LUBOS NA NAIINTINDIHAN ni Alyson kung bakit siya tahasang itinatanggi ni Mrs. Maceda. Ang nakalagay kasi sa invitation ay ang president ng Creative Crafters at hindi naman personal na pangalan niya. Gumaan ang pakiramdam ni Alyson sa isiping iyon. Wala namang kasalanan ang Ginang kung kaya naman wal
ILANG KALABIT PA at mag-uumalpas na ang galit ni Alyson. Gamitin ba naman ang iyong sariling yate ng ibang tao, hindi ka magagalit? Doon pa lang ay halos sumabog na siya, paano pa kaya iyong malaman niyang inaangkin din iyon ng iba? Hindi lang basta ibang tao kundi ang mortal niya pang kaaway ang gu
ILANG BESES IBINUKA ni Loraine ang kanyang bibig upang mangatwiran ngunit walang lumabas doon kahit na isang salita. Sa lahat ng katanungan ni Alyson ay wala siyang kahit na isang anumang idea. Literal na hindi niya alam ang sagot. Blangko. Paano niya naman malalaman ito? Nang hiniram niya ang yate
NANG NASA PALAD na ni Loraine ang cellphone ay mabilis siyang nag-dial doon ng number ng caretaker nitong si Luisito na kanyang pinsan ‘ding buo. Nang sagutin iyon ng lalaki ay parang kung sinong inutusan ni Loraine itong lumabas at magpakita sa kanya ora-mismo. Kinabahan naman na agad doon ang pins
HALOS MAUBUSAN NG hininga sa baga si Luisito na hindi na mapigilan ang malakas na pagtawa sa narinig. Hindi makapaniwalang harapang inuutusan siya ng babaeng ni pangalan ay hindi niya kilala.“Ano ba ang mga sinasabi mo at inaakala mo ha?” anitong malapad pang ngumisi na nagpakulo na ng dugo ni Alys
NANG SANDALING IYON ay lumabas na si Captain Calwin kasunod nito ang ibang mga crew members ng yate. Sa bandang likod nito ay naroon si Alyson na taas ang noong naglalakad ngunit hindi na lumapit sa direksyong tinutumbok ng kapitan. Sinalubong siya ng naguguluhang si Rowan. “Anong nangyari sa loob,
SA PAGPAPATULOY NG party ay hindi nawawala ang mga komosyon tungkol sa mga pangunahing nangyari kanina. Iyong tipong kahit wala na doon si Loraine sa lugar ay siya pa rin ang kanilang walang sawang pinag-uusapan. Hindi sila maka-move on sa gulong ginawa nito kanina na hindi pa man nag-uumpisa ang pa
HINDI NA DOON makahuma ang natitigilang si Mrs. Maceda na hindi na alam kung ano ang sasabihin kay Alyson na siyang may-ari ng yate. Titig na titig na ang mga mata niya sa kaharap na babae. Bago pa ito makapagbigay ng reaction ay nagawa ng matawag ni Alyson ang kapitan ng barko na nasa paligid pa ri
NAGPALIPAS MUNA NG ilang sandali si Oliver bago bumalik sa loob ng silid ng kanyang asawa. Tumayo si Manang Elsa na nakaupo malapit sa kama ni Alia nang makita niya ang pagpasok ng among lalaki. Hindi na niya pinansin ang pamamaga at pamumula ng mga mata ng lalaki na paniguradong nag-breakdown haban
TAHIMIK NA SINUNDAN ni Oliver ang nurse na magdadala sa kanya kung nasaan si Doctor Lim. Napaangat lang nang bahagya kay Oliver ang mukha ng doctor nang pumasok sila sa opisina nito. Agad din naman silang iniwan ng nurse. “Maupo ka Mr. Gadaza, kailangan natin mag-usap ng masinsinan.” Sinunod ni Ol
NASA KALAGITNAAN NG gabi nang magising si Alia. Malabo ang kanyang mga mata pero naaninag niya na may imahe na nakasubsob sa gilid niya. Sobrang sakit ng katawan niya na para bang binugbog siya ng sampung tao. Pakiramdam din niya ay wala siyang lakas ng naririra sa katawan. Naburo ang kanyang mga ma
SINALUBONG SI OLIVER ng tunog ng mahinang machine na nakakabit sa katawan ng kanyang asawa at ng amoy ng gamot na sumasama sa hangin na umiikot lang sa air condition na silid na iyon. Habang papalapit sa kama ng kanyang asawa ay nanlabo na ang mga mata ng lalaki habang kumakalabog sa sakit ang kanya
UMIGTING NA ANG panga ni Oliver sa tahasang pagbibintang na ginagawa sa kanya ng kapatid. Hindi na niya gusto ang tabas ng dila nito na para bang nais niya ang mga kamalasang nangyayari na iyon sa kanyang pamilya.“Olivia, pwede ba? Hindi mo ba nakikitang problemado na ako? Huwag mo na sanang dagdag
NABITAWAN NI OLIVER ang hawak niyang box ng cake at bouquet ng bulaklak na bumagsak sa may kanyang paanan, nang makita na kasabay ng pag-on ng knayang cellphone ay sunod-sunod na tumunog iyon sa dagsa ng kaniyang notification galing sa kapatid, sa bayaw, sa secretary niyang si Carolyn at kay Manang
HUMAHANGOS NA DUMATING si Alyson sa hospital mula sa airport nang malaman niyang dinala ng asawa doon ang hipag. Hindi niya pa alam ang buong detalye dahil hindi iyon sinabi ni Geoff. Aniya, pagdating na lang nito saka ipapaliwanag kung ano ang tunay na nangyayari sa dati niyang secretary. Putlang-p
MAGANDA ANG SIKAT ng araw noon kung kaya naman nasa bakuran ang mag-inang sina Alia at Nero. Parang lantang halaman ang hitsura noon ni Alia ngunit nagawa niya pang ngumiti kay Manang Elsa at saka marahang tumango sa kanyang anak kahit na masama ang timpla ng kanyang katawan. Kanina pa sila doon mab
TANGHALI NG ARAW ‘ding iyon ay lumabas ang result ng check up ni Alia. Gulat na gulat ang doctor nang mabasa ang findings niya lalo pa at nakita niyang tila kalmado lang ang pasyente. Tinanggal pa nito ang kanyang suot na salamin ng ilang sesgundo bago muling isinuot iyon at hinarap na si Alia na ka