CHAPTER 87:_"Dito na lang po ako Kuya sa tabi na lang po!" Handa na sana siyang bumaba matapos iabot ang bayad sa taxi driver ng bigla niyang maalala na wala siyang masasakyan pabalik."Ah' Kuya p'wede bang pahintay na ako sandali magtatanong lang po ako sa loob. Magdadagdag na lang po ako ng bayad.""Sige po ma'am kayo po ang bahala, nandito lang po ako!""Okay sandali lang..." Agad na siyang tumalikod at lumapit sa may gate...Wala kasi siyang nakikitang dumaraan na pampasaherong sasakyan maliban sa taxi cab at private vehicles. P'wede naman sana siyang tumawag ng service cab o kaya ay sa Grab. Ang problema wala siyang cellphone. Kanina pa niya napansin sa Bus pa lang na wala ito sa kanyang bag. Siguro kung saan niya ito naibaba, habang kausap niya ang nurse kanina. Dahil sa pagmamadali hindi na niya ito nagawang damputin. Hindi na nga niya maalala kung saan ba niya ito nailagay. Pero hawak niya ito kanina, sayang iyon pa naman ang cellphone na bigay ni Joaquin sa kanya noong
CHAPTER 88:_Halos mag-aalas dose na ng gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Amanda. Hindi pa rin siya makatulog at walang tigil sa pag-iyak mula pa kanina.Narito siya ngayon sa isang transient house. Dito muna siya mananatili ng pansamantala. Habang naghihintay siya ng lead kung paano niya makikita si Amara. Medyo may kamahalan ang upa para sa isang Linggo pananatili niya dito. Pero okay lang, hindi naman iisipin ng mga Alquiza na dito siya pupunta. Mahal din naman kung sa Hotel siya tutuloy. Puro loaded naman ang mga apartment, may nakita siyang isang bed space compound pero hindi naman niya nagustuhan.Saka ang mahalaga ito ang pinaka malapit sa Village. Para madali siyang makakapunta doon ano mang oras. Malaki rin ang nagastos niya bumili rin kasi siya ng mga gamit at ilang piraso ng damit at iba pang mga kailangan niya.Mabuti na lang pala at nabitbit niya ang kanyang bag kanina. Kung hindi daig pa niya ang sumugod sa giyera na wala man lang dalang armas. Hindi naman
CHAPTER 89:_JOSEPHNarito sila ngayon sa bahay ng mga Ramirez na narito rin sa Alabang. Dito na sila namalagi sa nagdaang magdamag. Kasama niya si Joaquin at ang mga pinsang si Joshua at Arvin. Habang si Liandro at Dr. Darren ay bumalik na ng Batangas. Dahil kahapon pa sila narito at patuloy na naghahanap kay Angela.Kahapon kasi nalaman nila na narito sa Maynila si Angela. Dahil nalaman rin nilang ibinenta nito ang bag nitong dala. Madali lang naman nilang natunton ang pinagbentahan nito ng bag sa online. Alam nila na walang dalang pera si Angela at mangangailangan ito ng panggastos. Ngunit kung nasa maayos na isip pa rin ito tiyak na alam nito kung ano ang dapat gawin. Ayon sa salaysay ng nurse na huling nakausap ni Angela noong manggaling ito sa Ospital. Maayos itong makipag-usap at nasa tamang pag-iisip at normal mag-isip.Kaya't naisip ni Joaquin na kung hindi ito gagamit ng pera sa sarili nitong account. Maaaring wala itong pagpipilian kun'di ang magbenta ng gamit niton
CHAPTER 90: _ Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin silang nakukuhang malinaw na paraan kung saan nila makikita si Angela o Amanda? Ngunit kahit paano unti-unti na rin niyang natatanggap sa sarili, na ito na mismo ang nagdesisyon na lumayo. Lalo na nitong huli na nalaman nila na nagwithdraw pala ito ng malaking halaga sa bangko sa sarili nitong account. Ngunit hindi na nila nagawa pang alamin kung saan dinala o ginamit nito ang pera. Dahil na rin sa confidential protocol na pinangangalagaan ng Bangko. Bukod pa sa wala naman silang karapatan na panghimasukan ito. Dahil sarili talaga nitong pera ang ginalaw nito mula sa sarili nitong kita. Hindi naman nito pinakialaman ang account o pera ng pamilya o kahit ang kinikita nito mula sa negosyo nito sa Bake shop man o sa Resort na ito mismo ang may hawak ng control. Tanging ang personal nitong ipon ang kinuha nito. Being fair is enough and a good behavior. But sometimes it is also a good way to be careful and avoid someth
