bago. Ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon. Marahil ay nais sumubok ng bata ng bago, hahayaan na lamang niya. Kahit ano naman basta't kasiyahan ng kanyang prinsesa ay ibibigay niya. Nagpakawala siya ng buntong hininga nang mas mapagmasdan pa ang anak. Hindi siya makapaniwala na heto na ang mu
Tumakbo nang tumakbo si Lunabella sa oras na makalabas siya sa pintuan ng silid na iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, para siyang nawala sa sarili. Natagpuan na lamang niya ang sariling padausdos na napaupo sa isa sa mga hagdanan pababa. Bakit ba kasi nasa second floor pa ang banyo kung pwede namang nasa unang palapag lang? Nakakainis. Tumulala siya saglit, ang dibdib ay marahas na nagtaas-baba. Wala sa sariling inangat niya ang kanyang palad at damhin ang kanyang labi, mula roon ay dalawang beses siyang kumurap-kurap. Magpahanggang sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang mainit na paglapat ng malambot na labi ng lalaki sa kanyang labi. Napabuga siya ng hangin. Nangyari ba talaga iyon? Hinalikan ba talaga siya ni Benjamin? Hindi lamang ba guni-guni ang lahat? Kaya naman para malaman ang totoo, sinampal niya ang sarili na siyang dahilan upang mahina siyang mapadaing sa huli. Totoo nga, hindi na nga talaga isang panaginip ang lahat. Kapagkuwan ay lay