HUMINGA ANG SECRETARY ni Oliver nang malalim nang makita na maging sa pagtulog ay ang lungkot ng mukha ni Alia. Halatang hanggang sa pamamahinga nito ay dala niya ang dahas na nararansan niya sa piling ng asawa. Tinalikuran niya na si Alia makaraan ang ilang minuto upang magtungo na sa opisina ng am
SA HALIP NA tanggapin iyon ay dinuraan lang ito ni Victor. Kumalat ang kanyang laway doon na may kasamang dugo na agad namang kumapit sa atm card na nasa sahig at inihagis ni Oliver. Pilit na inangat niya ang mukha at naghahamong nakangising tiningnan niya ang mukha ni Oliver. Ipinakita niyang hindi
SA SOBRANG TUWA ay bumaha pa ang mga luha ni Oliver nang marinig iyon. Para siyang nakahinga nang maluwag. Hindi niya ma-explain kung anong pakiramdam iyon. Basta ang alam niya ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib na matagal ng nakabara. Nagpasalamat siya nang paulit-ulit sa doctor habang patuloy
BUMALIK SI ALIA sa pagiging simple niyang babae matapos ang insidente. Itinigil niya ang pag-aaral. Si Oliver mismo ang nagsabi noon na agad niya namang sinunod para sa kapakanan ng kanilang paparating na supling. Pinili na lang niya ang manatili sa villa. Kung noon ay parang naging madilim at nakak
HINDI MAKAPANIWALA SI Oliver nang makuha niya ang mga result na sinasabing siya ang ama ng bata, nangibabaw na naman kasi ang kanyang pagdududa na hindi niya magawang pigilan. Hindi siya kumbinsido na tugma iyon; na anak niya ang dinadala ng kanyang asawa dahil sa may involve na ibang lalaki. Kailan
PAGBALIK NI ALYSON galing ng banyo ay may naka-timpla ng paborito niyang tsaa ang secretary ni Oliver na para sa kanya. Hindi iyon pinansin ni Alyson at muling hinarap ulit ang secretary gamit ang seryoso niyang mga mata. Hindi siya papayag na hindi niya makuha ang gusto kung kaya siya pumunta doon.
NABURO NA ANG mga mata ni Oliver sa mukha ni Alia na sa mga sandaling iyon ay parang kasing-putla na ng blangkong papel. Kung tutuusin ay pabor na pabor nga iyon sa lalaki para kung sakaling may mabanggit man si Alyson na mga salitang hindi ni Alia pwedeng marinig ay hindi iyon makakaabot sa asawa,
MABILIS NA NAGDILIM ang paningin ni Oliver nang maalala na naman ang ginawa sa kanya ni Normandy noon nang marinig nito ang pangalan niya. Napansin iyon ni Alyson na hindi naniniwalang hindi totoo ang kanyang nalaman mula sa kapatid ng sinsabi nitong asawa ng kanyang kapatid.“Doon tayo sa office ko
BUMALIK SA LOOB ng silid si Oliver na parang walang nangyari. Inaantok na noon si Alia nang dahil sa ininom na gamot. Sa halip na mahiga sa tabi nito ay naupo lang si Oliver sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ng asawa. Ilang beses niyang masuyong hinaplos-haplos iyon. Hindi naman nakaligtas kay
PINANOOD NI OLIVER ang pag-alis ng kanyang secretary upang gawin ang ipinag-uutos niya. Matapos na humugot nang malalim na hininga ay muli siyang bumalik sa loob ng silid ng asawa na wala pa ‘ring pagbabago ang kalagayan. Nanatili itong nakahiga sa kanyang kama. Nanghihina at walang lakas na bumango
NAGPALIPAS MUNA NG ilang sandali si Oliver bago bumalik sa loob ng silid ng kanyang asawa. Tumayo si Manang Elsa na nakaupo malapit sa kama ni Alia nang makita niya ang pagpasok ng among lalaki. Hindi na niya pinansin ang pamamaga at pamumula ng mga mata ng lalaki na paniguradong nag-breakdown haban
TAHIMIK NA SINUNDAN ni Oliver ang nurse na magdadala sa kanya kung nasaan si Doctor Lim. Napaangat lang nang bahagya kay Oliver ang mukha ng doctor nang pumasok sila sa opisina nito. Agad din naman silang iniwan ng nurse. “Maupo ka Mr. Gadaza, kailangan natin mag-usap ng masinsinan.” Sinunod ni Ol
NASA KALAGITNAAN NG gabi nang magising si Alia. Malabo ang kanyang mga mata pero naaninag niya na may imahe na nakasubsob sa gilid niya. Sobrang sakit ng katawan niya na para bang binugbog siya ng sampung tao. Pakiramdam din niya ay wala siyang lakas ng naririra sa katawan. Naburo ang kanyang mga ma
SINALUBONG SI OLIVER ng tunog ng mahinang machine na nakakabit sa katawan ng kanyang asawa at ng amoy ng gamot na sumasama sa hangin na umiikot lang sa air condition na silid na iyon. Habang papalapit sa kama ng kanyang asawa ay nanlabo na ang mga mata ng lalaki habang kumakalabog sa sakit ang kanya
UMIGTING NA ANG panga ni Oliver sa tahasang pagbibintang na ginagawa sa kanya ng kapatid. Hindi na niya gusto ang tabas ng dila nito na para bang nais niya ang mga kamalasang nangyayari na iyon sa kanyang pamilya.“Olivia, pwede ba? Hindi mo ba nakikitang problemado na ako? Huwag mo na sanang dagdag
NABITAWAN NI OLIVER ang hawak niyang box ng cake at bouquet ng bulaklak na bumagsak sa may kanyang paanan, nang makita na kasabay ng pag-on ng knayang cellphone ay sunod-sunod na tumunog iyon sa dagsa ng kaniyang notification galing sa kapatid, sa bayaw, sa secretary niyang si Carolyn at kay Manang
HUMAHANGOS NA DUMATING si Alyson sa hospital mula sa airport nang malaman niyang dinala ng asawa doon ang hipag. Hindi niya pa alam ang buong detalye dahil hindi iyon sinabi ni Geoff. Aniya, pagdating na lang nito saka ipapaliwanag kung ano ang tunay na nangyayari sa dati niyang secretary. Putlang-p