CHAPTER 91:_Matagal na panahon na rin ng huli siyang makatuntong ng Santa Barbara, ganu'n din dito sa Barrio. Marami na rin siyang nakalimutang mga bagay. Ngunit ngayong narito na siya ulit, unti-unti nang bumabalik ang mga alaala. "Tatay Kanor!" Wala na itong nagawa ng bigla na lang niya itong yakapin. Habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak."Sandali ineng huminahon ka, sino ka ba bakit mo ako kilala?"Nalilitong wika nito..."Tatay Kanor hindi n'yo na ba ako nakikilala? Ako po ito!" Inayos niya ang pagkaalis ng pandong sa ulo at hinayaan itong nakababa sa kanyang batok at balikat. Matamang pinagmasdan naman siya ni Nicanor. Napamulagat ito ng unti-unti siya nitong makilala."Mahabaging Diyos! Ikaw ba 'yan Amanda, anak?!" Naging alerto ang kilos nito makalipas lang ang ilang segundo matapos s'yang makilala. Agad nitong hinawakan ang kanyang pandong at walang paalam na itinaas nitong muli sa kanyang ulo. Saglit na lumingon pa ito sa paligid at saka siya inakbayan matapos
CHAPTER 92:_ALQUIZA RESIDENTAlmost 3 months na ang nakalipas magmula ng umalis si Angela. Pero ipinatigil na niya ang paghahanap dito. Magmula ng malaman niya ang totoong dahilan kung bakit ito umalis. Kung bakit sila iniwan nito ng walang paalam.Bakit pa niya ito hahanapin kung magmumukha lang naman siyang tanga? Kusa itong umalis at sinadya sila nitong iwan. Kaya bakit pa niya ito pag-aaksayahan ng panahon?Kalokohan na isipin pa niya ang kalagayan nito. Baka nga masaya na ito kasama ang lalaking iyon."Put***ina nila magpakasaya sila hangga't gusto nila! I don't care, I don't really care. Magsama sila wala akong pakialam!"Sigaw ng isip niya sabay bato ng malakas sa boteng hawak niya. Tuloy tuloy itong tumama sa ding ding at nabasag. Ilang gamit na rin ang nasira at nabasag niya. Dahil sa ilang araw na rin siyang nagwawala. Walang sino man ang makapigil sa kanya kahit ang kanyang Papa. Kaya hinayaan na lang siya ng mga itong magmukmok sa kanyang kwarto. Naging ilag tuloy a
CHAPTER 93:_Kanina pa namimitig ang mga binti niya sa pagkakatayo. Hindi rin siya mapakali, habang tumatagal kasi napupuno rin siya ng tensyon. Ngunit handa niyang tiisin ang lahat, maisakatuparan lang niya ang binabalak. Narito na siya ngayon kaya't wala nang urungan ito! Hindi dapat na masira ang kanyang plano. Hindi p'wede, kahit pa sa kabila ng presensya ng lalaking estranghero. Hindi naman siguro siya makikilala ng hinayupak na ito. Bulong pa niya sa sarili.Dahil bukod sa pandong na gamit niya suot din niya ang isang malaking sobrero na yari sa buli. Kagaya rin nang suot ng iba pang naroon.Kung bakit kailangan pa niyang magkunwaring nakikinig upang mas maging kapani-paniwala na isa s'ya sa trabahador. Napansin din niyang nakatingin sa kanya ang Gavin na iyon. Kaya't hindi siya maaaring magpahalata. Dahil masisira talaga ang plano niya. Alam rin niyang hindi siya sasantuhin ng mga tauhan ni Anselmo.Baka mauna pa siyang ilabas ng bangkay dito. Yun ang hindi niya hahayaang
CHAPTER 94:__Nanginig at natulala na lang bigla si Amanda ng pasubsob na bumagsak sa kanyang harapan ang duguan at wala ng buhay na katawan ng tauhan ni Anselmo.Parang kanina lang halos masuka siya at pilit tiniis ang nakakadiri at walang habas na paghalik nito sa kanya habang tinangka nitong siya ay halayin. Hindi rin naiwasan ang pagtalsik ng dugo nito sa kanyang mukha, kaya muli malakas siyang napatili sa sobrang gulat at takot.Awtomatikong nasundan rin niya ng tingin ang bumaril sa lalaki...."G-Gavin?" Bahagya na lang narinig ang tunog ng kanyang boses.Due in mixed of fears and shocked, she become fainted and lost of consciousness."Oh' shit! Ang hina naman pala ng loob ng babaing ito. Ang lakas ng loob na pumarito at magbalak na maghiganti, eh' himatayin naman pala... Hindi na naisip na, ano ba ang magagawa ng kuting sa isang Leon?" Bubulong bulong na wika ni Gavin. Habang maingat na binubuhat palayo si Amanda sa kasamang lalaki. Gamit ang panyo mabilis niyang pinunasan