KUNG TUTUUSIN AY makakaya ni Oliver na puntahan ang mag-ina sa kabila ng kalagayan dahil alam niya kung nasaang bansa rin sila. Ang sitwasyon niya lang ang pumipigil sa kanya at pagka-konsensya sa mga nagawa niya. Isa pa, wala pa siyang mukhang maihaharap kay Alia. Sa lahat ng pasakit na kanyang gin
NAKATANGGAP AGAD SI Alia ng bouquet ng bulaklak paglapit niya pa lang sa organizer ng event na iyon. Malugod niyang tinanggap naman iyon matapos na makipagbeso. Hindi makapaniwala ang head ng event na sa wakas ay papaunlakan na sila ng kilalang Pilipinang pintor na naka-base sa Malaysia. Parang sunt
BAGO MAGSIMULA ANG competition ay mahaba-haba pa ang naging paglalakbay ng imagination ni Oliver sa kung paano kung hindi sila nagkahiwalay na pamilya? Siguro, nadagdagan na ang anak nila. Siguro kung pinili niya ang pamilya doon sa part na o-operahan si Alia sa cornea, siguro masaya pa rin sila han
HINDI NA RUMIHISTRO pa sa isipan ni Alia kung paano niya natapos ang awarading hanggang first place at ang picture taking nito. Pagkatapos kasi noon ay agad na siyang humiwalay sa kanina upang puntahan ang mga anak. Bigla siyang nag-panic nang makitang wala doon ang mga bata sa pwesto kung saan niya
SINUNDAN NI OLIVER ng tingin ang malalaki at nagmamadaling mga hakbang ng mag-iina papalayo sa kanila ng kanyang caregiver. Bitbit na ni Alia sa kanyang isang kamay ang isang braso ni Nero at karga naman nito si Helvy. Habang lumalayo ang distansya nilang mag-iina sa kanya ay nanatiling hawak pa rin
NAPASINGHAP SI ALIA sa kanyang narinig at maya-maya pa ay napahawak na ito sa kanyang dibdib. Dinamdam niya ang biglaang pag-iiba ng tono ni Jeremy gayong nagsasabi lang naman siya ng kanyang saloobin na kinasanayan na rin niya. Mula ng maging karelasyon ito ay natuto na siyang dumipende sa lalaki.
PAGKARAAN NG ILANG sandali ay muling itinuloy ni Alia ang pagmamaneho ng sasakyan. Banayad na ulit iyon. Kalmado na ang hagod ng mga kamay sa kanyang hawak na manibela. Plano niyang magtungo sa bayan ng Sariaya, na matatagpuan sa Quezon Province. Magaganda doon ang mga beach. Medyo malayo sa kabihas
NAGING PANATAG AT tahimik ang unang gabi nila sa beach. Maagang natulog ang mga bata marahil ay dahil sa pagod sa byahe at pagod sa paglalaro sa dalampasigan bago lumubog ang araw. Namulot sila ng mga seashells na ginawa nilang laruan habang nakasalampak sa sahig ng kanilang silid na inu-okupa. Main
AGAD NA TUMANGO si Yasmine na nangatal na ang buong katawan. Bakas sa mga mata nito ang takot. Hindi na ito makaalis sa kanyang kinatatayuan habang higit ang hinga. Tumatak sa murang isipan niya na medyo nakakatakot pala ang tinutukoy na Daddy ni Helvy ng kanyang kapatid na si Nero. Nanlilisik kasi
HINDI NAGLAON AY gumayak na rin sila matapos na kumain muna sa malapit na restaurant. Medyo pagod man sila sa biyahe ay hindi nila naging alintana iyon lalo na nina Alia at Oliver. Pagkagat ng dilim at nakita sa tracker na nakadaong na ang cruise ship ni Jeremy doon sa private port ay naghanda na an
BAGO TULUYANG UMALIS ng kanilang villa ay muli pang nagtungo si Alia sa silid ng anak na si Nero. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa anak na hindi man umiiyak ay batid ni Alia na oras mawala siya sa paningin nito, babagsak ang mga luha ng bata. Hindi na nagpaalam pa dito si Oliver. Kagaya
PAGKAMATAY NG TAWAG ay nakaramdam ng panghihina ng katawan si Alia kung jaya naman parang pinutol na puno na bumagsak ang katawan nito na kung hindi nasalo ni Oliver ay paniguradong agad na hahandusay ito sa sahig. Napasugod na ang ibang maid palapit sa kanya upang dumalo at tulungan si Oliver na ib
INIHANDA NA NI Oliver ang lahat ng kanilang mga kailangan at ang mga tauhan na kanilang isasama nang sa ganun ay agad ng makapunta kung nasaang lupalop naroon sina Jeremy upang mabawi si Helvy. Hindi nila ito pwedeng patagalin. Ilang beses na sinabihan ni Oliver ang asawang si Alia na hindi na nito
BUMUHOS NA ANG luha ni Alia na makailang beses na iniiling ang kanyang ulo na para bang hindi makapaniwala na nakuha ni Jeremy si Helvy. Litong-lito siya. Parang tatakasan na siya ng ulirat. Takot na takot siya para kay Helvy. Paano kung ito ang halayin ng demonyong lalaking iyon at gawin ang bagay
HININTAY NI HELVY ang magiging tugon ni Jeremy sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. Iba ang sinabi nito sa kanya na mas nagpagulo pa ng kanyang isipan. Ang kutob niya ay may mali at hindi niya gusto iyon.“You must eat now, Helvy, hmm? Kumain kang mabuti para mayroon kang lakas.”Pagkasabi noon ay
NANLALAKI NA ANG mga matang napabaling pa si Zayda sa mag-asawa na nakatingin pa rin sa kanyang banda. Lantad sa mga mata nina Oliver at Alia ang gulat sa mga mata ng babae na halatang wala ngang alam sa mga nangyayari. Ni ang tungkol sa bata ay parang wala itong alam. O baka isa lang iyon sa strate
NAPUTOL ANG PAG-UUSAP ng mag-asawa nang pumasok ang ilang armadong mga lalaki na kabilang sa mga tauhan ni Oliver sa sala ng villa. Bitbit nila si Leo. Pagkarating ay agad iniutos ni Oliver sa mga tauhan niya na damputin ito habang nagmamaneho siya ng sasakyan pauwi ng villa. Ito ang pangunahin niya