HALOS isang oras pa ang ginugol ni Geoff sa apartment ni Loraine bago niya ito tuluyang napatigil umiyak. Katakot-takot na pakiusap pa ang ginawa niya para lang kumalma ito. "Gusto mo bang sa apartment ko matulog mamaya?"Umiling si Loraine. "Ayoko. Ikaw ang matulog dito.""Sige Babe, kukuha lang
HINDI mapigilang mapaawang ng bibig ni Geoff nang marinig iyon. Matagal na panahon na rin noong huli siyang makatikim ng luto ni Alyson. Isang buwan na rin iyon. Puro siya bili o sa labas na lang kumakain. Noong huli ay noong mag-dinner sila sa ancestral mansion ng mga Carreon pero iba ang lasa ng g
PASIMPLENG pinalis ni Alyson ang ilang butil ng luhang pumatak nang hindi niya namamalayan. Pagtingin niya kay Geoff ay tapos na itong kumain. Puro tinik na ang isang piraso ng isda na nasa plato niya."Ang sabi ko, salamat."Tumungo si Alyson. Ang babaw ng emosyon niya. Sa simpleng salamat ay para
PINAGPAWISAN na ng malamig ang buong katawan ni Alyson. Kanina pa siya doon nakatayo. Halos isang dipa lang ang layo niya sa kama ni Geoff. Ilang segundo na ang nakakalipas matapos siyang papasukin ni Geoff sa loob. Kanina pagbalik nila, nauna na itong pumasok ng silid at after ng ilang minuto bago
KAAGAD nanlambot ang mga tuhod doon ni Alyson. Kung hindi lang siya humawak sa balikat ni Geoff ay paniguradong parang itinumbang kahoy siyang bumulagta sa sahig. Isinara ni Alyson ang kanyang mga mata nang simulan ni Geoff halikan ang puno ng tainga niya. Dumaloy na ang bolta-boltaheng kuryente sa
HUSTONG labas ni Alyson ng VIP room upang magtungo sa restroom ay siya namang pasok ng grupo nina Xandria. Marami itong kasama na hindi familiar ang mukha kay Alyson. "Alyson?!" hindi makapaniwalang tawag niya sa pangalan ng babae. Gulat na gulat si Xandria nang makita ito dito. Ang buong akala ni
MAKAHULUGANG nagkatinginan si Vito at Xandria sa huling tinuran ni Alyson. Halatang hindi na nila gusto ang naging tabas ng dila ni Alyson. "Hoy Alyson, huwag ka na ngang choosy. Hindi mo yata alam kung gaano kagalante at kayaman niyang si Vito. Baka magbuhay prinsesa ka pa o Donya oras na pagbigya
ILANG sandaling naglaban ng tingin si Xandria at Alyson. Maya-maya ay mapang-amok ng ngumiti si Xandria. "Sa tingin mo tutulungan ka ni Kuya?Sigurado akong kahit makita ka niya ay papanoorin ka lang niya. Alam mo kung bakit? Dahil wala ka namang silbi sa kanya. Mula pa lang sa simula ay si Loraine
NAGING VIRAL ANG mga nangyari noon sa kanila ni Oliver sa Paris kaya naman malamang ay alam nito na may asawa na siya. Imposibleng hindi niya iyon malaman dahil active din ang lalaki sa social media account gaya ng kaibigan nitong si Geoff. Iyon ang pagkakaalam ni Alia na ngayo na lang din niya kusa
HINDI NA ROON makapagsalita si Alia na tila ba naumid ang kanyang dila sa loob ng bibig. Biglang naisip na nakalimutan na yata ni Alyson ang mga nangyari sa nakaraan nila, na hindi sana mawawala ang mga magulang ni Helvy kung hindi nang dahil sa kagagawan ng kapatid nitong si Oliver. Naburo pa ang m
TOTOONG NATAWA NA si Alia sa reklamo ni Alyson. Gumapang pa ang inggit sa puso niya sa mga sandaling iyon. Sila kaya? Siguro kung hindi naging mapanakit si Oliver sa kanya o kung hindi siya sumuko at muli itong pinatawad at nagpakatanga siya, baka nadagdagan na rin ang mga supling nila. Sila Alyson
PINAG-ISIPAN NI ALIA kung babanggitin niya pa ba kay Alyson ang tungkol sa paglalakad niya ng mga kailangang documents pero sa huli ay inilihim na lang niya iyon. Ang weird naman kung ipapaalam niya pa iyon sa hipag. Parang wala siyang respesto. Baka isipin nito na gusto niyang malaman ni Oliver na
ILANG BESES NIYANG sinubukang kontakin ang secretary ni Alyson upang ipaalam sa dating hipag ang sadya niyang pakikipagkita upang mapag-usapan ang sadya ni Nero sa kanyang ama, ngunit nasa meeting daw ang amo nito kung kaya naman nabago ang kanyang naunang plano. Sasabihin na lang daw nito umano na
HINDI MAAMPAT AY sunod-sunod na nahulog ang mga luha ni Alia pababa ng kanyang magkabilang pisngi na para bang sobrang apektado siya mga pinagsasabi sa sulat ng dati niyang asawa. Wala naman itong sinabing pinagbabantaan siya o ang anak na kukunin sa kanya pero umaapaw naman ang emosyon niya nang da
SA MGA SANDALING iyon naman, sa veranda ng silid ni Oliver sa mansion ng mga Gadaza ay tahimik na nakaupo ang lalaki sa kanyang wheelchair habang nakatingala sa kalangitan. Dinadama niya ang lamig ng hangin. Masaya niyang binabalikan sa kanyang isipan ang ilang araw na nakasama niya ang kanyang anak
BAGO PA MAGAWA ni Alia na makapag-react ay mabilis ng tumakbo si Nero paalis sa kanyang harapan, papasok ng kwarto habang malakas na pumapalahaw ng iyak. Parang may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib nang marinig ang atungal ng anak. Ngayon niya lang narinig na umiyak ito sa usapan tungkol sa kany
KAPWA NAPILITANG TUMANGO ang dalawang bata na may blangko pa ‘ring mukha kung sino ang kausap nila ngayon.“Heto, ipinapabigay ni Mr. Mustache ito sa inyong dalawa.” lahad nito ng isang maliit at malaking envelope na ilang segundong tinitigan lang ni Nero, napuno ng pag-aalinlangan ang mata niya kun