KULANG NA LANG ay mapunit sa malaking ngiti ang labi ni Oliver sa saya nang tanggapin niya mula kay Carolyn ang kanyang pinakuhang maleta sa kanya sa condo. Maraming naglalaro sa isipan niya habang hinihintay ang secretary. Tinitigan siyang mabuti ni Carolyn na para bang hindi siya iyon at ibang tao
HINDI PINANSIN NI Oliver si Alia na nalingunan naman niya ang pintuan kung saan ito nakatingin. Agad na dumaan sa kanyang isipan ang naiisip nito. Awtomatiko siyang kumalas ng yakap at tinungo ang pintuan upang isara iyon dahil ito ang dahilan ng paghi-histerikal ni Alia. Hindi niya lang basta sinar
AWTOMATIKO NG NAGKATINGINAN sina Oliver at Alia sa katanungang iyon ng anak. Sabay din silang napailing. Lalong naguluhan si Nero sa awkward na kilos nilang dalawa. Patuloy naman ang kain ni Helvy na kung hindi nakatingin sa kapatid ay sa ina. “Para po kayong nag-away eh. M*****i na po kayo.” Tumi
BUMULAGA SA PANINGIN ni Alia ang naka-dim na ilaw ng silid matapos na mabuksan niya ang pintuan. Lumipad ang kanyang mga mata sa computer na patay naman at sa nakaharap na swivel chair na walang laman. Pinatunayan lang nito ang kutob niya na wala doon ang bulto ng lalaking hinahanap niya. Tama siya,
KINABUKASAN, ITINAON NINA Oliver at Alia ang pag-alis ng villa na tulog pa ang dalawang bata upang hindi sila humabol. Baka akalain kasi ng mga ito na sinadya nilang dalawa na hindi sila kasama kung kaya naman idsangdaang porsyento na safe na umalis sila ng tulog pa sila. Ibinilin lang nila ang mga
ANG INAALALA LANG naman ni Oliver ay baka mamaya hindi siya makaalis nang dahil sa mga bata kung uuwi pa sila ng villa. Tutal ay nasa labas na sila ni Alia kung kaya naman lulubusin niya ng kunin ang pagkakataong iyon. Saka baka biglang magbago ang isip nito ay mamaya ay biglang hindi na lang siya n
MALAKAS NA HUMALAKHAK si Oliver sa kabilang linya na kinailangan pa niyang tumigil sa kanyang ginagawa dahil paulit-ulit niyang ni-replay ang dulong sinabi ni Alia patungkol sa kanyang regalo. Wala iyong katumbas na halaga para dito. Kaya nga iyon ang regalo niya, ma-sentimental value ang babae kung
BAGSAK ANG MAGKABILANG balikat na lumabas ng Gallery si Leo matapos na sabihin iyon ng amo. Tumayo na rin noon si Alia at humakbang na palabas. Dala niya ang painting na regalo ni Oliver na sa studio niya ilalagay. “Ano kaya ang pakay nila? Si Helvy?” Hanggang sa makauwi ng villa ay iyon pa rin an
BIGLANG NAMUTLA NA ang mukha ni Landon na napalingon na sa banda ng veranda kung nasaan ang ina niya. Hindi niya kayang magtago sa kanyang mga in laws dahil alam niyang mahuhuli rin naman kung gagawin niya ang bagay na iyon. Isa pa, tiyak na magiging kasiraan niya nang malala ang bagay na iyon kung
TINAPIK LANG NANG marahan ni Geoff ang isang balikat ni Landon at muli pang binalingan ang asawa na prenteng nakaupo pa rin sa sofa na para bang ayaw pa nitong umalis sa bagong tirahan ng kanilang unica hija. Alam ni Alyson na aawayin siya ng asawa kapag iginiit niya na gusto niyang makita ang silid
LINGID SA KAALAMAN ni Addison ay busy na busy ang mag-inang Loraine at Landon ng mga sandaling iyon na nasa veranda ng condo nila at masayang nagku-kwentuhan. Binabalikan nila ang nakaraan noong batang paslit pa lang si Landon. Si Loraine ang panay ang kwento habang tahimik lang naman na nakikinig s
NAIINTINDIHAN NAMAN IYON ni Addison na pakiramdam niya ay normal lang naman. Inisip na lang niya na marami itong inuuwing trabaho at ayaw magpa-istorbo kung kaya naman busy siya pagdating ng condo nila. Ni katiting ay hindi siya nagkaroon ng bahid ng pagdududa sa kinikilos ng kanyang asawa na may ib
NANG SUMARA ANG pintuan ng condo ay bumalik si Loraine sa kusina at tinawag ang kasama niyang si Jinky. Magkaharap silang naupo sa hapag-kainan upang kumain. Maaga silang nagtungo doon kung kaya naman hindi na nila nagawa pang kumain ng almusal bago umalis ng apartment. Hindi lang iyon ipinaalam ni
KINABUKASAN, PAGDILAT PA lang ng mga mata ni Landon ay naroon na sa condo niya si Loraine may limang maletang dala na nakaparada na sa sala habang prenteng nakaupo sila sa sofa ni Jinky. Hinihintay na magising ang anak at lumabas ng silid. Ibinilin na ni Landon sa mga maid na papasukin ang ina oras
KASABAY NG PAG-ALIS ni Addison patungo ng two weeks na photoshoot sa Puerto Princesa ay siya namang muling pagpapakita ni Loraine sa labas ng condo ng kanyang anak na si Landon upang igiit na naman ang kanyang gusto. Kamuntikan pang atakehin sa puso ang lalaki sa labis na gulat nang makita niyang bi
SAMANTALA, NAPALINGON SA labas ng sasakyan si Addison nang marinig niyang may kumatok sa salamin bago pa man niya tuluyang mabuhay ang makina ng sasakyan at mapaalis sa parking lot ng building. Napakunot ang kanyang noo nang makitang ang asawa niyang si Landon iyon na seryoso ang mukhang nakatingin
ANG BUONG AKALA nilang mag-asawa ay tapos na doon ang trip ni Loraine na panggugulo sa kanila, ngunit kinabukasan ay pumunta ulit ito ng kanilang unit. Bagay na hindi nila parehong inaasahan. Sa pagkakataong iyon ay natutulog pa ang mag-asawa kung kaya naman ang mga katulong lang ang nagbukas ng pin