ISANG ORAS ANG NAGING overtime ni Alyson. Siya na ang pinakahuling employee na umalis ng office. Alam 'yun ni Kevin. Ito pa ang nagsabi na kahit hindi siya mag-overtime ay ayos lang. Sinabi niya naman dito na isang oras lang at kinabukasan n niya tatapusin. Matapos patayin ni Alyson ang kaharap na c
NASA DINING TABLE na si Alyson nang dumating ng bahay si Geoff. Sa halip na magbihis ay doon na dumeretso ang lalake. Nakahain na sa mesa ang mga pagkain nila. Mababakas ang inip sa mukh ni Alyson at ang labis na pagkatakam sa pagkain. "Pasensiya na, medyo traffic kasi." ani Geoff. Itinaas na ang
BAHAGYANG NAPAATRAS si Alyson nang walang pakundangan siyang itulak papalayo ni Roxan. Buti na lang ay hindi 'yun pwersado kaya hindi siya nito nagawang matumba. May takot pa rin naman si Roxan na gawin 'yun kay Alyson dahil baka mamali ang bagsak ng katawan ng babae."Hindi nga sabi ako!" esknadalo
MAKAILANG BESES PINAG-ISIPANG mabuti ni Alyson kung sasabihin niya pa ba kay Kevin ang laman ng saloobin, gayong sa palagay naman niya ay alam na ng kaibigan kung sino ang salaring hinahanap masusing hinahanap nila kanina. Sa bandang huli ay pinili pa rin niya ang magsalita."Kevin, sure ka ba talag
SWERTENG NAKAKUHA KAAGAD si Alyson ng taxi upang umuwi ng bahay. Kailangan niyang magpalit ng damit. Hindi lang 'yun, naroon din ang card niya na kailangan sa club. Hindi rin siya nagtagal doon. Ilang beses niyang sinipat ang suot na fitted na damit habang pababa ng hagdan. Kulay light blue 'yun, cr
NAGKUNWARING NAGULAT si Roxan sa sinabi ng guard na animo ay nakalimutan niya ang protocol sa club. Napatakip pa kuno ito sa kanyang bibig. "Kahit saglit lang? May titingnan lang kami sa loob. Hindi rin kami magtatagal." "Hindi po talaga pwede, Miss. Rules is rules. Walang exemption maliban kung a
SAPILITANG INILAGAY ni Roxan sa palad ni Alyson ang white card n'ya. Kailangan niya itong pilitin."Ang company na lang ni Sir ang isipin mo. Kung hindi ka kasi tanga na nagse-send ng di pa tapos na draft, wala sana tayo dito ngayon. Di ba?" Pwersahang hinablot ni Alyson ang isang palad ni Roxan at
NAGULUMIHANAN ANG mga guard sa sinabi ni Roxan. Kanina ay pinagpipilitan nitong ipahiram ang card niya, tapos ngayon namang may card pala ang kasama nitong babae ay taliwas na doon ang nais niyang mangyari."Worried lang naman ho ako sa inyo, Manong. What if mahuli kayo ng management? Kayo rin ang m